AGAD nabaling ang pansin ni Varun sa pinto ng elevator nang kusang bumukas iyon. Isinilid na niya ang kaniyang aparato matapos siyang makipag-usap sa taong inatasan niyang mag-imbestiga. Ilang hakbang pa ang ginawa niya bago tuluyang sapitin ng paa niya ang bukana ng kaniyang private office. Napabaling siya sa wall clock na nasa gilidang bahagi ng hallway, alas-siyete pa lang naman. Kahit kailan ay 'di pa siya naatraso sa oras ng pagpasok.
Bagama't siya ang boss ay hindi iyon valid reason para hindi siya pumasok sa takdang-oras. Ini-implement niya iyon na kahit na sino ay hindi magkakaroon ng eksempsyon sa mga panuntunan niya sa kaniyang establisyemento. Kahit na sino . . . kahit na siya. May karampatang parusa ang magiging pasaway sa kaniyang kumpanya.
Pagkatapos niyang I-swipe ang kaniyang ID card at ilagay ang kaniyang thumbmark para sa finger print at i-scan ang kaniyang mga mata ay tuluyan na siyang nakapasok sa loob. Pinindot na niya ang intercom para sa kaniyang secretary. May mangilan-ngilan siyang ibinilin dito na mga importanteng bagay para sa araw na iyon. Makaraan ang ilang sandali ay nakarinig na siya ng mahinang katok sa may pinto.
"Come in," bigkas niya.
Agad pumasok si Mrs. Francia tangan ang umuusok pang tasa na may lamang mainit na kape. Nginitian siya nito na sinagot niya lamang ng pagtango. Agad nitong inilapag ang kape sa lamesa. Nakita pa niyang may inilapag din itong isang hiwa ng sandwich.
"Magandang umaga, Varun, ginawan na kita ng sandwich. Baka hindi ka na naman kasi nag-agahan," paliwanag ng babae. Marahil ay napansin ni Mrs. Francia ang pagdako ng tingin niya sa sandwich.
Bagamat, man of few words si Varun ay isa ito sa nakakaalam ng kung anong klase siya ng tao. Alam nitong sa bawat nagiging desisyon at klase ng ginagawang pamamalakad ng binata sa kumpaniya nito'y naroon lamang sa binata ang labis na pag-iingat na makagawa ito ng maling desisyon dahil ayaw na nitong maulit ang nangyari noon.
"Thank you po pero hindi niyo na kailangan gawin ito," maiksing paliwanag ni Varun.
"It's okay. Besides, kayang-kaya ko naman gawin." Tumango na lamang ang binata saka agad ng lumabas ang ginang.
Inumpisahan nang asikasuhin ni Varun ang mga folders na kasalukuyang nakatambak sa kaniyang lamesa. Isa na roon ang mga folders ng mga may edad na rin na nagtatrabaho sa kumpaniya nito. Actually katatapos niya lang asikasuhin ang business niya na nasa Texas. Maayos naman niyang naisarado ang deal niya sa isang kumpanya roon. Sa mga susunod na Buwan ay magkakaroon ng expanksyon ng kaniyang kumpanya sa isang malaking korpurasyon roon. Kung saan tuluyang magmemerge ang dalawa. Matagal din niyang pinag-laanan ng oras iyon. Kaya sa mga nakalipas na buwan ay halos wala na siyang oras sa iba pa niyang kumpanya.
Katatapos niya lang roon at agad na siyang nagpabook ng flight. Kauuwi niya lang kagabi at ramdam niyang may jetlag pa siya. Ngunit kahit pagod ay kailangan na niyang matapos iyon. Ipapasa pa kasi iyon sa ibang sektor, bago maaprubahan. Bagamat nasanay siya dati sa mga illegal na kontraktuwal ay unti-unti na niya iyon iniiba.
Muli ay nabaling ang pansin niya ng marinig niya ang tinig ni Mrs. Francia sa intercom. Patuloy lang siya sa ginagawa ng makarinig siya ng marahang katok kasabay ng pagbukas at pagsarado ng kaniyang pinto.
Agad siyang napatayo nang makita niyang ang kaibigang si Gabriel na isang Detective. Kababata niya ito sa Bayan ng San Salvation at matagal din silang hindi nagkaroon ng kumonikasyon dahil sa isang kilalang kumpanya sa America ito nagtatratrabaho. Pero dahil sa social media ay nagkaroon sila ng chance para makipag-ugnayan ulit.
"Kamusta, Varun? Mukhang busy ka?" tanong nito sa kaibigan matapos itong makipagkamay sa binata.
"Hindi naman. In fact kanina pa kita hinihintay, pare," sagot naman ng binata matapos nitong imuwestra sa kababata ang upuan na nasa harapan ng lamesa niya. Pinagsalikop ng binata ang mga kamay sa kaniyang lamesa saka marahan niyang pinagdadampot ang mga litrato na inilatag ng kaibigan.
Napangiti siya. Hindi nga talaga siya nagkamaling ito ang kuhaning tao para imbestigahan ang mga taong nagpahirap sa kaniya. Wala pang isang buwan ay mabilis na nitong nakalap ang mga impormasyon na hinihingi niya.
Isa-isa niyang pinagtitignan ang mga litratong nasa harapan hanggang sa napako ang mga mata niya sa kuha ng isang babae. Tila nangislap ang mga mata niya habang nakatunghay sa napakagandang mukha nito.
"Ano ang plano mo, Varun?" tanong ni Gabriel dito matapos ng mahabang sandali.
Nag-alis muna ng bara sa lalamunan si Varun bago muling binalingan ang kaibigan. Isang buntong-hininga ang ginawa niya kasabay ng pagtayo niya at paglakad palapit sa glass wall niya na nasa likurang bahagi ng kaniyang kinauupuan.
Nanatili lamang siyang nakatanaw sa labas kung saan kitang-kita niya ang patuloy na daloy ng mabigat na traffic sa ibaba.
"Like some old time, Gab, paiikot-ikutin ko muna sila. Hahayaan ko muna silang isipin nila na naayon sa kanila ang gusto nilang mangyari. Make them believe are better, kaysa madaliin. Just continue to find some stuff so that when the right time comes we will use that as a strong evidence. . ." malamig niyang dikta sa kausap.
Mariin niyang naikuyom ang kamao nang sa pamamagitan niyon ay mailabas man lang niya ang namuong galit sa dibdib niya na matagal nang namamahay sa kaniyang kaloob-looban.