Chereads / Unravel Me TAGALOG(PREVIEW ONLY) / Chapter 6 - CHAPTER FOUR

Chapter 6 - CHAPTER FOUR

NAPASULYAP si Varun nang makarinig siya ng marahang katok mula sa pintuan. Isang pamilyar na mukha ang sumungaw roon, kalakip niyon ang nakapaskil na sedaktibong ngiti. Walang patumanging naglakad ito papasok sa kaniyang opisina, hindi alintana ang pagsunod ng kaniyang sekretarya rito.

"Sorry, Sir, sinabi kong may kasalukuyan kayong kinakausap dito sa loob ng opisina pero pinagpilitan pa rin po niyang pumasok," agad na eksplika nito.

"It's okay, Mrs. Francia," maiksi naman niyang tugon dito.

"Sige, mauna na ako, pre. May dadaanan pa ako. I'll call you later kapag may bagong update ulit," makahulugang saad nito, maiksi lamang na sinulyapan ng binatang detective ang babae. Nagpalitan lamang ng ngiti ang dalawa.

Matapos maisarado ni Gabriel ang pinto ay agad nang naupo sa upuan ito. Isang matipid na ngiti ang iginawad ni Varun sa labi. 

"Ano na naman bang kailangan mo, Camella? Hindi ba't kasasabi ko lamang noong isang linggo na ako mismo ang pupunta sa condo mo?" pag-uumpisa niya.

"Ano ka ba, Varun? Parang hindi ka na nasanay. I just miss you, Babe. Maano naman kung paminsan-minsan ay pasyalan kita dito sa kumpanya mo," maarteng saad nito.

"It's not like that, I just want to. . ." ngunit 'di pa niya natatapos ang sasabihin ay muli na namang nagsalita si Camella.

"Oh, no, no. Parang sa tono ng boses mo'y ayaw mong nagpunta ako rito. Why, Varun? May magagalit ba?" may lakip na selos ang tinig ng babae.

Isang buntong-hininga ang ginawa niya. Sa totoo lang ay marami pa siyang tatapusin ngayong araw para sa magiging presentation bukas sa meeting. Ngunit dahil sa presensiya nito'y maaantala ang ginagawa niya. Napakislot ang braso niya nang maramdaman niya ang paghawak ni Camella roon. Hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kaniya. 

Napatutok ang paningin niya sa mukha nitong puno ng kolorete. Bagamat nasa late thirties na ang edad nito'y napanatili pa rin nito ang angkin nitong kariktan. Ngunit hindi na katulad dati. Tila wala nang ka amor-amor sa binata ang nakikita. Sa napakabatang edad ay deborsyado na si Camella. Paano ba naman? Literal na sugarol ang napangasawa nito. Ayon na rin sa source niya'y nagkandalugi-lugi rin ang negosyo ng napangasawa nito.

"Please, Varun, I want to make up some things between us. So give me a chance. I'll promise I will not let you go now," pagsusumamo ni Camella rito.

Nanatili lamang ng ilang segundo ang pansin niya rito. "I'm sorry, Camella, but I have a lot of things to do and I have to finish important matters today. So if you don't mind, you can leave my office now," malamig niyang utos dito.

"Is that so? Babalik na lang ako sa ibang araw. I hope you will take me out then," maharot na anas nito kasabay ng mapanukso at bahagyang pagdampi ng halik sa sulok ng labi niya.

Matagal nang nakaalis si Camella habang patuloy pa rin siya sa pagbabasa ng mga dokumento nang muling gumitaw sa alaala niya ang tagpong naganap kanina. Hindi niya akalaing aayon sa kaniya ang matagal nang plinaplano. Ang planong magpapabagsak sa mga Juan . . .

MATAMAN pa rin ang ginawang pagbabasa ng mga credentials ni Varun ng mga empleyadong nag-aapply sa kaniyang kumpanya. Mag-a-alasingko na ng hapon. Tatlo na lang ang natitira sa final interview na siyang isinasagawa niya mismo sa kaniyang opisina. Ilan na rin ang napipili ng binata. 

Karamihan sa mga nag-apply ay gustong maging secretary niya. Sa mga susunod na buwan ay magli-leave na ng resignation letter si Mrs. Francia. Magma-migrate na kasi ito sa America kasama ang buong pamilya nito. Wala namang kaso iyon sa kaniya ngunit nangangailangan siya ng ipapalit rito.

Agad na niyang pinindot ang button para sa intercom upang tawagin ang huling aplikante. Minamadali na niya ang pagtatanong sa dalawang huling aplikante dahil halos alas singko y media na rin. 

Ngunit ang mga salitang nasa labi na niya'y biglang nabitin nang maliwanag na niyang nabasa ang buong pangalan nito. Nanatili lamang siyang nakatanaw sa labas habang nakaupo sa kaniyang swivel chair. Dinig niya ang marahang pagkatok nito at ang pagbukas at pagsarado ulit ng pinto. Maski ang malakas na tambol ng kaniyang puso ay nangingibabaw rin.

"Good Afternoon, sir," malamyos na tinig ang namutawi dito.

Bahagya pang napapikit si Varun at tila ninanamnam nito ang mga salitang napakinggan niya rito. Nag-alis muna siya ng bara bago niya iniikot ang upuan.

Sa una'y tila slow motion ang naganap. Agad ang pagtatak ng magandang mukha ng dalaga sa binata. Na kahit madaming taon na ang lumipas na hindi na niya ito nagisnan ay walang araw na hindi sumasagi sa isipan ng binata ang magandang mukha ni Pamela.

Kitang-kita niya rito ang pagkagulat ngunit mas lamang ang kakaibang kislap sa mga mata nitong bilugan.

"Good Evening, Pamela Juan. Nice to see you again, young lady," puno ng kislap ang mga mata ng binata. Ngunit hindi dala ng kung ano man emosyon. Kung 'di kislap ng pagnanasang makaganti sa mga napagdaanan niyang hirap sa nakalipas na taon sa kamay ng ama nitong si Crisanto Juan.