CHAPTER 31 - Danger
Greyson
Magkakasama sila ngayong pamilya dahil gusto nang mabisita ng mga ito si Sky. Ang plano niya ay tawagan na lang si Maiara at papuntahin sa bahay nila, pumayag naman ang mga magulang niya doon.
Nagtaka si Grey nang makitang wala ang guwardiya na kilala niyang nagbabantay sa main gate. Nakataas lang ang harang at wala man lang nagbabantay. Paano kung may pumasok na lamang dito bigla sa AIA?
On their way home, napansin niya ang mga guwardiya niya na nagkalat sa daan na para bang may hinahanap. He decided to stop in front of them and asked what's going on.
"Is there something wrong? Bakit hindi kayo sa bahay nagbabantay?" he asked.
Hindi naman makatingin ng diretso ang guwardiyang nahintuan niya saka sinagot ang tanong ng amo.
"Ah eh sir. Kanina pa po namin hindi makita si Sir Sky, naglalaro lang--"
"What?! Nawawala ang apo ko?!" his mom asked the guard hysterically.
Napansin naman niyang namutla at pinagpawisan ang guwardiya na kinuha niya para magbantay kay Sky.
"Kailan pa nawawala ang anak ko? Chineck niyo na ba ang buong AIA?" sinubukan niyang pakalmahin ang sarili.
"Naglilibot na po kaming lahat pero hindi pa po namin mahanap ang anak niyo, Sir. Pasensya na po."
"Sht. Hindi kaya kinidnap ni Ariana si Sky?" napalingon sila kay Jackson dahil sa tanong nito.
"Oh my god. My grandson!" nagsimula nang umiyak ang kanilang ina kaya pinakalma na ito ng kanilang ama.
"Let's go to your house, Grey. Pagkatapos ay pumunta kayo ni Jackson sa cctv house. May cctv naman siguro ang buong property mo na ito." he nodded.
Magpoprotesta pa sana ang kanilang ina sa plano ng ama nila ngunit kaagad na nagpaliwanag ito sa asawa.
"Kailangan natin manatili lang sa bahay. Paano kung pati tayo ay madamay? Hihingi naman tayo ng tulong sa lahat ng kakilala natin."
"Fine. Greyson, Jackson, take care of yourselves, please." malungkot ang mga mata nitong tinignan silang magkapatid.
At para makampante ang ina, pumayag na rin sila sa isa pa nitong hiling sa kanila. Gusto nito na tawagan nila ang kapatid ng kanyang ama na siyang pulis at maaaring makatulong sa paghahanap kay Sky. Hindi sila pwedeng magreport agad sa lokal na pulisya dahil wala pang bente kuwatro oras na nawawala si Sky.
Pinaiwan na rin ni Jackson si Arthea sa bahay ni Grey kasama ang mga magulang nila. At pagkatapos ay dali-dali silang magkapatid na nagtungo sa cctv house.
"Check the cctv and look for anyone suspicious." utos niya sa taong nakabantay sa cctv.
"Mga anong oras ho, sir?"
He looked at his wrist watch. "An hour ago or thirty minutes ago."
The guy started typing on his keyboard. Pero nangunot ang noo ni Grey nang paulit ulit na lamang ito sa ginagawa at tanging itim lang naman ang nakikita sa screen ng computer nito.
"What's happening?" Jackson asked.
"Sir, nawawala ang cctv footage kanina."
"Paano nangyari 'yon? Try it again!" but the guy shook his head.
"Wala po talaga, Sir. Tsaka iba po ang nagbabantay dito kanina, baka alam niya ho ang nangyari." and then the guy called the one who's in charge at that time but unfortunately, he can't contact him.
Biglang tumayo ang lalaki at maya maya ay tinawagan ulit ang sinasabing in charge kanina sa cctv house. May narinig silang mahinang tunog at pilit na hinahanap iyon. Ang lalaki ay nagtungo sa isang maliit na room sa loob ng cctv house kung saan nandoon ang lahat ng mga switch and electricity ng buong AIA.
Laking gulat nila noong pagkabukas nang lalaki ay nakita nila ang kasamahan nitong tinutukoy niya.
"May I borrow your phone? I'll call Sadie." he nodded immediately and after that he called the security guards outside to bring the man to the hospital nearby.
The man looks like he has been drugged that can make him unconscious for the whole time. Unti-unti ay nabuo ang mga maaring nangyaring senaryo kanina dito at napagtanto ni Grey ang mga iyon.
"Someone hacked the cctv. She planned it all." tukoy niya kay Ariana dahil ito lang naman ang pwedeng pagbintangan niya since wala naman silang ibang kaaway.
"Kapatid! Nagpadala si Sadie ng tao niya para i-retrieve ang cctv footages na nawala. He's on the way here."
Kinuha niya ang telepono sa kapatid saka tinawagan ang kaibigan si Justus. Pagkatapos ay hinintay nila ang dalawa ngunit naunang dumating ang taong pinadala ni Sadie.
Habang inaasikaso nito ang cctv footages, ilang minuto ang limupas ay dumating na rin si Justus.
"Hey man, what's happening now?"
"Cedric, the hacker from SB Agency is now trying to retrieve all of the cctv footage na nawala noong mga oras na nawala rin si Sky." he answered.
"Basic! Here it is, mga mister." pinakita nito ang monitor kung saan hinahabol ni Maiara si Sky at pamaya-maya ay may nakasalubong itong black van na siyang kumuha sa mag-ina niya.
"Paki zoom in nga ang sasakyan." Justus ordered and then he looked for the plate number.
"Got it! I'll send it to Sadie and tell her that we need back ups if something unexpected will happen."
"Noted, sir!" pagkatapos ay umalis na ito habang silang tatlo ay nag usap-usap pa.
"Saan naman posibleng dalhin ni Ariana sila Maiara at Sky?" Jackson asked Justus.
"Well, It might be on the same place kung saan niya dinala si Maiara noon. But of course, pwede rin mabago.'' Then suddenly, Justus' phone rang. "Wait, I'll just take this call from Sadie."
The two nodded at him and when Justus left, Jackson whispered and asked him.
"May something ba si Justus at Sadie? Para kasing sobrang close ni Sadie at Justus eh."
Natawa naman si Greyson mula sa tanong ng kapatid. "Kasal na si Justus kay Sunshine diba? Invited pa nga tayo nung kinasal sila, nakalimutan mo na ba? Tsaka si Sadie at Justus, matagal na silang magkaibigan at magkatrabaho." paliwanag niya dito.
Pagkabalik ni Justus ay umayos na sila ng tayo at pinakinggan ang impormasyong nakuha nito mula kay Sadie.
"Sadie informed me that one of his people saw the black van in San Rafael, Bulacan. Pinasundan na niya ang van and it's now on it's way to DRT Bulacan."
"I'll call Uncle Drake." tukoy ni Jackson sa kapatid ng kanilang ama na pulis. Mataas ang katungkulan nito kaya matutulungan sila nito panigurado.
"Kailangan ay may mga pulis na magbantay doon sa pagdadalhan nila Ariana kila Maiara at Sky. Pero saang parte ng DRT Bulacan dadalhin sila Maiara?" they think about the possible place but DRT Bulacan is very big since it is a mountainous area.
May biglang naisip si Greyson na agad pinaalam kay Justus. Pumayag naman si Justus sa plano ni Greyson kaya hinintay na lang nila si Jackson para makaalis na sila at puntahan na ang taong maaaring makatulong sa kanila.
"Saan ba tayo pupunta? Sa DRT na ba agad?" Jackson curiously asked them.
Umiling si Greyson sa tanong ng kapatid. "No, pupuntahan natin ang bahay ni Maiara dahil nandoon ang makakatulong sa atin."
"Sino?"
"Ang taong kumupkop sa kanya."
Nang makarating sa pupuntahan ay biglang sumama ang tingin ni Greyson sa harapan pagkababa niya ng sasakyan.
"Oh it's Matteo Nicolas." Justus whispered but Greyson ignored all of them. Dire-diretso lamang ito papasok sa gate ng bahay ng tinirhan ni Maiara.
"Anong maipaglilingkod ko sa inyo, mga hijo?" tanong sa kanila ng matanda na nakapwesto sa terrace kaya nakita sila nito kaagad.
"Dito ho nakatira si Maiara, 'diba?" pagkukumpirma ni Justus.
"Oo, dito nga. Mga kakilala niya ba kayo?"
"Ako ho ang asawa niya." Greyson answered and they saw the shocked reaction from the old woman.
"Ikaw? Anong kailangan mo kay Maiara? Wala siya dito, pasensya na."
"Ahm lola diba ikaw po ang nakakita kay Maiara dati noong naaksidente siya? Natatandaan niyo pa po ba kung saang parte niyo sya natagpuan?" pagsingit ni Jackson sa mga ito.
"Ay oo naman, hijo. Doon nagtatrabaho ang dati kong asawa kaya kabisado ko pa." Pagkatapos ay tinanong nila ito at si Justus naman ay nirecord ang sinabi nito para hindi nila makalimutan. Gumawa rin ng sketch si Jackson para sigurado.
"Marami pong salamat, Lola Eva." pasasalamat ni Grey.
"Walang anuman. Alagaan mo ang asawa mo at mahalin mo siya ng buong buo ha. Masyadong mahirap ang pinagdaanan niya. Oo nga at alam niyo ang nangyari sa kanya pero hindi niyo alam kung gaano iyon kahirap sa pakiramdam lalo na at ako ang kasa-kasama ni Maia. Masakit sa akin sa tuwing umiiyak siya sa pag-aakalang wala nang nagmamahal sa kanya dahil wala raw naghahanap sa kanya. Para ko na ring anak si Maiara kaya ang tanging hiling ko para sa kanya ay maging masaya na siya."
Napayuko naman si Grey mula sa narinig. Kung hindi niya lang sinubukang hanapin ang asawa ay baka nalaman na niya ang lahat nang maaga.
"Opo, Lola. Pinapangako ko ho na aalagaan, pasasayahin at mamahalin ng todo ang aking asawa. Huwag po kayong mag-alala at bibisitahin namin kayo kasama ng anak namin pagkatapos nitong problema namin ngayon."
"Mabuti naman. Oh siya, sige na at hanapin niyo na siya. Sana ay magtagumpay kayo sa pagligtas sa kanila."
Papasakay na sana sila sa sasakyan nila nang may magsalita sa likod ni Greyson.
"Nasaan si Maiara? Tama ba ang narinig ko kanina na nawawala siya?"
Hinarap ito ni Grey. "Chismoso, tss."
"Hahanapin niyo na ba siya? Sasama ako."
Hinarangan niya ang daanan nito patungo sa pinto ng sasakyan niya.
"At bakit? Sino ka ba ha?"
"Ex boyfriend niya ako!" pagmamalaki pa nitong tugon.
"Ah ex ka.." napatango tango pa si Grey saka ngumisi. "Ako naman ang asawa."
Pumasok na lang si Greyson sa sasakyan niya pero mabilis din sumakay sa likod si Matteo kaya sinamaan niya ito ng tingin.
"Baba!" utos niya dito na may kahalong pagbabanta.
"Ayoko, sasama ako sa inyo, tutulong ako!" pagpupumilit nito.
Pero bago pa niya pababain muli si Matteo, pinigilan na siya ni Jackson na nakaupo sa front seat.
"Hayaan mo na 'yan. Ilaglag mo na lang mamaya pagdating sa DRT para wala nang epal."
"What? It's a crime that you're thinking! Kasuhan ko kaya kayo?" kumento nito.
"Try it, then." ngisi namang sagot ni Justus na siyang katabi ni Matteo sa likuran.
"Oh yeah, that's my lawyer. Justus Esquivel, the great lawyer here in the country." pagmamayabang ni Greyson tungkol sa kaibigan niya.
"Tigilan niyo na nga 'yan. Tara na at kailangan na nating iligtas yung mag -ina mo, kapatid."
"Fine, let's go." bago paandarin ang sasakyan, nagbigay muna siya ng utos kay Justus para sa plano.
"Bro, call sadie for backups. Tell them the location."
Maiara
After Maiara lost consciousness at the van, she woke up from an unfamiliar place.
"Nasaan ako?" tanong niya sa sarili.
Nilibot niya ang paningin at unti-unting inalala ang mga nangyari kanina.
"Si sky.. Nasaan si sky?" nagpapanic niyang sambit. Hindi naman siya makatayo at makagalaw masyado dahil nakatali siya sa isang puno.
"Teka, puno?" noon niya lang narealize na parang nasa tuktok siya ng bundok dahil sa view na nasa harapan niya. Patag ang lugar kung saan siya nakapwesto na mukhang talampas.
Kung titingnan ang panahon, papalubog na ang araw at malapit ng dumilim. Naghanap siya ng batong matulis para maputol niya ang tali pero wala siyang nahanap.
Sa paglalakbay ng paningin niya, natulos siya sa kaniyang pwesto nang makita ang dulo nito na para bang bangin na ang nasa ibaba. Malapit lang iyon sa pwesto niya kaya't lalo siyang natakot sa mga naiisip na maaaring mangyari sa kanya.
At dahil sa sobrang pagpapanic, biglang sumakit ang kanyang ulo at kasabay no'n ang biglaang paglabas ng isang pangyayari sa kanyang isipan na hindi niya inaasahan.
Sa senaryong iyon, nang magkaroon ng pagkakataon si Maiara na makatakas ay hindi na niya sinayang pa ito. At nang makalabas siya ay saka lamang niya nalaman na nasa isa siyang abandonadong bahay na nasa gitna ng bukirin. Walang ibang bahay ang malapit dito kaya wala siyang mapaghingan ng tulong.
"Ayun ang babae! Bilis habulin nyo!" rinig niyang sigaw ng isang lalaki at kaagad din siyang nakarinig ng mabibilis na yabag kaya nagmamadali siyang tumakbo papalayo.
Kahit na nanghihina dahil sa mga sugat na natamo, hindi pa rin siya sumuko at huminto sa pagtakbo.
"Kaya ko 'to. Hintayin niyo ako Ash. Sky, wait for mommy." pagpapalakas niya sa sariling loob.
Ngunit sa gitna ng kaniyang pagtakbo ay hindi na niya alam ang daan na tinatahak niya. Madilim ang paligid dahil nasa bukirin siya at maya maya lamang ay napasigaw siya sa sakit nang may tumama sa kanyang binti.
"Ahh!!"
"Bilis damputin nyo kaagad kapag naabutan niyo!"
"Hindi kami magdadalawang isip na barilin ka ulit kapag tumakas ka pa!"
Napailing siya at hindi na niya napigilan ang luha niya na kanina pa niya pinipilit na hindi tumulo. Hirap na hirap na siya sa sitwasyon niya pero kailangan niyang tumakas.
Patuloy pa rin siya sa pagtakbo kahit na patuloy rin ang pag agos ng dugo na nagmumula sa kanyang binti. Nakahinga lamang siya ng maluwag kahit papaano nang mapunta na siya sa bandang puro mahahaba ang damo na lagpas tao. Tumigil siya saglit para tingnan ang tama sa binti ngunit nagpatuloy siyang muli sa pagtakbo nang marinig niya kaagad ang boses ng taong humahabol sa kanya.
"You'll stop running or i'll shoot you!" Nanlamig ang buong katawan ni Maiara nang mapalibutan siya ng kalalakihan na humahabol sa kanya na may dalang baril habang ang boss nito ay nasa harapan niya at nakatutok ang baril nito sa kanya.
"Ate..."
"Hindi kita kapatid! Wala akong kapatid na tulad mo!"
"Ate Ariana, huwag mo akong patayin please...." halos mapaluhod na siya sa pagmamakaawa dahil ramdam nya na kaunti na lamang ay bibigay na ang binti niya.
"Huwag kang magmakaawa dyan! Bakit?! Nung nagmakaawa ba ako sayo noon pinansin mo ako? Oo, nangako ka, tinupad at sinunod mo ba?! Hindi rin diba?!"
"Ate, bata pa tayo noon at masyado akong natrauma kaya nawala na sa isip ko—"
"So in short, kinalimutan mo na ako pagkatapos ng nangyari." humakbang ito papalapit at nang akma siyang aatras ay may humawak na sa braso niya para pigilan pa siya sa pinaplano.
"Hindi... nahirapan din ako kaya pasensya na—"
"Anong nahirapan? May masaya bang nahihirapan? Nakapag asawa at nagkaroon ka na nga ng sarili mong pamilya pagkatapos mo akong pabayaan kay Mr. Johanson tapos sasabihin mo nahirapan ka?! Hindi ba ako dapat 'yon?!"
Hindi na niya nagawa pang sumagot sa kapatid dahil alam niyang sa simula pa lamang ay siya na ang may kasalanan. Kung hindi lamang niya masyado dinamdam ang nangyari sa pamilya nila ay hindi niya makakalimutan ang nangyari sa kapatid.
Pero ano pang magagawa niya? Huli na ang lahat. At isa pa, kahit na paulit ulit na pinaintindi sa sarili na bata pa siya noon at hindi kinaya ang mga pangyayari, patuloy na pinamumukha ng kapatid niya na mahina siya, pabaya sa pamilya, at walang paninindigan sa sarili.
"Ate, sorry. Patawarin mo ako. Pwede pa tayong magsimula ul—"
"Magsimula?! Bakit? Maibabalik ba ang lahat ng nawala sa akin?! Ha?!" Inilapit nito ang baril saka idinukdok sa kanyang noo kaya mas lalo siyang nanginig sa takot na baka bigla na lamang kalabitin nito ang gatilyo.
"Pero sa bagay... siguro nga makakapagsimula akong muli." nginitian siya nito at ramdam niya na nagsitaasan ang balahibo niya sa uri ng pagngiti at titig nito sa kanya.
Tanging liwanag na nagmumula lamang sa buwan at mga simpleng ilaw na dala ng mga tauhan ng kaniyang kapatid ang tumutulong sa kanya para makita ang paligid.
Dito na ba sa gitna ng bukirin ako mamamaalam? Sa ilalim ng bilugang buwan, sa paligid ng mga masasamang tao, at sa harap ng kapatid ko?
"Uunahin ko na ang pagtapos sayo." saka nito mas lalong diniin sa kanyang noo ang baril na hawak.
Walang takas si Maiara ngunit nagbago iyon nang sa hindi kalayuan ay may natanaw syang mga nagdadaang sasakyan at doon rin natuon ang atensyon ng iba.
"Huwag nyong hahayaan na mapansin tayo ng mga nagdadaanan doon!" sigaw ng kapatid na nakatingin sa mga tauhan at ang baril nito ay nakatutok rin sa mga ito.
Karamihan ay umalis para magmanman pa sa paligid kaya kakaunti na lamang ang natira sa mga tauhan nito
Unti unti rin nyang naramdaman na hindi na gaanong mahigpit ang pagkakahawak sa kanya dahil sa kawalan ng atensyon sa kanya kaya naman ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para makaalis dito.
Sinipa niya ang lalaking may hawak sa kanya ngunit kaagad na natigilan siyang muli nang makaramdam ng isang bagay na nakatutok sa kanyang ulo.
"Isang hakbang mo pa at tutuluyan na kita. Sinisiguro ko ring mawawala ka na sa mundong 'to." pagbabanta sakanya ng kapatid.
Huminga siya ng malalim saka mabilis na humarap at hinawakan ang baril para hindi ito maitutok muli sa kanya.
"Tang*na Maiara!"
Malakas si Ariana kaya mas nakakalaban pa ito sa kanya habang siya ay nararamdaman na ang panghihina dahil na rin sa mga dugong unti unti nang nawawala sa kanya.
"Don't you dare!" sigaw nang kapatid saka malakas na pwersa ang ginamit para sipain siya sa kanyang binti papalayo.
Dahil sa ginawa ng kapatid niya, nawalan siya ng balanse at napaatras. Ngunit sa pag atras niya ay siyang pagkahulog niya sa kung saan.
Mabilis siyang kumapit sa kung ano mang mahawakan at hindi niya inaasahan na nahawakan pala niya ang kamay ng kapatid niya. Tumingin siya sa ibaba at mas lalong lumaki ang takot na nadarama nang mapagtanto na isa iyong bangin.
Hindi niya nakita at nalaman na may hangganan pala ang bukiring ito at iyon ay isang malalim na bangin.
"Tulungan mo ako.. ate please." naiiyak na niyang sambit.
"Bitawan mo ang kamay ko!" sigaw nito pero kaagad siyang umiling habang patuloy ang pag agos ng kanyang mga luha.
Pilit nitong inaalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak dito. Napapikit siya nang mariin nang nararamdaman na niya ang unti unti nang pagkawala sa hawak niya kay Ariana.
"Mahal na mahal ko kayo Ash and Sky." mahina niyang sambit at kasabay ng pagtulo ng luha niya ay siya namang pagkahulog niya sa bangin.
~cutiesize31 <3