CHAPTER 32 - Realization
Maiara
"Hindi…" tanging nasambit niya matapos maalala ang eksena na naging dahilan kung bakit siya nakalimot.
"Oh, gising na pala ang mommy mo." mabilis niyang nilingon ang nagsalita at nakita niya si Ariana at hawak nito si Sky.
"Sky, anak."
"No!!" Iyak ito nang iyak mula sa kamay ni Ariana.
"Ate Ariana, please, bitawan mo ang anak ko." Pagmamakaawa niya dahil nakikita niya kung gaano na ito nasasaktan.
"Hey Sky, that's your real mom! Do you want to see how she will die today? Diba you hate your mom, will you let me kill her?"
Mas lalo pang umiyak si Sky mula sa narinig.
"Ate.. tigilan mo na ang bata. Huwag mo siyang idamay dito."
Ngunit hindi siya pinakinggan ng kapatid bagkus dinala na lamang si Sky sa kabilang banda ng puno kaya magkatalikod silang mag-ina.
"Stop crying, Sky! Gusto mo bang ilaglag kita doon sa bangin?!" galit na galit na pananaway ni Ariana sa bata.
"Ate--"
"Stop calling me Ate! Nakakarindi!" sigaw nitong tugon.
"Ayan, may tali na ang bibig mo, wala na ring maingay sa wakas!" at dahil doon sa sinabi ni Ariana ay napagtanto ni Maiara kung bakit biglang natahimik si Sky sa likuran niya.
"Hoy, kayo! Bantayan niyong maigi 'yang dalawang 'yan at may kukuhanin lang ako sa baba. Kapag nakawala 'yan, kayo ang ipapalit ko sa pwesto nila ngayon!" pagbabanta nito na agad sinunod ng mga tauhan niya.
Iilan lang ang tauhang kasama ni Ariana nang tingnan ni Maiara ang paligid. Sa tingin niya ay walang pang sampu ang mga ito. Kakayanin kaya niyang takasan ang mga armadong lalaking iyon?
Pinaikot-ikot niya ang kamay at sinubukang alisin ang lubid na nakatali sa mga kamay niya. Kahit anong paraan ay sinubukan niya na hanggang sa unti-unti itong nakakalas ngunit hindi niya iyon pinahalata sa mga lalaking nagbabantay sa kanila.
Ipinagpapatuloy lamang niya ang pinaplano sa tuwing nasa paligid ang tingin ng mga ito at wala sa kanilang mag-ina.
"Sky.." bulong niya.
"Sky, I know that you're still scared of me but I'm telling you that I'm your real mom. Yung babae kanina, siya ang nanakit sayo. As your mom, I will never ever hurt my son, which is you, my baby Sky." pabulong niyang paliwanag sa anak niya.
Narinig niyang umungol ito na para bang may sagot ito sa sinabi niya.
"Don't worry, mommy will find a way for us to get out of here." then she continued what she's doing earlier.
Ilang sandali pa ay nagulat siya nang lumuwag na ang tali mula sa kanyang kamay. Makapal ang lubid kaya hindi ganoon siya nahirapan sa pagkakalas nito.
Nang may dumaang lalaki na nagbabantay sa harapan niya ay nagkunwari siyang nakatali pa rin. At nang makaalis na ito at sa ibang bagay tumuon ang pansin nito ay agad na niya itong tinanggal.
Hinintay niya munang makalayo ang mga lalaking iyon sa daanan na pwede nilang tahakin pababa ng anak niya. And since nasa iisang lugar lang ang mga lalaking nagbabantay sa kanila, lahat ng mga ito ay malalayo sa pwesto nila.
Mabilis siyang umalis sa pwesto saka pinuntahan ang anak sa kabilang pwesto ng puno. Tinanggal niya muna ang tali sa kamay nito bago ang nasa bibig at pagkatapos ay nag sign siya na tumahimik ito.
Nilingon niyang muli ang mga armadong lalaki at nakita niya itong nakatalikod sa kanila habang nag uusap-usap. Hindi naman siguro sila nito mapapansin kung magdadahan-dahan sila papaalis. At iyon ang ginawa nilang mag-ina. Maingat silang humakbang papalayo at pagkatapos ay nagtatakbo na silang dalawa pababa.
"Ahhh!!" sigaw ni sky at nang tingnan niya ito ay nadapa ito habang sila'y tumatakbo papalayo kaya binuhat na niya ito para mapabilis sila.
Paikot ang daan habang pababa sila kaya hindi nila ineexpect na makakasalubong nila si Ariana na may hawak na ng baril.
"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?!" napaatras siya habang si Sky ay mas lalong napahawak nang mahigpit sa leeg niya.
"Ate.."
"Tatakas kayo?!" after Ariana said that, nagsidatingan naman ang mga armadong lalaki na kakampi ni Ariana.
"Bakit niyo hinayaang makawala sila doon? Dalhin ninyo 'yan at ibalik niyo ulit!" utos nito pero itinuloy pa rin ni Maiara ang planong pagtakas ngunit hindi niya inaasahan ang pagtama ng sakit na nanggagaling sa binti niya kaya napadapa siya habang buhat-buhat niya si Sky. Hinawakan niya kaagad ang ulo nito para hindi tumama sa lupa.
"Kunin niyo ang bata at babaeng iyan saka ibalik ninyo sa taas! Bilisan ninyo!" sigaw nito at dahil sa panghihina ni Maiara ay hindi na siya nakapalag pa nang kunin sa kanya ng mga ito si Sky at saka ibinalik sila sa taas.
"Bakit mo ba ginagawa ito sa amin?" nahihirapan niyang tanong sa kapatid dahil sa sakit na iniinda niya.
Nilingon siya ni Ariana habang may nanlilisik na mata sa galit. "Wala kang karapatang magtanong at magmakaawang pakawalan kita diyan dahil una pa lang ay ikaw na ang may kasalanan ng lahat!" Dinuro siya nito. "Ikaw ang kukunin ng hayop ng Johanson na 'yon pero anong ginawa mo? Ako ang tinuro mo bilang Maiara! Bakit? Ako na ba si Maiara? ha?! Nagmakaawa ako sayo na tumawag ka ng pulis para iligtas ako pero putang**a taon ang lumipas, wala pa rin akong tulong na natatanggap! Naghirap ako ng dahil sayo! Ikaw ang may kasalanan kung bakit ko dinanas lahat ng hirap na pinagdaanan ko mula sa kamay ng hayop na yon!"
"Tapos nang makalaya ako mula sa kamay niya, nakita kita na masaya lang at mukhang hayahay lang sa buhay! Nag asawa at nagkaroon ka na rin ng anak samantalang ako, nawala na nga sa atin ang mga magulang natin, nawala na rin sa akin ang pinakamamahal ko noon pa man, pati ang kalayaan ko nawala na rin!" pagpapatuloy pa nito.
Umawang ang kaniyang mga labi at nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat. Wala siyang maalalang ganoon na nangyari sa kanila noon pero nanghingi pa rin siya ng tawad dito.
Umiling siya. "Patawad, wala akong maalala--"
"Puro na lang walang maalala! Nagpapalusot ka pa eh! Ano? Nagi-guilty ka ba? Manahimik ka na lang dyan!" she said angrily. Then, itinali muli sila ni Sky.
"Hindi--" sasagot pa sana siya ngunit napalunok na lamang siya dahil sa kabang nadarama nang tutukan siya nito ng baril.
"Shut up! Shut up or I'll shoot you?" hindi siya umimik hanggang sa ibaba na nito ang baril. Pagkatapos ay naupo ito sa harapan nilang mag ina paa bantayan sila.
Tiningala niya ang kalangitan. Unti-unti nang dumidilim ang kalangitan dahil sa mabilis na paglubog ng araw.
"Malapit ng dumilim, ito na ba ang huling gabi namin ng anak ko?" tahimik niyang tanong sa sarili. Ipinikit na lamang niya muna saglit ang mga mata dahil sa pagod at sakit na nararamdaman.
Greyson
"We're here. Ready?" Justus asked them.
"Kailangan ba talagang sa iba ako kasama."
"Oo." simpleng tugon ni Grey at pagkatapos ay lumabas na silang tatlo kaya nahuli si Matteo.
Hindi na nila hinintay pa si Matteo dahil sa ibang grupo ito kasama, sa grupo na ipinadala ni Sadie. Mabilis nilang tinahak ang daan paakyat ng bundok at nagmamadali sila pare-pareho dahil sa mga naiisip nilang posibilidad na mangyari kila Maiara at Sky.
Sa mga oras na rin na iyon ay malapit ng dumilim kaya binilisan na nila hanggang sa may natanaw sila di kalayuan. Nasa mataas na bahagi iyon ng bundok kaya naghanap silang ng ibang daan kung saan hindi sila masyado mapapansin dahil maaaring barilin o sugurin na sila habang papaakyat pa lang.
"Sadie informed me that she's here already." Justus told them.
"Should we wait for her o puntahan na agad natin sila Maiara?" tanong ni Jackson.
"Mas kailangan na nating puntahan ang mag-ina ko. Baka kung ano na ang nangyari sa kanila."
Pumayag naman ang dalawa dahil naisip nila na kung hihintayin nila si Sadie para sa proteksyon nila, mas lalong magtatagal sila at baka mas lalo ring mapahamak sila Maiara at Sky.
Pagdating malapit sa lugar kung nasaan ang grupo ng kumuha kila Maiara, nakita nila ang dalawa na magkalayo at nakatali ang mga kamay at paa, sila rin ay nakaupo lang sa lupa at binabantayan ng mga armadong lalaki.
"Kaya ba natin silang labanan? Baka naman isang hakbang pa lang natin, barilin na tayo agad." pagpigil ni Jackson sa kanilang dalawa ni Justus nang nagbalak silang lumabas na sa pinagtataguan nila.
"Hindi nila tayo balak patayin, baka saktan pwede pa pero hindi naman aabot 'yan sa patayan." kumento ni Justus.
"Paano mo naman nasabi?"
"Jackson, kung makikita mo sila Maiara at Sky, nakatali at bantay sarado lang. Siguro nasaktan na sila pero kung balak nilang pumatay ay dapat kanina pa nila ginawa 'yon. We need to know why they are doing this first. For sure, Ariana has her reasons right? And we need to hear their side so that we can advise them to stop what they're doing."
"Yeah, my great lawyer friend is absolutely right!" after Grey agreed in what Justus said, lumabas na sila sa pinagtataguan ngunit ang hindi nila inaasahan ay ang malakas na pag iyak ni Sky at kasunod ay ang sigaw ni Ariana.
"Bakit ba ang ingay mo?! Kanina ka pa iyak ng iyak dyan. Gusto mo bang matuluyan na para matahimik ka na?!"
"Ate, please, bitawan mo 'yan."
"Huwag kang makialam dito. Baka gusto mo pang mabaril ulit? Hindi pa sapat 'yang tama mo sa mga sakit na dinanas ko."
Parang natulos sa kinatatayuan si Grey at hindi na nakagalaw dahil sa narinig. What does she mean by that? Maiara got shot?
"Huwag mo nang idamay ang bata, Ate. Sa akin ka may galit, hindi ba? Palayain mo na siya, please."
Ngunit hindi nakinig si Ariana sa pagmamakaawa ng kapatid. Hindi rin namalayan ni Grey na naroon na ang dalawa niyang kasama.
"Hey! Put your gun down!"
"At bakit ko naman kayo susundin?" mataray pa nitong sagot hanggang sa mapunta ang tingin ni Ariana kay Grey na pabalik-balik ang tingin kay Maiara at Ariana.
"Oh, anong masasabi mo ngayon, Grey? Sa tingin mo, sino sa amin ang asawa mo?" tanong nito. "Siya ba?" tinutukan nito ng baril ang babae na nakaupo at duguan ang binti. "O ako?" binalik nito ang pansin sa kanya.
"You can't make me fool anymore, Ariana. Alam ko na ang lahat."
"Oh really? Well, for me tanga ka pa rin dahil dalawang taon na ang nakalipas, ngayon mo lang nalaman ang lahat! I think you didn't really love my twin dahil kung mahal mo siya, mararamdaman mong hindi siya ang kasama mo noon. Noong panahong inakala mo na pinagtaksilan ka niya."
Hindi na nakasagot si Greyson sa sinabi ni Ariana. He realized that Ariana has a point. Bakit ba kasi hindi niya pinaniwalaan ang akala niya noon?
Yes, inakala na niya noon na hindi ito ang asawa niya. Maiara is a kind, caring, and loving wife. Hindi nito magagawa sa kanya na ipagpalit na lang siya kaagad sa iba at lalong lalo na hindi nito kayang saktan ang anak nila.
"Why are you doing this, Ariana?" kalmadong tanong ni Justus dito.
"This is all Maiara's fault! Bakit kayo nakikialam dito?"
"Because you need help. Hindi na normal 'yan, Ms. Ariana. I know everything about you. You, being a very sweet twin sister to Maiara when you were still a kid. Ibang-iba ka na, hindi na ikaw 'yan." napalingon silang lahat sa taong biglang dumating at nagsalita.
"Who are you?!" galit na sambit ni Ariana dito.
"It's not important, baka bangungutin ka pa kung malaman mo kung sino ako eh."
Nilingon ni Ariana ang mga tauhan at tinanguan ang mga ito. Sapagkat bago pa sila sugurin ng mga armadong lalaki, nagsidatingan na ang mga tauhan ni Sadie, kasama na doon si Matteo.
"Nasa baba na si Chief tapos may iilang pulis na rin na nakapalibot dito sa lugar para wala ng kawala 'yang mga 'yan." bulong ni Matteo sa kanya nang tumabi ito sa kanya.
"Good. May maiaambag ka naman pala dito. Tama 'yan." hindi na nakasagot si Matteo dahil nilayasan na siya ni Grey para gawin na ang plano nila.
Tinutukan ng baril ang mga tauhan ni Ariana ng mga grupo ni Sadie at ni isa sa mga ito ay wala man lang natinag. Unang nagpaputok ng baril ang tauhan ni Ariana dahil sa utos ng amo kaya naman nagkagulo na ang lahat.
Unang pinuntahan nila Greyson si Sky dahil umiiyak na ito sa takot. Maaaring matrauma ang anak niya kaya nang mailigtas nila ito ay ipinadala na niya ang bata sa baba kung saan naghihintay ang mga pulis at ang sasakyan nila. Pinaubaya na niya muna ito kay Jackson para ito na rin ang makasama nito sa hospital. Sumama na rin si Justus dito para kausapin ang mga police at asikasuhin ang kaso.
Nang aktong pupuntahan na ni Grey si Maiara para iligtas ay nakita niya itong nakawala na sa tali ngunit hindi niya inaasahan ang pagtama ng ligaw na bala dito na nanggagaling sa kaguluhan sa gitna.
"Ahhh!" natumba ito na kaagad niyang dinaluhan. Tiningnan niya kaagad ang tama nito at medyo nakahinga siya nang maluwag nang daplis lamang ang natamo nito kaso nga lang ay bumaba ang tingin niya sa binti nito kung saan patuloy pa rin ang pag agos ng dugo nito dahil sa tama ng baril.
Bubuhatin na sana niya ito para madala na nila sa baba at maihatid sa hospital nang bigla siyang makita ng mga tauhan ni Ariana at saka sinugod. Hindi siya ganoong marunong sa ganitong mga labanan kaya mas nakakalamang ang kalaban niya.
"Stop this Ariana! Hindi kasalanan ni Maiara ang lahat kundi ang kumuha sayo na si Thiago Johanson. Siya ang naging dahilan kung bakit nasira ang pamilya niyo. Maiara became traumatized because of what happened to your family. Brain is protecting us from the traumatizing experience we have and that's what in Maiara's case. Maiara forget what happened kaya ka niya nakalimutan pati na ang nangyari sa inyo noon. Nakulong siya sa past kung saan namatay ang magulang niyo at ilang taon niya iyong nilabanan and thankfully, she won. Kaya huwag mong sisihin ang isa pang taong nagdurusa kagaya mo. Pareho kayong nasaktan." malakas na sambit ni Sadie na nagpatigil sa lahat lalo na kay Ariana.
Nang dahil sa pagtigil ng lahat, itinulak niya ang lalaking kalaban niya para mapadapa ito at saka niya tinutukan ito ng baril na nakuha niya lamang mula dito.
Nilingon niya ang gawi ni Maiara at nakita niyang nagpupumiglas ito mula sa pagkakahawak dito ng isang lalaki. Kaya naman mabilis niyang tinawag ang pansin ng grupo ni Sadie para kuhanin ang lalaking hawak niya at saka tinungo ang pwesto ni Maiara.
"Ariana, forgive your sister. Hindi niya kasalanan ang lahat ng ito. Nang dahil na rin sa ginawa mo noon sa kapatid mo, nasira rin ang pamilya niya. Napalayo siya ng dalawang taon mula sa asawa't anak niya. At kung ang ikinagagalit mo ay ang pagkakaroon niya ng pamilya ay huwag kang mag-alala dahil nahanap ko na rin ang taong naiwan mo noon."
"What do you mean?" naguguluhang tanong ni Ariana kay Sadie habang nakatingin dito ng nakatingala.
Habang nag-uusap ang dalawa ay sinimulan nang hulihin ng grupo ni Sadie ang mga armadong lalaki habang si Grey ay patuloy sa pakikipaglaban sa isang lalaki na may hawak kanina kay Maiara.
"Theo, it's his nickname, right?" lahat sila ay naguluhan mula sa narinig kay Sadie pero mas lalo silang naguluhan nang pumunta sa harapan si Matteo.
"You're Ria?"
"Yes, Theo." Ariana nodded. Hindi nakaligtas sa paningin ng mga naroroon ang pagtulo ng luha nito habang hawak hawak ni Matteo ang mga kamay nito para tumayo.
While Sadie's talking to Ariana, he knows that she's only doing it para kumalma si Ariana at sumama sa kanila.
Isang galaw ang ginawa ni Grey na hindi niya alam kung pagsisisihan ba niya o hindi dahil nadamay si Maiara. Itinulak kasi ni grey ang lalaki gamit ang pagsipa niya dito pero ang hindi niya inaasahan ay ang paghila nito kay Maiara kaya pati ito ay nasama sa paghulog nito.
Mabuti na lamang ay nakakapit pa si Maiara ngunit ang lalaki ay tuluyan nang nahulog. Kaagad naman dinaluhan ni Grey ang asawa.
Maiara
"Kumapit ka lang, huwag kang bibitaw." sambit ni Grey sa kanya.
Napailing siya nang maramdaman niyang nanghihina na siya. She's losing a lot of blood because of her gunshot wounds. Nakakaramdam na rin siya ng hilo at pagdilim ng paningin. Kakayanin pa kaya niya?
"Take care of Sky, Ash."
"We'll take care of him, ok? Come on, he's waiting for us." Grey did his best to pull Maiara up pero nawawalan na ng malay si Maiara paunti-unti.
"I c-can't.." tanging nasambit ni Maiara bago nagdilim ang paningin niya.
~cutiesize31 <3