CHAPTER 34 - Forgiveness
Maiara
Kahit na nahihirapan pa rin si Maiara sa kanyang kalagayan, masaya pa rin siya dahil kasama na niya ang asawa at anak niya.
Si Sky ay patuloy pa rin ang session sa psychologist nito gaya na lamang ngayon, nasa opisina ito ni Dra. Vina.
Simula nang magising siya ay todo alaga na sa kanya ang asawa niya kaya hindi niya maiwasang kiligin sa mga ginagawa nito para sa kanya. Noong una ay nag-alala pa siya nang hindi ito umuuwi sa bahay at pumasok ng trabaho. Nang tanungin naman niya ay nag file daw ito ng leave para maalagaan sila ni Sky.
"Bakit ka ba nahihiya? Mag asawa naman tayo at normal lang 'yan."
Sa ngayon ay nagtatalo sila tungkol sa pagligo ni Maiara. Ang gusto ni Maiara ay tumawag na lang sila ng nurse na tutulong sa kanya para hindi mabasa ang benda niya pero si Grey ay panay ang insist na ito na lang ang magpaligo sa kanya.
"Tumawag na lang tayo ng nurse tsaka kaya ko naman maligo, bakit paliliguan mo pa ako?" nag iwas siya kaagad ng tingin dito.
Nahihiya kasi siya. Kahit na mag-asawa na sila ay ilang taon din silang nagkahiwalay at unti unti pa lang din bumabalik ang iilang memorya niya at kasama na doon ang buhay nila bilang mag asawa.
"No, I'll take care of you, remember? I promised you that! So, come on, papaliguan na kita."
Sa huli, hindi na nakaiwas pa si Maiara sa nais gawin ng asawa niya. Kung hindi lang niya ginustong maligo ay magpupunas na lamang siya gamit ang basang tuwalya kaso ay nakakaramdam na siya ng panlalagkit sa katawan at feeling niya ang baho na niya.
Isang linggo kasi siyang nakahiga lamang sa hospital bed niya dahil hindi pa niya kayang igalaw ang binti niya. Mabuti na lamang ay unti-unti nang gumagaling ang mga sugat na natamo niya kaya kahit papaano ay umaayos na ang pakiramdam niya.
Inalalayan na siya ni Grey papasok ng cr at saka naglagay ito ng maliit na pagpapatungan ng paa niya. Inalis nito ang damit niya at saka sinimulan na siyang paliguan.
Noong una ay talagang ramdam na niya ang pamumula dahil sa hiya ngunit kalaunan din ay nasanay na siya. Maingat siya nitong nilalagyan ng shampoo at sabon. Pati na rin sa pagpapalit ng damit ay ito na rin ang nag asikaso para sa kanya.
Matapos ang lahat, maingat siya nitong inalalayan paupo sa kama niya. Napangiti naman siya sa mga ginawa nito.
"Thank you, Ash."
Napatingin naman sa kanya ito saka ngumiti ng matamis. "You're always welcome, my love."
Kukuha pa sana ito ng upuan para ilagay sa tabi niya nang hawakan niya ang braso nito para kuhanin ang atensyon nito saka tinapik ang bakante sa tabi.
"Dito ka na lang." kaagad naman itong napangiti at sumunod na mukhang nagustuhan ang ginawa niya.
Agad naman niyang inihilig ang ulo niya sa dibdib nito habang ang braso nito ay nakayakap sa kanya.
Habang nagpapalipas sila ng oras para hintayin matapos ang session ni Sky, pinili muna nilang manood sa TV ng pelikula. Ngunit nagsisimula pa lamang ang pelikula ay bumukas na agad ang pintuan kaya napalingon sila ng sabay doon pareho.
Nakita nilang pumasok si Justus habang kasunod nito sina Matteo at Ariana. May iilang pulis din silang nakita sa labas ng pintuan na para bang nagbabantay sa kanila.
"Bro, what is it?" tanong ni Grey habang hindi pa rin umaalis sa pwesto nilang dalawa.
Ibinaling ni Justus ang paningin kay Maiara. "Ariana wants to see and talk to you."
Nilingon naman niya ang kapatid na katabi si Matteo. Nakahawak ito sa braso ng lalaki habang nakayuko.
"Para saan?" tanong niya kay Justus nang ibalik niyang muli ang tingin dito.
"About the case."
"What about it?" tanong naman ni Grey sa kaibigan.
"You know, since I won the case regarding Thiago Johanson's case days ago, lumabas din sa korte na siya ang may kagagawan kung bakit humantong sa ganito si Ariana. So, Maiara, I'm asking you now. What will you do regarding the case? About the accident that Ariana did to you?"
"Ate.." tawag niya sa kapatid saka pinalapit ito sa kanya na kaagad naman nitong sinunod. Tumayo din muna si Grey saka tumabi kay Justus para makapag usap sila Maiara at Ariana nang maayos.
"I'm so sorry, Maiara. Patawad sa mga nagawa kong kasalanan sayo at sa asawa't anak mo." naiiyak nitong tugon saka hinawakan ang kamay niya habang patuloy sa paghingi ng tawad.
Nginitian naman niya ang kapatid. "Pinapatawad na kita, Ate. Naiintindihan kita kung bakit mo nagawa iyon sa amin. Magsimula tayong muli."
Then he looked at Justus and asked. "Pwede bang huwag na siyang kasuhan, Justus? Ayoko na ng gulo, pwede ba 'yun?"
Saglit na natahimik ang lahat at saka sumagot si Justus. "Well, I can do that of course. It's not that hard since nadiin naman sa korte si Thiago Johanson na mastermind ng lahat kaya pwedeng maipalabas natin na biktima lamang si Ariana dito. Wala namang pulis na nakakita mismo ng insidente noong last week kaya walang magiging problema. And besides, I personally know the chief and other police officers who helped us that day."
Nakahinga naman ng maluwag si Maiara saka muling ibinaling ang atensyon sa kapatid nang may ngiti sa kanyang labi.
"Ayan ate wala na tayong prob—-"
"No. Hindi niyo gagawin iyon." mariin nitong sambit. Noong una ay akala nila nagbibiro lamang ito pero seryoso ang mukha nito.
"Anong ibig mong sabihin, Ariana? Ayaw mo bang maging malaya? Ayaw mo bang hindi makulong ng maraming taon? Sampung taon sa kulungan?" mabilis ng tanong ni Matteo dito. Halatang hindi nito nagustuhan ang sagot ni Ariana.
"Pakinggan niyo muna ako, please?" tumingin ito sa kanila isa isa bago nagsalita.
"Maiara, pinatawad mo man ako, hindi pa rin ako matatahimik dahil kahit sarili ko ay hindi ko mapatawad mula sa ginawa ko sayo." hinawakan nitong muli ang kamay niya. "Kakambal kita pero pinahamak kita. Inilayo kita sa pamilya mo at siniraan pa kita sa asawa mo dahil sa galit at inggit na naramdaman ko sayo." saglit nitong nilingon si Grey saka humingi ng paumanhin.
"At hindi ko gusto na mapawalang sala na lang ako bigla ng hindi manlang nagdurusa at pinagbabayaran ang lahat. Kung ano man ang nasa batas, susundin ko iyon. Ayokong gumawa ulit ng iligal para lang hindi ako makulong. Ang gusto ko ay pagbayaran ko ang lahat para matahimik ang konsensya ko." pinahiran muna nito ang luha na hindi na napigilang tumulo sa pisngi nito.
"Kahit pa ilang beses akong nagkaroon ng problema sa pag iisip dahil sa kagagawan ni Thiago Johanson, hindi naman nawala ang pagmamahal ko sayo Maiara bilang kapatid. Kaya hangga't kaya ko pang lumaban at bumangon para sa panibagong bukas, gagawin ko, maayos lang ako para sa pamilya ko."
Hindi na napigilan pang yakapin ni Maiara ang kapatid dahil sa mga sinabi nito. Naiintindihan niya ang gustong mangyari para sa sarili nito.
Her sister learns from her mistakes and makes it a lesson to be a better person.
Kumalas na sila sa yakap dahil sa isang katok mula sa pintuan. Nang binuksan ito ni Grey, tumatakbong pumasok si Sky. Hinatid ito ng isang nurse kaya nagpasalamat sila dito.
Binuhat naman ni Grey ang anak. "Daddy!! I'm done! Sabi ni Doktoya (Doktora), i'm very good!" pagmamalaki nito sa ama.
Lumapit naman sina Grey sa hospital bed niya kaya napatayo na rin si Ariana.
"Mom—" natigilan ito nang makita ang babaeng katabi niya.
Mas lalong humigpit ang hawak ni Sky sa leeg ng ama at nagsimulang umiyak. Agad namang pinatahan ni Grey si Sky habang si Ariana ay lumayo muna at pumunta sa gilid ng silid katabi si Matteo.
Sinenyasan ni Maiara ang asawa para lumapit silang mag ama sa kanya. Kinuha niya agad si Sky mula sa bisig ni Grey at saka niyakap at kinausap ang anak.
"Sky, don't be afraid of her. She already said sorry and mommy forgive her."
Tumingin ito sa kanya habang tumutulo pa rin ang mga luha. "Why? She huwt (hurt) us."
She turned her gazed at Ariana when she heard she sighed heavily. She just gave her sister an apologetic smile because of what Sky reacted to when he saw her.
Tumango rin siya dito nang makita niyang gustong magsalita nito.
Humakbang naman papalapit si Ariana. "Sky.."
Yumakap muli nang mahigpit si Sky sa kanya kaya umiling na lang muna siya. Baka kasi kapag pinilit pa nilang kausapin ito si Ariana ay mas lalong lumala ang sitwasyon nito lalo na at nagiging maayos na ang session nito kay Dra. Vina.
"We better leave now." basag ni Matteo sa katahimikan sa buong silid.
"Yeah." then Justus talks to Grey. "I'll take care of everything, don't worry." and he looked at Maiara.
"Thank you Justus."
"That's what lawyers need to do so no problem."
After they left, saka lamang humiwalay sa yakap si Sky sa kanya. Si Grey naman ay naupo na rin sa kama katabi nila.
"Are you ok?" tanong ni Grey sa anak habang nakakandong ito sa kanya.
Tumingin sa kanya si Sky gamit ang mga mata nitong nagtatanong. "Mommy, why (do) you ab (have) the same face?"
"Because we're twin sisters."
"Tin (twin) sistews (sisters)?"
She nodded. "Yes, kapag twin, dalawa kayong magkapatid tapos magkamukha rin kayo simula noong baby pa." she simply explained to Sky.
"Baby tin (twin)?"
Nakita nilang curious ang anak tungkol dito kaya naman ay kinuha ni Grey ang cellphone nito at saka nag search ng twin babies.
When Sky saw it, kitang kita sa mga mata nito ang pagkatuwa.
"Wow! Look mommy, daddy!" saka nag scroll pa ito ng mga picture sa google.
Tinapik naman siya ni Sky nang may pinindot itong litrato ng kambal na sanggol, babae at lalaki.
"Mommy, can I have tin (twin) babies? I want tin (twin) babies!"
"Ahh ehh.." napatingin naman siya kay Greyson nang wala siyang maisagot sa anak. Nakita niya itong nakatingin din sa kanya at nakangisi.
"You want a twin brother and sister like that?" tukoy ng ama sa litrato.
"Yes, daddy!" maganang sagot nito.
"Ok, but you need to wait. I think next year, you will have a twin brother and sister."
"Nes (next) year? Why?"
"Kasi kailangan muna magpagaling ng mommy mo bago kami gumawa ng twin brother and sister mo." paliwanag ni Grey sa anak saka nilingon si Maiara na namumula na ang mukha sa hiya.
"Greyson!" saway nito sa asawa.
"Why? I want twin babies too. Kaya pagaling ka na agad ah?" nagtaas baba pa ang mga kilay nito kaya inirapan na lamang niya ito.
Halos isang buwang pagpapagaling ang ginugol niya para maging maayos na ang pakiramdam niya. Dalawang linggo sa hospital at dalawang linggo naman sa bahay nila sa AIA subdivision. At ngayong maayos na ang lagay niya, naaasikaso na rin niya ang mag-ama niya.
May mga katulong naman sila ngunit hindi naman ito nag i-stay sa bahay dahil papasok ang mga ito ng alas siyete ng umaga at uuwi naman ito ng alas sais bago umuwi si Grey. Ang tanging ginagawa lamang ng mga ito ay pagluluto ng tanghalian at paglilinis ng bahay. May iilang gawain kasing hindi pa niya pwedeng gawin at baka sumakit muli ang binti niya.
At sa weekends naman, day off ni Grey kaya ito na ang gumagawa ng ilang gawaing bahay na hindi pa kayang gawin ni Maiara dahil day off din iyon ng mga katulong nila.
Ngayong gabi ay nasa sala sila at magkasamang nanonood ng isang pambatang pelikula na hilig ni Sky.
"Kamusta nga pala ang trabaho mo? Sobrang busy ba sa AIA Company ngayon? Diba may bago kayong project?"
"Yeah, there's so many things that need to be done just this month." napahilot pa ito sa sintido kaya naisipan niyang ihiga ito sa hita niya at hilutin ang ulo nito.
"Sabi ko naman kasi sayo babalik na lang ako bilang personal assistant mo. Magaling naman yung binti ko ngayon, nakakalakad na ako ng maayos oh." pangungumbinsi niya sa asawa.
"No, I want you to stay here in our house, taking care of our son and waiting for me to go home from work." ramdam na niya sa boses nito na hindi na magbabago ang nais nitong mangyari kaya hindi na siya umangal pa sa desisyon nito.
Ilang sandali pa ay napansin na nilang nakatulog na sa carpet si Sky. Hindi na nito natapos ang pelikulang The Little Prince dahil inantok na. Binuhat naman agad ni Grey si Sky paakyat para makatulog na ito nang maayos sa kwarto nito habang siya ay niligpit naman ang mga kalat nila.
Pag-akyat naman niya ay dire-diretso lamang siya sa banyo para maghilamos. Pagkatapos ay nagpalit siya ng damit saka nahiga na sa kama nilang mag-asawa. Hindi na niya napigilan ang antok kaya nakatulog na siya nang saktong makapasok na sa kwarto si Grey.
Kinabukasan ay nagising lamang siya nang may tumatapik sa kanyang braso. Nakarinig din siya ng ingay kaya napipilitan siyang idilat ang kanyang mga mata.
"Mommy! Wake up!"
"Hey love, wake up."
"What? What time is it?" ang alam niya ay sabado ngayon, walang pasok si Grey at late naman gumigising si Sky araw-araw, kaya bakit ngayon ay parang baliktad yata? Siya na ang nahuli ng gising.
"It's already five in the morning, we're going somewhere so wake up, love."
"Where?"
"Let's have breakfast in Tagaytay. Sky wants to go to Sky Ranch Tagaytay kaya bumangon ka na. It's my day off and I want to spend more time with my family today."
Wala na siyang ginawa pang iba kundi ang bumangon dahil nagustuhan niya ang plano ni Grey. Mabilis lang siyang naligo at nagbihis ng komportableng above the knee blue and white striped casual summer dress. Pinusod din niya ang buhok niya ng messy bun hairstyle.
Pagkakita niya sa mag-ama niya ay naka ready na ang dalawa at nakasuot ng magkamukhang damit. Pareho itong naka navy blue long sleeve polo and denim jeans. Nakatupi ang sleeves ng kanilang polo hanggang siko. Sa sapatos naman ay pareho silang naka white casual shoes. May aviators din itong suot kaya napangiti siya sa mga ito.
"Ano 'yan? Mini me?" pabiro niyang tugon dito. Kaya napalingon pa ng sabay ang mag ama niya sa kanya kaya natawa siya ng mahina.
"Kung gusto mo ay mag anak na tayo ng babae pa para may mini me ka rin. Ano sa tingin mo? It's a great idea, right?" taas baba pa ang kilay nito nang tanungin siya.
"H-heh! Tara n-na nga." hinawakan na lamang niya ang kamay ni Sky atsaka nagtungo na sila palabas.
Alas sais y medya na sila umalis ng bahay at alas diyes na sila nakarating sa Tagaytay. Pamilyar sa kanya ang lugar na pinuntahan nila at nang marealize niya kung bakit ay napangiti lamang siya.
This place is where Greyson asked her to be his girlfriend years ago.
"Wow!!" tumakbo si Sky patungo sa kung saan sila pumwesto noon ni Grey noong kumain sila. Kitang kita ang view ng taal at ang lalakaran ay bermuda grass. Maluwang at malawak ito kaya tuwang tuwa si Sky kakatakbo.
She took a picture of her son while running then she called him para makuhanan niya ito ng maayos.
"Let's go, doon tayo pupwesto." tawag sa kanila ni Grey kaya huminto na sila sa pagkuha ng litrato. Iginiya sila ng isang waiter patungo sa loob na katabi ang isang clear glass wall kaya tanaw pa rin ang tanawin sa labas.
They decided to eat lunch since it's already ten in the morning para na rin hindi na magutom si Sky kapag nakarating na sila sa Sky Ranch.
Natapos silang kumain ng alas dose na ng tanghali pero nagpalipas pa sila ng kaunting oras doon dahil ala una pa sila nagdecide na mag Sky Ranch.
And when they got there, of course, as a kid, Sky was very excited to try all the rides out there.
Nakasunod lamang silang mag asawa sa anak nila hanggang sa masakyan na nito ang halos lahat ng rides. Kadalasan ay si Grey ang kasama nito sa rides na pwede lamang sa age ni Sky.
"Ano? Pagod na kayo?" bati niya sa mag ama niya nang lumapit sa kanya.
"Let's go home. Baka gabihin na tayo sa daan. Pupunta pa naman tayo kila mommy."
"Bakit?" tanong niya habang pinupunasan ang likod ni Sky dahil pawisan na ito.
"Gusto nilang patulugin sa kanila si Sky dahil namimiss na daw nila ang apo nila. It's a good idea kaya pumayag ako sa gusto nila mom and dad. Masosolo din kita mamaya." he smirked while she rolled her eyes.
"Ang harot mo talaga no."
They left Tagaytay at almost three in the afternoon so they arrived at Pajavera Residence at six in the evening. Medyo may kalayuan ito sa AIA subdivision kaya hindi rin sila nagtagal doon.
Nang silang dalawa na lang sa sasakyan, Maiara suddenly thought about their wedding. She actually dreamt about it days ago.
"Grey, pwede ko bang mapanood yung videos noong wedding natin?"
He looked at her then bumalik agad ang tingin nito sa daan. "Of course. Mabuti na lang pala at naipakuha ko ang lahat ng gamit natin mula doon sa dati nating bahay."
"Oh speaking of bahay. Bakit kayo lumipat ni Sky sa AIA subdivision?"
"Mas malapit sa trabaho ko tsaka sa school na papasukan ni Sky. Besides, ayoko nang maalala yung inakala ko na panloloko mo sa akin doon kaya binenta ko na yung bahay na 'yun."
Napatango tango siya dahil naintindihan niya ito. Ilang sandali pa ay nakauwi na rin sila. Kumain muna sila ng pagkaing binili nila kanina sa drive thru ng Kenny Rogers bago panoorin ang wedding videos nila.
Nagdesisyon din muna siyang mag half bath at pagkatapos ay nagpalit ng night dress para komportable siya. Ganun din ang ginawa ni Grey, nag half bath at nagbihis ng white sando with cotton shorts, nang matapos itong magligpit.
They sat together on their sofa and then they started to watch their wedding videos. Nagsimula ito sa preparation nila, sa pag aayos kasama ang bridesmaids and groomsmen, at ipinakita dito ang wedding gown niya and tuxedo naman ni Grey.
The organizers prepared and made the wedding look so perfect with a classic wedding style. She's wearing white and gold wedding gown while Greyson was also looking great in his white tuxedo.
Pagkatapos ay pinakita naman sa video ang simbahan na may eleganteng dekorasyon, hanggang sa dumating siya. Pinakita siya na bumaba mula sa isang white bridal car. The videographer also captured the scene while they were saying their vows to each other.
Sumunod ay ang nangyari sa reception and of course, picture with family and friends.
"Naaalala mo na ba?" Grey asked her the moment the video ended.
She looked at her husband. "Naaalala ko naman talaga ang lahat, gusto ko lang mapanood ulit."
He smiled and then he hugged her. "I love you. Huwag mo na kaming iiwan ulit ha."
Yumakap naman siya pabalik dito. "Hinding hindi ko na kayo iiwan." she promised.
Kumalas naman agad ito sa yakap kaya nagtaka siya lalo na noong ngumuso ito.
"You didn't say I love you too.."
"Oh." hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. "I love you too, my love."
"I love you more." then he kissed her passionately.
And she thought that her husband will stop after the kiss pero bigla siya nitong binuhat saka umakyat na sila sa kwarto nila.
Natawa na lamang siya dahil nakita at naramdaman niya kung gaano kasabik ang asawa niya sa kanya. She can't deny it too actually kaya nagpadala na lamang din siya sa nararamdaman nila.
So that night, they made love and became one.
~cutiesize31 <3