Chereads / He's not just my Boss / Chapter 37 - Chapter 35

Chapter 37 - Chapter 35

CHAPTER 35 - Reminiscing the past

Greyson

Greyson woke up with a smile on his face. Tumagilid siya ng higa at hinarap ang asawa na natutulog pa rin nang mahimbing.

Tinitigan niya lamang ang mukha nito nang maalala niya ang nangyari kagabi. They made love all night kaya madaling araw na sila nakatulog. Sobrang namiss niya kasi ang asawa niya.

Inayos niya ang kumot nito dahil natutukso na naman siya.

"Arghh wala talaga akong kapaguran." aniya sa kanyang isipan.

Maingat na hinaplos na lamang niya ang mukha ng asawa. Hindi niya akalain na makakatabi at makakasama niya itong muli matapos mangyari ang aksidente dalawang taon na ang nakakalipas.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari noon. Buti na lamang ay hindi talaga iyon si Maiara dahil sobra sobra ang nangyari sa pamilya nila. Nasira sila at sobrang nasaktan siya noong panahong iyon. Naging miserable siya sapagkat pinilit naman niyang ayusin ang sarili para sa anak nila.

Nagsimula iyon nang umpisahan niya ang planong pagpapatayo ng AIA Company.

"That's my business plan, dad. What can you say about it?"

Inilapag ng kanyang ama sa lamesang nasa harapan nila ang folder na naglalaman ng dokumentong inihanda ni Grey.

"Hmm.. it's nice pero bakit mo naman naisipan magtayo ng subdivision and hotels instead of factories?" his dad curiously asked him.

"That's Maiara's dream. I got the idea from her."

"And what does your company name, AIA, mean?" he thought that his dad thinks it's an acronym but not.

"It came from Maiara's nickname, Aia." he simply explained and his dad just nodded at his answer.

"Great! I'll help you regarding your plans about this business of yours. I can see that your company will grow and will be on top. I'll support you, son. And if you need help, i'm always here for you."

"Thanks, dad."

Sumimsim muna ito ng kape nito bago nagpatuloy sa sasabihin. "Mukhang maganda ang pupuntahan ng mana na bigay namin sayo. Sa kapatid mo kaya? Mukhang wala pa yatang plano mag invest at magtayo ng sariling negosyo." his dad just shook its head.

He laughed when he remembered something about his brother. "May hinahabol dad eh."

"Ayaw sa kanya ng babae? Well, that's new!"

Natatawang sambit ng ama at pagkatapos ay nagpaalam na siya dito nang makatanggap ng text message mula sa asawa.

From: Aia, my wife

Hey love, where are you? Akala ko ba bibili ka lang ng milk ni baby Sky tsaka dadaan saglit kila daddy? Tagal mo naman, miss na kita☹️

Nagreply muna siya sa asawa at pagkatapos ay saka mabilis na nagpaalam sa ama.

Actually, he totally forgot about buying his son's milk so immediately left his parents house and went to the nearest drug store.

And in just thirty minutes, nakauwi na rin siya.

"Nasaan sila?" tukoy niya sa mag ina nang tanungin niya ang kasambahay nila.

"Akin na ho iyan, sir." Kinuha nito ang hawak niyang plastic na naglalaman ng gatas ni Sky.

"Nasa likod po sila. Doon po sa may garden." he nodded and thanked the maid.

Madalas sa likod bahay nagpapahangin ang mag ina niya kaya nagpasya siya noon na maglagay ng mga upuan, duyan at maliit na kubo. Maaliwalas kasi ang hangin doon at hindi naman masyadong mainit since marami namang halaman ang nakapalibot doon.

When he got there, he saw his wife and son looking at the flowers in front of them. Mabilis niyang tinungo ang pwesto ng mga ito at saka niyakap mula sa likuran ang asawa at anak.

"Hey, how are you?" tanong niya sa asawa saka kumalas ito sa pagkakayakap dito para humarap ang mga ito sa kanya.

"Love!!" malaki ang ngiting bati nito sa kanya. "Sky said Mama earlier!!!"

Nanlaki ang mata niya at napadako ang tingin sa anak niyang nakangiti at nakatingin din sa kanya.

His son, Sky, is now a five months old baby and sometimes he makes a sound like he wants to say something.

Kinuha niya ang anak mula sa asawa at saka binuhat ito paharap sa kanya para laruin at kausapin ito gaya ng ginagawa niya araw araw.

"Really, my baby Sky? You said Ma-ma? How about Da-da?"

Maiara holds Sky's hands. "Come on baby, say ma-ma."

"mm..mama!" and then baby Sky laughed.

"Waaahh very good my baby Sky!" hinalikan ni Maiara ang pisngi ng anak saka kiniliti ito kaya tumawa ito na nagustuhan naman nila.

"Baby Sky, how about Da-da? Say da-da." Pinaulit-ulit pa ni Grey ang salitang iyon hanggang sa magsalita muli si Sky.

"dd..da!"

"Another one, baby Sky. Say da-da." ulit ni Grey.

"da!"

"Great job, baby Sky!" pinisil nito ang fluffy cheeks ng anak bago hinarap ang asawa na nakanguso.

"It's okay, love. Atleast, he already said da 'diba. Kaya lang naman niya nasabi agad yung mama dahil ilang buwan ko nang itinuturo at paulit-ulit na binabanggit iyon sa kanya."

He smiled. "Yeah, you're right." pinagtuunan na nito ng pansin ang anak pagkatapos.

They sat together at their hanging rattan swing chair placed beside a big tree. Doon sila nag usap-usap at nilaro ang anak hanggang sa makatulog na ito.

"Bago ko nga pala makalimutan, love. Aalis ako sa lunes para bumisita sa Angel's Orphanage dahil birthday ni Mother Helen. Iiwan ko na lang si Sky kila Manang."

Gusto sana ni Grey na samahan ang asawa pero lunes iyon, simula na ng trabaho niya.

"Hindi pala kita masasamahan. May aasikasuhin ako kasama si Dad sa monday. Tawagan mo na lang ako kapag nandoon ka na ha." they are now starting his business. Marami silang kakausapin ng ama niya at marami rin na papeles ang aayusin.

That day, Monday, maaga siyang umalis dahil sa dami ng dapat na gawin. Nalaman lamang niya na umalis ang asawa niya ng alas diyes ng umaga nang tumawag ito para ipaalam ang tungkol doon.

Nagpadala pa ito ng dalawang litrato nito sa kanya. Ang isa ay ang mirror selfie nito para ipakita ang suot nito at itanong kung approve ba sa kanya habang ang isa pa ay picture nito kasama ang anak nila.

Natuwa siya sa litrato ng asawa't anak niya na pinadala nito kaya agad niya itong sinave at ginawang wallpaper ng kanyang cellphone.

He also sends a 'Take care always, love. I love you.' message to his wife before continuing his work.

And since he has loads of paperworks and appointments with his dad's past investors, he got home late. But unfortunately, wala pa si Maiara.

"Manang, hindi pa ba umuuwi si Maiara? Late na ah?" tanong niya dito habang pinapatahan si Sky sa walang tigil nitong iyak.

"Wala pa ho sir eh. Ayaw nga tumigil nitong si Sky kakaiyak, baka namimiss na ang mommy niya."

Ibinaba muna niya ang dalang bag at tinanggal ang necktie bago kuhanin si Sky para patahanin.

"Shh.. Sky, stop crying. Miss mo na ba si mommy Aia mo? I miss her too." habang hinehele niya ang anak ay inutusan niya ang isang kasambahay na tawagan ulit si Maiara.

"Sir, wala hong sumasagot."

"Ano? It's almost 11pm! Nasaan na ba siya?!" he shouted because he's now panicking when they can't contact Maiara anymore.

When he shouted, Sky cried more. Pinatahan niya ito dahil sa walang tigil nitong iyak. Sinubukan na rin nila itong painumin ng gatas pero ayaw nitong tanggapin.

Tuwing gabi kasi ay nasanay na ito sa breastfeeding at nakakatulog naman ito sa yakap ng ina. And now Maiara Isn't here, Sky can't stop crying.

"Shh.. dada is here, baby Sky. Please, stop crying, we'll find mama, ok?"

"Try to call the Angel's Orphanage landline. Tanungin niyo kung nandoon ba si Maiara." utos niya sa kasambahay na kanina pa tumatawag sa telepono ni Maiara.

"Sige po sir." they waited for a minute until the orphanage accepted the call.

Kinausap nito ang nasa telepono pero nang ibaba na ng kasambahay ang tawag, agad niya itong tinanong.

"Anong sabi?"

"Sir, kanina pa raw ho tanghali umalis si Mam Maiara."

"Ano?!"

Seconds turn to minutes and minutes turn to hours until Greyson is the only one who's awake, waiting for his wife to come home.

Nakaupo lamang siya sa isang sofa habang nasa tabi naman niya ang baby swing chair kung saan natutulog si baby Sky.

Hinayaan na niya itong hindi sa kwarto ito matulog dahil minsan ay nagigising ito at umiiyak.

He looked at the clock on the wall and he just realized that it's already 3:41 in the morning. He's been calling his wife for a hundred times already and he wants to try calling her again, but as if on cue, the door opened and a woman came in.

"Love.." Grey immediately stood up and hugged Maiara.

"Where have you been? Pinag-alala mo ako!" hinawakan nito ang magkabilang pisngi ng asawa at nakita ang walang reaksyon nitong mukha.

Tiningnan din nito ang kabuuan nito. Napagtanto rin niya na hindi iyon ang damit ng asawa nang magpadala ito ng litrato sa kanya. At isa pa, naamoy niya ang pamilyar na amoy ng alak at sigarilyo.

"Saan ka galing, Aia?" mariin niyang tanong dito.

"I'm with my friends." diretsong sambit nito.

Nangunot ang noo niya. "Friends? Akala ko ba galing ka sa orphanage?"

Napansin niyang natigilan ito. "Y-yeah! Nanggaling ako sa orphanage at pagkatapos ay nagkayayaan kami ng mga kaibigan ko dyan sa malapit na bar."

"But you're not drinking alcohol and you hate the smell of cigarettes.." bulong ni Greyson.

"Ahmm I want to sleep now. I'm tired. There's so many things that happened today."

Hindi na niya napigilan ang asawa nang umakyat na ito sa taas. Hindi na rin siya nagkaroon ng pagkakataong magalit dito dahil nang makita niya ito kanina ay pag-aalala ang nadarama niya.

Hindi niya inakala na masusundan pa ang ganoong pangyayari noong araw na iyon. Gaya na lamang ngayon, naghihintay na naman siya sa asawa niyang umuwi. Alas dos na ng umaga pero wala pa si Maiara.

Napatayo lamang siya nang may marinig sa labas ng bahay. Agad siyang sumilip sa bintana at nakita niya ang ilang kalalakihan na kasama si Maiara.

Maiara is the only girl there! And who are those boys? Sila ba ang kasama ni Maiara gabi-gabi?

"Maiara!" he shouted.

"Oh goodbye boys! See you tomorrow." mas lalong sumama ang pakiramdam ni Grey nang yakapin pa ito ng asawa niya isa isa at nagflying kiss pa.

Pagewang-gewang pa ang paglalakad nito patungo sa front door kung nasaan siya. Halatang lasing na lasing pa ito.

"What is your problem? Bakit ba nagkakaganyan ka? Hindi ka naman palainom, hindi ka naman ganyang na puro gala at pagkatapos ay madaling araw na kung umuwi, hindi ka naman ganyan dati! Ano? May problema ba?"

"Anong pakielam mo?"

Natigilan siya sa sagot ng asawa. "Maiara.."

"Buhay ko 'to, wag mong pakielaman." tatalikuran na sana siya nito para pumasok na sa loob ng bahay ngunit hinawakan niya ang braso nito at pinigilan.

"No! Mag usap tayo. May problema ba? Bakit ganito ka na? Napapabayaan mo na si Sky!"

"Wala akong pakielam. Bakit? Ikaw ba pinakielamanan ko sa trabaho mo? Mind your own business, Mr. Pajavera." when she left, Grey couldn't even move.

Ang pagiging busy ba niya ang dahilan kung bakit nagkaganito ang asawa niya?

Nagkulang ba 'ko?

May nagawa ba akong mali?

Pero para sa kanila naman ang ginagawa ko.

Buong linggo kasi ang trabaho niya. Alas siyete ng umaga siya umaalis at uuwi naman ng alas nuebe ng gabi. At sa pag uwi niya ng mga oras na iyon ay kakaalis pa lamang ni Maiara.

"I should change my schedule from now on." he decided.

Kinabukasan ay agad niyang inayos ang lahat. Starting on Monday, he's going to work at eight in the morning and going home at seven in the evening. Wala na rin siyang pasok tuwing weekends dahil pina-move niya ang lahat ng appointments niya.

"Is there any problem, Mr. Suarez?" tanong niya nang makitang nag aalangan pa pumasok ang Head ng Financial Department sa opisina niya.

"Ah sir! Ah I'm here to report about ahm.."

"What is it?"

Hindi na ito sumagot pero naglapag naman ito ng mga dokumento sa harap niya.

"What's wrong?" he scanned the documents.

"Na..na-nawawala ho ang pera na nakapondo para sa on going project po ng AIA Company."

Napaangat ang tingin niya sa kanyang empleyado na nanginginig ang mga kamay at hindi makatingin manlang ng diretso sa kanya.

"What? How did it happen?"

"May nakakuha daw po ng important details about sa account na 'yon. Nagcheck po kami ng cctv footage sa bank kasama ang manager na kakilala niyo po. May idea na po kami kung sino ang nakita namin pero hindi po kami sigurado, sir."

"Why? Who was it, Mr. Suarez?"

"Nagpakilala raw po siya as a-asawa niyo doon sa bank. Mrs. Maiara Pajavera raw ho, sir."

Natulos siya sa kinauupuan dahil sa nalaman. Hindi niya alam ang gagawin. Ipapakulong ba niya ang asawa lalo na at may ebidensiya silang hawak o palalampasin na lamang ang nangyari?

Hanggang sa makauwi siya ay wala siya sa sarili. Alas singko pa lamang ng hapon ay nakauwi na siya dahil hindi namin siya makapag concentrate sa trabaho mula nang malaman niya ang nangyari.

"Maiara! Ano bang ginagawa mo? Bakit mo na naman dinala ang lalaking iyan dito? May asawa ka na!" rinig niya ang boses ni manang na may kausap.

"Stop it, old lady. Huwag mo akong diktahan sa kung anong gagawin ko." natigilan siya sa pagpihit ng doorknob dahil sa narinig. Is that his wife's voice?

"Pero hija, asikasuhin mo naman ang anak mo hindi yung kung sino sino ang dinadala mo dito! Mga lalaki iyan. Anong iisipin ng ibang tao na makakakita sa inyo?"

"Wala akong pakielam." walang galang nitong tugon.

"Kasalanan iyan, Maiara! Ano bang nangyayari sa iyo? Nagbago ka na." hindi pa rin pumapasok si Grey sa bahay niya kahit na nagtaas na ng boses si Manang.

"Basta walang magsusumbong sa lalaking iyon tungkol sa nangyayari, maliwanag? Baka gusto niyong may masaktan na naman?" Maiara threatened them.

"Pero mam kawawa naman po si Sir tsaka si baby Sky." rinig niyang komento ng isa pa nilang kasambahay.

"Hija, kasalanan ang pakikipagrelasyon sa ibang lalaki habang kasal ka! May sarili kang pamilya. Paano mo ito nagagawa sa kanila?"

Nang marinig ang sinabi ni Manang, hindi na nakatiis at pumasok na si Greyson sa loob. Madilim ang mata niya nang ilibot ang paningin sa buong sala kung nasaan ang lahat.

"So you all knew about what she's doing?! Alam niyo na na niloloko niya ako? Kailan pa?!" dumagundong ang malakas na boses ni Greyson sa buong kabahayan.

"Hijo…" lalapitan na sana siya ni Manang ngunit umiling siya.

"You!" tinuro niya ang asawa na may katabing lalaki na nakaupo sa sofa nila.

"What's happening to you? You're not my wife! Ibalik mo siya! Kasi kung ikaw ang Maiara na kilala ko, hindi ka manloloko at hindi magnanakaw."

"Oh so you knew.." ngumisi ang babae na mas ikinagalit ni Grey.

"Yes, I knew about what you did to my company. You stole money from me! Why?!"

"Ay akala ko naman alam mo na since matalino ka namang tao. You know what, ang tanga mo, Grey, nakakamatay 'yan."

"How dare you?"

"Kung alam mo na pala na akong ang nagnakaw sa kumpanya mo, bakit hindi mo pa ako hiwalayan? Come on, let's get an annulment now. Para naman makasama ko na ang boyfriend ko." tukoy nito sa lalaking katabi nito kaya mas lalong sumabog sa galit at sakit si Greyson.

Hanggang sa makaalis na ito ng pamamahay niya ay wala pa ring kibo si Greyson. Pinaalis niya ang mga kasambahay nila sa sala pero natira naman si Manang na dala-dala si baby Sky.

"Hijo, hindi ko na itatanong kung ayos ka lang ba dahil alam kong hindi. Huwag mong kalilimutan na narito pa si Sky sa iyo. Huwag mong hayaang makuha siya ng kanyang ina."

Nilingon niya ito saka kinuha ang anak mula sa bisig ni Manang. Mahimbing itong natutulog kaya naupo siya at pinagmasdan na lamang ang anak.

"Anong nangyari dito sa braso niya, manang?" tanong niya nang may mapansing mapula sa parteng iyon ng katawan ng kanyang anak.

"Pinalo kanina nung ina niya. Mabuti na lamang at nakita ko agad. Iyak nang iyak si baby Sky kanina kaya dali-dali akong pumunta sa sala. At iyon nga, nakita ko na pinagbubuhatan siya ng kamay ni Maiara."

"What?"

"Sa totoo lang hijo, lahat ng kasambahay dito ay nasaktan na ng asawa mo. Hindi ko alam kung bakit siya nagkaganun pero nagmula iyon nang mawala siya ng halos isang araw."

"I miss my wife." he whispered.

"Hindi siya si Maiara. Ibang Maiara na siya."

He agreed on what Manang said. She's not Maiara because Maiara is a kind, caring and loving woman.

Kaya nga nang mabalitaan ng mga magulang niya ang nangyari sa kanilang mag-asawa, agad na nagstay ang mga ito sa bahay nila para ito ang magbantay kay baby Sky habang nagtatrabaho siya.

"Hay nako, kapatid. Kaya ayokong mag-asawa muna eh. Sakit lang sa ulo 'yan." tinapik pa nito ang ulo niya kaya sinamaan niya ito ng tingin.

"Ang sabihin mo, hindi ka lang gusto ng babaeng gusto mo." sagot niya dito.

"Wala namang ganyanan. Pero balik nga tayo sayo. Paano nga ba naging ganun si Maiara? Ang bait bait ng asawa mong 'yon ah? Mukha ngang anghel sa bait eh."

"I don't know anymore." naiiling niyang tugon.

"Kung hindi ko lang siya lubos na kilala, iisipin kong may kakambal siya o kaya naman may sakit siya sa pag iisip."

Napailing-iling na lang siya sa kapatid.

"Iiwan na kita diyan, pupuntahan ko pa si Justus para asikasuhin ang annulment namin ni Maiara."

"Kapatid, sigurado ka na ba dyan?" seryoso nitong tanong sa kanya.

"Oo. Niloko at ninakawan niya ako. Sinaktan naman niya yung mga kasambahay namin at si Sky, hindi pa ba sapat na dahilan iyon? Kung sa akin nga lang siya may atraso, baka napatawad ko pa pero may ibang nadamay na."

Walang naging sagot ang kanyang kapatid kaya umalis na lang siya doon at saka tinawagan si Justus para malaman niya kung saan sila pwedeng magkita.

From: Justus

Tara dito sa bar malapit sa law firm. Kasama ko na si Damien, ikaw na lang hinihintay, bilisan mo.

Mabilis niyang hinanap ang mga kaibigan nang makapasok sa bar na tinutukoy ni Justus kanina. Hindi naman siya gaanong nahirapan sa paghahanap dahil nagtext ito na nasa isang VIP room sila. Hindi nila gusto ang nakikigulo sa ibang mga tao kaya mas prefer nila ang sarili nilang kaguluhan.

"Anong balita, bro? Kamusta kayo ni baby Sky?" pambungad na tanong ni Damien.

"We're fine." he answered but he can't even give them a smile to assure them.

"You're lying." mabilis na kumento ng abogado niyang kaibigan na si Justus.

"Oo nga. Sino bang magiging maayos kaagad kapag naranasan ang naranasan mo? Wala." sagot naman ni Dr. Damien.

"Tss. Nagtanong pa kayo." aniya sa mga kaibigan saka mabilis na ininom ang alak na nasa harapan.

Maraming hard drinks ang nasa table nila at inisa-isa iyon ni Greyson.

"Hoy bro, tigilan mo na 'yan, lasing ka na." saway ni Damien.

"Iuuwi ka na namin, tara na." hinawakan naman siya ni Justus sa braso para alalayan patayo pero nagpupumiglas siya.

"Sagutin niyo nga akong dalawa. May mali ba sa akin? Hindi ba ako naging mabuting asawa? Kaiwan-iwan ba ako?"

Natigilan naman ang dalawa sa tanong niya.

"Grey.."

"Bro.."

"I'm not fine. I've been in so much pain. And I can feel that I'm in hell for the past few days." sambit niya sa mga kaibigan niya bago umalis sa bar at nagpasyang umuwi mag isa.

Alam niyang delikado ang mag drive ng lasing pero wala na siyang pakielam dahil wala rin namang sasakyan siyang nakakasalubong sa highway dahil madaling araw na.

Tiningnan niya ang telepono niya nang mag ring ito. His friends are calling and texting him but that's not what caught his attention, it's his lockscreen wallpaper.

Kukuhanin na sana niya ang telepono sa passenger seat kung saan niya ito inihagis kanina ngunit nahulog ito sa baba at napunta pa sa ilalim ng upuan.

"Damn it!"

To avoid hearing his ringtone, he turned on the car stereo instead.

Pagbukas niya ay may isang kanta na ang tumutugtog kaya pinakinggan na lamang niya ito.

...See your pretty face, run my fingers through your hair

My lover, my life

My baby, my wife

You left me, I'm tied

'Cause I know that it just ain't right

I was thinking about you

Thinking about me

Thinking about us

What we gonna be

Open my eyes

It was only just a dream

So I travel back, down that road

Will you come back?

No one knows—

"I'm hoping it's just a fvcking dream but it's not!" he shouted and then he clicked the next button to play another song.

But when he heard and realized the message of that next song, he cussed non stop because he remembered what happened to him and Maiara again.

...Ano'ng nangyari sa ating dalawa?

Akala ko noon, tayo ay iisa

Ako ba ang siyang nagkulang o ikaw ang 'di lumaban?

Sa pagsubok sa ating pagmamahalan

Ano'ng nangyari sa ating dalawa?

Pagmamahal ngayo'y bakit naglaho na?

Damdamin ay nasasaktan, puso'y nasusugatan

Pangako mong pagmamahal, ngayon ay nasaan?—

"Puny3ta! Shut up! Damn it!" and he turned off his stereo.

Huminto din muna siya sa gilid para makuha ang telepono niya na walang sawa ang pagtunog.

Mas mabuti pa kung marinig na lamang niya ang ringtone niya kaysa sa mga patama songs.

He looked so lost when he stared at his wallpaper again while his tears were slowly rolling down his cheeks. "Maiara, answer that song... Pangako mong pagmamahal, ngayon ay nasaan?"

Those memories should be buried six feet or more under the ground since it hurts and makes them feel they're in hell.

Nagbalik lamang siya sa realidad nang maramdaman niyang may humahaplos sa kanyang pisngi.

And then he saw Maiara's worried face.

"What's wrong? Why are you crying?"

"I just can't help reminiscing about the past."

"Forget about it. Magsimula tayo ng bago at magandang memories, ok? By the way, good morning my handsome husband." and she gave him a gorgeous smile.

"Good morning too, my lovely wife." and then he gives him a good morning kiss that also leads them to make love again in the morning.

~cutiesize31 <3