Chereads / He's not just my Boss / Chapter 39 - Epilogue

Chapter 39 - Epilogue

EPILOGUE

Maiara

Sunday is family day so they've decided to go to St. Augustine Church in Baliwag. Nakagawian na nila iyong gawin simula noong magkasama na sila ng buong pamilya.

Nagsuot siya ng cream color casual loose dress dahil doon siya komportable. Simula noong malaman niyang buntis siya ay hindi na siya nagsuot ng mga masisikip na damit tulad ng mga denim short and pants. Pakiramdam kasi niya ay maiipit ang baby niya.

"Are you done?" Napalingon si Maiara sa asawa na nakasandal sa gilid ng pinto.

He's wearing a Ralph Lauren white polo shirt with a little logo on the left side, denim pants and casual shoes.

Hula niya ay ganun din ang suot ni Sky.

Kinuha niya ang bag niya na nakapatong sa kama. "Oo, tapos na rin ba si Sky?"

"Yeah. Hinihintay na niya tayo sa baba." inakbayan siya nito.

Pagkababa nila ay hindi nga siya nagkamali dahil magkapareho na naman ang suot ng mag ama niya.

"Mommy!" itinaas nito ang dalawang kamay na para bang nagpapabuhat ito sa kanya.

"Ahmm Sky, mommy can't carry you." gustuhin man niyang buhatin ang anak ay hindi na pwede. Bukod sa naging sugat niya sa binti, buntis siya.

"I'll carry you, little Ash." ani Grey saka binuhat ang anak.

Little Ash ang tawag nito minsan kay Sky sa tuwing magkamukha ito ng suot sa tuwing may lakad sila. Besides, kamukhang kamukha talaga ni Sky noong nasa ganoong edad pa lamang si Grey.

Nang sumakay na sila sa sasakyan ay ang gadgets lamang ni Sky ang ingay na maririnig. Mahilig kasi itong manood ng mga cartoons and animated series.

"Saan ba tayo magla lunch pagkatapos ng mass?" tanong ni Grey habang nagpapark.

"Gusto ko makasalo si Ate eh. Magtake out na lang tayo ng lunch tapos doon na tayo kumain."

"Ok." pagkababa nila ay binuhat na ni Grey si Sky. May pagkamalikot kasi si Sky at baka mawala pa ito sa loob ng simbahan kung pababayaan maglakad mag isa.

Isang oras nagtagal ang misa at hindi niya kinalimutang magdasal bilang pasasalamat sa mga nangyayari ngayon sa kanila. At kahit na hindi maganda ang naging challenge nila sa buhay, worth it naman ang premyo sa huli.

God had given her a chance to be with her family again and that's what she's thankful for. Binigyan siya ng pagkakataong mabuhay pa at ayusin ang gusot sa pamilya niya.

Simula rin noong magdesisyon si Ariana na tanggapin ang nakahandang parusa ay dinadalaw nila ito linggo-linggo sa kulungan pagkatapos nilang magsimba. Ang kaibahan nga lang ay kasama nila ngayon si Sky. Noon kasi ay sa tuwing bibisita sila kay Ariana ay iiwanan nila si Sky sa mga magulang ni Grey pero ngayon ay gusto nilang maging maayos na ang lahat at wala ng katakutan pa ang anak.

"Sa tingin mo, magiging ayos lang kaya si Sky na makita ang tita niya?" nag aalalang tanong ni Maiara kay Grey.

"He'll be fine." saka tumingin ito sa rear view mirror para matanaw ang anak na tahimik na naglalaro sa likuran.

Mabilis lamang nila na nakuha ang inorder sa restaurant na napili nila dahil itinawag na nila ito kanina para daanan na lamang at hindi sila magtagal sa kahihintay.

Pagkatapos ay tinungo na nila ang lugar kung nasaan si Ariana.

"Matteo's here?" aniya nang matanaw ang isang pamilyar na sasakyan.

"What?"

"That's his car." turo ni Maiara sa sasakyan na nakapwesto sa tapat nila nang mag park sila.

Inalalayan na ni Maiara ang anak pagkababa nila ng sasakyan habang si Grey naman ang may bitbit ng kanilang tanghalian.

Nang makita sila ng pulis ay iginiya na sila kaagad sa visiting area. Kilala na sila ng mga naroon dahil sa madalas nilang pagbisita kay Ariana.

Naabutan nila sa isang lamesa sina Ariana at Matteo na nag uusap. Nakaharap sa gawi niya si Ariana kaya nang mapagawi ang tingin nito sa kanya ay agad itong tumayo para salubungin siya.

"Maiara! Kamusta ka na?" bati nito.

"I'm fine! Ikaw? Maayos naman ba ang lagay mo dito?" tanong niya sa kapatid.

"Oo naman!" nakangiti nitong tugon hanggang sa mapadako ang tingin nito kay Sky na nagtatago sa kanyang likuran.

"Ayos lang ba na makita niya ko? Baka na-natatakot pa 'yung bata."

Hindi pa rin umaalis si Sky sa likuran niya. Nakayakap don ito ng mahigpit sa bewang niya.

"Maayos na yung therapy niya with Dra. Vina last month. Nakikita din namin yung pagbabalik sigla niya. Ayoko naman na hindi maging maayos ang samahan niyong mag tita kaya sinama namin siya ni Grey dito."

Nang hindi pa rin umalis sa pwesto si Sky ay kinuha ito ni Grey saka binuhat. Mabilis itong yumakap sa ama at hindi na kumibo.

"Baka takot pa rin siya. Hayaan mo na." iginiya siya nito sa lamesa kung nasaan si Matteo.

Nakaayos na rin doon ang dala nilang pagkain kaya nagsimula na silang kumain. Magkatabi sila ni Grey habang si Sky ay nakakandong sa ama. Sila Ariana at Matteo naman ay magkatabi at katapat nila.

Wala naman silang ibang napagkwentuhan maliban sa mga nangyayari sa kanilang sari-sariling buhay.

"Ah Maiara, pwede ba kitang makausap?" napaangat siya ng tingin sa katapat niya.

"Para saan?" nauna ng nagtanong si Grey.

"Tungkol sa nangyari dati." naintindihan naman niya ang nais pag usapan nila ni Matteo kaya agad siyang pumayag.

Tumayo ito at akmang susundan na niya ito nang pigilan siya ni Grey.

"Mag uusap lang kami, love."

"Fine. Balik ka kaagad ah." masungit nitong tugon kaya natawa na lamang siya ng mahina. Seloso talaga ang asawa niya lalo na at si Matteo ang kakausapin niya.

Paglabas ay natagpuan niya si Matteo na nakalilim sa isang malaking puno. Nilapitan niya ito at saka sila nagsimulang mag usap.

"Ah Maiara, gusto ko lang sana ulit na humingi ng paumanhin tungkol sa nangyari dati. Tungkol sa pagsisinungaling ko at sa pag-aakala na ikaw talaga si Ariana. Pasensya na talaga."

"Kalimutan na natin ang nangyari noon. Masaya na rin kami kaya pinapatawad na kita." nakangiti niyang tugon.

Greyson

"Selos ka? Huwag kang mag alala, mahal ka ng kapatid ko."

Napalingon siya kay Ariana nang magsalita ito.

"I know. But that's Matteo! Her ex boyfriend." iritado niyang sagot.

"Hindi aagawin ni Matteo si Maiara sayo no! Akin na 'yung lalaking 'yon eh."

Napataas siya ng kilay. "Kayo na?"

"Actually, matagal na kaming magkakilala ni Matteo. Noong bata pa lang kami ay childhood sweetheart na kami. Pero nang mamatay ang mga magulang namin ni Maiara at nang makuha ako ni Johanson ay nagkalayo na kaming dalawa."

"Pero bakit si Maiara ang niligawan niya dati?"

"Dahil wala siyang ideya na may kakambal ako at inakala niyang si Maiara ay ako." nagbaba ito ng tingin at pinagsaklop ang mga kamay.

Nang mag angat ito ng tingin muli ay nakita ni Grey na may tumulong luha mula sa mga mata nito. "Grey, I'm so sorry about what happened in the past. Kasalanan ko ang lahat. I'm sorry kung siniraan ko sayo si Maiara. Nadala kasi ako ng galit ko. At nang makita ko na mahal na mahal ng lahat ang kapatid ko habang ako ay nagdudusa, ginawa ko yung plano, ang sirain ang reputasyon ni Maiara. Pinagmukha ko syang cheater at maraming lalaki. Actually, I just hired those boys para magpanggap na lalaki ko at magalit ka."

"Nang makita ko rin na nililigawan at nagpapakita ng motibo si Matteo kay Maiara noon ay doon na ako tuluyang sumabog. Pakiramdam ko kasi ay inagaw ni Maiara sakin noon ang lahat. Mula sa freedom ko hanggang kay Matteo. Si Maiara talaga ang kukunin ng mga kidnapper noon pero ako ang nakuha kaya sinisisi ko siya kung bakit hindi ako naging masaya at malaya sa mga nakalipas na taon."

Pinahid ni Ariana ang sariling luha. "At narealize ko ang lahat ng maling nagawa ko nang pagtangkaan ko ulit ang buhay niya kasama si Sky. Sobrang guilty ako noong panahong iyon kaya nga hindi ako pumayag na mapawalang sala na lang ako ng basta basta."

Binalingan naman ni Ariana ang anak niyang nakaupo pa rin sa kandungan niya.

"Sky, Patawarin mo si Tita Ariana ha. I'm so sorry Sky dahil sinaktan kita noon. I promise, hindi na uulitin ni Tita 'yon." walang naging tugon ang anak niya kundi ang yumakap na naman sa kanya ng mahigpit kaya napatalikod ito sa gawi ni Ariana.

"I'm really sorry about everything, Greyson."

Tiningnan niya ito ng seryoso. "Sa totoo lang, galit na galit ako sayo. Nang dahil sa ginawa mo noon ay na-trauma ako lalo na sa tuwing wala ako sa bahay at hindi ko nakikita ang asawa ko. Lagi akong takot na baka mawala ulit ang asawa ko pag-uwi ko."

Napayuko naman muli si Ariana at mas narinig niya ang hikbi nito.

"But I will still forgive you, Ariana. Everyone deserves a second chance, so don't waste it. Nakikita ko sa mga mata mo ang pagsisisi at mas napatunayan na guilty ka sa mga ginawa mo noong hindi ka pumayag sa gusto ni Maiara na gawan ni Justus ng paraan para hindi ka makulong ng maraming taon."

"Grey, maraming salamat. Napakabuti mong tao." naiiyak nitong pasasalamat.

Maiara

Grey told her about what happened when Matteo and her were talking outside. Natuwa naman si Maiara sa nangyari dahil napatawad na nito ang kapatid niya.

Sa ngayon ay napagdesisyunan na nilang bisitahin ang mga magulang niya sa Holy Cross Cemetery pagkatapos nilang bisitahin si Ariana.

"Ma, Pa, nandito na ako. Pasensya na ho kung nakalimutan ko kayo. Huwag na rin ho kayong mag alala dahil maayos na kami ng kapatid ko. Wala na rin kaming problema dahil nakulong na ang may gawa sa inyo nyan at higut sa lahat ay nagkapatawaran na kami."

Naupo siya sa damuhan at saka hinaplos ang lapida ng mga magulang. Nagsindi din sila ng kandila at naglagay ng mga bulaklak.

"Come here, Sky." pinaupo niya rin sa damuhan ang anak.

"Ma, Pa, ito nga po pala ang anak ko. Si Sky Bryson Auriño-Pajavera." nilingon niya ang asawa at sinenyasan na tabihan sila.

"Ito naman po si Greyson Claude Pajavera, ang asawa ko po." pakilala niya.

"Magandang araw po, mama and papa. Ako po ang asawa ni Maiara at pinapangako ko po na hinding hindi ko siya sasaktan at pababayaan. Magiging mas responsable na ho akong asawa para hindi na maulit ang nakaraan. Aalagaan ko sila ni Sky at mamahalin ng sobra sobra." nang yakapin sila ni Grey ay biglang humangin kaya napangiti sila pareho.

"Say hi to your lolo and lola, Sky." aniya.

"Hi lolo and lola!" tiningnan siya ng anak at tinanong. "Where aw (are) they, mommy?"

"Nasa heaven na sila, anak." at tinuro niya ang langit.

Hindi niya mapigilang mapaluha nang tumingala ang anak niya saka kumaway.

"Hi lolo! Hi lola! I love you!" nag flying kiss pa ito kaya napayakap siya lalo sa anak.

"Your lolo and lola loves you too, baby Sky."

"Ma, Pa, kung nasaan man kayo ay sana masaya na kayo. Maayos na po ang lahat at wala ng problema. At saka nga pala, may apo na naman po kayo. Sana po ay gabayan niyo kami. Mahal na mahal ka namin." sambit niya sa kanyang isipan habang nakapikit at nang dumilat siya ay tumingin agad siya sa langit at ngumiti.

THREE DAYS vacation in Pagudpud, Ilocos Norte is finally happening! Kung noon ay pinaplano lamang nila iyon ni Arthea, ngayon ay tuloy na tuloy na ito at kasama nila ang magulang nina Grey at Jackson.

And since Greyson has still no idea about her pregnancy, she's planning to announce it when she gets the perfect time and place, and that will be in Ilocos.

She can't wait to tell him about it. Ano kaya ang magiging reaksyon ng asawa niya at ng pamilya nila?

"Love, don't forget my bananas, boiled eggs, jams and peanut butter ha!" paalala niya dito habang nag aayos ito sa kusina ng mga pagkain na pinaglilihian niya at gatas na babaunin ni Sky.

"Ano bang mayroon sa mga pagkaing 'yon at gustong gusto mo?" nakangiwi pa ito habang sumusubo siya ng saging na may jam sa ibabaw.

"Masarap kaya. Tsaka favorite ko na 'to."

"Parang naglilihi lang love ah. Ganyan ka dati kay Sky eh. Pero mangga at pickles naman ang pinapapak mo."

Hindi na lamang niya kinibo ang asawa at pinagpatuloy na lamang ang pagkain. Baka hindi ito masurpresa sa iaanunsyo niya kung bibigyan niya ito ng motibo tungkol sa hinala nito.

Maaga silang nagtungo sa airport dahil private plane ng mga Pajavera ang gagamitin nila para maging maayos ang byahe nila at mabilis.

"Inaantok ka ba?" bulong ni Grey sa kanya nang makita siya nitong naghikab.

Simula noong magbuntis din siya ay naging antukin siya. Minsan ay pakiramdam din niya ay lagi siyang pagod.

Hinawakan ni Grey ang ulo niya at pinasandal iyon sa balikat nito. Inakbayan din siya nito at saka tinapik-tapik ng mahina hanggang sa unti-unti na siyang nakatulog.

Nagising lamang siya nang tapikin siya muli nito sa balikat at mahinang binulungan.

"Love, wake up, we're here."

"Where's Sky?" tanong niya kaagad nang hindi makita ang anak pagkalabas ng eroplano.

"He's with his grandparents. Come on, they're waiting for us."

Malakas na hangin ang sumalubong sa kanila kaya hinawakan ni Grey ang buhok niya para hindi iyon tumabing sa mukha niya.

Pagdating nila sa airport ay naroon na nga ang iba nilang kasama at sila na lamang ang hinihintay.

"Let's go. Nasa labas na yung van." ani Jackson habang buhat nito sa Jaxon.

Napanganga si Maiara nang makita at malibot ng kanyang tingin ang buong tanawin. Sila ay nasa isang beach house. Malaki ang bahay at nakapalibot doon ang puting buhangin habang nasa harapan nito ang asul na kulay ng dagat.

"Wow! Ang ganda!" tuwang tuwa niyang nilingon ang asawa niya na nakatitig pala sa kanya.

"Sa inyo 'to?" tanong niya.

"Sa atin 'to." he corrected.

"What?"

Grey holds her hand. "Sa atin 'to. I bought this years ago for you but things happened."

Hindi na napigilan pa ni Maiara na maiyak mula sa sinabi nito. Niyakap niya ang asawa. "Thank you, love."

It's her dream house! Noon pa lang ay bukambibig na niya ito kay Grey na kung magkakaroon siya ng ipon at makakapagpagawa na siya ng bahay ay pipiliin niyang magpagawa ng beach house dahil magaan ang pakiramdam niya sa tuwing maririnig ang alon at makikita ang kagandahan ng yamang tubig.

May mga caretaker na kinuha si Grey para pangalagaan ang beach house kaya nang makapasok na sila sa bahay ay malinis ito at maayos. Kumpleto rin ito sa gamit kaya tuwang tuwa silang lahat.

"Let's play, Jaxon!" pag aaya ng anak niya sa pinsan nito.

Kasalukuyan silang kumakain ng merienda sa labas at nakatanaw sa dagat.

"Naninibago pa rin talaga ako. Feeling ko ako yung laging inaaya ni Sky na maglaro." biro ni Jackson kaya natawa sila.

"Bakit Jaxon ang napili mong pangalan ng pamangkin ko, Arthea?" tanong ni Grey kay Arthea.

"Ok naman ah? Jackson ang name ng daddy at Jaxon ang name ng anak. Pwede niyo naman tawagin na lang yung anak ko na Jax para hindi nakakalito."

"Ikaw nga Sky pinangalan mo eh tapos ikaw Grey. Ano 'yon? Grey Sky?" pang-aasar ni Jackson sa kapatid nito.

"Stop it, Jackson. Ikaw nga Cloud eh." komento naman ng kanilang ina kaya mas lalo silang nagtawanan.

Jackson Cloud Pajavera is his full name while Grey is Greyson Claude Pajavera. And it came from their mother's ideas.

"Ano nga pala ang dinner na ipinaluto mo?" tanong ni Maiara sa katabi niya. Malapit na kasing magdilim kaya inihahanda na ng mga tauhan ni Grey ang lamesa sa dalampasigan dahil doon nila naisipang magsalo-salo.

"Seafoods, Bulalo, and Paella. Why, love? May iba ka bang gustong ipaluto para mamaya?"

"Basta huwag mong kakalimutan yung mga fruits ko ah." she chuckled.

Sila muna ni Arthea ang tumingin sa kanilang anak habang ang kanilang in laws ay nagpapahinga sa loob. Sila Grey at Jackson naman ay tumutulong sa pag aayos ng mga ilaw, lamesa at upuan para mapabilis ang gawain.

"Kanina ko pa napapansin na parang hilig mo yatang kumain ng saging with strawberry jam? Baka mamaya di ka na makakain niyan sa dinner."

Nang maupo kasi sila ni Arthea sa dalampasigan ay kumuha siya ng dalawang saging at nagsalin din siya sa maliit na bowl ng strawberry jam para sa sawsawan niya.

"Naglilihi ako eh."

"Ah naglilihi…" natigilan ito. "Oh gosh, naglilihi ka?!"

Humaplos siya sa kanyang tiyan at nginitian ang gulat na gulat pa rin na si Arthea. "I'm three weeks pregnant."

According to her Obstetrician Gynecologist, she's three weeks pregnant and her baby is in good condition. Nagpacheck up siya kinabukasan noong malaman niya na buntis siya. Nagpalusot pa nga siya kay Grey noon na may lakad ulit sila ni Khate.

And regarding to this family vacation, nag suggest ang kanyang doctor na huwag na lamang siyang magpapagod. Makakabuti rin daw kung magre-relax siya since beach naman ang pupuntahan nila at hindi nakakapagpakalma iyon dahil sa ganda ng tanawin.

"Ang bilis nga naman ng Pajavera!" she laughed. "Parang dalawang buwan pa lang ang nakalipas simula noong aksidente ah? Grabe, ano 'yon? After mong gumaling binuntis ka na agad?"

Namula naman siya sa sinabi nito. "Arthea, ano ka ba." saway nito. Mabuti na lang at malayo sa gawi nila ang asawa niya.

"Alam na ba niya?"

Umiling siya. "Gusto ko siyang sorpresahin mamaya. I can't wait to see his reaction." natutuwa niyang sambit. Naaalala kasi niya ang reaksyong ng asawa noong ibinalita niya dito na buntis siya kay Sky noon.

Nang malapit ng matapos ang pag aayos sa tabing dagat ay tumayo na silang dalawa ni Arthea para ayain ang kanilang anak at magpalit na ng damit.

Sky is now wearing a beach polo shirt and beige color khaki shorts. And of course, Grey is also wearing an outfit like that. While Maiara chose to wear a white sleeveless boho maxi dress.

"Hi Jaxon!" bati ng anak niya sa pinsan nito nang makasalubong nila ang mga ito papalabas.

"Hi!" kumaway naman si Jaxon.

"It's kuya Sky, baby Jaxon." pagtatama ni Arthea sa anak.

"Sky, call him Jax, ok? Nailito ako sa inyo eh." ani Jackson at natawa naman sila dito. Well, Jackson and Jaxon have the same pronunciation.

Paglabas nila ay nakita nilang maayos na ang lahat. Naroon na rin ang mga magulang nila Grey at Jackson na agad silang sinalubong.

"Hey ladies! You two are so gorgeous! I love your dresses!" natutuwang bati ni Mom Sunshine sa kanila ni Arthea. Pareho kasi nilang isinuot ang bigay nitong dress.

"Little Jackson and Little Grey, huh?" ngising tugon naman ni Dad Jameson sa kanilang mag-ama ni Arthea dahil magkakapareho ito ng suot.

Hindi rin nagtagal ay sinerve na ang kanilang pagkain. Maganang kumain ang lahat dahil sa masasarap na luto at masasayang kwentuhan.

Sila Grey at Jackson ang nagpasyang magpakain sa anak nila kaya wala silang naging problema ni Arthea.

"Thank God at naging maayos na ang lahat. Nakausap niyo na ba ang kapatid ni Maiara at nagkapatawaran na kayo? Sana ay hindi na maulit ang insidenteng 'yon."

"Yes, mom, we already talked about that. Humingi na ng tawad si Ariana sa nagawa niyang kasalanan sa amin lalo na kay Maiara." sagot nito sa tanong ng ina.

"That's good! At kung may hindi naman kayo pagkakaintindihan na normal na mangyari sa mag-asawa, pag usapan niyo iyon ng maayos. Nandito lang kami ng mommy niyo para gabayan kayo at kung kailangan niyo ng tulong." paalala nito sa kanila at nakangiti naman silang tumango ni Grey.

Iniabot naman ni mom Sunshine ang wine na nasa dulo ng lamesa at saka nagsalin ito sa wine glass.

Itinaas nito ang wine glass. "Cheers for more wonderful years to come." nilingon naman nito si Grey. "For my son, Greyson, have a great marriage years with my daughter in law, Maiara." at inilipat naman nito ang paningin kay Jackson. "And to you my eldest and ex-playboy son, Jackson, goodluck to your love life now and just marry my lovely soon to be daughter in law, Arthea!"

"I'm already planning about that, mom." sabay kindat nito sa katabi nitong si Arthea na namumula na ang magkabilang pisngi.

"Cheers!" sigaw nilang lahat at saka ipinagdikit ang kani-kaniyang mga wine glass.

Nang uminom na ang bawat isa ng wine ay ibinaba naman ni Maiara ang kanya at saka kumuha ng panibagong baso para magsalin ng tubig. Drinking alcoholic beverages is not good for her now.

"Why are you drinking water instead of wine? Ayaw mo ba ng lasa nito?" nagtatakang tanong ni Grey sa kanya.

Nang makita niyang nasa kanila ang lahat ng atensyon ay ngumiti siya saka ibinalik ang tingin sa asawa bago haplosin ang kanyang tiyan.

"I'm not allowed to drink alcohol anymore because I'm pregnant, love." she announced and explained.

Napatayo naman bigla si Grey at napatulala. At nang dahil sa sinabi niyang iyon ay tuwang-tuwa siyang niyakap ng kanyang biyenan.

"Another apo na naman! Congratulations, Maiara!" sabi ng kanyang Dad Jameson.

"Congrats, Maiara! More babies to come!" tuwang-tuwa na sambit ni Mom Sunshine.

Nilapitan naman siya ni Arthea saka niyakap. "Congratulations ulit Maiara and Grey! Sky, you're going to be a kuya na!!"

Tumatakbo naman siyang nilapitan ni Sky at ni Jax.

"May baby ulit tayo, Sky. Here, inside my tummy." turo niya sa kanyang tiyan.

Inilapit naman ng dalawang bata ang tainga nila sa tiyan niya. "Hi baby!"

"Congrats! Bilis ah? Speed lang, kapatid?" pagbibiro ni Jackson sa nakatulala pa rin na si Greyson.

"My wife's pregnant. I'm going to be a dad again." bulong nito bago matumba.

Oh god, he fainted!

"Ang bigat mo! Gumising ka nga at nangangawit na ako!" iritadong sigaw ni Jackson sa kapatid dahil nang matumba ito ay si Jackson ang katabi nito kaya ito rin ang nakasalo dito.

Nagtawanan naman silang lahat dahil sa pagkakahimatay ng kanyang asawa. Paano pa kaya sa susunod pang mga taon? Lagi na lang itong mahihimatay?

"Just like what happened before, our son fainted." Dad said.

"Yeah, mana sayo, hon." natatawang sagot naman ni Mom dito.

Napatingin naman sa kalangitan si Maiara na punong-puno ng maliwanag at nagkikislapang mga bituin. Napapikit siya at muling nagpasalamat sa Diyos.

"Hindi ko masasaksihan ang masasayang pangyayaring ito kung hindi dahil kay God. And I will never waste this chance that God had given me.

I'm very thankful to him that he gave me one more chance to live and come back to the people I love the most, especially my family.

I'm also thankful to Destiny. Yes, I believe in destiny because for me, destiny is also one of the reasons why I came back. Me and my husband are destined for each other. That's why Destiny plans to find a way for me to come back to Greyson's arms."

The End.

~cutiesize31 <3