This is the last chapter of Back to You. Thank you for patiently waiting for this story to be updated.
CHAPTER 36 - Positive
Maiara
A month has passed and Sky can now study in Pajavera University as a Preschool student. Actually, today is Sky's first day in Preschool.
Maiara starts her day running towards the bathroom again. It's her routine, vomiting every morning and she has no idea why it is happening to her.
"Hey, you okay?" naramdaman niya ang paghaplos nito sa likuran niya habang nagduduwal siya.
Nagsimula muna siyang maghilamos bago harapin at sagutin ang asawa.
"Yes! I'm fine." sagot niya kahit na nababagabag siya tungkol sa nangyayari sa katawan niya this past few weeks. "Gising na ba si Sky? First day niya ngayon."
"Nasa baba na siya. He's already eating his breakfast." tinitigan siyang muli ng asawa. "Sigurado bang ayos ka lang?" nag aalalang tanong nito sa kanya.
"Oo naman! Baka may nakain lang ako kagabi na hindi maganda." tanging nasabi lamang niya para hindi na ito mag alala sa kanya masyado. Ngayon lang kasi siya naabutan na ganun ni Grey. Mas maaga kasi itong nagigising kaysa sa kanya para maghanda sa trabaho.
Magkasabay na silang bumaba at nagtungo sa dining area. Nakita na niya doon ang isang kasambahay nila na inaasikaso si Sky sa pagkain nito habang si Manang Sonia ay nagluluto pa rin ng agahan.
"Good morning my baby Sky!" bati niya saka hinalikan ito sa pisngi.
"Mommy!"
"Are you ready for today?"
"Yes!!" magana nitong sagot.
Naupo na sila ni Grey sa tabi ni Sky at sinabihan na rin niya ang kasambahay na siya na ang magpapakain kay Sky.
"What do you want to eat? Fried rice or sandwich?" tanong sa kanya ni Grey.
Tiningnan niya ang mga nakahain sa mesa pero parang wala siyang nagustuhan. Pero may pagkain siyang nasa isipan niya na gusto niyang subukan.
"May peanut butter ba tayo dyan tsaka strawberry jam?" she asked Grey.
"Wait, kukunin ko."
Pagkabigay nito sa kanya ay tuwang tuwa niyang binuksan ito at kumuha ng isang kutsarang peanut butter. She tried to taste it first before getting a banana.
"Wait, don't tell me lalagyan mo yung saging ng peanut butter."
She just chuckled and nodded before doing it and eating the banana with peanut butter.
"Mmm.. sarap!"
"Iww!!" Sky shouted so Maiara looked at her son.
"It's yummy kaya!" at saka nilingon niya ang asawa niya na mukhang nag aalala sa kinakain niya.
"Love, may boiled egg ba dyan? Pahingi naman, please."
"Ahmm, please get her some boiled egg, Ana." utos nito sa kasambahay na agad nitong sinunod.
Pagkatapos ng ilang minuto ay iniabot na sa kanya ng kasambahay ang boiled eggs na gusto niya at saka dali-dali itong nilagyan ang strawberry jam.
"Wow! I love it!" tuwang tuwa niyang sigaw saka nagpatuloy sa pagkain.
"You're being weird, love."
"Hmm?" patanong niyang sagot dito bago ubusin ang lahat ng pagkain niya.
Nakaubos siya ng apat na boiled eggs with jam and three bananas with peanut butter. While her husband and son ate fried rice, bacon and sunny side up eggs.
"Are you two done? Take a bath na at baka malate pa kayo pareho sa pasok niyo." she asked while drinking fresh milk.
"Papaliguan ko na po si Sky, mam." sabi ni Ana.
"Sige, salamat!" nilingon niya ang asawa na nakatitig sa kanya na para bang ang weird weird niya.
"Ikaw din maligo ka na. O baka naman gusto mong paliguan pa kita?" pang aasar niya dito.
"Are you sure you're fine?"
"Oo nga ayos lang ako, love." natatawa niyang tugon dito. Bakit naman hindi siya magiging ayos?
"Dali na. Bilisan mo tapos susunod ako, magliligpit lang ako." hindi na nakatanggi pa si Grey sa utos ng asawa kaya umakyat na ito sa kwarto nila para mag ayos.
Kumuha muna si Maiara ng slice bread saka nutella para ipalaman dito. Nagdagdag din siya ng mga fresh fruits at kaunting chips sa lunch bag nito. Iyon ang naisipan niyang ipabaon sa asawa't anak.
Pagkatapos ay isa-isa niyang dinala ang mga pinagkainan nila sa kusina para ilagay sa lababo.
"Ako na ang bahala diyan, hija. Sige na at baka mahuli pa kayo sa klase ni Sky. Sasamahan ninyo siya 'di ba?"
"Opo, manang. Sigurado po ba kayo?"
"Oo naman. Sige na, ayos lang ako." nakangiti nitong tugon.
Tumango na lang siya saka umakyat na sa kwarto nilang mag-asawa. Saktong naabutan niya itong kakalabas lamang sa banyo. Kaya pumasok na siya agad doon saka naligo.
Pagkalabas naman niya pagkatapos ng halos kalahating oras, nagbihis agad siya ng damit kung saan ay komportable siya at saka nag lagay ng kaunting make up.
"Love, mamaya nga pala may lakad kami ni Khate."
"I'll go with you." mabilis nitong sagot kaya napalingon siya dito habang nagsusuklay ng buhok.
"Huh? May pasok ka diba? Tsaka girl bonding namin 'yun ni Khate."
"But.." nakita niya ang pag aalalang reaksyon nito.
"Nag aalala ka na naman ba na baka mawala na naman ako tulad ng dati?" tanong niya dito nang lapitan niya ito habang nag aayos ng necktie nito.
He nodded. "Yeah.." he whispered.
"Don't worry, hindi na mauulit 'yon, ok? Kung gusto mo ihatid mo pa ako sa pupuntahan namin ni Khate tapos tawagan mo ako or itext para makasiguro ka."
Nang sumang ayon si Grey sa suhestiyon niya ay mabilis nilang tinapos ang pag aayos saka pinuntahan ang anak sa kwarto nito.
Naabutan nila itong nagsusuot na ng sapatos kaya kinuha na ni Grey ang bag nito pati na ang lunch bag na ibinilin niya para ilagay sa sasakyan.
"Sasamahan ka muna ni mommy at daddy sa school para makita namin ang gagawin mo sa first day, ok lang ba?"
"Yes, mommy!"
"Tara na at baka malate na tayo." alas otso ang pasok nila at nasa alas siyete y medya na. Hindi naman malayo ang Pajavera University sa AIA kaya mabilis lang din ang byahe nila patungo roon.
"Parang dati lang tayo ang papasok dito pero ngayon maghahatid na tayo ng anak." natawa naman ng mahina si Grey dahil sa ibinulong ni Maiara nang papasok na sila ng gate ng unibersidad.
Binati sila ng security guard mula sa gate. At habang patungo sila sa Preschool building, binabati rin sila ng mga guro na mga nakakakilala sa kanila.
Lumuhod si Maiara para magkapantay sila ng anak. "Galingan mo sa first day, Sky. Nandito lang kami kapag may kailangan ka ha. Nasa lunch bag mo na rin yung mga foods mo para kapag nagutom ka or recess time niyo na ay hindi mo na kailangan lumabas at bumili sa cafeteria." inayos niya ang polo nito.
"Opo, mommy."
"Go, your classmates and teacher are waiting for you." inalalayan ni Grey ang anak sa pagpasok nito sa classroom.
Nang makaupo na sa pwesto si Sky ay lumingon pa muli ito sa bintana kaya kinawayan nila ito.
"Good job si Sky ah. Hindi umiiyak." natatawang tugon ni Maiara sa asawa.
"Matagal na niyang gustong mag aral kaya siguro hindi siya umiiyak at nagwawala. Hindi ko naman siya mapagbigyan dati dahil may age limit kapag ipinasok sa preschool." paliwanag ni Grey at napangiti doon si Maiara.
Kinuha niya ang cellphone sa bag niya nang tumunog iyon. Nakatanggap siya ng mensahe sa kaibigan kaya inaya na niya si Grey na umalis na doon.
"Hanggang anong oras ba kayo ni Khate sa SM?"
"Hindi ako sigurado pero manonood kami sa sinehan kaya matatagalan kami."
"Ok. I'll pick you up later. Itext mo na lang ako."
Nilingon niya ito bago siya bumaba ng sasakyan. "Busy kayo diba? Tsaka baka makaabala ako."
"Hindi ka isang abala, ok? My wife and son are more important than my work."
Napangiti naman si Maiara sa sinabi ng asawa. "Okay. See you later, love."
Grey kissed her. "See you. Take care, ok? I love you."
"I love you too."
Nang makapasok na siya sa entrance ng mall ay natanaw niya kaagad ang kaibigan.
"Maiara!!" salubong sa kanya nito.
Niyakap niya ito at pagkatapos ay tinanong. "Kamusta ka na? Hindi ka na dumadalaw sa bahay namin ah."
"Busy eh. Alam mo na, todo kayod para sa pamilya at kinabukasan ng lahat." pinagmasdan naman nito ang kabuuan niya. "Eh ikaw ba kamusta na? Blooming na blooming ka girl ah? Mukhang masayang masaya ka na sa life mo."
"Syempre! Ikaw ba naman ang may anak na nakakatuwa at asawang mapagmahal."
Nagsimula na silang maglakad patungo sa bandang itaas kung nasaan ang cinema area.
Napagdesisyunan na lamang nilang panoorin ang isang romcom movie dahil hindi naman sila mahilig sa horror movies at action movies.
Si Khate ang pumila sa pagbili ng ticket nilang dalawa habang siya ay doon naman sa pila ng pagbili ng mga pagkain.
Nang matapos silang pareho ay pumasok na agad sila sa sinehan at nagtungo sa pwesto nila.
Hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang pelikula at pareho naman nila iyon na enjoy pareho. Ang tagal na kasi noong huli nilang gala dahil sobrang daming nangyari noong nakaraan.
Natapos ang pelikula ng bandang tanghali na kaya nagdesisyon na silang maghanap ng restaurant na kakainan. Tinext din niya si Grey tungkol sa ginawa nilang magkaibigan para hindi ito mag alala sa kanya.
"Ang ganda mo talaga today, girl. Blooming ka. Mukhang masusundan na si Sky ah?" taas baba kilay pa ang kilay nito at nakangiti na parang nang aasar.
Namula naman siya nang maalala ang ginagawa nilang mag asawa gabi-gabi.
"Uy namumula! Ano? Buntis ka na ba?"
"Khate! Ang ingay mo!" saway niya sa kaibigan habang patungo sila sa supermarket. May bibilhin daw kasi itong groceries habang siya ay nagpasya na ring mamili ng mga prutas tulad ng kinain niya kaninang umaga.
"So, ano nga? Buntis ka na ba ulit? Ninang ako ha!"
Pangungulit nito habang kumukuha siya ng mga iba't ibang klase ng prutas. Sa tapat naman no'n ay kumuha siya ng isang tray ng itlog dahil balak niyang ipa boiled eggs iyon lahat mamaya pagkauwi niya.
Habang namimili si Khate ay sinusundan niya lamang ito hanggang sa lumiko ito sa may bandang toiletries area.
"Hindi ka ba kukuha? Diba sabay lang naman tayo kapag nagkakaroon? This week 'yon." sambit nito habang kumukuha ng sanitary napkin.
Napatulala siya sa kaibigan nang may marealize siya.
"Hindi pa ko nagkakaroon."
"Ha?" napalingon naman sa kanya si Khate. "Hindi ka pa nagkakaroon?"
She nodded. "Last month pa."
Napatakip naman ng bibig si Khate at pagkatapos ay nagtatatalon at niyakap siya.
"OMG girl!! Magiging ninang na ako!!!"
Maiara realized what happened to her in the past few weeks. Vomiting every morning, eating weird foods, and delayed menstruation.
Napahawak naman siya sa tiyan niya bigla.
"Tara na at bayaran na natin ito. Pagkatapos ay bumili ka ng pregnancy test dyan sa watsons." mabilis nitong tugon saka inaya na siya na magpunta sa counter.
TWO vivid lines caught her attention. Nasa loob siya ngayon ng comfort room para gamitin na ngayon ang pregnancy test na binili nila.
Hindi siya makapaniwala sa nakikita. She's going to be a mommy again! Grey will be a dad again and Sky will be a big brother soon!
Pagkalabas niya ay sinalubong siya agad ni Khate. Kinuha nito ang pregnancy test na hawak niya sa kaliwang kamay habang nakahawak ang kanang kamay sa tiyan niya.
"Positive!!! Waaahh ninang na ko!!!"
And then Khate hugged her. "Congratulations!!"
~cutiesize31 <3