CHAPTER 33 - Complete
Greyson
Greyson can still remember what Maiara told him. Ayaw man niyang isipin ngunit para itong namamaalam. No.. he believes that she can do it, she can overcome it and she can recover faster.
Thankfully, seconds after Maiara fell unconscious, Sadie's team helped them. Mabilis nilang narating ang pinakamalapit na hospital. And now, Greyson is still waiting in front of the emergency room where Maiara was brought earlier.
Alam ni Grey na napakahirap ngayon ng sitwasyon ni Maiara, paano pa kaya noon? Naalala niya ang mga sinabi ni Lola Eva sa kanya at mauumpisahan lamang niya ang lahat ng plano niya para sa pamilya nila kapag nakarecover na ang mag ina niya.
Speaking of Sky, he called immediately his brother to ask about what happened to his son.
"We're in the same hospital, bro. Pumunta ka na lang dito sa room 306, nasaan ka ba?"
"Nasa labas ng ER, hinihintay ko ang resulta ng lagay ni Maiara." he answered and he heavily sighed because his very worried of his wife.
"Sige, pumunta ka na lang dito kapag maayos na ang lahat. Mabuti na lang at tulog si Sky, kanina kasi nagwawala siya at hinahanap ka."
Napatayo siya at napahawak sa sintido, hindi niya alam kung ano na ang uunahin ngayon. Mas lalo lamang siyang nakaramdam ng pag-aalala sa anak. "What? Anong sabi ng doctor?"
"The doctor suggested na ipakausap siya sa isang psychologist dahil baka raw magkaroon ng trauma ang bata. Pinatulog muna niya kanina si Sky dahil nagwawala nga at iyak ng iyak. Babalik na lang daw ulit yung doctor mamaya at kasama na ni doc yung psychologist na nirefer niya sakin."
Nakahinga naman siya ng maluwag. "Ok, thanks, Kuya. Just call me if Sky woke up."
"No problem, kapatid."
When the call ended, nagbalik na naman ang tingin ni Greyson sa pintuan ng ER. Hindi na rin niya alam kung ilang oras na siya naghihintay.
He glanced at his wrist watch and it's now almost eight pm. It's been an hour and a half and they're not yet done.
"Grey! How's Maiara?" there he saw his friend, Justus.
Sasagutin na sana niya na naghihintay pa siya ng resulta but as if on cue, the emergency room's door opened. Mabilis niyang nilapitan ang doctor para kamustahin ang lagay ng asawa niya.
"She's now fine. Medyo lumala lamang ang lagay ng binti niya dahil hindi kaagad naagapan. At tungkol naman sa dugo niya, naubusan siya ng dugo dahil sa tama sa kanya pero huwag ho kayong mag-alala dahil nasalinan na rin siya kanina. Sa ngayon ay wala pa siyang malay dahil sa kalagayan niya."
Pagkatapos ay sinabihan siya nito na itatransfer na ito sa isang private room. Gusto niyang magkalapit lamang ang room nila Maiara at Sky kaya sinabi niya dito na sa katabing private room na lamang ilipat si Maiara na kaagad naman nitong pinayagan since available naman ito.
"Tawagin niyo lamang ako kung magising na ang pasyente. Babalik din ang nurse dito para i-check siya mamaya." paalala nito sa kanya.
Ang mga kasama naman nitong nurse ay iniayos ang higaan ni Maiara pati na ang pagkakabit ng IV nito.
"Ok, thanks doc." pasasalamat niya at saka nagpaalam na ito sa kanila.
Nilapitan niya ang asawa saka umupo sa gilid nito. Hinaplos niya ang buhok nito habang nakatingin sa maputlang mukha nito at nakasuot ng oxygen mask. Natatakpan ng maliit na bandage ang braso nito habang ang binti nito ay nababalutan ng bandage.
"Sana gumaling ka na. Sky's waiting for you. I'm waiting for you." he whispered then he kissed Maiara's forehead.
"Bro." napalingon naman siya sa kaibigan niyang si Justus na kanina pa nga pala nakasunod sa kanila.
"Ano na ang balita?"
Kumuha ng upuan si Justus at saka inilapit sa pwesto ni Grey.
"For now, napag-usapan namin ni Chief ang tungkol sa pagkakakulong ni Ariana. I'm very sure na matagal mamamalagi si Ariana sa kulungan dahil sa ginawa niya. So, what's your plan about it?"
"Pwede bang kapag nagising na si Maiara ay saka na namin 'yan aasikasuhin? I know that Maiara loves her sister. Kaya kailangan pa muna natin ipaalam sa kanya yung mangyayari sa kapatid niya."
Napatango-tango naman si Justus sa komento niya na para bang naiintindihan niya ito. "Ok, may aayusin lang ako sa opisina ko. Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka, bro."
Tumayo na si Grey para ihatid ito papalabas ng kwarto. "Thanks, bro."
"No problem!" Justus answered before he left.
Ngayong mag-isa na si Greyson, ginawa na niya ang mga dapat niyang gawin.
Tinawagan niya ang mga magulang niya para ibalita ang nangyari sa mag-ina niya at pagkatapos ay nanghingi ng pabor na dalhan sila nila Sky at Jackson ng mga gamit.
Pagkatapos ay tinawagan naman niya ang kaibigang si Damien. Masyadong malayo ang hospital na ito sa AIA subdivision kaya gusto niyang lumipat sila ng hospital kinabukasan. Mabuti na lamang ay sa Allied Care Experts hospital nagtatrabaho si Damien which is near the AIA.
Before transferring Maiara to another hospital, the doctor checked her up first and prepared all of her records regarding the results of her when they treated her at the ER.
Also, mabuti na lamang at ang psychologist na nirecommend ng doctor ni Sky ay may opisina rin sa Allied Care Experts Hospital. Kaya naman wala na silang naging problema pa tungkol sa anak niya.
So now, early in the morning and everything is prepared and ready. Maagang dumating ang ambulance kung saan nakasakay sina Maiara together with her nurses and also Greyson while Sky is with his uncle Jackson na nakasunod sa kanila at nakasakay sa sasakyan nito.
After an hour or two, they finally arrived at Baliwag. Agad naman silang inasikaso ng mga nurses at syempre ni Damien kaya hindi rin nagtagal ay nasa isa na silang malaking private room sa hospital.
"Thank you, bro." he thanked him after checking his wife.
"Walang problema." he smiled then turned his gaze at Maiara. "Now, Maiara is in good condition. But, I'm still studying what will happen on her knee. Mukhang mahihirapan siyang maglakad."
"What do you mean? Hindi na ba siya makakalakad ulit?" nag-aalalang tanong niya rito.
Umiling si Damien. "No, what i mean is mahihirapan lang siyang maglakad ng ilang days or weeks lang pero babalik din naman agad. Yung binti kasi talaga niya ang mas may malalang kalagayan, but don't worry, madadaan naman iyan sa treatment."
Greyson sighed heavily. "Kailan siya magigising?"
"This week or next week. She's just resting because of what happened."
"Salamat naman sa Diyos kung ganoon."
"Yeah, Thank God." tinapik nito ang balikat niya. "I'll call Sky's psychologist. Baka tapos na iyon sa isang pasyente niya."
"Thanks Damien." pagpapasalamat niyang muli dito na tinanguan lamang ng kaibigan niyang Doctor.
Nagtungo naman siya sa kabilang hospital bed kung saan natutulog si Sky. Siya lang ang bantay sa room dahil umuwi si Jackson kanina pagkahatid sa kanila habang ang mga magulang niya ay on the way pa lamang.
Hinaplos niya ang buhok pababa sa pisngi ng anak niya. He can still remember how Sky cried before when he missed his mom. Sanggol pa lang ito ay malapit na ito kay Maiara at hindi nakakatulog kaagad hangga't hindi siya kinakantahan at hinehele ng ina.
Naalala rin niya bigla kung paano umiyak sa kanya si Sky noong nag birthday ito dahil ang mga kalaro nito ay may kasamang mommy na nag-aalaga sa mga ito. Tinatanong pa nga siya nito na bakit ang mommy niya sinasaktan siya dati, bakit iniwan sila, nasaan na ang mommy niya… something like that.
Hindi naman talaga dapat maaalala ni Sky ang pananakit na ginawa noon ni Ariana since he was still a baby back then, but he heard it when they are talking about what happened to the past. Hindi kasi maiwasan ang usaping iyon sa tuwing dumadalaw ang mga magulang niya sa bahay nila noong mga panahong hindi nila mahanap ang babae na inakala nilang si Maiara.
So at an early age, he's aware of what happened before. At hindi iyon nagustuhan ni Grey. Well, sa murang edad nakikita na niya na nagmana sa kanya ang anak niya. Matatas itong magsalita, naiintindihan na ang nasa paligid, at curious sa mga bagay bagay. Matalino nga raw ang anak niya sabi ng mga kakilala nila.
"Daddy.."
"Hey, son. Are you ok?"
"Mmm mm.." tumango ito saka bumangon at naupo.
"Where's mommy?"
Hinaplos ni Grey ang buhok ng anak saka inayos.
"Do you know who is your mommy?" and Sky nodded again.
"There she is." sabay turo niya sa katabing hospital bed nito.
Kaagad naman nagpakarga ang anak niya saka itinuro ang hospital bed ni Maiara kaya naman nilapit niya si Sky doon.
"Mommy's sick?"
"She needs to rest, baby." tumango si Sky at saka binalik na niya ito sa kama nito.
He wants to ask him about the incident days ago but he's scared that Sky will panic again. And suddenly, the door opened and they saw Sky's Psychologist.
"Good Day, Mr. Pajavera. Hello Sky! I'm Dra. Vina, your Psychologist." bati nito at saka nagpaalam na ito kay Grey na ichecheck muna nito si Sky.
May mga katanungan itong itinanong kay Sky na sinagot naman ng anak niya. Napangiti naman si Grey at nakikita niya na mukhang maayos na ang anak niya.
But unfortunately, when the door opened again and his parents had arrived, his mom dropped something and Grey saw how Sky reacted. He cried and panicked so Sky's Psychologist did something for Sky to calm down.
"What happened to my apo?" his mom asked them immediately.
"Maayos ang pagsagot niya sa mga tanong ko kanina so I thought that he's fine but unfortunately he's not. Mukhang natakot ang bata noong makarinig ng ingay bigla." nilingon naman siya ng Psychologist. "May past ba siya about sa mga pagsabog o maiingay? Fireworks? Gun shots? Accidents?"
Unti-unting narealize ni Grey kung ano ang kalagayan ng anak. "He was kidnapped and the kidnapper fired a gun and Sky heard it for how many times." he explained.
Napatango-tango naman ang doktora. "Oh that's why. Sa ngayon, mag-ingat na lang ho tayo sa mga bagay na maaaring makalikha ng ingay." may isinulat ito sa papel na dala nito. "I'll be back later in the afternoon to check Sky again."
"Thank you, Dra. Vina." ngumiti naman ang doktora saka nagpaalam na sa kanila.
"You should go home first, Grey. Natutulog ka pa ba ng maayos? Look at you, napapabayaan mo na ang sarili mo!" his mom gave him a mirror so he saw what his mom was trying to say.
Malaki na ang eyebags niya, gulo-gulo ang buhok, then inamoy din niya ang damit niya na suot pa niya kahapon.
"Take a bath and rest, Grey." utos naman ng ama niya.
He looked at Maiara and then to Sky. "But--"
"No buts, son. Kami na muna ang bahala sa mag-ina mo. Dadalaw din dito mamaya ang kapatid mo at si Arthea kaya maraming magbabantay sa kanila.
"Fine. Call me when something happened to them, mom, dad." they both nodded so he kissed Maiara and Sky's forehead before he left.
Days have passed and everyone's doing fine. Sky is doing great in his session with his Psychologist while Maiara is still asleep. It's been four days since the incident happened but Maiara's still not yet awake.
Noong una ay sobrang nagpanic siya nang magdalawang araw na at hindi pa siya nagigising kaya ipinaintindi sa kanya ni Damien na kailangan lamang magpahinga ni Maiara dahil nabugbog ang katawan nito sa pagod.
"Daddy, mommy's sill (still) sleeping?" tanong ng anak niya habang nakaupo sila sa tabi ng hospital bed ni Maiara.
"Yes, baby. Mommy still needs to rest." and that's what he always answered when Sky is asking him about his mommy.
"Did you miss mommy?"
"Yes." Sky nodded.
"Even if she did something bad to you?"
"It's not mommy. This is my only mommy." itinuro ni Sky si Maiara.
Namangha naman si Grey mula sa isinagot ng anak. So, Sky really knows who is really his mommy.
"How did you know?"
"Mommy towd (told) me that she will not huwt (hurt) me."
Napakunot noo naman siya. So he curiously asked when Maiara told him that.
"When bad guys get us." kinuha naman nito ang kamay ni Maiara saka may ipinakita si Sky.
"Anong mayroon sa kamay ng mommy mo?"
"She helped me wemove (remove) the wope (rope) here." saka nito ipinagdikit ang dalawang kamay na may kaunti pang sugat na dulot ng mahigpit na pagkakatali.
Nagtaka naman si Greyson sa sinabi ng anak. How can Maiara help Sky to remove it on his wrist? Hindi ba't si Jackson ang nagtanggal nun kaya nga naitakas nila ito?
"When? Diba si uncle Jackson ang nagtanggal ng tali sayo?"
"No, at fiwst (first) mommy wemove (remove) the wope (rope) then we run but the bad woman bang mommy here." itinuro naman nito ang nakabendang binti ni Maiara.
Saglit pang nag-isip si Greyson tungkol sa kwento ng anak niya.
"What? Mommy removed the rope and then you escaped?" Sky nodded. "And then the bad woman who looked like your mom hurt your mommy and shot your mommy's legs?"
"Yes, daddy."
Then it means that they escaped pero nahuli din sila kaagad. That's how Maiara got her wounds, from escaping and protecting Sky.
Nagbalik siyang muli mula sa mga iniisip na nangyari at pinagdaanan ng mag ina niya dahil sa pagtapik sa kanya ni Sky.
"Daddy!! Mommy's awake!!" he happily shouted and Greyson looked at Maiara who's slowly opening her eyes.
Ibinaba niya muna saglit si Sky para tumawag ng nurse at si Damien. Pagbalik niya ay nakatingin lang sa kanila si Maiara.
Nang pumasok si Damien, kaagad nitong chineck ang asawa niya habang silang dalawa ni Sky ay nasa isang tabi, nakamasid lamang.
"May masakit ba sayo, Maiara?" tanong ni Damien matapos icheck ang vitals nito at pati na rin ang pagtanggal ng oxygen mask nito.
"Oo, y-yung b-binti k-ko." nahihirapan nitong tugon.
"Just take a rest. Huwag ka rin masyado muna gumalaw dahil hindi pa masyado magaling ang tama sa binti mo. Malala ang naging lagay nun so you can't walk for a while, but don't worry, magagamot pa naman ng treatment , pahinga at practice 'yan." paninigurado ni Damien at saka nagpaalam na ito pagkatapos i-check si Maiara.
Tumakbo naman kaagad si Sky patungo sa tabi ni Maiara saka niyakap ito.
"Mommy!!"
Lumapit din si Grey sa kanyang mag-ina. "Aia.."
Nakatingin lang sa kanya si Maiara na siyang ikinabahala niya. Nakalimot ba ito? Hindi ba siya nito nakilala? Sa pagkakatanda niya ay hindi naman nabagok ang ulo nito ah?
"Aia.."
"A-ash.." nauutal nitong tugon at dahil doon ay niyakap ni Grey ang asawa ng may pag iingat.
"Thank god, you're fine." kumalas na ito sa yakap at saka naman hinaplos niya ang mukha ni Maiara.
"Akala ko wala ka sa tabi ko paggising ko. Natakot ako." bulong nito habang naggigilid na ang mga luha nito.
"Bakit naman? I'm always here for you, remember that." paniniguro niya sa asawa.
"Dati kasi wala ka sa tabi ko paggising ko kaya akala ko ay ganun din ngayon." paliwanag nito.
"Hindi kita iiwan, Aia. I love you, my wife." then he kissed Maiara's lips, but he stopped when Sky called him.
"Daddy! Why aw (are) you eating mommy's lips?"
Natawa naman silang dalawa ni Maiara. "No, I'm not."
"Sky, anak." tawag ni Maiara dito at saka niyakap naman ito ni Sky.
"Mommy I miss you."
"I miss you too, baby."
Napangiti naman si Grey sa nasilayan. Sa wakas, buo na silang muli. This is the complete family that he's been waiting and praying for.
~cutiesize31 <3