CHAPTER 30 - Investigation is out
Maiara
After what happened in the mall yesterday, Maiara didn't give up. She wanted to see her son and explained everything to Grey, so she planned to get inside the AIA subdivision.
Hindi naman siya banned sa buong AIA Company at Subdivision kundi sa mismong bahay lang nila Grey. Pero hindi pa rin dapat siya makampante dahil maraming bantay ang nakapalibot sa bahay nito.
Una niya sanang pupuntahan ang bahay ng mga ito nang matanaw niya ang playground kung saan may nakita siyang mga batang naglalaro. Iyon ang mga batang pinakilala sa kanya ni Sky.
Ang unang nakapansin sa presensya niya noong patungo siya sa gawi ng mga ito ay si Ara. Pumalakpak ito at saka humagikgik. Mukhang nakilala siya nito. At dahil sa ginawang pagtawa ni Ara, napalingon sa gawi niya si Amanda na katabi lamang nito.
"Auntie Maia!" she smiled when she heard Amanda. Naaalala pa pala siya ng mga ito.
"Auntie!" napatingin naman siya sa isa pang bata na tumatakbo kasunod ni Amanda, si Tin.
Pagdating nito sa harapan niya ay kinulit na agad siya ng dalawa na magpa braid sa kanya. Nagpatuloy sila sa pagpunta sa playground hanggang sa naupo na siya sa swing at pinagbigyan ang gusto ni Amanda at Tin.
Kung noon ay pinapangarap lang niya na magkaroon ng anak kagaya ng mga batang ito, totoo na ngayon. She has Sky but they still need to deal with each other.
Hindi pa siya napapansin ni Sky na naroon lamang siya dahil nandoon ito naglalaro sa seesaw kasama ng iba pang mga bata. Nakatalikod ito sa gawi niya kaya nang matapos niyang ayusin ang dalawang batang babae ay tinawag niya ang pansin nito.
"Sky, anak."
When Sky looks at her, she can see in his eyes that he's shocked and at the same time, scared. Mabilis itong bumaba sa seesaw at saka tumakbo papalayo sa playground.
"Sky!"
"Sky, where are you going?"
"Wait, Sky!"
Magkakasabay na sigaw ng mga kalaro nito. Nag-alala siya para sa anak lalo na at baka maligaw ito kaya naman sinundan niya ito.
"Sky!" sigaw niya pero hindi pa rin ito tumitigil sa pagtakbo hanggang sa makasalubong nila ang isang itim na van. Sobra ang kaba ni Maiara nang makita itong papalapit sa anak kaya mas binilisan niya ang pagtakbo hanggang sa maabutan na ang anak saka niyakap.
Akala niya ay masasagasaan na sila ngunit laking gulat niya nang may isang lalaking bumaba at sapilitan silang isinakay sa loob.
"Teka, anong ginagawa niyo?" ani Maiara habang nagpupumiglas sa hawak ng isang lalaki na kasama noong unang bumaba kanina.
"No!!" Parehong sigaw ng mag-ina.
Nang makapasok ay natigil sa pagpupumiglas si Maiara nang may maramdaman siya sa kanyang tagiliran, isang patalim.
Wala siyang nagawa kundi ang yakapin na lamang ang anak dahil sa malakas nitong pag-iyak. Nais niya itong pakalmahin ngunit paano niya iyon gagawin kung siya rin mismo ay hindi kayang kumalma lalo na at nasa ganoon silang sitwasyon.
Pinagdadasal na lamang niya na makatunog ang mga guwardiya habang papalabas na sila ng AIA Subdivision ngunit nagulat siya nang sumaludo pa ang guwardiya sa driver nitong van. Mukhang kasabwat din nila iyon.
"Saan niyo kami dadalhin? Anong kasalanan namin sa inyo?" malakas na loob niyang tanong sa mga ito.
"It's a secret, my dear. At tungkol sa kasalanan mo naman, malaki."
Napalingon siya sa nagsalita na nakaupo sa passenger seat dahil sa pamilyar nitong boses. Pero mas nagulat siya at ramdam niya ang pamumutla nang lumingon ito sa gawi nila. Tinanggal nito ang itim na itim na salamin saka siya nginisian.
"Paano--" paanong kamukha niya ang babaeng iyon?!
"Remember me, sis?" nang dahil sa sinabi nito ay biglang nanlaki ang mata niya sa gulat lalo na nang may mapagtanto siya.
"Ariana.." it's her twin sister.
Greyson
When Greyson received a message from Sadie about Maiara's full report, he immediately cancelled all his appointments. At habang hinihintay niya si Sadie, hindi na siya mapakali sa inuupuan kaya palakad-lakad siya sa buong opisina niya.
At sa ganoong pangyayari naabutan ng kanyang mga magulang at kapatid si Grey.
"Anong ginagawa mo, kapatid?" nilingon niya ang bagong pasok na si Jackson na kasunod si Arthea.
"Is there something wrong, son?" his mom asked.
"Sadie informed me about Maiara. Papunta na siya dito ngayon para ipaliwanag ang lahat." he explained.
"Oh, sakto pala ang dating namin. We also want to know everything so we'll stay here." his dad said.
Pinaupo niya muna ang mga ito sa sofa at habang naghihintay ay tahimik lang silang buong pamilya. They are all confused about Maiara that's why all of them are thinking the possible reason how it happened.
Mula noon pa man ay botong boto na ang pamilya niya kay Maiara dahil nasubaybayan din ng mga ito ang paglaki ni Maiara. Mabait ito sa pamilya niya at maalagain ngunit nang malaman ang nangyaring pagkasira sa pagiging mag-asawa nila ay naging isa itong malaking problemang mahirap tanggapin lalo na para sa mga magulang niya.
At first they can't believe it but when they heard about Maiara hurting Sky, they can't tolerate it anymore so they agreed about Grey's first plan, the annulment. But when they are ready to file an annulment, that's when Maiara disappeared. Hindi na nila ito hinanap dahil inisip na lang nila na sumama ito sa iba.
"Sorry if i kept you all waiting. I'm Sadie Tuazon, and the investigation is out." nakipagkamay rin ito sa magulang niya pati na rin kila Jackson at Arthea.
Dala na ngayon ni Sadie ang isang makapal na envelope na paniguradong naglalaman ng mga dokumentong matagal na nilang gustong malaman ang laman.
Hindi na nakatiis si Grey ay agad itong tinanong.
"How's the report?"
Sadie immediately presented the file in front of them and they're all in silence because of nervousness.
"We'll talk about Maiara's personal information first." she announced.
"Maiara Quinn Auriño-Pajavera also known as Aia, Maia, or Maiara. She is 24 years old and was born on May 27, 1996 in Novaliches, Quezon City. Her mother's name is Marianne Auriño, deceased. Her father's name is Lorenzo Miguel Auriño, deceased also. Maiara lived in Angel's Orphanage after the tragedy happened in their family. She studied at Pajavera University and became a scholar student. She graduated there as Cum Laude with the degree of Bachelor of Science in Business Administration major in Management batch 2017."
"We already know about that, Sadie. Tell us already what happened to her." iritadong sambit ni Grey dito.
Sadie chuckled. "Chill, Mr. Greyson. We'll get there."
"You all very much aware about Maiara's past, right? Her parents were murdered but no one knows who did it. And when we investigated it, the suspect was Thiago Johanson." inilabas nito ang police report tungkol sa kaso ng magulang ni Maiara noon at saka ang litrato ni Thiago Johanson.
"Thiago Johanson? The drug lord that was captured just recently?" Jackson curiously asked. All of the people are aware about who's Thiago Johanson because the news about him was all over the country.
"Yes, you're right, Mr. Jackson. Si Thiago Johanson ay hindi lang basta-basta drug lord, siya ay may negosyo ng sugal. At dyan ngayon papasok ang kaso ni Mr. and Mrs. Lorenzo Auriño. Si Lorenzo Auriño ay matagal nang nalulong sa sugal at sa hindi inaasahang pagkakataon, si Thiago Johanson na ang nakabangga niya. Thiago Johanson was very dangerous at that time, so when Lorenzo Auriño can't pay his debt, he tried to escape and ran away with his family. But his plan didn't work. Naabutan siya ni Thiago Johanson at napatay silang mag-asawa habang si Maiara ay nakatakas. At hindi diyan nagtatapos ang istorya dahil dyan pa lang ang simula."
"What do you mean?" his father asked.
"All of you didn't know that Maiara has a twin sister named Ariana Queen Auriño. Since bata pa lang sila Maiara at Ariana nang mangyari ang insidenteng iyon, nagkaroon sila ng trauma na naging dahilan kung bakit hindi iyon naaalala ni Maiara."
Napahilot sa sintido si Grey dahil sa dami ng nalaman niya. He didn't know what exactly happened about Maiara's past because he cannot just asked Maiara since he knew that it was a traumatizing past.
"Nalaman din namin na noong panahong iyon ay may ginagawa nang eksperimento si Thiago Johanson. Ang bagong droga na makakapaghypnotize sa tao. He wants to rule the world so he planned it all. And since he's making drugs, of course he needs some people to experiment with, right?"
Naglabas muli si sadie ng panibagong dokumento at tungkol iyon sa drogang pinlano noon ni Thiago Johanson.
"Kinailangan niya ng mga taong pageeksperimentuhan kagaya ng mga bata at matanda. His first plan was to take Maiara for his experiment."
"At iyon ang rason kung bakit bigla biglang nagbago si Maiara?" hindi niya napigilang itanong. He's very eager to know everything quickly.
Nilingon siya ni Sadie and Sadie gave him a look like he's the most stupid man in the world.
"What's with that look?" kunot noo niyang tanong.
"Kilala mo ba talaga ng mabuti ang asawa mo, Greyson? Yes, napansin mo ang mga pagbabago sa taong nakasama mo pero sigurado ka bang asawa mo iyon? Hindi mo ba naramdaman man lang na ibang Maiara iyon?" taas kilay nitong tanong sa kanya.
Nga-iwas siya ng tingin dahil sa tanong nito.
"Diretsuhin mo na, Ms. Sadie. We need to know everything!" his mother shouted because they are all confused.
Habang si Greyson ay paulit-ulit na iniisip ang mga sinabi ni Sadie kaya muli siyang nag angat ng tingin dito. Na sa kanya pa rin ang tingin nito na para bang hinihintay nitong makuha ang sinabi nito.
"She's not Maiara. It was her twin sister." he pointed out kung ano ang sagot na unang lumabas sa isipan niya.
Nagulat sila nang biglang pumalakpak si Sadie. It's like that he got the correct answer.
"That's right, Mr. Pajavera. That's what really happened."
"But why?" sunod niyang tanong kay Sadie kaagad.
"Ang impormasyong nakalap lang namin ay isa si Ariana Auriño sa mga batang napag-eksperimentuhan ni Thiago Johanson. Maaaring nagkaroon ng problema sa pag-iisip niya at nakontrol siya ni Thiago Johanson. May spy kami sa loob ng HQ nila and napag-alaman din namin na siya ang naging adopted daughter nito. At kung tungkol naman sa paggawa ng masama ni Ariana kay Maiara, it's either because Thiago Johanson still wanted to get Maiara or may personal na galit si Ariana mula sa kapatid nito. Walang nakakaalam ng dahilan kundi si Ariana lamang mismo."
"All this time, Maiara is innocent and suffered alone for two years.." his mother whispered but they all heard that since they're all silent, slowly sinking in all the information they got in just how many minutes.
"Napakawalang kwenta kong asawa. Paano ko nagawang magalit sa kanya na wala pa lang kasalanan?" problemadong tugon niya. Agad siyang nilapitan at niyakap ng ina para pakalmahin.
"Wala kang kasalanan, anak. Nasaktan ka lang at kinain ang buo mong puso ng galit." bulong nito sa kanya.
"There's still one thing I need to tell you." Sadie interrupted.
"What is it?" Jackson asked.
"Since Thiago Johanson was now in jail and preparing for his crime in court months from now, Ariana became the boss since she's the adopted daughter of Thiago Johanson. Hindi namin siya nahuli at kasalukuyan pa rin hinahanap dahil tumakas ito kasama ng iba pang mga tauhang natira. I just want to warn all of you that Ariana might do again the thing she did to Maiara."
She sighed heavily. "Masasabi kong matapang si Maiara dahil nalampasan niya ang lahat ng ginawa ng kapatid niya mula sa kanya. We get to know what happened to Maiara why she lost her memory two years ago and that's because Ariana tried to kill her."
"Kailangan ko na puntahan ang asawa k--"
"Grey, we need to make a plan first!" Jackson stopped him because of his sudden plan.
"He's right, son." sambit ng ama niya kaya napabuntong hininga lang siya at binigyan ng tingin si Sadie na magpatuloy sa pagsasalita.
Tumango ito sa kanya. "So as I was saying, we need to stop Ariana as soon as possible. Mukhang may binabalak siyang muli kay Maiara dahil may nakakita sa kanya dito sa Bulacan. Nag-assign na ako ng mga tao na magbabantay sa bawat bayan ng Bulacan pero hindi pa rin dapat tayo makampante. If you need help, just call us and we'll help you because our job is to protect people from the bad ones."
Pagkatapos ay nagpaalam na si Sadie sa kanila kaya nagpasalamat na sila dito. Nang sila-sila na lang ang natira ay nag usap-usap na kaagad sila mula sa nalaman tungkol kay Maiara.
"I want to say sorry to my daughter in law for everything I have said. Oh God, she suffered very much all these years!" his mom cried.
"Noong una ko siyang makita, akala ko umaarte lang siya na hindi ako kilala pero totoo pa lang hindi niya ako nakilala dahil naaksidente talaga siya." sunod namang kumento ni Jackson.
Naalala ni Grey ang tinutukoy ng kapatid. Iyon ay ang unang beses na nakita nila si Maiara matapos ang dalawang taon.
"We need to go home and get my daughter in law and grandson. I miss them already." his dad told them.
Pero natigil sila sa paglabas ng pintuan nang biglang magtaas ng boses si Jackson.
"Sino ba 'yang kausap mo? Akala ko ba may sasabihin ka lang dyan sa kaibigan mo tungkol sa trabaho eh bakit may nabasa akong bantayan si Baby mo ha?!"
"He's jealous," his mother laughed.
"Yeah." and his father agreed.
"And I think the baby that Arthea is referring to is a literal baby not a guy." bulong sa kanya ng ama niya at napatango naman siya. He guessed it too actually.
"Ano na, Arthea? Akala ko ba ako lang? Bakit may iba kang baby?" madrama nitong tanong sa kasintahan.
"Jackson! Iniisip mo bang magchi-cheat ako sayo?"
"Eh ano 'yang nabasa ko sa cellphone mo?" balik nitong tanong kay Arthea.
"Sa sabado pa dapat ito pero gusto mo nang malaman so sasabihin ko na ngayon." Arthea rolled her eyes.
"Anong sasabihin mo sa sabado? Aba! Makikipag break ka na ba sa sabado kasi may nahanap ka ng ibang baby?" Greyson can't help but to laughed lalo na noong makita nila ang pagtulo ng isang luha nito. Hindi naman mukhang magchi-cheat si Arthea dito, masyado lang over acting ang kapatid niya.
"It's my Baby Jaxon I am referring to ok? It's our son!"
"At kapangalan ko pa talaga ang anak-- wait anak? Our son?" at bumunghalit na ng tawa si Greyson nang mahimatay si Jackson matapos banggitin ang salitang 'our son'.
Tumili naman ang ina niya saka niyakap si Arthea.
"We have another grandson! Is that true, Arthea?" excited nitong tugon sa kasintahan ng kapatid.
"Opo, pasensya na at tinago ko po sa inyo. Ipapakilala ko naman po siya sana sa inyo kaso itong si Jackson ang OA na kanina." paliwanag nito.
"It's fine. But we'll appreciate it more if we will meet our grandson immediately, ok?" sabi naman ng ama nila.
"Tara na at iwan na lang natin 'yang OA kong kapatid. May pahima-himatay pang nalalaman." natatawa niyang sabi pero napalitan ang tawa niya ng sigaw dahil sa sakit na nagmumula sa pagpingot ng tainga niya.
"Ikaw talaga, Greyson! Baka nakakalimutan mo na nahimatay ka rin dati nung in-announce sa atin ni Maiara na buntis siya kay Sky?"
Napangiwi naman siya sa naalala. "Aray, Mom! Oo na, gigisingin ko na si Kuya basta bitawan mo na yung tainga ko!"
~cutiesize31 <3