CHAPTER 29 - Hate
Greyson
Greyson is now driving as fast as he could after he receives a text message from Manang. Naiwan na niya tuloy ang dalawang kaibigan sa kakamadali pagdating na pagdating nila sa parking lot at papasakay na ng kani-kaniyang sasakyan.
From: Manang
Bumalik ang asawa mo sa bahay. Takot na takot ang bata at hindi matigil sa pag iyak. Hinahanap ka na ng anak mo. Nasaan ka na ba, hijo?
To: Manang
Pauwi na po ako, Manang.
Nag-aalala na siya sa kalagayan ng anak kaya naman pagdating na pagdating niya sa bahay ay mabilis niyang tinahak ang daan papasok sa loob. Malalaking hakbang rin ang ginawa niya papaakyat ng hagdan hanggang sa marating ang kwarto ng anak.
"Manang, I want daddy! Daddy!!!" sky shouted while crying so he opened the door and immediately hugged his son.
"Nandito na si daddy, anak, shh." sinenyasan niya muna si manang na siya na ang bahala sa anak kaya lumabas na ito.
Pinahiga niya sa sky pero ayaw nitong tanggalin ang mga brasong nakapalupot sa leeg niya kaya tumabi na lang din siya ng higa dito.
Ayaw pa sana niyang tanungin ang anak tungkol kay Maiara dahil naisip niya na takot pa ito sa ina ngunit ang anak na rin niya ang nagsimulang buksan ang topic tungkol doon.
"Daddy, i'm scared. Mommy is bad." his son whispered.
"Don't worry, Daddy is always here. I'll protect you from bad people, ok?"
How can he trust his wife if she's doing something bad that can actually affect their son?
Naalala niya ang mga pinagsamahan nila noon kung gaano kabait at kabuting tao ang babaeng minahal niya noong bata pa lang sila hanggang sa ikasal na sila at nagsama bilang isang pamilya. Ni hindi niya alam kung papaano sila humantong sa ganitong sitwasyon at kung paano bigla biglang nagbago ang ugali ng asawa.
So at the end, he chose to trust Maiara again, but not now. He still wants to wait for Maiara's explanation and then they can start again.
"Daddy!! Daddy!! Wake up!!" nagising siya dahil sa maingay na batang tumatapik pa sa braso niya. Wala naman siyang pasok ngayon kaya ayaw pa niyang bumangon ng maaga kaya naman niyakap na lang niya ang anak papahiga ulit.
"Daddy!! Wake up!!"
"Son, later. Wala namang pasok si Daddy." he said but his son woke him up again.
"Daddy! Aalis tayo diba? Daddy, I want jabi (jollibee) and toys!!" he groaned when he remembered that he promised his son last last last night that they will go to the mall to do and buy everything that Sky wants.
Bumangon na siya saka binuhat ang anak. "Fine. Let's take a bath first and then let's eat breakfast at Jollibee."
"Yehey!!" sigaw nito sa tuwa.
Sabay silang naligo na may kasama pang paglalaro kaya medyo natagalan sila sa banyo. Si Grey ang namili ng damit nila dahil ang gusto ni Sky ay pareho sila. Hindi naman siya nahirapan dahil noon pa man ay hilig na nilang bumili ng mga damit na magkapareho sila. Kahit noong sanggol pa lang ito ay like father, like son na.
Going to the mall is kinda dangerous for them so they bring the body guards and other maids just to make sure of Sky's privacy while buying toys at Toy Kingdom. Kilala ang pamilya nila bilang isang mayamang negosyante at imposibleng walang gustong may magpatumba sa kanila lalo na at palago ng palago ang kanilang negosyo.
When they arrived at the mall, their first stop was Jollibee. Since Grey wants to bond with Sky only, kinausap niya ang mga nagbabantay sa kanila na sa malayo muna ang mga ito pumwesto. Ayaw niyang magkaroon ng gulo sa loob ng fast food chain dahil lang sa marami silang bantay na kasama at matakot pa ang mga bata na naroon.
"Daddy, I want that one and that and that and that!!" turo nito sa di kalayuang lamesa kung saan nakalagay ang lahat ng laruan. And since he wants to spoil his son, he brought all of it, the whole cast of Jollitown.
"Thank you, Daddy. I love you!" Sky kissed his father's cheek that made Greyson smile.
"You're always welcome, my son. I love you too."
They ate their breakfast happily and when they finished, they went to the next stop, the Toy Kingdom.
Pero bago pa man sila makaayat patungo sa floor kung nasaan ang Toy Kingdom, Greyson remembered something.
"Sky, mauna ka na sa Toy Kingdom babalik lang si Daddy sa parking lot. I forgot my phone and I need to call your grandma and grandpa. Susunod na lang ako, ok?"
Sky nodded fast. "Ok daddy!" and then tinanguan na lang niya ang mga bodyguard na kasama nito at ang mga yaya na mag-aalaga rin dito.
He just hired yesterday those maids with the help of Manang since she can't go with Grey and Sky today. Mga personal na kakilala naman iyon ni Manang kaya pumayag na rin si Grey. Besides, kailangan na ng maraming magbabantay dito lalo na at dumadalas na ang pagdalaw sa kanila ni Maiara. Baka kung ano pa muli ang mangyari sa anak niya at magkaroon pa ito ng matinding trauma mula sa ina.
Almost ten minutes ang nakalipas nang makabalik siya sa Toy Kingdom. Papasok na siya at natanaw naman niya kaagad ang mga bantay ng anak. Tinahak niya ang lugar kung nasaan si Sky ngunit hindi niya inaakala na makikita niya ang taong hindi niya inaasahang makita ngayon.
Napansin niya ang itsura nito na para bang walang tulog, walang kain, at sobrang stress. Noong una ay muntik na niyang hindi makilala ito dahil nakalugay ang buhok nito at nakasuot pa ng hoodie na para bang may pinagtataguan. Well, it's his wife so it's not impossible that he can't recognize her.
Maiara
Nakamasid ngayon si Maiara sa isang batang lalaki na napapalibutan ng mga bodyguards at may dalawang maid na nasa magkabilang gilid nito. Hindi niya mapigilang mapaluha nang masilayan niya ang batang lalaki.
Tatlong araw ang nakalipas simula noong huli niya itong makita. At sa tatlong araw na iyon ay hindi niya nakalimutan ito.
Nang makita niyang tumakbo ang batang lalaki, naiwan ang ilang bodyguard sa labas ng toy kingdom habang ang iba'y nakasunod sa loob ng store.
"Sky.." aniya bago siya maingat na naglakad habang nakasunod sa kanila.
Bago pa siya makalapit sa toy kingdom, inilugay niya ang kanyang buhok para matakpan ang kanyang mukha nang sa ganon ay hindi siya mamukhaan ng mga bodyguards na nagmamasid-masid lang.
Nang tingnan niya ang repleksyon ng kanyang sarili ay nakita niya ang malaking pagbabago ng kanyang itsura. Mas lalo siyang pumayat at halata ang itim na nasa ilalim ng kanyang mga mata dahil sa pagpupuyat na hindi niya maiwasan. Ang laki ng pinagbago ng kanyang sarili kung ikukumpara sa itsura niya noon. Talagang makikita na nagpabaya siya ng kanyang sarili.
Agad siyang nagtungo sa kabilang dulo ng hallway kung nasaan ang mga panlalaking laruan. Dito niya aabangan ang batang lalaki dahil panigurado ay magpupunta iyon sa gawing ito.
Hindi nga siya nagkamali dahil tumatakbo at tumatawa niya itong nakitang papalapit. Napansin nyang wala ang nakasunod na maids dito dahil mukhang natakasan nito. Kaya naman napabuntong hininga na lang siya saka dahan-dahang naglakad papalapit sa batang lalaki.
"What should we buy? Optimus Prime or Bumblebee Robot? Hmm..."
"Or both?" sabat ni Maiara kaya napatingin sa kanya si Sky.
"Oh! Okay!" sinunod nito ang sinabi ni Maiara at akmang aalis na nang biglang yakapin ito ni Maiara.
She can't help not to cry because finally after 2 years, she's hugging her son. Kahit noon kasi na nakikita niya ito ay hindi manlang niya ito nayayakap kundi nahahawakan lamang ang kamay.
"Why aw (are) you crying?"
"I just miss my son." she whispered while her tears kept rolling down on her cheeks.
Malapit nang mag-apat na taong gulang ito ngunit hindi manlang siya nakadalo ni isa sa kaarawan nito dahil nang malapit na itong mag-isang taon ay saka pa siya nawala.
Yes, he remembered about that part. Noong nag celebrate sila monthly at sa christening nito ay naaalala na niya ngunit naputol ito noong mag limang buwan na ito.
Mas lalong humigpit ang yakap niya sa anak nang yakapin siya pabalik ni Sky habang hawak pa rin ang dalawang box ng laruan. Hindi niya alam kung nakilala ba siya nito o naawa lang sa kanya nang makita ang sunod-sunod na pagtulo ng kaniyang mga luha.
Sa sobrang pagkamiss niya sa anak, mabilis siyang tumayo at hinawakan ang kamay nito. Akmang itatakas niya ito para lang makasama ito dahil kung magpaalam naman siya kay Grey, siguradong hindi ito papayag.
Gusto lang naman niyang makasama ang anak, bakit parang bawal?
"Sir Sky!"
Agad siyang natulos sa kinatatayuan nang makarinig sila ng sigaw hindi kalayuan. Paparating na ang bantay ni Sky at paniguradong isusumbong siya ng mga ito sa boss nila.
Ngunit hindi pa rin siya nagpatinag at nagsimula ulit maglakad. Pinigilan sila ng maid ni Sky pero natigilan at nanlamig na ang katawan niya dahil sa boses na narinig niya mula sa likuran niya.
"What the hell are you doing to my son?! Itatakas mo?!" hinila siya nito sa braso upang matigil ang pinaplano at mailayo kay Sky
"Daddy! Don't hurt her po. She's sad and crying earlier because she misses her son." napalingon ang galit na si Grey sa anak dahil sa sinabi nito. Kahit na medyo pa bulol ang pagsasalita nito, malinaw pa rin nila itong naintindihan.
He laughed sarcastically. "Huh, really? You miss your son? May anak ka pala?"
Napakagat labi siya upang mapigilan ang pag-iyak niya. Unti-unti ring humihigpit ang hawak sa kanya ni Grey sa kanyang braso kaya napapasinghap na lang siya.
"S-stop.. n-nasasaktan ako."
"I'll stop if you leave us like what you did before. Wala ka nang babalikan pang pamilya. Tandaan mo 'yan." mariing sabi nito habang ang mata ay parang nakamamatay ang tingin sa sobrang dilim.
"A-anak ko sya d-diba? K-kung i-i-ikaw ang a-asawa ko, anak k-ko sya. I'm Sky's mother kaya may karapatan din ako sa kanya, I'm his mom after all..." pilit nitong nilakasan ang loob sa pagtatanong na 'yon dahil gusto nya na makasiguro na totoo ang nabubuo sa isipan niya.
"Mom?" Grey asked while he shook his head. "Do you really think that we're still gonna forgive you after what happened 2 and a half years ago and just a few days ago? You hurt my son physically and emotionally ever since he was still a baby! At pinagpalit mo kami dahil sa mga lalaki mo! Tapos ngayon babalik ka na lang na parang walang nangyari? na parang walang alam? We're not stupid like you!" he shouted.
"Mom? She's mommy?" hinarap nilang pareho si Sky nang dahil sa tanong nito.
Unti-unti namang naiyak si Maiara sa tanong nito kaya kumalas siya sa hawak ni Grey at yayakapin sanang muli si Sky pero umatras ito saka niyakap ang dalawang box ng laruan na hawak nito.
"Anak ko.."
"No!" mas lalong nagtubig ang mata ni Maiara sa nasilayan. Tumakbo si Sky papalapit sa nanny nito saka yumakap at panay ang iyak sabay sabing.."No! I hate mommy! Bad mommy! I hate you!"
Napatakip sya ng bibig dahil doon at hindi niya namalayan na pumunta si Grey sa gawi ng anak nila saka kinuha ito at binuhat.
"P-please... let me explain.." pagmamakaawa ni Maiara pero hindi siya pinansin ni Grey dahil patuloy nitong pinapatahan ang anak na nasa bisig niya.
"It's too late, Maiara Aurino. You already hurt us and now you're pretending to know nothing. We're not dumb para bigyan ka pa ng isang chance at patawarin ka ng basta basta na lang." malamig nitong sambit at napailing-iling si Maiara doon ng sunod-sunod.
"I already gave you a chance, pero sinayang mo. You don't deserve it, Maiara." dagdag pa nito.
Bago pa niya maipagtanggol ang sarili niya ay nag-utos na si Grey na ilayo siya sa kanila na agad namang sinunod ng mga bodyguards nito saka ng ilang security guards sa store.
Wala na siyang nagawa nang hilahin siya ng mga ito papalabas at wala na syang lakas para lumaban. Isang tingin pa sa kanyang mag-ama ang ginawa niya hanggang sa tuluyan na itong makalayo at mawala sa paningin niya.
~cutiesize31 <3