Chereads / He's not just my Boss / Chapter 30 - Chapter 28

Chapter 30 - Chapter 28

CHAPTER 28 - Trust the real Maiara

Greyson

"'Yang asawa mo talaga hindi ko na maintindihan." Justus commented when he told them about what happened earlier.

"She has been in an accident, right?" Damien asked while he's removing his eyeglasses.

Greyson nodded. "Yeah"

"Iyon siguro ang epekto lalo na kung ulo yung nagkaroon ng diperensya? Pero pwede rin na may trauma siya sa isang pangyayari na naranasan niya?"

Then Greyson remembered what happened to Maiara's family before. Iyon ba ang naging sanhi lahat ng ito?

"Or she has been drugged."

Kunot noong tiningnan ng dalawa ang kaibigan nila.

"What do you mean, Damien?" Justus curiously asked.

"Remember the issue years ago? A drug lord is making drugs that can possibly destroy people not just physically but mentally. Dati pa lang issue na 'yan kasi hanggang ngayon hindi pa rin nahuhuli ang taong 'yon. Bali-balita nga na kung saan-saan daw kumakalat 'yon. Like sa foods and drinks nila nilalagay. Marami na kaming naging pasyente na ganyan nila Doc. Rodriguez na sinubukan pa namin gamutin pero parang na-hypnotize sila at nasira ang pag-iisip." then he glared at Justus.

"You're a lawyer but you're not aware of that issue, bro?"

"I know about that issue. What do you think I am, idiot? Besides, that is Sadie's group mission ever since. I've been asking them about that issue since that's one of our cases that haven't been resolved until now."

"Hmm.." napatango-tango pa si Damien. "Ang alam ko may mga tao silang kinikidnap mapabata man o matanda para sa experiment sa gamot na 'yon."

"Yeah. That's what Sadie's group told me." Justus agreed.

Greyson has been silent but when he thinks about something, he asks his friends. "That issue, kailan pa 'yan nagsimula?"

"I think seventeen years ago. We're 10 years old at that time. Ang tagal na diba?" Justus answered.

"By the way, is there any progress about Maiara's case? Baka naman malaman natin ang totoong nangyayari dyan sa asawa mo mula kay Ms. Sadie?" Damien asked. He knew about Maiara's case because they talked about it with Damien a few days ago. They needed some ideas from a doctor about trauma so they asked Damien.

"I think ngayong week ibibigay ni Ms. Sadie ang full report sa 'kin."

"What if puntahan na lang natin ngayon si Sadie sa SB Agency? May report din akong kukunin sa kanya kaya isabay na lang natin yung sayo." Justus suggested and they all agreed.

Nag convoy na lang silang tatlo since pare-pareho naman silang may sasakyan. Mabuti na lang ay wala masyadong traffic patungong SB Agency kaya maayos silang nakarating doon.

Pagpasok pa lang ng building ay makikita at mapapansin mo na kaagad ang higpit ng seguridad doon na para bang paghinalaan ka pa lang mula sa entrance o gumawa ng masama, patay ka na agad.

May nag-assist din sa kanila agad-agad pagkapasok na pagkapasok pa lamang nila.

"Dito na lang po muna kayo maghintay dahil hanggang dito lang po ang mga visitors. Pakihintay na lang po ako at iinform ko pa po si Ms. Sadie tungkol sa inyo."

"No problem. Thank you." ani Grey saka sila naupo pare-pareho sa sofa na nakalaan para sa mga bisita.

Ilan pang minuto ang nakaraan at habang lumilipas ang oras ay pare-pareho silang nakatutok sa sari-sariling nilang telepono. Si Damien ay may kausap na Doctor, si Justus may kausap naman na kliyente habang si Grey ay naghahanap ng mapagkakaabalahan hanggang sa mapunta siya sa article patungkol sa balita na nangyari dito sa bulacan, sa lugar kung saan sila nagpunta kasama ng mga empleyado niya, sa DRT Bulacan.

Naging kuryoso siya sa artikulong iyon kaya pinindot niya. Habang nagloloading ito ay saka naman sila tinawag ng babae na nag assist sa kanila kanina.

"Sir, pwede na raw ho kayo magpunta sa office ni Ms, Sadie. Ihahatid ko na rin ho kayo papunta doon." tumayo na sila pare-pareho saka nagtungo sa elevator.

Ini-off na rin niya ang kanyang telepono kaya hindi na siya nagkaroon ng tsansang mabasa ang artikulong iyon.

Pagdating sa opisina ni Ms. Sadie ay sinalubong sila nito.

"Good day Mr. Esquivel, Mr. Pajavera, and Mr.?" tanong nito sa hindi pamilyar na kasama nila Grey at Justus.

"Damien Sevilla" maikling sagot nito saka nakipagkamay.

"Mr. Sevilla." inilahad nito ang kamay at itinuro ang mahabang sofa para upuan nilang tatlo habang ito ay naupo naman sa kaharap nitong single sofa. "Ok, so, is there something you want to know? Do you want us to investigate it?"

"I'm here about the report we talked about last week." nauna ng magsalita si Justus at napatango naman si Sadie.

"Oh yeah! Wait, I'll just call Rowjon about it. Siya ang isa sa mapagkakatiwalaan kong kaibigan at katrabaho kaya kung minsan ay siya ang naghahanap ng mga confidential informations and reports."

"Oh I see. Sure, I can wait for it." Lumingon naman sa kanya si Justus kaya napatingin na rin sa kanya si Sadie.

"Sadie, how's Maiara's information and full report of her for the past two years? Can I have it now?"

Pinagsiklop nito ang mga kamay at matiim siyang tiningnan.

"Papunta na ko sa last part. Nahihirapan sila Cedric at Rowjon na makuha ang impormasyon kaya naman pinag espiya ko na lang sila sa lugar kung saan masasagot ang mga tanong namin at syempre ikaw. And they're going to complete it. Just give us three to five days to finally have the full report."

"Woah, parang ngayon ka lang yata nahirapan sa kasong 'yan Sadie ah?" ani Justus.

"Yes, I admit that I find it very hard since it's connected to the case we haven't completed yet for years, my friend."

"What do you mean?" sabay na tanong nilang tatlo dito.

Napabuntong hininga ito saka nagsimula muling magsalita. "Remember Thiago Johanson?"

"Thiago Johanson... he's a drug lord, right?" nag-aalangang sagot ni Damien and they gasped when Sadie nodded.

"Maiara's past is connected to that drug lord, Thiago Johanson."

"How?" Grey asked.

"I can't tell the full details yet because I don't want to spoil you. Kulang-kulang pa ang report na nasa amin kaya hindi ko pa masasabi ang iilang impormasyong nakuha namin."

"I understand, Sa--"

Natigil sa pagsasalita si Grey nang tumunog ang telepono ni Sadie at nakita nilang may pinagpipindot ito saka tuluyang bumukas ang pintuan ng opisina nito.

"Sadie!" isang lalaki ang nagmamadaling pumasok saka humarap kay Sadie na siyang sinalubong naman ng babae.

"What's wrong, Rowjon?"

"We finally did it! We caught Thiago Johanson!" pag-iimporma nito habang ang tatlong naunang panauhin ni Sadie ay nanlalaki ang mga mata sa gulat mula sa nalaman.

"How about the adopted daughter?" kalmadong tanong ni Sadie dito.

"Nakatakas siya. We're very sorry about that, Sadie. We promise that we'll do everything to caught that bad lady." isang lalaki pa muli ang pumasok at nagsalita.

"You know, Cedric, that we need her kaya bakit niyo hinayaang makatakas?!"

"We're very sorry about that, Sadie. Pinapangako naming mahuhuli namin siya bago pa magkagulo at maulit ang lahat."

"Fine, But be sure that you'll get her just this week. Konting-konti na lang, matatapos na natin ang dalawang kaso, Understood?"

"Yes, Sadie." sabay na sabi ng dalawang lalaki

"And by the way, meeting at HQ later at 14:00 regarding that case."

"Noted, Sadie." at saka nagpaalam na rin ang dalawa nang mapalingon sa tatlong bisita ni Sadie na nakikinig pa rin sa usapan nila.

"So you heard that news.." nilingon nito si Justus. "Justus, start finishing about Thiago Johanson's case."

"Sure. I will wait for the documents regarding his files and reports of his wrong doings then I'll pass it to the court."

"Great, so.." si Grey naman ang pinagtuonan nito ng pansin. "For you Mr. Pajavera, wait for Maiara's files this week. I'll send it to you or pwede rin na I will talk to you in person para maintindihan mo ang lahat ng nangyari sa kanya."

"Sure, no problem, Sadie."

Tumayo na silang tatlo para magpaalam ngunit bago pa lamang sila makalabas ay nagsalita muli si Sadie.

"Mr. Pajavera, I just want to say that, always trust her, trust Maiara."

"How can I trust my wife, Sadie? Hindi ko na alam kung kaya ko pa ba siyang intindihin." then he remembered what Maiara did to him and Sky two years ago and also what happened earlier.

"Ok, I'll rephrase it and this is the one I can only say for you." Napabuntong hininga pa ito saka nagpatuloy. "Trust the real Maiara."

"Real Maiara? What do you mean?" naguguluhan nitong tanong at sa isip-isip pa ni Grey ay 'may fake bang Maiara?'

"What I mean is, trust the Maiara that you know and love for years." she smiled.

Even if he doesn't completely understand what Sadie said, he still answered. "I will."

Maiara

"Ayan ka na pala, Maia! Tara na at hinihintay na tayo nila Ninang Dhelia mo at ni Lester." salubong sa kanya nang kaibigan pagkababa pa lang niya ng sinakyang tricycle.

"Oh bakit parang pinagbagsakan ng langit at lupa 'yang mukha mo." tanong nito ngunit tiningnan lamang niya ang kaibigan na tumuon naman ang pansin sa hawak niyang plastic bag.

"Hindi ba kayo nagkita ni baby Sky?"

Umiling siya habang ramdam niya ang panggigilid ng luha niya.

"Sky hates me.. Ayaw niya akong makita." bulong niya.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan nitong tanong at saka inaya siya na maupo muna sa tabi.

"Ayaw na akong makita ng anak ko, Khate. Takot na takot siya sa 'kin kanina na para bang ako ang nanakit sa kanya."

"Bakit naman? Ano ba ang nangyari talaga?"

"Hindi ko alam, Khate. Pinagtatabuyan nila ako kanina. Hindi na raw ako pwede pumunta doon dahil sasaktan ko lang ang anak ko. Basta hindi ko maintindihan, Khate. Naguguluhan na 'ko sa nangyayari." napatakip pa siya ng mukha dahil sa siya'y patuloy na nagugulumihanan.

Hindi na rin niya napigilan pa ang emosyon na kanina pa niya pinipilit itago at pigilan. Niyakap na lamang siya ng kaibigan at patuloy na pinapatahan.

"Gusto mo bang sa susunod na lang tayo umalis para makapagpahinga ka? Sasabihan ko na lang sila Lester. Sigurado naman ako na maiintindihan ka nila." suhestiyon nito na ikinailing ni Maiara.

"Hindi, tuloy pa rin ang plano ngayon, Khate. Magiging ayos rin ako."

Nag-aalala siyang tiningnan ng kaibigan. "Sigurado ka ba?"

"Importante ang lakad natin ngayon kaya sigurado ako. Tara na at baka gabihin pa tayo sa daan." malapit na mag tanghalian kaya sa tantsa nila ay mga hapon na sila makakarating sa Novaliches.

Magmula nang sumakay sila ng bus patungong Novaliches, ilang oras na byahe, at ang pagdating nila doon ay tahimik lamang si Maiara. Patuloy kasi na nanatili ang eksena kanina sa isip niya lalo na ang takot na takot na reaksyon ni Sky nang makita siya sa bahay nila.

"Maia, ok ka lang ba talaga? Tara na, tayo na lang ang naiwan dito sa bus oh." napalingon kaagad sa paligid si Maiara saka dali-dali siyang tumayo at lumabas kasama si Khate.

"Maiara!" rinig niyang tawag sa kanya ng pamilyar na boses. Nagpalinga-linga siya hanggang sa makita na niya si Lester na kumakaway. Agad naman nila itong nilapitan.

"Tara na sa police station. Nandoon na rin si Mama at hinihintay na tayo." ani Lester at sumunod naman silang magkaibigan agad na sumakay sa pinara nitong sasakyan.

Nang marating nila ang Novaliches Police Station ay kaagad na nilang natanaw si Ninang Dhelia. Kausap nito ang isang pulis na sa tingin nila ay hepe ng nasabing istasyon.

"Ma! Ano na? May nalaman ka na ba?" tanong ni Lester sa ina nang matapos salubungin sila Maiara at Khate.

"Wala pa, kausap ko pa si Chief Hipolito tungkol doon." sagot nito.

Hinarap na rin ito ni Maiara at nagsimulang magtanong patungkol sa nangyaring krimen na kinasangkutan ng pamilya nila ngunit sa kasamaang palad ay hindi na nila nalaman pa ang hinahanap na impormasyon dahil sa mahigit isang dekada na rin ang nakakalipas kaya mahirap nang hanapin ang dokumentong iyon.

"Pasensya na at hindi ko kayo mapagbibigyan sa kahilingan niyo. Limang taon pa lamang ako sa serbisyo dito at ang hinahanap ninyong dokumento ay noong labing pitong taon na ang nakakalipas." sagot nito kay Maiara.

"Sige ho, maraming salamat ho, Chief!" si Lester na ang nagpasalamat dahil napansin niya ang pagkadismaya sa mukha ni Maiara.

"Tara na, Maiara. Kumain na lang tayo diyan sa malapit at pagkatapos ay ihahatid na kayo ni Lester pauwi. Delikado at dalawa pa kayong babae ang babyahe ng kayo lang." ani Ninang Dhelia habang papalabas sila sa Police Station at nag-aabang ng masasakyan.

Nagtungo na lamang sila sa pinakamalapit na fast food chain at saka mabilis na inubos ang mga pagkain dahil gagabihin na sila lalo kung magtatagal pa sila sa pagkain.

"Maraming Salamat po, Ninang Dhelia."

"Maraming Salamat po sa pagtulong sa kaibigan ko."

"Walang anuman iyon. Pamilya na ang turing ko sa inyo kaya kung may kailangan pa kayo ulit, hindi kami magdadalawang isip na tulungan kayo." sambit nito. Si Lester naman ay nasa gilid ng daan at naghahanap ng bus na pwede nilang sakyan pauwi ngunit halos lahat ng makita nila ay punuan na.

Natigilan silang lahat nang may humintong kotse sa harapan nila. Hindi nila ito pinansin noong una ngunit nang bumaba ang bintana nito at sumilip ang driver ay nagulat si Maiara.

"Matteo.." bulong nito.

"Kilala mo 'yan, Maiara?" tanong ni Ninang Dhelia na siyang tinanguan naman niya.

"Maiara! What are you doing here? Pauwi na ba kayo? Sumabay na kayo sa akin since pareho lang naman na sa Baliwag ang uwi natin."

Lumapit naman sa kanya si Khate at saka bumulong. "Sasakay ba tayo para makauwi na rin ng maaga o magpapaabot tayo ng gabi sa kakahintay ng bus? Sa 'kin okay lang na gabihin basta wag lang makasama 'yang sinungaling mong ex."

"Hindi naman masamang tao si Matteo kaya pwede naman siguro tayong sumabay diba?" sagot niya dito.

"Tara na, Maiara and Khate. Delikado na para sa inyo na bumyahe kaya tara na at ihahatid ko kayo pauwi."

"Ayan pala at may kakilala kayo. Mukha namang kaibigan niyo iyan kaya mas mapapanatag akong sumabay kayo sa kanya kaysa naman gabihin kayo sa kakahintay ng masasakyan."

"Tita, Ex 'yan ni Maiara kaya it's a no for me." komento naman ni Khate kaya natahimik sina Matteo at Maiara.

"Ay ganoon ba--"

"Ex man ako ni Maiara, hinding-hindi ko naman sila ipapahamak."

"Siguraduhin mo, hijo, kundi ipapakulong kita ha! Alagaan mo 'yang inaanak ko at si Khate." natawa pa ng mahina si Maiara nang kinuhanan pa ni Ninang Dhelia ng litrato ang pagmumukha ni Matteo pati na rin ang sasakyan nito para makasiguro.

"Sige na, Khate. Ito na ang pinaka safe na choice." hinila na niya ang kaibigan pasakay sa likod.

"Fine. Basta hindi pa rin ako ok sa kanya. Nagsinungaling siya sayo e."

Kaya naman pati sa byahe papauwi ay tahimik silang tatlo. Kaya lang naman hindi masyadong awkward ang atmosphere ay dahil nakabukas ang radio ng sasakyan at nakikinig lamang sila ng kanta pare-pareho.

Ilang oras ang nakalipas ay nakauwi na rin sila. Si Khate ang naunang ibinaba ni Matteo gaya ng nakagawian noon kaya todo ngayon ang paalala nito kay Matteo na huwag siyang itakas at diretso iuwi sa bahay.

"Pasensya ka na kay Khate ha, masyado lang siyang protective sa 'kin lalo na sa mga nangyayari ngayon." ani Maiara pagkalabas na pagkalabas ni Khate sa sasakyan.

"No problem, I understand her." sagot nito saka inihinto naman sa bahay ni Maiara.

Tahimik silang dalawa na para bang may gustong sabihin sa isa't isa ngunit walang naglalakas-loob na magsalita kaya naman nagtanggal na si Maiara ng seatbelt para lumabas nang pigilan siya nito.

"Maiara.. Can we talk?"

"Tungkol saan?"

"Sa atin." maikling sagot ngunit nakuha naman ni Maiara ang gusto nitong iparating kaya naupo siya muli nang maayos at hinintay na magsalita ang lalaki.

"Maiara, hindi mo na ba ako mahal? Hindi na ba natin maibabalik yung dati?"

Nag-aalalang tiningnan ni Maiara si Matteo. "Matteo.." saka siya umiling.

"Gusto kitang makuha ulit dahil hanggang ngayon pinanghahawakan ko pa rin ang pangako natin para sa isa't isa."

"Matteo, hindi na pwede, may asawa na ako." paliwanag niya dito.

"No.. please." rinig niya ang sakit at pagmamakaawa sa boses nito. "Bumalik ka na sa dati. Sa panahon na ako lang yung gusto mo. Mahal na mahal at gustong-gusto ko pa rin yung dating ikaw kaya please lang, Maiara, ako na lang ulit, ayaw ko nang mahirapan at iwanan sa ere kagaya ng ginawa mo noon. Pinapatawad na kita at patawarin mo na rin ako sa nagawa ko. Kaya ko lang naman nagawang magsinungaling dahil gusto kong makuha kita ulit."

Napailing siya. "My decision is final, Matteo. May pamilya na ako, may asawa't anak. Hindi ako ang dating kilala mo at patawad kung sasabihin kong hindi kita maalala na nakasama ko noon. At kung may promise man tayo sa isa't isa, break it. Promises are meant to be broken. Hindi lahat ng promise kayang tuparin kagaya na lang ng nangyayari ngayon. Palayain mo na rin ang sarili mo mula sa nakaraan, Matteo."

"Maraming Salamat sa pag-aalaga mo sa akin noong panahong sirang-sira at walang-wala ako. Binuo mo ako pero ramdam ko pa rin na para bang may kulang."

"Kulang?" pagkatapos ay natawa ito ng mapait. "Yeah, it's Grey and your son."

"Yes, Matteo. Mahal na mahal ko ang asawa at anak ko. Hindi ko na muli kakayanin pang mawalay sa kanila ng mahabang panahon. Patawarin mo ako kung sila man ang piliin ko pero mananatili ka pa rin naman bilang matalik kong kaibigan."

Hindi na niya hinintay pang sumagot ito dahil na rin naaawa na siya sa sitwasyon nito. Naging isang mabuti siyang tao pero hindi naman niya pwedeng piliin ito basta-basta lamang lalo na at bumabalik na ang ala-ala niya kasama ang pamilya pati na rin ang pagmamahal niya kay Greyson, sa asawa niya, at syempre sa anak niyang si Sky.

~cutiesize31<3