Chereads / He's not just my Boss / Chapter 29 - Chapter 27

Chapter 29 - Chapter 27

CHAPTER 27 - Bad mommy

Maiara

Doon na sa bahay nila Ninang Dhelia nagpalipas ng gabi ang magkaibigang Maiara at Khate dahil inabot na sila ng dilim habang nagkukwentuhan. Kaya naman nalaman ni Maiara ang lahat tungkol sa mga magulang niya ngunit palaisipan pa rin sa kanila ang nangyari pagkatapos ng pagkamatay ng kanyang mga magulang.

"Maraming salamat po sa pagpapatuloy at pagtulong niyo sa amin, Ninang." pagpapasalamat niya dito pagkatapos niya itong yakapin.

"Maraming salamat po." tugon naman ni Khate.

"Nandito lang kami kapag kailangan mo ng tulong, hija. Huwag mo akong kalimutang tawagan dahil hindi naman kami magdadalawang isip na tumulong, maliwanag?"

"Malaki na po ang naitulong niyo sa akin, Ninang. Tawagan ko na lang po kayo kapag naalala ko na po ang nangyari pagkatapos noon." tumango-tango si Ninang Dhelia at hindi rin nagtagal ay nakita na nila si Lester at sinabi na naroon na sa labas ang maghahatid sa kanila papunta sa sakayan ng bus papauwing Bulacan.

"Maraming salamat, Lester. Huwag kang mag-alala at dadalawin ko ulit kayo dito pero syempre kasama ko na ang asawa at anak ko." nakangiti niyang sambit. Naikwento rin kasi niya sa mga ito ang tungkol sa pamilya niya.

"Sige, ingat kayo ha." kumaway pa ito sa kanila hanggang sa mawala na sa paningin nila sina Lester at Ninang Dhelia.

"Ano na ang balak mo ngayong alam mo na ang nangyari sa mga magulang mo?" natigil siya sa pagmumuni-muni dahil sa tanong ni Khate na syang ikinalingon niya rito.

"Pupuntahan ko ang pulis na nag-asikaso noon ng pagkamatay ng mga magulang ko dahil paniguradong nandoon pa ang record ng mga magulang ko."

Nag-aalala siya nitong tiningnan. "Mahihirapan ka niyan panigurado. Malaking tao ang kalaban mo dyan, Maiara, pwede na magbayad ang taong iyon na ibasura ang kaso ng mga magulang mo kaya kailangan natin humingi ng tulong sa taong may kaya rin sa pamumuhay."

"Sino naman?" aniya at unti-unti silang nagkatinginan nang may naalala silang tao pareho na tiyak ay makakatulong sa kanya.

Greyson

Pabalik-balik ang tingin ni Grey sa kanyang telepono dahil sa hinihintay niyang text o tawag mula kay Maiara.

It's been three days since they saw each other and he misses her so much. May usapan sila na tatlong araw niya lang hahayaang wala silang communication ni Maiara kaya nang mag tatlong araw na ay nagpadala siya kaagad dito ng text message pero hanggang ngayong hapon ay wala pa rin itong reply.

"She didn't leave us again, right?" kabadong tanong niya sa sarili.

Nanghihina siyang napasandal sa kanyang swivel chair at napapikit pa dahil sa naisip. He doesn't know what will happen to him if this second time, his wife left again. Kung noon ay halos mabaliw na siya, ngayon ay mental na kaagad ang bagsak niya.

"No, I still have my baby sky. I don't want him to have a crazy dad.. literally crazy dad." he whispered.

Nagulo na lamang ni Grey ang buhok dahil sa iritasyon. Itinago na lang niya ang telepono sa bag at saka naghanda nang umuwi. Maaga ang uwi niya ngayon dahil maiiwan na naman mag-isa si Sky sa kanilang bahay. Wala itong bantay kaya napagpasyahan nilang mag-ama kagabi na mamasyal na lamang sila o kaya ay maglaro sa bahay.

From: Manang

Hijo, nandito ang asawa mo at nanggugulo na.

Ano? Nanggugulo?

Naguguluhan siya dahil alam niyang hindi iyon magagawa ni Maiara ngunit nagbalik sa kanyang isipan ang nangyari noon.

Dali-dali niyang kinuha ang mga gamit at susi ng sasakyan. Hindi na rin niya pinansin si Sofie nang tawagin siya nito. Mas importante ang kalagayan ng anak niya sa oras na ito.

"Maiara, ano na naman ba 'to?" he confusingly asked himself.

Habang papaliko sa AIA Subdivision, nararamdaman niya ng parang may mali. Napahampas pa siya sa manibela. "Akala ko nagbago ka na."

Mabilis ang pag-andar ng sasakyan niya patungo sa kanilang bahay kaya mabilis lang din siyang nakarating doon. Hindi na rin niya naayos ang pagpaparada ng sasakyan dahil wala na isip niya iyon.

Malalaking hakbang ang ginawa niya nang mabuksan ang gate. Narinig niya kaagad ang boses ng anak na umiiyak kaya mas lalo siyang naalerto.

"Ano ba, Maiara! Tigilan mo ang bata!" rinig niyang sigaw ni Manang.

"Hindi! Dapat ay magtanda iyang batang 'yan dahil ayaw akong sundin!" a woman shouted.

That voice is very familiar to him. It's the same voice when Maiara is mad and that's what he always heard years ago.

"Bad ka.." Sky sobbed.

"Wala akong pakielam! Masama na kung masama!" she exclaimed. Pagkatapos ay nakarinig pa si Grey ng kalabog o pagkalaglag ng mga gamit.

Hindi niya alam kung bakit ayaw pa niyang pumasok sa loob. Para bang gusto niya munang pakinggan ang nangyayari.

"Bitawan mo ang bata, Maiara! Huwag mong saktan ang anak mo!"

"Yeah right, he's my son so hayaan mo na kaming umalis! At isa pa, mayordoma ka lang dito, mas may karapatan ako dahil anak ko 'yan kaya wag kang makielam dito, matanda ka."

Nanlaki sa gulat ang mga mata niya sa narinig. He can't believe Maiara can say that to Manang. Si manang ang nag-alaga sa kanila noong panahong mag-asawa na sila hanggang sa magbuntis si Maiara at manganak. Manang was always there and very willing to be the second mother of Maiara since her mother died.

He's ready to open the door when his son asked the people inside. Nakakaintindi na si Sky kahit english o tagalog pa ang gamiting salita.

"She is Mommy?"

"Yes, I'm your mom so you'll go with me." mariing sambit ng babae kaya hindi na siya nagdalawang isip pa na buksan nang malakas ang pinto at pumasok sa loob ng bahay niya.

"Don't you dare, Maiara."

"Hindi. Gagawin ko ang kahit anong gusto ko gawin. Mas may karapatan ako sa kanya dahil ako ang kinikilala niyang ina." matigas na tugon nito.

"Kahit kailan ay hindi ka naging mabuting ina sa anak ko." madilim niyang tiningnan ito. Nakakuyom na ang mga kamo niya dahil sa galit. Maayos na sila nitong mga nakaraang linggo pero ano na naman ito? Bumabalik na naman sa dati.

"At kahit kailan ay ang tanga mo pa rin." ngisi nito na nagpagalit pa lalo sa kanya.

"What did you say?!"

"Ang sabi ko ang tanga tanga mo! At wala kang pakielam sa kahit na anong gawin ko!" she repeated what she said a while ago and grabbed Sky's wrist.

Mabilis na kinuha ni Grey ang anak mula dito. Kinarga niya si Sky na umiiyak na at pagkatapos ay hinarap niya ang babae gamit ang matatalim na tingin. "Leave, Maiara! Huwag ka nang babalik dito!"

"Hindi ako aalis hanggat hindi ko nakukuha ang batang 'yan!" she protested but manang shouted and called the guards.

"Paalisin niyo 'yan sa pamamahay ko at kaladkarin niyo na palabas kung lumipas man ang limang minuto ay nandyan pa 'yan sa labas." utos ni Grey sa mga guwardiya na naglabas kay Maiara. Hawak ng mga ito ang babae patungong gate habang pilit itong kumakalas mula sa mga ito.

Naramdaman niyang mas lalong humigpit ang hawak ni Sky sa leeg niya habang nakatanaw sila sa labas mula sa bintana.

"She's now gone. Hindi ka na niya masasaktan ulit." he whispered.

"She's mommy? Auntie Maia?" he knows that his son is so confused right now so he decided to answer him right and true.

"Yes, she's your mom, baby Sky."

"Bad mommy." humihikbi pa nitong kumento.

"Yes, mommy is bad. Sinaktan ba niya ang baby Sky ko?"

Tumango ang anak niya. Nagtungo muna sila sa sala at naupo sa sofa para tingnan kung may sugat bang natamo ang anak.

"Baliw na ang babaeng 'yon, Grey." nilingon niya si Manang na nasa gilid at nakatanaw sa kanilang mag-ama.

"Naguguluhan ako, Manang. Parang hindi siya ang Maiara na nakilala ko noon at nitong nakaraang linggo lang."

Napabuntong-hininga si Manang saka tinabihan silang mag-ama. "Ramdam ko rin iyon, hijo. Matagal ko ring nakasama si Maiara dahil naaalagaan ko na kayo noong bata pa lamang kayo. Nasaksihan ko ang paglaki ninyo pareho kaya alam ko ang totoong ugali ni Maiara. Kahit nga ako ay hindi makapaniwala sa inaasal ng babaeng iyon ngayon."

Napaisip siya bigla. "There's something wrong with her.." bulong niya.

"Ako na muna ang bahala kay Sky. Lalagyan ko na lang ng yelo na nakabalot sa bimpo ang braso nito para hindi magpasa."

"Maraming Salamat sa pag-aalaga sa anak ko, Manang. Pasensya na rin sa sinabi ni Maiara kanina sa inyo."

"Nasaktan ako sa sinabi niya kanina dahil itinuring ko na rin siyang anak ko noon pa man." ngumiti ito ng tipid. "Alamin mo sana ang nangyayari sa kanya, hijo. Napag isip-isip ko na ito dati pa pero naguguluhan ako palagi. Pero kanina nakikita kong parang may mali talaga. Kilala ko si Maiara, hindi ganyan ang ugali niya dati pa. Parang anghel ang batang iyon at ang babae naman kanina ay masama ang ugali."

He nodded. "Opo, manang. Pero kung bumalik man siya ay huwag niyo syang papasukin muna dito dahil hindi pa tayo sigurado. Baka may sakit siya sa pag-iisip o may planong kuhanin ang anak ko sa akin."

"Masusunod, hijo." binuhat na nito Sky patungong silid nito para gamutin ang braso na mukhang magpapasa pa dahil sa higpit ng hawak kanina ni Maiara dito.

He decided to go to his friends that can actually help him, a lawyer and a doctor friend, so he called Justus first and then Damien for a meet up. And when the two agreed, he started the engine of his car and drove.

Maiara

Maiara is very excited to go to the AIA Subdivision when she looks at the time on her phone. Dapat ay kanina pa siya nakaalis kung hindi lang siya may ginawa kasama si Khate.

Inasikaso kasi nila ang tungkol sa paghahanap ng kapatid niya pero hindi nila alam kung paano sisimulan lalo na at lumang picture lang ang hawak nila.

"Oh sige na, mauna ka na. Alam ko naman na excited ka nang makita ang mag-ama mo."

"Sigurado ka, Khate? Tsaka baka hanapin ako nila Ninang Dhelia kapag pumunta sila dito." nagpasya kasi sila na magkita-kita dahil may naitabi pa raw na iilang dokumento ang Ninang niya bago pa man masira ang bahay nila.

"Mamaya pa naman sila darating ni Lester, mga hapon pa siguro at mag a-alas onse pa lang naman kaya pwede ka pang humabol." pagpupush ni Khate sa kaibigan dahil halata nito na miss na miss na nito ang pamilya.

"Maraming Salamat, Khate! Sige, itetext na lang kita mamaya." niyakap niya ang kaibigan saka nagpaalam na rito.

Malaki ang ngiti ni Maiara paglabas at hanggang sa daan ay hindi siya mapakali. Nagpasya muna siyang magtungo sa Jollibee para kay Sky. May nakita rin siyang mga available na laruan kaya bumili na rin siya.

Paniguradong magugustuhan iyon ng anak niya.

Ilang minuto pa nang matanaw na niya ang AIA. Matapos magbayad ay nagtungo siya sa guard para sumakay sa shuttle van at magpahatid sa Pajavera Residence.

"Ma'am, bumalik na naman kayo? Hindi nga ho kayo pwede magpunta rito." pigil sa kanya ng guwardiya na nakabantay sa gate ng bahay pagkababang-pagkababa niya sa shuttle van.

"Ano hong ibig nyong sabihin? Bibisitahin ko lang sana si Sky. Nandiyan ba siya?" nagtangka siyang pumasok pero kaagad pa rin siyang hinarangan ng mga guwardiya.

Ano bang nangyayari?

"Ma'am, hindi ho kayo pwede rito. Utos na po iyon samin ni Sir Grey kanina pa." ani ng isang guwardiya.

"Kuya guard, bakit naman? Tsaka wala naman akong gagawing masama ah!"

Napailing-iling ang mga ito sa sinabi niya. "Hindi niyo kami maloloko, ma'am. Umalis na lang ho kayo kundi ay tatawag na ho kami ng pulis dahil trespassing ho kayo." hinawakan siya ng dalawang guwardiya sa magkabilang braso saka dinala palayo doon. Nagpupumiglas siya hanggang sa nagkaroon siya ng tiyansa na makatakbo at makabalik sa bahay nila.

Dire-diretso lamang siya hanggang sa makapasok sa loob at saka inilibot ang paningin hanggang sa huminto sa bandang sala. Nanonood ng tv si Sky habang may mga laruan sa paligid nito.

"Sky--" tawag niya dito na naputol dahil sa isang sigaw.

"Anong ginagawa mo rito?" nilingon niya si Manang.

"Manang, bibisitahin ko lang ho sana si Sky--" hinawakan siya nito at pinipilit na palabasin.

"Hindi ka pwede rito! Matapos ng ginawa mo kanina ay may gana ka pang bumalik dito na parang walang nangyari?"

"Hindi ko ho maintindihan--"

"Huwag ka nang magpanggap pa, Maiara! Umalis ka na!" pilit siya nitong tinutulak palabas saka tumawag ng guwardiya.

"Palabasin niyo ang babaeng ito! Bakit ninyo hinayaang makapasok 'yan?" galit nitong sambit sa mga guwardiya na tinakasan at pinagsaraduhan niya ng pinto kanina.

"Pasensya na, Manang." kinuha siya muli nang mga ito. Nilingon niya ang anak sa sala saka sinigaw ang pangalan nito.

"Sky! Sky!" nilingon naman siya nito. "May pasalubong akong Jollibee, diba favorite mo 'to?" nahihirapan niyang sambit dahil patuloy pa rin siya sa pagkalas mula sa mga hawak sa kanya ng mga guwardiya.

Nang tumakbo si Sky sa gawi nila ay nabuhayan siya ng loob ngunit nawala lamang iyon kaagad nang sumigaw ito.

"Bad mommy! Bad ka!" paulit-ulit nitong sigaw saka yumakap kay manang. Humahagulgol na ito sa iyak na tila ba takot na takot nang makita siya.

"Teka, ano--"

"Ipapaalala ko lang, Maiara. Wala ka ng karapatan bumalik pa rito lalo na at sinaktan mo na naman si Sky." itinuro nito ang pasa sa braso at pagkatapos ay kinarga na nito ang bata paakyat.

Natulala na lamang siya sa narinig kaya hindi na rin siya nakapumiglas pa mula paghila sa kanya papalabas ng bahay.

~cutiesize31<3