Chereads / He's not just my Boss / Chapter 28 - Chapter 26

Chapter 28 - Chapter 26

CHAPTER 26 - How it all started

Maiara

Looking outside the bus' window, Maiara realized so many things. Those things are all about the Filipinos, the life of the Filipinos she saw. Nakakaawa at nakakalungkot ang ganitong klase ng buhay na natatanaw niya mula sa bintana habang mabagal na umaandar ang bus na sinasakyan dahil sa mabagal na daloy na sanhi ng trapiko.

Hindi niya maiwasang isipin na nakikita ba ito ng gobyerno? Wala ba silang solusyon para sa mga taong nasa lansangan?

Mga nagtataasang gusali ang pumuno sa buong Manila kaya ang mga tirahan ng mga taga roon ay maliliit na lang at ang iba ay sa lansangan na lamang natutulog.

Nakakaawa ang mga batang natatanaw ni Maiara. Nasaan na ang mga magulang ng mga batang ito? Sa hirap ng buhay, nasa murang edad pa lamang ang mga iyon ay nagtatrabaho na at nanlilimos.

Bigla niyang naalala ang anak niyang si Sky. Bilang ina, nag-aalala na siya ngayon sa anak. Gagawin niya ang lahat, huwag lang sila humantong sa ganyang sitwasyon. Maswerte nga sila at may trabaho sila ni Grey at maganda ang magiging kinabukasan ng kanilang anak.

"Maiara, ayos ka lang ba?"

Nilingon niya ang katabing si Khate. Halata sa mukha nito ang pag-aalala kaya nginitian niya ito ng tipid at tinanguan.

"Oo naman, Khate."

"Huwag mong pigilan 'yang mga luha mo, Maiara. Crying is good for the soul. Iiyak mo lang 'yan, gagaan din ang pakiramdam mo."

"Naalala ko lang sila Grey at Sky. Si Sky kaya, mapapatawad niya ako? Ilang taon syang walang kinalakihang ina, ano kaya ang magiging reaksyon niya?"

Hinawakan ni Khate ang kanyang balikat. "Kahit anong mangyari, nandito lang ako. Kapag nahihirapan ka na, nandito ako para tulungan at i-cheer ka na magpatuloy pa, ok ba?"

Natawa naman siya nang mahina. "Maraming Salamat, Khate ha?"

"Walang anuman." umayos na ito ng upo at sa pagkakasandal. "Hindi ka ba muna iidlip? Medyo malayo pa tayo sa Novaliches. Ang traffic kasi eh."

Tulala lamang siyang nakatanaw muli sa bintana at wala sa sariling naisatinig ang isa pang gumugulo sa kanyang isipan.

"Paano kaya nagawa ni Matteo 'yon sa akin?"

Ramdam niya na napatingin muli sa kanya si Khate kaya naman lumingon siya dito at hindi nga siya nagkamali sa kanyang inisip.

Napakibit balikat ito. "Siguro may mabigat syang rason. Hindi ko alam ang nangyari kaya wala akong maipapayo sayo."

"Niloko niya ako at pinaniwala sa mga kasinungalingan dahil sa ako raw ang childhood sweetheart niya at ginusto niya lang ako kuhanin sa asawa ko nang makahanap siya ng pagkakataon na maangkin ako." dire-diretso niyang sambit at sa bawat salitang binibitawan niya ay lumalaki ang mata ni Khate dahil sa nalalaman.

"Ano?! Baliw ba siya?" napakibit balikat na lamang siya sa tanong nito.

"Pinipilit niya na sa kanya dapat ako una pa lang. Pinakita pa niya ang picture namin nung bata kami pero wala naman akong maalala na nakilala ko na siya dati pa."

"Eh baka isa pa siya sa taong hindi mo pa naaalala."

Napailing na lamang siya sa sinabi ng kaibigan. Sigurado siya na hindi niya kilala si Matteo noong bata pa sila. She remembered being with Grey everyday and Matteo's not there. And then she started dreaming about her elementary and highschool days last week. Matteo was there but that's it. Doon niya lamang ito unang nakilala.

"Kung sakali mang totoo ang sinasabi niya na childhood sweetheart kayo, anong gagawin mo?" tanong nito na mabilis niyang sinagot.

"May sarili na akong pamilya, Khate. Si Grey at Sky pa rin ang pipiliin ko kahit anong mangyari."

Napatango-tango ito na parang may point siya. "Eh bakit mo sinagot si Matteo noong niligawan ka niya?"

"Noong nakilala ko siya, ang bait at maalagain niya sa paningin ko. Idagdag mo pa na wala akong kaalam-alam sa buhay ko at nang dumating siya at nagpakilalang kaibigan ko, nabuhayan ako ng loob. Pinagkatiwalaan ko siya at ayaw ko syang mawala kaya ganoon--"

"Ayaw mong mawala kaya sinagot mo? You didn't love him, Maiara. Para ka lang naulila na naghahanap ng kalinga ng ina o pamilya kaya mo siya sinagot. Ayaw mong maging mag-isa ulit kaya pumayag ka na maging boyfriend mo siya noong tinanong ka niya." tinaasan siya nito ng kilay. "Tama ba ako?"

Napatigil siya saglit at napatango siya na siyang ikinangiwi ni Khate.

"Kawawa naman pala si Matteo. Pero syempre hindi pa rin ako kampi sa kanya dahil nagsinungaling pala siya. Grabe ang ginawa niya sayo! Hindi na naawa sa asawa at anak mo." iritadong kumento nito.

Natahimik sila pareho hanggang sa hindi na nila namalayan na nakatulog na sila dahil sa tagal ng byahe at traffic. Nagising na lang sila nang sumigaw ang konduktor na naroon na sila sa destinasyon nila kaya kaagad na bumangon ang magkaibigan at naghanap ng masasakyan patungong Daisy Street Spix Subdivision.

Hindi siya pamilyar masyado sa nadadaanan ngunit nang lumiko na sila sa isang looban at natanaw ang malaking basketball court ay parang naalala niyang bigla na alam niya ang lugar na iyon.

"Saan ba kayo dito?" tanong ng driver.

"Dito na lang ho manong." turo niya sa basketball court saka sila nagbayad at bumaba.

"Saan tayo pupunta nyan?" tanong ni Khate habang nagpupunas ng pawis nito sa noo.

Binuksan niya ang papel na bigay ni Mother Helen sa kanya kung nasaan nakalista ang address na pupuntahan nila.

"# Daisy Street Spix Subdivision, Novaliches, Quezon City." basa niya dito.

"Magtanong-tanong kaya tayo doon?" turo nito sa iilang kalalakihang nagbabasketball sa court at saka siya tumango dito kaya nauna nang maglakad si Khate patungo doon.

Nakita ni Maiara na may itinuro ang isang lalaki na may hawak ng bola at tumango naman ang mga kasama nito. Nagtungo siya doon at naabutan ang sinasabi ng lalaki.

"Kila Ninang Marianne ba? Kumare ng nanay ko yun kaya kilala ko kahit matagal ng patay. Alam ko nga yung asawa din noon ay namatay habang yung dalawang anak noon ay nawawala naman pareho."

Napatango ang isang lalaki na naka green jersey. "Oo, miss. Dyan 'yun sa likod nakatira dati. Giba na ang bahay dahil ilang taon na rin walang nakatira kaya wala na kayong maaabutang maayos na gamit doon."

"Teka, ano bang pakay nyo?" tanong naman ng isang naka red jersey.

Napabuntong hininga saka nagsalita matapos tumigil sa paglalakad at tumabi kay Khate na kaharap ang mga lalaking iyon. "Ako si Maiara. Ang anak ni Marianne at Lorenzo Aurino."

"M-Maiara?" nauutal na tanong ng lalaking may hawak ng bola. Mukhang kilala siya nito.

"Ikaw.." sabay na tugon naman ng dalawa pa.

"Teka, anong nangyari sayo? Paano.." nilapitan pa siya ng lalaking unang tumugon sa pagpapakilala niya.

"Mahabang kwento." maikling sagot niya.

"Ako nga pala si Lester. Matagal na namin kayong kapitbahay tsaka ako yung kalaro mo dati dahil nga magkumare ang nanay natin. Kamusta ka na? Anong nangyari at bakit nawala ka?"

"Hello Lester. Ah pasensya na at hindi kita maalala. May aksidente rin kasi akong naranasan kaya nawala ang memorya ko." nginitian niya ito ng tipid kaya tumango naman ang kausap.

Nagpaalam na ang mga kaibigan ni Lester habang silang tatlo ng kaibigan niya ay nagtungo sa bahay nila Lester kung saan ay sa tapat lamang nitong basketball court.

"Ma! May bisita po tayo!" pagpasok nila ay bumungad sa kanila ang isang babae na sa tingin niya ay bata sa kanya ng dalawang taon at isang batang lalaki ngunit mas matanda ito kay Sky dahil tingin niya'y nasa sampung taong gulang na ito.

"Kuya, sino 'yan? Bago mong jowa?" sabi ng babae.

"Isusumbong kita kay Ate Lauren, Kuya Lester! Lagot ka!" banta naman ng batang lalaki kaya natawa siya ng mahina.

"Hoy! Si Maiara 'yan, wag nga kayong ano dyan. Shh!" saway ni Lester sa mga kapatid nito.

"Maiara? As in yung dating crus.." natigil ito nang takpan ni Lester ang bibig ng kapatid.

"Pasensya ka na sa mga kapatid ko, Maiara. Maupo muna kayo, hintayin lang natin si Mama at baka may ginagawa lang."

Tumango sila ni Khate habang ang magkakapatid ay nagtitinginan na para bang nag-aasaran.

"Ah Maiara, sila nga pala ang mga kapatid ko." tinuro nito ang babae, "Si Nicole nga pala." sunod ay ang batang lalaki, "Ito naman si Austin." kumaway ang batang lalaki sa kanya kaya kinawayan din niya ito.

"Hi! Ako si Maiara at ito naman ang kaibigan ko, si Khate." tugon nila dito.

"Austin, pakitawag nga si Mama. Baka hindi na naman ako narinig dahil nasa likod-bahay pala." utos nito na kaagad sinunod ng bunso.

Pagkatapos ay naupo sa harapan nila si Lester saka nagpasimula nang mapagkukwentuhan.

"Saan kayo nanggaling nyan?"

"Sa Baliwag pa. Nag bus lang kame papunta dito tapos commute ulit papunta naman dito sa Spix Subdivision." sagot niya.

Napatango-tango ito. "Ang layo pala ng binyahe niyo. Bakit nga pala kayo pupunta dito? May aayusin ka ba sa bahay niyo?"

Tumango siya at napayuko na lamang. Naramdaman din niya kaagad ang kamay ng kaibigan sa balikta niya na parang sinasabi na nandito lamang ito para sa kanya.

"Naalala ko na noong bata pa ako ay nanggaling ako sa isang bahay-ampunan kaya pinuntahan namin iyon ni Khate. Doon ko rin nalaman na bago ako dalhin sa ampunan ay taga rito ako sa Novaliches. May nangyari lang kaya napunta ako doon."

"Kaya pala.."

"Anak? Nandyan daw si Maiara?" rinig niyang tanong ng isang babae na sa tingin niya ay nasa early or mid 40's.

Tumayo si Lester para salubungin ang ina. "Ma, si Maiara po. Nakita ko lang sila ng kaibigan niya na nagtatanong tungkol sa bahay nila Ninang Marianne."

Tiningnan siya ng Nanay ni Lester kaya napatayo na rin siya. Nilapitan siya nito at kaagad na hinaplos ang magkabilang pisngi. Hindi rin nakatakas sa mga mata niya ang panggigilid ng luha nito.

"Ikaw nga, inaanak ko. Kamusta ka sa nakalipas na ilang taon? Anong nangyari sayo? Akala ko ay nakuha ka na rin nila." naiiyak nitong tugon saka siya nito niyakap nang mahigpit.

"Ayos lang ho ako." kumalas sila sa yakap at umupo para makapag-usap sila nang maayos.

"Ibig sabihin ba ay hanggang ngayon hindi pa buo ang memorya mo?" tanong ni Ninang Dhelia sa kanya pagkatapos niyang ikuwento ang mga napagdaanan niya na naaalala niya lamang.

"Opo. Pwede niyo ho bang tulungan ako sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong ko hanggang ngayon?"

Mabilis na tumango ito pati na rin si Lester na katabi nito. "Oo naman, walang problema."

"Bakit po namatay ang mga magulang ko? Tsaka nasaan ho ang kapatid ko? Pwede niyo po bang tulungan akong mahanap siya?"

Napaiwas ng tingin ang kanyang ninang na para bang nag-aalalangan pa itong magsabi ng nalalaman ngunit nang magmakaawa siyang muli dito ay ikinuwento na nito ang lahat ng nalalaman.

"Ang alam ko lang ay may malaking tao na nakabangga si Lorenzo. Nagkanda utang-utang ito noong simula dahil mahilig sa sugal ang tatay mo. Nahinto sa sugal si Lorenzo noong bagong panganak si Marianne sa inyo ng kapatid mo pero bumalik na naman pagkalipas ng isang taon. Dati pa lang ay lagi na kaming nagkakausap ni Marianne tungkol sa problemang iyon hanggang sa magsimula na kayong lumaki at mag-aral ay 'yun pa rin ang problema ng pamilya niyo. Huli na rin nalaman ng nanay at tatay mo na makapangyarihan at malaking tao pala ang pinagkakautangan ng ama mo."

"Yung tao ba na iyon ay ang may kagagawan kung bakit nawala sila mama at papa?" mahina niyang tanong. Iyon lamang ang tanging posibleng rason na naisip niya.

"Malakas ang kutob kong iyon nga ang suspek. Huling kwento na lang ni Marianne sa akin ay sinisingil daw sila ng taong iyon ng malaking halaga at kung walang maibibigay na pera, ikaw na lang ang kapalit pero syempre hindi pumayag ang magulang mo kaya siguro humantong sa ganoong pangyayari ang lahat."

Tuluyan na ngang nahulog ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan kaya niyakap na lamang siya ni Khate at hinawakan ng kanyang ninang ang mga kamay niya.

"Malalaman din natin ang lahat, hija. Makukuha mo rin ang hustisya."

"Tutulungan ka namin, Maiara. Huwag kang mag-alala." pagpapakalma din ni Lester sa kanya.

"Kung ganoon ang nangyari, nasaan na ang kapatid ko? Nakuha ba siya ng mga taong 'yon?"

"Siguro, Maiara, nakuha nila si Ariana. Nakuha nila ang kakambal mo." malungkot na tugon ng kanyang ninang.

"Kambal? Kakambal ko ang nawawala at hindi lang basta kapatid?" naguguluhan niyang tanong.

Umalis saglit si Lester nang inutusan siya ng ina nito na kuhanin ang album sa kwarto nito. Pagkabalik ay agad na binigay ni Ninang Dhelia ang isang lumang photo paper.

"Iyan lang ang natitirang litrato ng pamilya mo, Maiara." tiningnan niya ito at napagtanto na may kakambal nga siya at Ariana Queen Aurino ang pangalan nito.

~cutiesize31<3