Chereads / He's not just my Boss / Chapter 27 - Chapter 25

Chapter 27 - Chapter 25

CHAPTER 25 - Truth

Maiara

Before going to the place where she can find the answers in her questions, she decided to go to Matteo's condo first. Nais niya lang itong bisitahin at kung may pagkakataon, hahanapin din niya ang iba pang nawawala niyang gamit na narito sabi ni Lola Eva.

She needs to find her missing ring first and then she will go to the orphanage that she dreamed of yesterday. Nag search na rin siya kung saan iyon pero hindi pa niya kabisado kaya kakailanganin pa niya ang tulong ni Khate since marami itong alam sa pasikot-sikot na daan dito sa Bulacan.

"Matteo?" she knocked twice but no one answered her. Then she remembered that Matteo gave her a duplicate key so that she can go there when she wants to.

Ibinaba muna niya ang bag sa sofa na nasa living room bago maglibot-libot sa buong condo at hanapin si Matteo. Nagtungo muna siya sa kusina ngunit wala namang tao doon kaya tinungo niya ang kwarto na nasa dulo, ang kwarto ni Matteo. Nakita niya ang kaunting nakaawang na pintuan at narinig naman ang boses na pamilyar sa kanya.

"Naayos mo na ba bro yung favor ko? May connection ka naman hindi ba?" tanong ni Matteo habang nakaupo sa kama at may inaayos sa isang maliit na kahon.

"Bro, of course naasikaso ko na. Ang hirap kaya kuhanin ang personal information ng isang tao kaya malaki talaga ang ibabayad mo sakin!" sagot ng isang lalaki na sa tingin niya'y kaibigan ni Matteo. Naka loud speaker pa ito kaya naririnig niya ang usapan ng mga ito nang maayos.

"Ano na?"

"Nakita ko ang certificate of marriage ni Maiara at nakalagay pa rin na married pa rin sila ni Greyson. That means, Pajavera pa rin siya."

Nakita niyang natigil sa pag aayos si Matteo ng kung ano doon. "Ano? Akala ko ba nag file na ng annulment ang gag*ng 'yon dati pa?"

"Sa tingin ko, hindi natuloy. At ang dahilan ay hindi ko alam. Mahirap alamin iyon lalo na at sila ni Grey lang ang nakakaalam. Oh kaya ay baka hindi natuloy ay dahil naaksidente na si Maiara noong panahong maghihiwalay na sila pero what if lang naman."

"Hindi pwedeng kasal pa sila. Kami na ni Maiara at akala ko ay pwede ko na siyang pakasalan para makuha ko na siya ng tuluyan kay---"

Hindi na nakatiis pa si Maiara sa namumuong galit na nadarama mula dito kaya marahas niyang binuksan ang pintuan na siyang naging dahilan kung bakit napatingin sa kanya si Matteo at natigilan sa sinasabi at ginagawa.

"Anong sabi mo?" mariing tanong ni Maiara.

"Maiara.." tumayo si Matteo pero kaagad siyang sumigaw.

"Dyan ka lang! Sagutin mo ang tanong ko." nandidilim ang paningin niya dito dahil ramdam niya ngayon na pinagtaksilan siya nito. Ang taong inakala niyang may mabuting kalooban ay may tinatago pa lang matinding sikreto sa kanya.

"Alam mong kasal ako kay Grey pero hindi mo pinaalam sa akin? Bakit?! Dahil gusto mo ako? At tinake advantage mo ang pagkakaroon ko ng amnesia para makuha mo ako mula sa asawa ko?!" dumagundong ang malakas na boses ni Maiara sa buong silid ni Matteo.

"In the first place, you are mine, Maiara!" sagot nito na inilingan niya.

"How can you say that I'm yours? Ni wala akong maalala tungkol sayo dahil puro si Grey ang nakikita ko sa panaginip ko! Naaalala ko ang lahat ng memories namin noong bata pa kami hanggang sa mag college na kami pareho." pag iisa-isa niya sa naaalala niya nitong nakaraang buwan.

"And in those memories, wala ka doon!" pinagdiinan niyang sinabi iyon.

"Yan ang dahilan kung bakit gusto kitang makuha sa kanya ngayong wala kang maalala. Gusto ko na bumuo tayo ng panibagong memories ng magkasama dahil bata pa lang tayo, nangako na tayo sa isa't isa." tumalikod ito at may hinalungkat sa isa sa mga box na inaayos nito kanina.

"This!" ipinakita nito ang litrato na alam niyang luma na na siyang may dalawang bata na magkaakbay.

"This is my evidence na ako ang nauna sa aming dalawa ni Grey." kinuha niya ang litrato dito at pinakatitigan ang batang babae na kasama ni Matteo sa larawan.

She looks like the girl in that photo and it seems that she's still four to five years old that time but she remembered nothing about the photo behind it. Also, Matteo's child look is not familiar for her.

"This is not me." bulong niya. Ramdam niya na hindi siya ito pero sino naman ito? Kamukhang-kamukha niya ang batang nasa litrato noong bata pa siya! Isa ba ito sa nakalimutan niya rin noon?

Well, childhood memories tend to be forgotten since she was still very young at that time.

"Huwag mo akong gag*hin, Maiara. This is you! Ikaw 'to! Ikaw ang batang 'yan na matagal ko nang hinahanap. I gave you a bracelet as a remembrance since you didn't tell me your name because you believe in destiny like what your mom told you about your parents love story. Binigyan mo rin ako ng bracelet noong panahong 'yan bilang palatandaan natin sa isa't isa."

Napahilamos ito ng mukha dahil sa frustrations. "Pero anong ginawa mo? Hindi mo suot ang bracelet na palatandaan nating dalawa simula noong hindi na tayo nagkita. Ang malala pa doon ay nakilala mo lang si Grey, kinalimutan mo na ang lahat! Pinaasa mo ako, Maiara."

Mas lalong kumulo ang dugo ni Maiara sa huling salitang binitawan ni Matteo. "Huwag mong ibaling sa akin ang kasalanan at usapan dito, Matteo, na para bang ako ang may kasalanan ng lahat. Pinaasa mo rin ako at mas malala ang ginawa mo sa akin."

Binato nito ang larawang hawak at saka nagpasyang lisanin na ang lugar na iyon. Pero bago ang lahat, sinabi na niya ang tanging salita na pumasok sa isipan niya ngayon.

"Tapusin na natin ang relasyong 'to. Ayoko nang makasama pa ang taong puro kasinungalingan lang ang sinasabi sa akin at sumira sa pamilya ko."

Hindi niya matanggap na ang pinagmulan ng mga kasinungalingang iyon ay ang nabaling pangako noong bata pa sila.

There's so many things that have happened as the years passed and so the feelings too! Lahat nagbabago, hindi ba iyon maintindihan ni Matteo? At isa pa, childhood memories can be easily forgotten lalo na kung sobrang bata pa ng edad nito noon.

Mabilis siyang lumabas ng building at pumara ng taxi para magpahatid pauwi sa kanila. She can't believe that Matteo can do that because of that childhood promise they made when they we're still young.

Now, she wants to see her husband and son, but there's a perfect time for that. She needs to stay focused on what to do next and that is go to the Angels orphanage. She wants to get her records there because she can't still remember why she ended up living in an orphanage. Where are her parents? What happened to them?

When she gets home, she immediately sends a text message to Khate, saying that she's ready to go to the orphanage.

"Finally, nagkita na rin tayo ulit. Grabe! Ang tagal nating walang gala ah." pambungad na bati sa kanya ni Khate pagkakita sa kanya sa labas ng bahay.

"Pasensya na, naging busy lang tsaka pagkatapos natin sa pupuntahan natin, pwede na tayong gumala ulit gaya ng dati." nakangiting tugon ni Maiara sa kaibigan.

"Wala ka bang trabaho ngayon? Parang game na game kang umalis ah?" Khate knows work first before gala kaya nga hindi sila nakakagala dahil iyon din ang quote ni Khate sa sarili.

"Nag resign na ako."

Nanlaki ang mata ni Khate. "Ano?! Don't tell me si Matteo na naman ang may pakana niyan? Babatukan ko talaga 'yon naku--"

"Gusto ni Matteo na mag resign ako at pumayag ako dahil kailangan din." pumara muna sila ng tricycle at bago sumakay ay nilingon niya si Khate na nag-aabang pa rin sa sasabihin niya.

"Basta ikukwento ko sayo lahat kapag maayos na. Mahabang istorya eh."

"Ok, pangako 'yan ah!" nagpahatid sila sa Baliwag Transit dahil kailangan nilang sumakay ng bus papunta sa Angels Orphanage. Medyo malayo-layo iyon kaya hindi kakayanin kung mamamasaheros lang sila at sasakay ng tricycle.

Nang makabili sila ng ticket at makasakay ng bus, naghanap sila kaagad ng mauupuan. Hindi rin naman nagtagal nang umalis na ang bus na sinasakyan nila dahil mabilis lang din na napuno ng pasahero ang bus.

"Bakit hindi natin isama si Matteo?" tanong ni Khate.

She paused for a while and then she answered. "Wala na kami. Hiniwalayan ko na siya kanina lang."

"Ano? Bakit? Anong nangyari?"

"Sabihin na lang natin na puro kasinungalingan lang ang mga sinabi niya sakin. Kilala niya talaga kung sino at ano ako pati na ang pamilyang naiwan ko pero iba ang sinabi niya sakin dahil mahal daw niya ako at gusto niya akong kuhanin mula sa asawa ko."

"Oh my god." napatakip pa ito ng bibig sa gulat.

Binigyan lamang ni Maiara ng tipid na ngiti ang kaibigan para sabihing ayos lang sa kanya pero deep inside, gustong-gusto na niyang matapos ang lahat. Nakakapagod pero ramdam niya na worth it ang makakamit niya at mararanasang buhay sa huli.

Halos isang oras ang itinagal ng kanilang byahe mula Baliwag hanggang sa Angels Orphanage. Nang makita niya ang malaking gate at may 'Angels Orphanage' na nakalagay sa arko nito ay ramdam niya ang pamilyar na pakiramdam na para bang ang tagal niyang nanirahan dito at ito ay isa sa importante para sa kanya.

Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga kamay kaya napahawak siya sa braso ni Khate.

"Kabadong-kabado, bes? Nandito lang ako, ok? Sasamahan naman kita sa loob."

Ngumiti siya rito. "Maraming salamat, Khate."

Pagkatapos ay nagtungo na sila sa gwardya na nakabantay doon sa gilid ng gate.

"Ano ang sadya niyo rito? May bibisitahin ba kayo?" tanong ng gwardya.

"May kailangan lang ho kami sa loob. May kailangan kasi kaming kausapin. Nandyan ba sila Sister..." napa-iwas ng tingin si Maiara at inalalang maigi kung sino ang taong babanggitin niya ngunit nagkusang bumuka ang bibig niya at pinagpatuloy ang pagsasalita. "Nandyan ba sila Sister Helen at Sister Rhea?"

Kumunot ang noo ng kausap nilang gwardya ngunit pinapasok na rin sila sa loob kalaunan. Hindi nila alam ang patungong opisina ng Orphanage kaya sinamahan sila ng guwardya nang dumating ang isa pa nitong kasamahan para magbantay sa gate.

"Kamag-anak ba kayo nila Sister? Bibisitahin niyo ba si Sister Helen? Hindi na iyon nagtatrabaho dito kaya nakikipagkwentuhan na lang sa mga bata dahil matanda na si Sister Helen habang si Sister Rhea ay kaya pa naman ang iilang gawain sa orphanage."

Nang magpunta sila sa opisina ay kaagad na rin silang iniwan doon ng gwardya. Naroon daw sa loob ang head ng orphanage na iyon kaya mabilis silang pumasok sa loob.

"Good day, how may I help you?" ani ng babae na nasa mid 40s ang edad, and namamahala sa Angels Orphanage.

"Magandang araw po, maaari po ba naming makita sila Sister Helen at Sister Rhea?" ani Maiara dito at natuwa siya nang pumayag ito.

Maglilibot lang din si Mrs. Santiago kaya sinamahan na rin sila nito. Habang patungo sa room nila Sister Helen at Sister Rhea, ikinukwento ni Mrs. Santiago ang mga naging pagbabago sa Angels Orphanage.

"Ang dami na palang nagbago dito sa Orphanage." wala sa sarili niyang tugon dito. Mula sa pagre-renovate ng mga buildings, kwarto ng mga bata at playground, mas lalong gumanda ang mga ito.

Naalala niya bigla ang iilang alaala na napaginipan niya tungkol sa pananatili niya dito mula pa noong bata siya. Naalala din niya ang mga ginawa nila ni Grey sa palaruang iyon kaya bigla niya itong na-miss.

She can't wait to meet her husband again.

"There they are.." turo ni Mrs. Santiago sa taong hinahanap nila.

Nakita nila si Sister Helen at Sister Rhea na may kausap na mga bata. Nakaupo ang mga ito sa damuhan na para bang nagkukwentuhan sila.

"Sister Helen! Sister Rhea! May mga bisita po kayo." tawag ni Mrs. Santiago at di rin nagtagal ay nagpaalam din ito dahil may aasikasuhin pa.

"Maiara? Ikaw na ba iyan?" ani Sister Helen at hinawakan pa ng kanyang magkabilang pisngi na para bang naaalala pa nito ang kanyang itsura.

Matanda na si Sister Helen at kung titingnan ay nasa mid 70's na ito habang si Sister Rhea ay mas bata lamang dito ng ilang taon.

"Kamusta na ho kayo, Sister?"

"Ayos lang kami, hija. Ikaw? Kamusta ang pamilya mo? Si Grey at ang anak niyo? Ang tagal mula noong huli kaming dumalaw dito. Ilang taon na siguro." pangangamusta naman ni Sister Rhea at natigilan siya nang mabanggit ang pamilya niya.

"Sister Rhea, Sister Helen, pwede po ba makahingi ng pabor? May kailangan po kasi akong malaman tungkol sa mga personal na impormasyon ko tsaka tungkol sa pamilya ko at kung bakit ako napunta sa orphanage na 'to noon pa."

Nagtataka siyang tiningnan ng dalawang madre hanggang sa mabaling ang mga atensyon nito sa kaibigan niyang nasa tabi niya lang mula pa kanina.

"Pwede po ba tayo mag usap-usap sa pribadong lugar? Marami po kasing ikukwento si Maiara tungkol sa nangyari sa kanya." naguguluhan man ngunit pumayag ang dalawang madre kaya tinawag nito ang ilang madre na pwedeng magbantay sa mga batang iiwan nila doon.

Sa garden ng Orphanage sila nagtungo. Tahimik at maaliwalas ang tanawin kaya doon nagdesisyong sabihin ni Maiara ang lahat ng kanyang nalalaman at pagkatapos ay itatanong ang mga bagay kung saan siya naguguluhan.

"Ayos ka na ba ngayon, hija? Hindi namin alam na naaksidente ka pala at nagkalayo pa kayo ng pamilya mo. Sana manlang ay natulungan ka namin sa pagpapagaling mo noon." sabi ni Sister Rhea sa kanya at kita niya ang awa at lungkot sa mukha nito.

"Pwede niyo ho bang sabihin sa akin kung sino ang pamilya ko? Ang magulang ko? At kung paano ho ako napunta dito noong bata pa ako. Nasaan sila? Iniwan ba nila ako?" tuloy-tuloy niyang tanong sa mga ito.

Napabuntong hininga si Sister Helen saka hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Ilang taon na ang nakakalipas nang dalhin ka dito ng mga otoridad. Sabi nila ay nanggaling ka sa hospital sa Quezon City at matindi ang mga naging epekto nito sa iyo lalo na at nasa murang edad ka pa noong panahong iyon."

"Galing ho ako sa hospital sa Quezon? Ano po ang nangyari?" naguguluhang tanong niya.

Ipinagpatuloy ni Sister Helen ang pagkukwento nito. "Nakausap ko isang beses ang mga taong nagdala sa iyo dito at nasabi nila ang totoong nangyari sayo." tiningnan siya nito gamit ang nag-aalalang mga mata, tinanguan niya lamang ito bilang pagpapakita na gusto niyang malaman ang tungkol sa nangyari sa kanya at kakayanin niya iyon.

"Noong nasa Novaliches, Quezon City ka pa kung saan kayo naninirahan ng pamilya niyo, may nangyaring aksidente. Namatay ang iyong mga magulang habang ang kapatid mo ay hindi na raw natagpuan pa. Hinanap ng mga pulis ngunit hindi sila nagtagumpay, sabi nila ay posible na nakatakas ito o kaya ay... nakuha ng mga taong pumatay sa magulang mo."

"Ano?" naiiyak niyang tugon at naramdaman niya ang kamay ng kanyang kaibigan sa kanyang likuran, pinapakalma siya.

"Ang alam namin ay may atraso ama mo sa taong may gumawa noon sa magulang mo. Ang hinala nila ay nakatakas ka lamang doon dahil natagpuan kang may mga sugat kaya dinala ka ng mga taong nakakita sayo sa hospital. Habang ang kapatid mo ay hindi mo na kasama. Pagkagising mo lang daw noong panahong iyon ay nagwawala ka at nakalimutan mo ang nangyaring aksidente nang tanungin ka ng mga pulis para makatulong sa kaso ng magulang mo. Hindi na namin alam ang iba pang detalye dahil pribado na iyon sabi ng mga pulis." pinunasan ni Sister Helen ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa kanyang pisngi.

"Narito lang kami para sayo. Huwag kang mag-alala." niyakap siya ni Sister Helen at pinakalma rin siya ni Khate.

"Ipapakuha ko ang records mo kung sakali mang kailanganin mo." tumango siya sa sinabi ni Sister Rhea.

Habang hinihintay si Sister Rhea, nagsimula muling magtanong si Maiara sa mga nalaman kanina kay Sister Helen.

"May kapatid ako? Nasaan na siya?"

"Ang alam lang namin ay nawawala siya at hindi na nahanap pa ng mga pulis."

"It's been years, nasaan na kaya siya?" wala sa sariling tugon niya at inisip ang mga posibleng nangyari dito sa mga taong nagdaan.

Nang dumating si Sister Rhea ay iniabot nito kay Sister Helen ang dala-dala nitong makapal na envelope.

May iniabot na papel sa kanya ang mga ito. "Narito ang address mo noon. Baka sakaling magamit mo iyan. Mag-iingat ka, Maiara. Hindi namin alam ang nangyari sayo nitong nakaraang taon pero naniniwala akong malalagpasan mo 'yan. Manalig ka lamang sa Diyos." ang mga salitang iyon na binitawan ni Sister Helen ang tumatak sa kanya habang nasa daan papunta sa lugar kung saan sila nanirahan ng kanilang pamilya noon.

Sana, kung sino man ang kanyang kapatid ay mahanap niya ito doon. Kamusta na kaya ito? Maayos ba ang buhay nito?

"Paano ko nakalimutan ang kapatid ko, Khate? Masama ba akong kapatid dahil nakalimutan ko siya?"

"Maiara, hindi mo kasalanan na nakalimutan mo ang kapatid mo. Our brain tends to forget something when it's very traumatising past memories. At base sa kwento nila Sister tungkol sayo, talagang nakakatrauma iyon sa batang tulad mo noon."

~cutiesize31 <3