Chereads / He's not just my Boss / Chapter 26 - Chapter 24

Chapter 26 - Chapter 24

CHAPTER 24 - First meeting

Maiara

Hindi pa rin siya makapaniwala sa nalaman mula kay Arthea kaya nagpakwento pa siya rito tungkol sa anak nito at kung ano ang nangyari noon.

"Mabuti na nga lang at graduating ako that time kundi baka tumigil ako sa pag-aaral. Halos isang buwan na lang naman ay gagraduate na ako tapos noong matapos ko makapag-apply ng trabaho ay doon ko pa lang nalaman na buntis nga ako."

"Hindi mo manlang ba siya hinanap?"

Umiling si Arthea. "Hindi na dahil pangalan lang naman niya ang alam ko. At isa pa, kaya hindi ko na naituloy ang pagtulong sayo ay dahil naiwala ko ang listahan dahil sa nangyari noong gabing iyon tapos yung first name lang nung taong hinahanap ko ang naalala ko. Also, your name is very complicated, akala ko tuloy Maira 'yon, kaya pala wala akong napapala kakahanap sayo dati."

Natawa na lamang si Maiara sa narinig. "Ganyan din dati ang nangyayari sa pangalan ko, namamali sila ng spelling kahit teachers or classmates ko pa dahil ang dami raw letter a."

Nakita niyang napanganga at halatang gulat na gulat si Arthea ngunit hindi niya alam kung bakit.

"Bakit parang gulat na gulat ka diyan?"

Hindi nito sinagot ang tanong niya bagkus ay tanong pa ang isinagot. "Wait, did you just say the word 'dati'? Naaalala mo ang nangyari sayo dati?"

Napatakip ng bibig si Maiara dahil sa narealize niya. Pinilit pa niyang muli na maalala ang ibang detalye ng past memories niya ngunit wala na siyang napala pa.

"Baka biglaan mo lang naaalala 'yan. Don't worry, makakaalala ka rin." pagpapalakas ng loob ni Arthea sa kanya na binigyan niya lamang ng tipid na ngiti.

"Sana nga."

Pamaya-maya pa ay napatingin ito sa wrist watch nito at saka sa kanya.

"Alas kwatro na pala ng hapon. Kailangan ko nang umuwi dahil ang paalam ko lang kay Jackson ay hanggang 3pm lang ako." agad nitong inayos ang bag pati na ang frappe na binili ay kaagad na inubos.

"Kailan tayo pwedeng magkita ulit?" tanong ni Maiara.

"Hindi ako sigurado dahil may 3-day flight ako na start bukas and after no'n ay magbabakasyon kami ni Jackson sa Ilocos."

"Wow, parang gusto ko rin pumunta doon."

"As much as I want to bring you there, I can't. Sa tingin ko next time na lang dahil ipapakilala ko muna si Jackson sa anak namin at sa parents ko. And then kapag maayos na rin ang lahat ng problema niyo, aayain ko na kayo ni Grey para makapag family bonding din kayo."

Napangiti na lamang si Maiara. Bigla niyang na-imagine ang maaaring mangyari kapag nagbakasyon silang pamilya. Sana lang ay makaalala na siya tungkol sa nangyari noon para matupad ang family bonding na nais din ni Arthea.

"Goodluck, Arthea. Sana maging masaya kayo doon sa Ilocos."

Niyakap siya ni Arthea nang tumayo na sila pareho. "Sana lang ay hindi magalit sa akin si Jackson."

Kumalas siya sa pagkakayakap dito saka hinawakan ang mga kamay nito. "Kung mahal niya kayo ng anak niyo, hindi siya magagalit. Siguro tampo oo, pero mawawala din 'yan. Mas matibay ang pagmamahal kaya huwag ka ng mag-alala pa."

"Salamat, Maiara. See you soon!" pagkaway nito hanggang sa makalayo na sila sa isa't isa.

Kaya naman umuwi nang nakangiti si Maiara dahil kaunti na lang ay masasagot na rin ang kanyang mga katanungan lalo na at may isa nang taong nagpatibay na silang dalawa ni Grey ay mag-asawa and that means anak niya rin si Sky. She can't wait to hug her son, but she needs some time to think about her other memories first.

Night time came and she's ready to sleep. Pagod siya sa nangyari at nalaman ngayon kaya madali siyang nakatulog ngunit sa hindi muli inaasahang pagkakataon, nagbalik ang kaniyang nakaraang memorya sa pamamagitan ng pagpapakita nito sa panaginip niya.

Hawak-hawak ng isang babae ang kamay ng batang Maiara habang pumapasok sila sa isang institusyon. Wala siyang kibo dahil bukod sa kagagaling pa lamang nila sa hospital, hindi niya kilala ang mga kasama at hindi niya alam kung bakit niya ito kasama.

"Ms. Jean and Ms. Gina! Magandang araw po sa inyo." bati ng isang babae na syang head ng institusyon kung nasaan sila. Nakipagkamay din ito sa iilang kalakihan na nasa likuran nila.

"Ako po ang isa sa namamahala ng DSWD at ito ho ang bata na sinasabi ko sa inyo noong isang araw. Dito namin siya dinala dahil iyon na rin ang payo ng doktor sa amin, ang ilayo sa lugar kung saan nangyari ang insidente. Taga Novaliches, Quezon City itong bata ngunit nasangkot sa insidente ang bata. Namatay ang parehong magulang kaya nagkaroon ng trauma ang batang ito habang ang kapatid ay nawawala naman na syang patuloy na hinahanap ng mga pulis. May nakapagbanggit na may pag-aari ang Pajavera dito na magandang institusyon kaya dito na namin dinala ang bata dahil kilala rin namin si Mrs. Sunshine Pajavera." pagpapaliwanag ng babae na nakasuot ng uniporme.

May iilang babae din na kasama ang namamahala ng institusyong iyon na syang kaagad na lumapit sa batang Maiara.

"Kami na ho ang bahala sa bata." nakangiting saad ng madre na ang tawag dito ng lahat ay Sister Helen.

"Anong pangalan mo?" lumuhod sa harapan ng bata ang isa pang madre. Ito naman ay si Sister Rhea.

"Maiara po." bulong ng bata at pilit na nagtatago sa likuran ng babaeng may hawak sa kanya.

"Huwag kang mahiya sa amin, Maiara. Aalagaan ka namin dito sa Angels Orphanage." nakangiting tugon naman ni Sister Helen saka inaya na ang bata para maipakilala nila si Maiara sa mga batang makakasama nito sa orphanage.

"Kami na ho ang bahala sa bata. Makakaasa po kayo na nasa mabuti siyang mga kamay." nakangiting saad ni Sister Rhea sa officers ng DSWD.

Dinala naman ni Sister Helen ang batang Maiara sa labas para ilibot ito sa Angels Orphanage. May malawak na field sa likod ng orphanage kung saan may nakatayong playground. Nasa gitna ang playground nito dahil nakapalibot doon ang maliit na simbahan, cafeteria, at ang mga silid ng mga bata.

Tinawag ni Sister Helen ang mga bata na naglalaro para ipakilala ang bagong makakalaro ng mga ito.

"Mga bata, ito nga pala si Maiara. Bago siya dito at gusto ko na kaibiganin ninyo din siya ha. Maging mabait kayo sa kanya at tulungan niyo rin siya. Maliwanag ba?"

"Opo sister Helen." magkakasabay na sagot ng mga bata.

Bumalik sa paglalaro ang mga bata ngunit si Maiara ay ayaw pa rin makihalubilo sa mga bata. Naiiintindihan niya na nahihiya pa rin ito kaya sinamahan niya muna ito na panoorin ang ibang bata.

"Sister Helen! Sister Helen!" napalingon ito sa madre na tumawag sa kanya.

"Anong problema, Sister Angeline?"

"Nariyan na po sina Mrs. Pajavera kasama ang pamilya niya. Sila po ang personal na naghatid ng mga donations na nanggaling pa sa Quezon City."

Tatayo na sana si Sister Helen ngunit hindi manlang tinanggal ni Maiara ang pagkakahawak niya sa damit nito, humigpit pa lalo ang pagkakahawak nito sa madre.

"Maiara, sumama ka muna kay Sister Angeline. Siya muna ang bahala sayo at may aasikasuhin pa ako sa labas." aniya ngunit umiling lamang ang batang Maiara.

Naisip ni Sister Helen na nahihiya pa ito sa ibang tao at siya pa lamang ang pinagkakatiwalaan nito kaya nagpasya siya na isama na lamang si Maiara sa pagbati niya sa labas kung nasaan ang pamilya Pajavera.

Ang pamilya Pajavera ay madalas sa Angels Orphanage. Isa ito sa orphanage na mismong pinagawa ni Mrs. Sunshine Pajavera kaya kadalasan itong bumibisita sa mga bata para kamustahin ang mga ito pati na rin ang mga proyekto na ginagawa dito sa Angels Orphanage.

Naabutan nila Sister Helen at batang Maiara ang pagbababa ng mga kahon kahon na mga donasyon. Nasa gate na ang pamilya Pajavera at kausap na ang iilang madre kaya lumapit na rin sila Sister Helen.

"Magandang araw ho, Mr. & Mrs. Pajavera and family." nakipagkamay ito sa mag-asawa.

"Magandang araw din Sister Helen. Kasama ko nga pala ngayon ang dalawa kong anak." hinawakan sa balikat ni Mrs. Sunshine ang bunsong anak nito. "Eto nga pala si Greyson, ang bunso ko. Ang panganay ko naman na si Jackson ay tumutulong magbuhat ng mga donasyon." itinuro nito ang bata na tumutulong sa pagbibitbit papasok ng mga donasyon.

Bumaba ang tingin ni Mr. Pajavera sa bata na hawak-hawak ni Sister Helen. "Anong pangalan ng batang 'yan, Sister? Sino ho siya?"

"Ah.." ipinaharap ni Sister Helen ang batang Maiara na nagtatago sa likuran nito. "Ito ho si Maiara. Bagong dating lang ho ito dito. Hinatid po ito ng mga taga DSWD."

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Mrs. Sunshine.

"Galing ho ito ng hospital dahil sa trauma na natamo. Pumanaw na kasi ang parehong magulang kaya dito sa Bulacan napagpasyahan na dalhin para na rin daw po hindi bumalik ang trauma kung mananatili pa sa kanila doon sa Novaliches."

Nakaramdam ang mag-asawang Pajavera ng pagkaawa sa batang Maiara na nakayuko lamang ngunit laking gulat nila nang magsalita bigla ang bunso nilang anak.

"Hi, I'm Grey." pagpapakilala nito sa batang Maiara. Inalok pa nito ang kamay sa bata.

Saglit na natigilan si Maiara sa narinig at nag-angat pa ng tingin kay Sister Helen na siyang tinanguan lang siya at nginitian. Pagkatapos ay unti-unting tinanggap ang pakikipagkamay nito sa batang Grey.

"A-ako s-s-si Maiara." nauutal na bulong nito sa nakangiting si Grey.

"Gusto mo?" pag-aalok nito ng lollipop na hawak pagkatapos nilang magpakilala sa isa't isa.

Nang tanggapin iyon ni Maiara ay hindi na binawi pa muli ni Grey ang kamay na nahawakan ng batang babae. Lumingon ito sa magulang niya saka nagpaalam.

"Can we play there, mom? dad?" itinuro ng batang Grey ang playground. Napangiti naman ang mag-asawa sa inasta ng kanilang bunsong anak dahil kahit kailan ay wala pa itong kinaibigang babae.

"Sure!" sagot ng magulang si Grey kaya inaya na niya si Maiara na kaagad namang sinunod nito.

"Sister Angeline, paki bantayan ang dalawang bata." utos ni Sister Helen sa katabing madre at pagkatapos ay inanyayahan na niya ang mag-asawang Pajavera na pumasok sa opisina ng Angels Orphanage.

Sa kabilang banda naman ay masayang naglalaro ang batang Maiara at batang Grey. Nasa seesaw sila at kumakain ng lollipop na dala-dala ni Grey.

"Maiara, ilang taon ka na? Nag ii-school ka na rin ba?"

"Seven years old na ko. Ikaw ba?"

"Ten years old. So, I'm three years older." napatango-tango si Grey.

"Ano ang buo mong pangalan?"

"Greyson Claude Pajavera, ikaw?"

"Maiara Quinn Aurino pero pwede mo akong tawaging Maiara lang kasi hindi ako sanay na tinatawag na Quinn." tumango lamang si Grey.

"Ako naman Grey na lang itawag mo sa akin. Hindi rin ako sanay na tawaging Claude eh."

Tumawa ang batang Maiara. "Diba color yung Grey? Kulay abo sa tagalog."

"Its spelling is different, Maiara. My name Grey is spelled in G-R-E-Y while the color gray is spelled as G-R-A-Y."

"Abo na lang kaya ang itawag ko sayo? Para kakaiba." natatawa nitong tugon ngunit napakunot noo lamang si Grey sa sinabi ni Maiara.

"Abo? No way!"

"Magaling ka pala mag english no? Talino mo naman." habang kinakain ang lollipop ay bigla siyang may naisip. "Alam ko na! Ano ba ang english ng abo?"

"Ash." sagot naman ni Grey.

"Ayon! Ash na lang itatawag ko sayo. Oh diba para kakaiba."

"Sayo naman Aia na lang itatawag ko sayo. It is pronounced as Aya but it is spelled as A-I-A."

From then on, Ash and Aia became best friends. Nasaksihan nila pareho ang paglaki nila at bawat tagumpay ay magkasama sila. Natutuwa ang lahat sa pagiging magkaibigan ng dalawa ngunit hindi naman maiiwasan ang may mainggit lalo na ang mga kababaihan. But Ash assured that Aia is his one and only girl. Walang makakapantay dito.

~cutiesize31 <3