Chereads / He's not just my Boss / Chapter 25 - Chapter 23

Chapter 25 - Chapter 23

CHAPTER 23 - Two girls' past

Maiara

Early in the morning, Maiara received a text message from an unknown number.

From: Unknown

Hi Maira! Pwede ba tayong magkita ngayong lunchtime sa Kuya J's restaurant? I need to tell you something. Hindi ko alam kung naaalala mo pa ako. Ako yung babae na hiningan mo ng tulong 2 years ago and I just want to help and see you again, also to clarify something.

-Arthea Malonzo

Hindi maalis ni Maiara ang paningin sa pangalan na nasa screen. Arthea Malonzo? Yung babae na naabutan niya sa office ng boss niya na girlfriend pala ng kapatid nito?

Madali siyang gumayak nang makita na alas diyes na ng umaga. At isa pa, kung ito ang babae na nilapitan niya two years ago, baka may alam ito sa nangyari bago siya mawala at maaksidente.

Kabadong-kabado pa siya sa pagpasok sa mall hanggang sa lumiko na siya papunta sa area kung nasaan ang mga iba't ibang klase ng restaurant. Mahigpit siyang napahawak sa kanyang bag nang mahagip ng kanyang paningin ang restaurant na tinutukoy ni Arthea.

Sinalubong siya ng isang waitress. "Table for what, miss?"

"I'm with Ms. Arthea."

"Oh, there's Ms. Arthea." sabay turo nito sa medyo dulong parte ng restaurant. "Are you Ms. Maira Aurino?"

Kumunot ang kanyang noo. "Maira? No, it's Maiara Aurino." pagtatama niya dito.

"Ah oh—kay. Sorry, baka po nagkamali lang ng spelling yung kasamahan ko. Samahan ko na po kayo sa table nyo?"

Umiling siya. "Hindi na kailangan. Thank you."

Nakita niya ang nakatalikod na si Arthea doon at nang papalapit na siya dito ay napabuntong hininga na lang siya at kinalma ang sarili dahil sa kabadong pakiramdam.

"Sana ay siya na ang taong makakatulong sa akin at makakasagot ng mga katanungan ko." pabulong niyang hiling saka ngumiti at naupo sa upuan na nasa harapan ni Arthea.

"Hello Ms. Arthea Malonzo. I'm Maiara Aurino." pagpapakilala niya saka inalok ang kamay niya.

"Maiara? I thought it's Maira.." binuksan nito ang folder na nasa harapan nito. Nanlaki ang mata nito at pabalik-balik ang tingin nito sa kanya at sa folder na hawak.

"So all this time, Maiara pala ang pangalan mo. Mali pala ako ng tingin. I thought it's Maira. Kaya naman pala ang hirap mong hanapin."

"Nagkita na pala tayo noon, Ms. Arthea—"

"Don't call me Miss." pagputol nito sa sasabihin niya. "By the way, before tayo mag-usap, pwede bang mag lunch muna tayo? Natatakam na ko sa amoy dito eh."

"Sure." nginitian niya ito saka nagtawag sila ng waiter. Hindi rin siya nakakain ng maayos kaninang agahan kaya nakaramdam din siya ng gutom.

They ordered sisig, binagoongan, and calamares. Magana silang kumain pareho at nang matapos si Maiara kumain ay nagulat siyang napatingin sa kaharap na nagtawag muli ng waiter saka umorder naman ng palabok at halo-halo.

Namamangha niya itong tiningnan saka ang pinagkainan. Halos ito ang umubos ng lahat ng pagkain nilang inorder. Tatlong putahe iyon tapos oorder pang muli ito dahil gutom pa ito at hindi pa satisfied sa kinain.

"Buti hindi siya tumataba sa kinakain niya." aniya sa kanyang isipan.

Hinihintay na lamang niya itong matapos. Mabuti ay hindi siya nagtagal maghintay dito dahil mabilis din nitong naubos ang kinakain.

"Tapos ka na?" nag-aalangang tanong ni Maiara kay Arthea.

"Oh yep! Grabe, nakakabusog! This is my first time na kumain ng ganito karami. Nag breakfast naman ako pero grabe ang gutom ko." Lumingon ito sa labas at napanguso.

"Nakakaamoy ako ng frappe sa Starbucks dyan. Argh!! I'm craving for mocha frappe."

"Bibili ka ba muna doon bago tayo mag-usap?" tanong niya.

"No, later na lang." kinuha nito ang folder na nakapatong sa katabing upuan nito. Napalinis na nila ang table kaya ipinatong na ni Arthea ang hawak na folder doon.

"So let's start?" binuklat nito ang folder saka nagsimulang magbasa.

"Actually, pinaimbestigahan kita. Two years ago kasi ay hindi ko muna sinimulan hanapin yung taong pinapatingin mo sa akin. Hindi kasi kita kilala that time hanggang sa napagdesisyunan ko na try kong hanapin yung tao na gusto mo paalagaan sakin kahit manlang sa malayo."

"Patingnan at paalagaan? Sino naman?" iniisip niya ang mga taong possible na patingnan niya dito ngunit walang pumapasok sa utak niya ngayon.

"Humingi ka sa akin ng tulong noon. I'm having my day-off that time when we met. Noong una hindi kita pinagkatiwalaan noong sinabi mo na kailangan mo ng tulong. You keep on looking around you na para bang may tinataguan ka. You're also wearing a hoodie and a denim pants that time. Alam mo naman ang panahon ngayon hindi ba? Maraming nanloloko and scammer pero nang marinig ko yung boses mo, talagang naawa ako dahil nanginginig ka at umiiyak na."

Bumuntong hininga pa ito at panandaliang pumikit na animoy may inaalala. "You said, "Please help me. Pwede ba humingi ng pabor? Pwede ba na manmanan at alagaan mo ang asawa at anak ko? Please." Then nag-abot ka pa ng address na tinanggap ko naman kaso naiwala ko nang nagkayayaan kami ng mga kaibigan ko sa bar, so hindi ko na inalala pa 'yon."

Arthea hold Maiara's hand. "I'm so sorry hindi kita natulungan. You said someone threatened you kaya kailangan na may taong tumingin-tingin at mag-alaga sa asawa at anak mo kahit sa malayo lang. You didn't say the full details but I think you're in danger that time. And I have read the address and the name of your husband but I forgot the surname, I just remember his first name and it is Grey---oh sht!"

Natigilan ito at paulit-ulit na napamura habang mabilis na inililipat ang mga papeles sa folder at pagkatapos naman ay kinuha nito ang cellphone at mukhang mabilis na nagscroll.

"Oh sht! It's Greyson Pajavera! Gosh! How can I forget that you're Maiara Pajavera? You are Grey's wife!" napatampal ito sa noo.

"Ano?" nanghihinang napahawak siya sa kanyang ulo nang kumirot iyon. Napakuyom ang isa niyang kamao nang sumakit iyon at pigil niyang sumigaw.

"You okay, Maiara? What's wrong?" nag-aalala siyang nilapitan ni Arthea nang dumukmo siya dahil sa biglaang pagsakit ng kanyang ulo.

Hindi na niya namalayan na tumutulo na ang kanyang luha at napapahikbi na siya ng mahina. Naramdaman niyang niyakap siya ni Arthea hanggang sa paunti-unti nang nawawala ang sakit ng kanyang ulo.

"It's alright. Malalampasan mo rin ang lahat, Maiara. I'm not your close friend but I want to tell you that I am here for you."

They've decided to have a bonding together and talked about what happened before until Arthea started telling what happened to her past.

Arthea

She's a party girl but not so wild girl in a bar, just an average party girl.

Gawain na nilang magkakaibigan na sa tuwing may free time sila or walang pasok ay nagkakayayaan silang mag bar. There are times that they are stressed in studying on becoming a flight attendant.

Well, wala namang madaling course, right?

"Huy Arthea! G ka ngayong gabi? Tara inom." her friend, Bryan asked her.

"Ngayong gabi kaagad? May lakad ako, next time na lang." sagot niya dito habang papalabas sila ngayon ng campus. Katatapos lang nila sa exam kaya magsasaya na sila pagkatapos ng hell week na kung saan ay nakakapagod na week para sa kanilang lahat.

"Saan naman ang gala mo?" tanong naman ni Katrina, ang bestfriend niya.

"Mamimili ako ng gamit para sa condo ko tsaka baka umuwi rin ako sa amin para kunin yung iba ko pang gamit."

"Text ko yung address sayo mamaya, baka magbago isip mo." Andrei smirked at her because he knew that Arthea loves to party. Never siya umabsent sa mga party na ganyan.

Since high school ay silang apat na ang magkakaibigan. Katrina and Andrei are cousins kaya naging kaclose niya rin ito while Bryan is a family friend.

Nagpaalam na sila sa isa't isa nang makalabas na sila at makasakay sa sari-sariling sasakyan. Umuwi muna siya para magpalit bago siya magtungo sa mall. Alas dos na ng hapon nang makarating siya doon kaya hindi na masyadong crowded sa mall, tapos na kasi ang lunch time.

Bumili muna siya ng snacks niya saka naupo sa mga upuan na nasa food court. Habang kumakain ay nagcheck siya ng listahan niya at baka may nakalimutan siyang ilagay.

Ilang saglit pa ay nag-angat siya ng tingin at nakita niya ang babae na naka hoodie at palingon-lingon sa paligid. Nacurious siya kaya tumanaw rin siya sa paligid niya, hinahanap ang taong nililingon ng babae. Hindi na niya namalayan na nasa harapan na niya ang babaeng naka hoodie.

"Ahmm miss, anong kailangan mo?" kunot noong tanong niya dito. Kinakabahan siya ngunit hindi niya pinahalata. Talamak kasi ang ganitong pangyayari gaya ng mga holdaper or scammer pero nasa crowded place sila kaya nagtataka pa rin siya lalo na at hindi niya ito kilala.

"Please help me.."

"Ano? Bakit?" she saw her face, she's crying.

"Pwede ba manghingi ng pabor? Please, miss. Parang awa mo na, tulungan mo ako." napatakip pa ito ng mukha habang umiiyak. Nasa tagong pwesto kami kaya hindi agaw pansin ang pag-iyak niya sa harap ko.

"Ah kase miss, pasensya na pero hindi kita kilala." iniisip niya na baka prank lang ito at may kamera na nakatutok sa kanila sa malayo. Alam mo naman, baka may nag vlog dyan sa tabi-tabi.

Aalis na sana siya doon nang pigilan siya nito at hawakan ang kamay niya. Nanlalamig ang kamay nito at nanginginig. Hindi rin nakatakas sa kanyang paningin ang sugat sa mga kamay nito.

"Miss, please help me. Paki tingnan at alagaan ang asawa at anak ko. Kahit iyon lang, please tulungan mo ako."

Nakaramdam siya ng awa kaya bumalik siya sa inuupuan niya saka tinanong na ito.

"Anong nangyari sayo? Anong problema?"

Umiling ito na para bang hindi nito gustong mag kwento kay Arthea. "Pwede bang makahingi ng pabor? Pwede ba na pakitingnan kahit sa malayo ang asawa at anak ko?" saka nag-abot ito ng maliit na papel. Nang mabasa ito ni Arthea ay nalaman niyang address ito ng isang mamahalin at magandang subdivision.

"Ano bang nangyayari?" pilit niyang pagtatanong dito.

"Ayoko na madamay ka pa kaya hindi mo na kailangang malaman pa."

"Sa tingin mo hindi ako madadamay kapag tinulungan kita?" nakita ni Arthea na napaiwas ito ng tingin sa kanya.

"May taong may matinding galit sa akin. Pakibantayan ang asawa at anak ko, ayaw kong madamay sila."

Kahit na ilang taon na ang nakalilipas ay natatandaan pa rin iyon ni Arthea. Napatingin siya sa katabi niya na namomroblema tungkol sa napag-usapan nila.

"Sino ang taong may matinding galit sa akin?" bulong nito.

"Kung sinabi mo sana sa akin edi sana nahanap na natin ang taong iyon." aniya saka uminom ng mocha frappe.

Mula sa pagkakayuko ni Maiara ay nagtaas ito ng tingin kay Arthea. "Ano ang nangyari sa pabor na hiningi ko? Nabantayan mo ba sila kahit isang beses lang?" pagtukoy nito sa asawa at anak niya.

"Ayon na nga ang problema, Maiara." nagpatuloy pang muli sa pagkukwento si Arthea at muling binalikan ang nakaraan na hindi niya makakalimutan.

"I knew it! Darating ka!" sigaw ni Andrei nang makarating si Arthea sa table ng mga ito. May iba pa silang kasamang babae at ilang lalaki na kaklase nila habang ang iba ay katropa na mula pa sa ibang university.

"Ano 'to? Reunion." biro niya.

"Tara dito, Arthea!" pag-aaya ni Katrina na maupo sa tabi nito. Kaagad na rin siyang binigyan ng shot nila Bryan na mabilis niyang inubos.

"That's my girl!" sigaw ni Andrei kaya naghiyawan ang mga kasama nila.

"Bakit sumunod ka, Arthea? Miss mo si Andrei? Huwag kang mag-alala, hindi nambababae 'yan mula pa kanina." sigaw ni Ares, isa sa mga kaklase nila.

"Wala sila mommy sa bahay at wala akong susi kaya baka bukas na lang ako bumalik sa amin para kuhanin ang mga gamit ko. And since Andrei gave me the address, naki join na ako sa inyo." paliwanag niya at syempre hindi niya sinama ang isa pang rason kung bakit hindi siya natuloy sa lakad niya.

Sinamahan niya saglit ang babae na nakausap at pagkaalis nito ay hinanap niya ang subdivision na tinutukoy nito ngunit mahigpit pala ang security dito kaya sa susunod na lamang siya ulit babalik.

Ilang oras pa silang nagkasiyahan hanggang sa nawala na ang mga kasama sa table nila dahil nasa dance floor na ang mga ito. Sila na lang nila Katrina ang naiwan ngunit nakahanap ng lalaki kaya pati siya ay napahanap ng wala sa oras.

"Hey, alone?" napatingin siya sa lalaki na nasa tabi na pala niya. Nasa counter na siya ngayon umiinom at ito pa ang katabi.

"No, may mga kasama ako, nasa dance floor lang."

"I'm Jackson, you are?"

Madalas ay iniiba niya ang pangalan na binibigay niya sa mga lalaki na nakikilala niya sa bar pero ngayon hindi niya alam kung bakit nakipagkamay siya dito sabay pakilala gamit ang totoong pangalan.

"Hi Jackson, I'm Arthea."

Napangiti na lamang siya ng mapait nang maalala ang unang pagkikita nila ni Jackson. That night is very special for her pero sakit ang nadatnan niya kinaumagahan dahil wala na ito sa tabi niya at nang makasalubong niya ito sa pangalawang pagkakataon ay parang hindi siya nito kilala.

"Eh paano kayo ulit nagkakilala?"

"Nilandi niya ako sa eroplano. Ako raw kasi ang pinaka magandang FA na nakita niya."

"Pero bakit hindi ka niya naalala? Hindi ka manlang niya namukhaan? Hmm.. ano kaya ang magiging reaksyon niya na ang FA na nilalandi niya ay naka ano na niya noon?"

"Bahala siya. Ang mahalaga naman ay ang mga mangyayari ngayon." napangiti na lamang siya nang buksan niya ang cellphone at nagtungo sa photos.

A one-year old cute little boy.

"Sino 'yan?" curious na tanong ni Maiara sa kanya nang makita ang tinitingnan niya sa cellphone, nginitian niya ito saka sinagot ang tanong nito.

"Anak ko."

~cutiesize31<3