Chereads / He's not just my Boss / Chapter 24 - Chapter 22

Chapter 24 - Chapter 22

CHAPTER 22 - Confused

Maiara

"Huwag mo nang guluhin ang asawa at anak mo, Maiara."

Iyan ang patuloy na nagpapaulit-ulit sa kanyang utak habang papalabas siya ng AIA Subdivision. Pagkatapos ng eksenang iyon sa dining area ay nagtatakbo rin syang lumabas ng bahay at hindi pinansin si Ash na panay ang sigaw ng pangalan niya pagkatapos nyang hablutin dito ang gamit nyang kakalapag pa lamang nito sa living room.

"Asawa at anak? Si Ash at Sky ba? Sila yung iniwan ko?" naiiyak nyang sambit.

Gulong-gulo ang isipan niya ngunit pinilit pa rin nyang kumalma bago pumara ng masasakyang tricycle papauwi sa kanila.

"Kailangan ko nang malinawan sa nangyayari. Gulong-gulo na ako." Aniya sa kanyang isipan bago ilabas ang telepono at magpadala ng mensahe sa taong alam niya na nakakaalam ng lahat tungkol sa kanya.

To: Matteo

Magkita tayo sa Queen's Café mamayang 4pm. Kailangan nating mag-usap.

Wala siya sa sariling nagbayad ng kanyang pamasahe at bumaba. Naabutan nyang nasa labas si Lola Eva na naghihintay sa kanya. Hindi na niya kinakaya ang nararamdaman kaya't niyakap niya kaagad si Lola Eva.

"Oh, may problema ba."

"Lola..." tanging hagulgol lamang at hikbi ang lumabas sa kanyang bibig. Hindi niya kayang magpaliwanag muna kung ano ang nangyari na syang mukhang naramdaman ni Lola Eva kaya't hindi na ito nagtanong pa bagkus ay niyakap na lang siya nito pabalik.

"Magiging maayos din ang lahat, apo."

Ilang minuto pa syang kinalma ni Lola Eva hanggang sa ayain na siya nito pumasok sa kwarto nito at magpahinga. Malaki ang naitutulong talaga ni Lola Eva sa kanya. Kung hindi siya nito natagpuan noong naaksidente siya, hindi niya alam kung saan siya pupulutin o baka naman ay tuluyan na syang binawian ng buhay doon.

Napabaling siya ng tingin sa kanyang lamesa sa tabi ng kama. Naroon pa rin ang luma nyang gamit at sirang ID. Kinuha niya ito at binasa muli ang pangalan niya.

"Maiara Quinn Aurino-Pa..." muli ay nagbalik ang pangyayari kanina.

"Huwag mo nang guluhin ang asawa at anak mo, Maiara" ani ng boses ng mayordoma ng mga Pajavera sa kanyang isipan muli.

"Maiara Quinn Aurino-Pajavera" basa niyang muli sa buo niyang pangalan.

Nang dahil doon ay bumalik sa kanyang isipan ang tanong na matagal na nyang gustong malaman.

"Bakit hindi manlang ako hinanap ng pamilya ko? Nasaan sila? Alam ba nila ang nangyari sa akin?"

Sa sobra niyang daming iniisip ay nakatulugan niya na ito hanggang sa ilang oras ang nakalipas nang magising siya mula sa isang tawag. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay nakita niya ang pangalan ni Matteo kaya madali syang bumangon at sagutin ang tawag.

Matteo: Hello babe? Sa café na lang tayo magkita malapit dyan sa mall. Papunta na rin ako doon, hintayin mo na lang ako at tapusin ko lang ang trabaho ko para makapag out ako ng maaga.

Maiara: Sige. We'll meet there at 4:30 pm.

Matteo: Ok. Bye. I love you.

Maiara: Ok

Then she clicked the End call button before going inside the bathroom to take a bath. Simple lang din naman siya gumayak kaya mabilis na syang nakaalis at nakarating sa café na tinutukoy ni Matteo.

Pinili niya ang medyo tagong pwesto para kung sakali ay magtalo sila sa pag-uusapan ay hindi agaw atensyon sa mga customer.

Hindi niya mapigilang kabahan dahil hindi niya kayang isipin kung ano ang totoong pakay ni Matteo sa kanya. Inalagaan lang ba siya nito at inilayo sa sariling pamilya? Kay Grey at Sky dahil mahal siya nito?

She can't lose a friend like Matteo but she's willing to lose him either if he's not a real friend.

Yes, she sees Matteo as her close friend only. Sa tingin nga niya ay kaya niya sinagot si Matteo dahil naisip niya na ito lang ang kaisa-isang taong kilala niya noong panahong walang-wala syang maalala kaya para sa kanya ay sobrang importante noon pero nang magsimula syang magtrabaho sa AIA at maging boss si Grey, nag-iba ang lahat. Nagsimula syang makaalala at unti-unti ay muling bumibilis ang tibok ng puso niya. Hindi kay Matteo kundi kay Grey.

Kung noon ay pinipigilan niya ang nararamdaman para sa boss dahil mali iyon, hinayaan niya na iyon ngayon dahil sa pagkakataong iyon ay napatunayan niya na ang utak ay nakakalimot, ang puso ay hindi.

Her mind can't remember who he is in her life but her heart does.

"Babe!" nagulat siya nang may humalik sa kanyang pisngi.

Naupo si Matteo sa upuan na nasa harapan niya saka nagtawag ng waiter para umorder muna bago sila mag-usap. Hindi muna kinibo ni Maiara ang kaharap dahil pinag-iisipan pa niya ang dapat na sabihin mamaya para hindi iyon mauwi sa gulo at hindi pagkakaintindihan.

"Ano ba ang pag-uusapan natin?" Matteo asked her before the waiter served their foods.

"Mamaya na lang tayo mag-usap tungkol doon pagkatapos nating kumain." seryoso niyang tugon dito.

But Matteo still talked to her, "Kamusta ang hiking niyo? Hindi ka ba nasugatan?"

"No." tipid niyang sagot saka nagsimulang sumubo ng pagkain.

"Sino naman ang kasama mo sa tent? Puro lang ba kayo babae?"

"Si Sofie ang kasama ko sa tent pero may mga kasama naman kaming iilang lalaki na nasa kabilang tent naman."

She counted five seconds para hintayin itanong ni Matteo ang isang bagay.

"Si Greyson? Kasama mo rin sa camping?"

Gotcha!

Nag-angat siya ng tingin dito at wala manlang kaemo-emosyon. "Yes."

"What?" magkasalubong na magkasalubong ang kilay nito at halata rito ang galit at inis.

"Bakit? Boss namin siya at sagot niya ang dalawang araw na bakasyon namin kaya pwede syang sumama sa kung saan niya gusto. Sa beach man or sa DRT Bulacan."

Hindi na nakasagot pang muli si Matteo kaya nanaig ang katahimikan sa kanilang pagitan. Hinintay lamang ni Maiara na matapos silang makakain nang simulan niya ang talagang pakay niya kay Matteo.

"Matteo, sabi nga pala ni Lola Eva na ikaw daw ang nagbigay sa kanila ng mga gamit ko noong naaksidente ako. Naalala ko na may singsing akong suot noon, nasaan na iyon? At ito, nakita mo ba kung nasaan ang pendant nito?" sabay labas niya ng necklace niya. "..at ang kahati nito?" tukoy naman niya sa id niya na hawak niya na rin ngayon.

She looked directly at Matteo's eyes and she caught him panicking. Umiiwas pa ito sa tingin niya na animo ay may tinatago.

"I'll let you explain your side, Matteo. Just please be honest with me." she said quietly in her mind.

"Hindi ba't kilala mo na ako noon pa man? Naaalala mo ba kung sino ang nagbigay ng necklace ko na 'to?"

"B-bakit mo pa gustong malaman?"

"Curious lang." tipid na sagot ni Maiara.

Umayos ng upo si Matteo at nagbago na ang emosyong ipinapakita sa kausap. Kung kanina ay hindi makatingin ng diretso sa mata ni Maiara, ngayo'y naglalaban na sila ng tingin.

"Hindi ko na maalala. Para saan pa? Hindi mo naman na maaalala ang nangyari sayo noon katulad nga ng sinabi ng doktor na maliit ang posibilidad na makaalala ka—"

"The doctor told us na babalik ang alaala ko kung may magttrigger. Babalik ang alaala ko kung may taong tumutulong na magpaalala sa akin at kapag inilalapit ako sa mga bagay na kasama sa nakalimutan ko."

"Are you..."

"Bakit, Matteo? Bakit mo ako nilayo sa kanila?" tukoy ni Maiara sa pamilyang naiwan niya.

"Dahil hindi naman dapat kayo ni Grey ang magkakatuluyan una pa lang! Nangako ka noong bata pa tayo! Nangako ka! At nang makita kita ulit sa university noong mag-highschool tayo, hindi mo alam kung gaano kasakit nang marinig ko sayo ang tanong mong "Sino ka? Hindi kita kilala". Ang sakit, Maiara! Tanging bracelet lamang ang palatandaan natin noong panahong iyon at litrato nating magkasama ang alaala natin na pinanghahawakan ko." Mahabang paliwanag nito na nagpagulo pa lalo sa utak ni Maiara.

"Kahit kailan ay hindi mo sinabi ang totoo mong pangalan sa akin noong bata pa tayo kaya litrato na lang natin ng magkasama ang mayroon ako. Kaya naman nagawa ko ang lahat ng ito ay dahil gusto ko lang kunin ang matagal nang akin."

After that, he left her. Iniwan siya nitong mag-isa na gulong-gulo sa nalaman.

"Matteo is my childhood best friend? My first love?"

Inalala nyang mabuti ang nangyari noon ngunit wala syang maalala tungkol sa childhood memories niya.

Greyson

Isang resignation letter ang bumungad sa kanya pagpasok sa opisina kinabukasan. Mas lalong nangunot ang noo nito nang mabasa ang pangalan ni Maiara.

"Sofie!" isang sigaw pa lamang niya ay bumukas na agad ang pintuan at nakita niya ang sekretarya niya.

"Yes, sir?" tanong nito.

"Sino ang naglagay ng resignation letter na ito sa desk ko? Pumunta ba dito si Maiara kanina?"

Umiling ito. "No, sir. May nagpaabot lang po nyan kanina sa guard at nang tinanong ko ang pangalan ay Matteo Nicholas daw po ang nagbigay, boyfriend ni Maiara."

"That fvcker." gigil na bulong nito sa sarili at pagkatapos ay pinaalis na ang sekretarya.

Kinuha niya ang telepono kaagad sa lamesa para tawagan si Maiara tungkol sa resignation letter na 'to ngunit naalala niya ang pabor na hiningi nito sa kanya kahapon, na huwag muna silang magkita o mag-usap kahit ilang araw manlang.

She wants space, then he'll give it. Basta ay bumalik lang siya sa kanya ay ayos na iyon.

Kahit na gusto niya itong makausap matapos siya nitong iwan sa bahay nila kahapon ay hindi niya magawa. Nagtataka siya kung bakit bigla na lang itong umalis pagkatapos hablutin ang sariling gamit. May nangyari ba?

Then he remembered what manang said yesterday. Sinermunan siya nito dahil nakita raw nito si Maiara. Tinatanong pa siya nito kung nagkabalikan na ba sila ngunit hindi siya kumibo dahil hindi niya alam ang isasagot. She still has a boyfriend but he silently prayed that Maiara will broke up with that guy.

Natigil siya sa pag-iisip ng kung ano-ano nang tumunog ang telepono niya na kaagad nyang sinagot nang makita na ang caller ay si Sadie, his private investigator regarding Maiara's case and Arthea's favor.

"Hello?"

"Mr. Pajavera, may I get Ms. Arthea's number? I already have the files that she needs."

"Okay sure."

"And Mr. Pajavera, about your case, I'm still digging some information. Pinagtatagpi-tagpi pa namin ang mga impormasyong nakukuha namin kaya expect us to give it to you by next week."

"No worries, Sadie" alam niyang mahirap maghanap ng mga impormasyon kaya naiintindihan niya na matagal talagang makuha ang resulta.

"By the way, may I ask you about Maiara's family background?" pahabol na tanong ni Sadie.

"Sure! What is it?"

"May kapatid ba si Maiara?"

Napakunot noo si Grey sa narinig. Inalala niya ang kwento ni Maiara noon pa man ngunit wala naman itong nabanggit sa kanya. "None, I think. Wala naman kasing nabanggit si Maiara sa akin kahit noon pa man."

"Oh... okay. Thank you, Mr. Pajavera. Paki forward na lang sa akin ang number ni Ms. Arthea."

After the call, his mind can't forget about Sadie's question.

"What if Maiara's family were still alive? Is that even possible? But what really happened years ago?"

~cutiesize31<3