CHAPTER 21 - AIA Company
Maiara
Madaling araw pa lamang at pasilip na ang haring liwanag nang magising si Maiara. Tulog pa si Sofie na syang kasama niya sa tent kaya maingat syang bumangon at lumabas ng kanilang tent.
Wala pa masyadong gising sa kanila dahil bago tapusin ang kasiyahan kagabi, nagkasundo muna silang mag-inuman sa pangunguna ni Brent.
Tanaw na tanaw sa kanilang pwesto ang naggagandahang tanawin. Malamig sa pakiramdam ang klima dahil sa hamog. Medyo mataas ang bundok na pinagtayuan nila ng tent pero hindi pa rin matanaw ang iilang bundok dahil sa makapal na hamog.
Naisipan nyang maglakad-lakad para maglibot dahil narinig niya ang malakas na pag-agos ng tubig na nagmumula sa falls ngunit papunta pa lamang siya doon sa pinuwestuhan nila noon ni Ash nang may makita syang pamilyar na babae.
Kung kahapon ay nakahoodie at cap ito, ngayon naman ay naka mask at itim na itim na salamin. Kahit na sobrang kapal ng salamin, alam niya na ang tingin nito ay nasa kanya.
"Parang siya yung babae na nakita ko sa supermarket noong isang araw.." aniya sa kanyang isipan nang maalala nyang pamilyar ang babaeng iyon.
Hindi niya alam pero tumaas ang balahibo niya at nanginig pa lalo sa lamig ng pakiramdam. Nahigit pa niya ang hininga nang mag-alis ito ng mask at ngisian siya nito.
"Take care." the woman mouthed at her and then she left.
Matapos ang ilang minuto ay saka lamang natauhan si Maiara sa nangyari. Napatampal siya sa pisngi nya na para bang ginigising ang sarili mula sa isang panaginip.
"Masyado mo naman tinatakot ang sarili mo, Maiara. Hangover lang siguro 'to."
"What are you doing? Why are you slapping yourself?"
"Ay multo!" gulat na sigaw ni Maiara dahil sa taong bigla na lamang nagsalita sa likuran niya.
Napahawak siya sa kanyang dibdib. "Ash! Grabe, nanggugulat talaga?" saglit nyang nilingon si Ash bago ibalik ang tanaw sa malayo.
"You okay?"
"Hmm.. Hmm.." tanging sagot niya at pagtango.
"Aia—"
"Bakit AIA Company, Ash?" hindi niya mapigilang tanong. Buong gabi pa siya binabagabag tungkol doon at nakatulog lamang siya nanng tinamaan na siya ng antok dahil sa nainom kagabi.
Bumuntong hininga ito. "I'll tell you once you're ready."
"But I am ready!" pagpupumilit nya saka niya ito hinarap nang may kunot noo.
"No, you're not—"
She cut what he was supposed to say. "Baka ikaw ang hindi ready? Bakit Ash?"
"Break up with Matteo first, then I'll tell you." pagkatapos nitong sumagot ay mabilis itong tumalikod at naglakad papalayo.
"Hihiwalayan ko ba si Matteo para lang malaman kung ano ang dahilan niya o mags-stay pa rin ako sa relasyong 'to?" bulong niya.
She felt guilty thinking what will happen if she will do what Ash wants. Nakukunsensya siya na hiwalayan si Matteo. Iyon na lamang ba ang isusukli niya mula sa lahat ng ginawa nito sa kanya? Sa pag-aalaga sa kanya ng dalawang taon? Ayaw nyang masaktan si Matteo pero sa utos ni Ash na hiwalayan niya ito ay mas lalong bumalik ang lahat ng naranasan niya mula kay Matteo.
Naaawa syang maiwan ito pagkatapos siya nitong alagaan mula sa recovery niya noong pagkagising niya mula sa aksidente hanggang sa naging magkasintahan na sila.
"Huwag mo na akong guluhin, Ash, please. Tapos na tayo, huwag mo nang guluhin ang puso ko." bulong niya habang nakapikit at kinakalma ang sarili. Nakatulong din ang pagkalma niya dahil sa hangin na humahaplos sa kanyang balat.
"Ate Maiara?!" napalingon siya sa babae na tumawag sa kanya. Gulat ang ekspresyon ni Emy na syang sumalubong sa kanya. Para bang nakakita ito ng multo.
"Ikaw nga! Pero bakit.. andyan ka.. parang kanina lang..." halata dito na gulong gulo ito. Napapaturo pa ito sa kanya at sa lugar na pinanggalingan nito.
"Ano ba 'yon, Emy? Tsaka saan ka ba galing? Ang aga pa ah."
"Dyan lang, ate. Nagbabad lang ako ng paa kahit saglit lang tapos picture picture na rin." turo nito sa gawi papuntang isa pang falls. "Actually, kakasalubong ko lang sayo kanina nang pabalik na ako. Nakasuot ng shades at mask ka pa nga noon at nagtanggal ka lang ng shades kaya nakilala kita. Tinawag pa nga kita eh tapos tiningnan mo lang ako at nginitian." niyakap pa nito ang sarili "Ay grabe, kinilabutan ako bigla!"
Napaisip muli si Maiara sa nakita kanina.
'So, hindi talaga ako lasing kanina nang makita ko yung babaeng 'yon?'
"Ate! Ayos ka lang? Sige, balik na ako sa tent, mag-aayos pa ako ng gamit." Nagpaalam na ito sa kanya na syang tinanguan nya lang.
"Sino ba ang babaeng 'yon? Bakit lagi ko syang nakikita?"
Sa kakaisip ay naalala na naman nya ang sinabi ni Emy na "...nagtanggal ka lang ng shades kaya nakilala kita"
"Kamukha ko ba siya or nagha-hallucinate lang si Emy?"
But then again, she remembered what her Ate Alice says when she saw her with her co-teachers before. Nasabi din nito na nakasalubong sya ng mga ito pero nagtaka silang lahat dahil may trabaho syang inaasikaso ng mga oras na iyon.
"Who is she? Are we connected to each other or coincidence lang talaga na may nakikita silang kamukha ko?"
Maiara got her phone immediately and searched about it. And based on her research, the chances of someone looking exactly like someone else in all eight features is about one in 1 trillion. This means: There's definitely a mathematical chance for two doppelgängers to exist, but it's highly unlikely.
In short, bibihira lang ang ganitong pangyayari pero hindi imposible ang ganitong pangyayari sa mga tao.
Napahinga nang maluwag si Maiara. It's possible so hindi siya nababaliw at nag-iisip ng kung ano-ano. Bumalik na lamang siya pagkalipas ng ilang minuto dahil kailangan na nyang mag ayos ng gamit. Ngayong araw kasi ang uwi nila.
Sinadya niya talagang hindi magsabi kay Matteo na ngayong umaga ang uwi nila. Kailangan na muna nyang magpahinga bago ito kausapin pagdating sa hapon.
Pagsakay niya ng van ay sa dulo syang muli naupo. Inaasahan na nyang tatabi sa kanya si Ash at nangyari na nga.
"Ash..—" itinaas nito ang kanang kamay kaya natigilan siya sa pagsasalita.
"If you're going to ask me again, do what I want first."
Napanguso na lamang siya saka ibinaling ang pansin sa bintana. Gusto na nyang maalala kung ano ang nangyari sa kanila ni Ash at bukod pa doon ay gusto niya ring maalala ang tungkol sa pamilya niya na kinalakihan niya.
Hindi rin nagtagal nang nagsimula nang umalis ang van nang makatulog siya. Naramdaman nyang may humawak sa ulo niya saka ipinatong ito sa kung saan. Masyado na syang inaantok para idilat pa ang mga mata at tingnan ang nangyayari. Komportable naman siya kaya hindi na siya nag abala pang gumising.
At sa mahimbing nyang pagtulog ay nagsimula na muli syang dalawin ng mga alaala nyang nakalimutan.
"Aia, what's your dream?" ani Ash habang nakaupo sila sa bench at nakatanaw sa paligid ng campus.
"Gusto kong mamahala talaga ng sarili kong business tapos magpapatayo ako ng maraming hotel, subdivision, at condominiums. At syempre tutulungan ko na rin yung Angels Orphanage kasi doon ako lumaki. Tapos para sa akin naman ay magpapagawa ako ng malaking bahay na malapit sa dagat." Nakangiti nyang tugon dito sa boyfriend niyang si Ash.
After a month being his girlfriend is really a blessing for her. Blessing dahil napakaswerte niya dito. Gwapo, maalaga, mapagmahal, loyal, maaalalahanin, at higit sa lahat ay marespeto.
"Why?"
"Lumaki ako sa orphanage. Gusto ko maranasan na manirahan sa totoong bahay na pag mamay-ari ko."
"Hmm wow.. Ano naman ang ipapangalan mo sa magiging business mo sa future?"
Nginitian niya ito ng matamis. "AIA Company."
"AIA? Like your nickname?"
"Oo. Gustong-gusto ko ang nickname na binigay mo sa akin kaya iyon ang naisip kong ipangalan sa business ko. Sana matupad yung pangako kong iyon."
"I'll help you. Nandito lang ako para sayo, Aia." inakbayan siya nito at inilapit pang lalo. "I love you."
"I love you too, Ash."
Hinihingal na napabangon si Maiara dahil sa naalala. Nakita niya na nasa daan pa rin sila at lahat ng kasama ay natutulog pa. Napaayos din siya ng upo saka napatakip ng mukha upang hindi makagawa ng ingay.
"Tinupad ni Ash yung pangarap ko." Bulong niya sa sarili.
Hindi niya mapigilang maiyak dahil sa naalala.
"Bakit? Bakit ko siya nagawang iwan?" patuloy ang pagtulo ng luha niya at pinipigilan ang paghikbi. Kasabay ng patuloy na pagtatanong sa sarili na..
"Bakit sinayang ko ang isang Greyson Pajavera? Bakit sinayang ko ang pagmamahal niya sa akin?"
"Hey... you ok? What happened?" basa ang magkabila nyang pisngi nang lingunin niya si Ash.
"Ash.."
"Anong nangyari? May nararamdaman ka bang masakit? Nanaginip ka ba ng masama?"
"Sorry.. sorry kung iniwan kita kahit na tinupad mo yung pangarap ko."
"What are you saying?"
"Alam ko na kung bakit AIA Company. Naaalala ko na, Ash." Napatakip syang muli sa mukha nang yakapin siya ni Ash at pinatahan.
"I'm sorry, iniwan kita. I'm sorry." Pauli-ulit nyang paghingi ng paumanhin at mas lalo ring humigpit ang yakap ni Ash sa kanya.
Ilang minuto pa syang inalo ni Ash hanggang sa umayos na ang paghinga niya at tumigil na rin ang pagtulo ng kanyang mga luha kaya kumalas na siya sa yakap nito saka inayos ang sarili gamit ang panyo para sa pagpunas ng mukha.
"Anong naalala mo?" seryosong tanong ni Ash.
"About us. You, asking me what my dream is. And sinagot kita na gusto ko magkaroon ng kompanya—AIA Company."
Hinaplos nito ang ulo niya. "How about your head? Masakit ba?"
Umiling siya saka ito binigyan ng maliit na ngiti. "Hindi naman masyado. Kumirot lang naman saglit."
"Can you... Can you tell me if you're remembering our past?" mahinang sambit nito.
"Bakit?"
"I just want to know why, Aia? Why did you leave me? Did you fall out of love? May pagkukulang ba ako? Hindi ba ako sapat—"
Niyakap niya ito. "I'm sorry. Pwede ba na huling pagkikita muna natin ito? Nasasaktan ako sa ginawa ko sayo. Gusto ko munang maalala ang lahat bago kita makita ulit. Gusto ko munang ayusin ang lahat at alamin ang nakaraan ko." Kumalas siya sa pagkakayakap dito saka hinawakn ang magkabilang pisngi ni Ash para magkatinginan sila. "Please?"
"Are you running away from me again?" bakas sa mga mata nito ang lungkot at takot. Mukhang na-trauma na ito mula sa paglayo niya dito noon.
"No... hindi ako tatakas. Hindi kita iiwasan kapag tumawag o magtext ka pero pwede ba iwasan mo muna iyon kahit ilang araw lang para makapag isip-isip ako?"
"You don't have to do that. Baka mas lalong sumakit ang ulo mo."
Umiling siya. "Ash... Para rin naman sayo itong ginagawa ko. You need an explanation, then I'll give it to you! Just give me time to remember."
"Fine. Not seeing you for 3 days. I can do it, I think? Just answer my texts and calls, ok?"
"Opo." she nodded.
Niyakap pa syang muli ng mahigpit ni Ash bago umayos muli ng upo. Papalapit na sila sa AIA subdivision dahil dito bababa ang lahat para sabay-sabay na ang uwi.
Bago pa tumayo sa kinauupuan niya si Maiara ay pinigilan siya ni Ash gamit ang paghawak nito sa kanyang pulsuhan.
"Pwede ka bang sumaglit sa bahay? Our--- My son wants to see you. May ipapakita raw."
"Gusto akong makita ni Sky?" nakaramdam sya ng matinding excitement sa narinig mula dito. "Sige!" naupo syang muli saka sinabi na ni Ash sa driver na ideretso na sila sa bahay nito.
"Excited?"
Nilingon nya ito nang may malaking ngiti. "Oo naman! Miss na miss ko na si Baby Sky!"
Narinig niya ang mahinang tawa ni Ash nang agad-agad syang bumaba ng van nang huminto ito sa tapat ng gate ng bahay nito. Pinagbuksan din sila ng guard ng gate nito at nakabukas rin naman ang front door ng bahay.
Narinig ni Maiara ang mahinang tawa ni Sky at ang mayordoma ng bahay ni Ash.
"Wow, very good Sky! Ready ka na mag school?" rinig niya ang palakpak nito na nagmumula sa dining area.
"Yes manang!"
"Ok last na to ah at pagkatapos ay maghanda na tayo ng lunch dahil darating na ang daddy mo."
"Yehey! Uuwi na si Daddy!"
"Yes. Oh siya magsimula na tayo. Paano ka ulit magpapakilala sa mga classmates at teachers mo?"
"Hello everyone. My name is Skyler Bryson A. Pajavera. I am 3 years old. My daddy's name is Greyson Pajavera and my Mommy's name is---" natigilan si Sky nang makita siya nitong nakasilip sa dining area.
"Auntie Maia!! Come here!!" nilapitan siya nito atsaka inaya na maupo para ipakita ang mga notebooks nito na may drawing at sulat ng first name nito.
"Anong ginagawa mo dito? Nasaan si Grey?" tanong ni Manang.
"Nasa labas ho." sagot niya.
Magkasalubong ang kilay ng mayordoma nang tanungin siya nito. "Anong ginagawa mo dito, Maiara? Magkasama ba kayo ni Grey? Ano na naman ang binabalak mo?"
"Binabalak? Wala ho. Malinis ho ang intensyon ko na makita si Sky."
"Ano na naman ba ito? Plano mo na naman guluhin ang mag-ama pagkatapos mo silang iwanan? Sanggol pa lamang noon itong alaga ko nang iwan mo habang si Grey ay sobrang abala sa trabaho para sa pinapatayong negosyo na plano niyo raw at surpresa sayo tapos magagawa mo agad silang ipagpalit? Aba hija, hindi ka manlang ba nakukunsensya sa ginawa mo? Ang kapal naman ng mukha mong balikan ang sinayang mo?"
"Anong—"
"Huwag mo nang guluhin ang asawa at anak mo, Maiara. Maayos na sila, huwag mo nang wasakin ulit." huling sambit nito bago kunin sa kandungan niya si Sky na nagsusulat ng pangalan nito at iniwan siya sa dining area mag-isa at naguguluhan.
~cutiesize31<3