Chereads / He's not just my Boss / Chapter 22 - Chapter 20

Chapter 22 - Chapter 20

CHAPTER 20 - Truth or Dare

Maiara

"Anong sabi mo?" hinawakan niya ito sa braso saka hinila ng kaunti palayo sa pangpang para walang makarinig sa usapan nila. You know, para na rin iwas issue.

"You heard it right, Aia. I want you to be mine again." He seriously answered.

"Pero, Ash... bakit? Kasal ka na. May boyfriend ako...h-hindi iyon tama!"

"Yes, I'm married. Do you know who's my wife?"

May biglang tumusok sa puso niya nang marinig iyon but she managed to stand still and chin up. "Oo, siya yung ipinalit mo sa akin kaya tayo nagbreak noon, 'diba?" she guessed.

Napailing ito at natawa na parang may mali sa sinabi niya. "Really? Pinaniwalaan mo talaga 'yung kwento ng shota mong g*go?"

"Huwag mo syang matawag-tawag na g*go. He's so nice to me!" she protested about Grey's opinion on her boyfriend.

"We didn't break up that way, Aia, because it was you who did it."

Natigilan si Maiara at hindi makapaniwalang tiningnan niya ito.

"Anong ibig mong sabihin?" mahina nitong saad.

"You're the one who cheated on me! I did everything but you still left me! Minahal kita ng sobra hanggang sa noong iniwan mo ako, muntik na akong masira. Pinigilan ko lang na masira ako dahil may taong umaasa pa sa akin. Nandyan pa si Sky at ang pamilya ko." he corrected what she thinks on him then he left.

Napayuko na lang si Maiara at hindi na napigilan ang paunti-unting pagtulo nang luha nang makita niya ang mga mata ni Grey na puno ng galit at sakit habang sinasabi nito ang saloobing mukhang kinikimkim nito matagal na.

Naghahanda na sila ngayon para sa boodle fight na hinanda ng mga katrabaho niya pero hindi pa rin maalis sa isipan niya ang usapan nila ni Grey kanina sa falls. She wants to talk to Matteo right now but she can't. She planned to talk to him personally para maging maayos ang usapan nila at magkaintindihan sila.

Ilang gabi na rin ang lumipas nang unti-unting bumabalik ang alaala niya and she will ask matteo random questions about her dream. If Matteo will lie again, she'll confront him. Kapag hindi naman naayos iyon, she will break up with him. Pagod na syang mabuhay na puro kasinungalingan lang pala ang nalalaman.

"Ayos ka lang, Maiara? Kanina ka pa walang kibo dyan, baka maubusan ka na ng pagkain."

She smiled a little. "Ah oo, Sofie, ayos lang ako."

She continued eating but she can't concentrate because Grey is eating in front of her and he's looking at her intently. Katapat nito ang pwesto na nasaktuhan niya. Hindi naman siya makahindi dahil nakakahiya at siya na lang kasi ang hinihintay kanina kaya nakakahiya naman kung magpapalit pa siya ng pwesto.

"Ano kaya ang pwede nating gawin?"

Nakaupo na silang lahat at ang pwesto nila ay pabilog. Plano nilang mag bonfire pagkatapos kumain kaya nang matapos magligpit, pumwesto na sila sa harap ng mga tent nila.

Pinapagitnaan si Maiara nila Sofie at Jenina ngunit katapat naman niya si Grey ulit na katabi ng mga katrabaho nilang lalaki.

"Kuwentuhan ng most embarrassing moments?" suhestiyon ni Jenina.

"Sige ba oh!"

"Wag!"

"Ayoko nakakahiya." si Emy, ang pinakabata sa kanilang magkakatrabaho.

"Lahat naman magkukwento, Em. Ok lang yan." rinig nyang bulong ni Kenjie. Ang pinakabata namang naging head sa financial department ng AIA.

"Oh G ba?"

"Let's use this." sabay abot ni Sofie kay Jenina ng bote na syang ipapaikot sa gitna at kung sino ang matamaan ay siya na ang magkukwento.

"Paano kung wala?" tanong ni Kyla.

"Ano ka perfect?" sigaw naman ni Warren dito.

"Manahimik ka nga! Palibhasa maraming kahihiyan. Sa sobrang dami, aabutin tayo ng madaling araw sa kwentuhan."

That Warren guy is a bit clumsy and Kyla knows every embarrassing moment he had because Kyla and Warren are best friends. Hindi lang halata dahil mahilig itong mag-asaran.

Sinimulan ng paikutin ni Jenina ang bote at nang huminto ito ay kay Warren kaagad tumapat ang bote. Napahinga naman ng maluwag si Maiara dahil doon. Hindi pa kumpleto ang ala-ala niya kaya wala syang maikukwento. Bukod sa pagiging palpak niya sa trabaho, wala ng iba pang pwede maikwento tungkol sa buhay niya since wala naman syang naaalala pa masyado.

"Tagal, Warren ah! Sa sobrang dami, hindi makapili?"

"Bwisit ka. Manahimik ka nga. Isasali kita sa kwento ko eh." Napangiti na lang sa harutan nila si Maiara. That moment is familiar for her. Nakangiti syang naglibot ng paningin mula sa kasamahan. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nagsalubong ang tingin nila ni Grey nang mapadako ang tingin niya sa gawi nito.

"Eto na nga! Diba noong hindi pa masyado nagagawa yung harap ng AIA subdivision, maputik. Habang papauwi na kami, nagkapustahan kami dahil may hindi kami napagkasunduan. Sa huli ako yung natalo at ang gagawin ng natalo ay manlilibre o kung hindi ay gagawin yung dare na napagkasunduan namin."

"Ano yung ginawa mo?" tanong ni Emy.

"Ayokong manlibre dahil short ako sa budget nung time na 'yon kaya pinili ko yung dare. Kaso ang gaga ang pinagawa sa akin ay mag catwalk ako doon sa may putukan. Dapat chin up pa rin at yung lakad ay pang model talaga. Hindi ko naman kasi pinangangalandakang bakla ako kaya medyo nag-aalangan ako. Hindi naman sikreto 'yon, private lang. Kaso itong babaeng 'to gusto yatang ipangalandakan ko na."

"Sinunod mo naman?" Jenina asked.

"Aba syempre! Wala namang katao-tao sa gawi namin. At syempre nung ginawa ko yon, nadudulas-dulas ako tapos 'yang babaeng 'yan tawa lang nang tawa." inirapan nito ang Kyla na tawa nang tawa.

"P-paano ba naman mukha kang pinaliguan ng putik!" natatawang sambit ni Kyla.

"Sino ba may kasalanan? Tsaka wag ka ngang sumabat nagkukwento ako. Wala pa tayo sa important part." ngisi nito na ikinatahimik ni Kyla.

"Hoy!—"

"Shh!!" pagpapatahimik ni Warren sa kaibigan saka nagkwento nang muli. "Nung nadulas na ko ng todo, tuwang tuwa ang Kyla. Naka white shirt pa kasi ako noon tapos nagulat kami nang makarinig kami ng mahinang tawa. Kinabahan ako kaya tumayo agad ako kaya lang nadulas ulit ako kaya tumawa na naman yung narinig namin. Ang nakakaloka pa ay yung taong tumatawa na 'yon ay yung crush ko! Si Daniel na nagtatrabaho dun sa office ng AIA subdivision!"

"Sinamaan ko ng tingin si Kyla kasi nang makita nyang si Daniel iyon, tawa nang tawa kaya sinabihan ko syang 'Hoy! Sana hindi ka rin maging crush ng crush mo!' Aba! Nagdilang anghel yata ako bigla kase nakita ko yung crush niya papunta sa gawi namin. Tapos ang nakakalokang part ay biglang niyakap ang crush ko! Mga walanghiya! Tinraydor kami pareho ni Kyla bes!"

Tuwang tuwa ang lahat sa pagkwento ni Warren lalo na noong i-act pa niya mismo yung nangyari. Mas lalo lang kaming natuwa nang maluha si Kyla. Long-time crush pala niya yung lalaki na jowa pala nung crush ni Warren.

"Bakla ka talaga? Hindi halata." hindi mapigilang tanong ni Maiara kaya nilingon siya ng lahat.

"Ay true! Gwapo 'yan pero ala eh. Nalihis ng landas." kumento ni Jenina.

"Hindi naman yan bakla na pinangangalandakan ang pagkabakla kaya may chance pa 'yan maging straight ulit." Sagot naman ni Sofie.

Hindi kasi nagdadamit babae at umaaktong babae si Warren masyado. Yung boses niya buo at malalim kaya hindi talaga aakalaing gay siya. Kaya sa buong kwentuhan nila, pinagmamasdan ni Maiara ang gawi nila Kyla at Warren.

Nagpapanggap lang ba si Warren? Warren and Kyla are best friends for years. Baka siguro naimpluwensyahan lang ito ni Kyla or ng mga kapatid nito since nalaman niya na mas maraming kapatid at pinsan itong babae kaysa lalaki. Kikay, medyo maarte, pink lovers, at maayos ang taste sa pananamit kasi si Kyla.

Natigil lang sya sa pagtitig sa dalawa nang tumunog ang telepono niya.

From: Boss

Stop looking at Warren!

Napanganga siya sa nabasa at agad na nag-angat ng tingin. Nasalubong niya ang madilim na aura ni Ash.

"Akala ko ba galit siya at hindi ako pinapansin?" tanong ni Maiara sa sarili.

To: Boss

Eh sino gusto mong tingnan ko?

From: Boss

Ako lang.

"Hoy Maia! Turn mo na!" kalabit ng katabi niya sa kanya.

"Ah." umiling siya. "Wala akong maalalang embarrassing moments ko eh."

"Pwede ba yon? Dali na!" pangungulit sa kanya ni Sofie.

"Ano ba gagawin kapag di sumunod?" tanong na lamang niya.

"You'll drink that." turo ni Jenina sa alak na nasa gitna ng lamesa.

"Ahmm malakas ba yan?" hindi niya alam kung umiinom na siya noon pa kaya gusto nyang itry ngayon dahil para an rin hindi siya masabihan ng KJ.

"Sakto lang." nagsalin si Kenjie sa isang baso pero laking gulat nilang lahat nang kunin ng kanilang boss iyon saka diretsahang ininom.

"Ah Sir."

"Sir bakit.."

"Bakit mo ininom, Ash? I mean boss?"

Nakangiwi ito nang ilapag ang baso sa lamesa. "Fvck!"

"Sir—"

"Stop this game. Iba na lang." tanging sagot nito na agad naman sinunod ng lahat. Nagkasundo na truth or dare na lang ang gawin. At syempre ang rules pa rin ay kapag hindi nagawa ang truth or dare na pinili, iinumin yung alak na iaabot sayo.

"Nilalasing mo ba kami?" ani Sofie kay Brent na syang pasimuno sa rules na 'yon.

"Hindi na to mataas. Tsaka lagi naman nating ginagawa 'to kapag bakasyon ah? Matataas naman alcohol tolerance nating lahat. Well uhm.." nilingon siya ni Brent. "Ikaw ba, Maiara? Hindi ka naman siguro agad na nalalasing?"

"Ah hindi siguro." alanganin nyang sagot.

"Ayon naman pala eh! Oh Game!" sigaw ni Brent saka sinimulang paikutin ang bote.

Naunang tumapat ang bote kay Emy na syang pinili ang dare since matagal na syang kilala ng mga ito at alam na halos lahat ang gusto at ayaw nito. Pinakanta nila ito at infairness, maganda pala ang boses nito. Malambing at masarap pakinggan.

Sumunod ay si Brent na ang tinapatan ng bote at pinili naman nito ang truth.

"Kailan ka titino, brent?" Emy asked. Noon lang nalaman ni Maiara na ex pala ni Brent ang isa sa mga friends niya. Brent is a playboy, but may mabait side naman siya, actually.

"Kapag nahanap ko na yung tao na para sa akin at nakalimutan ko na yung sakit na dulot ng past ko."

"Oh." sambit ng lahat pwera na lamang kay Maiara.

"Sure ka ba na gusto mong makalimot? Sinasabi ng iba na magandang makalimot pero ang totoo, magsisisi ka kapag nandoon ka na, nakalimot ka na." wala sa sariling sagot ni Maiara.

"Paano mo naman nasabi 'yan." Brent curiously asked her.

Nginitian niya na lang ito ng tipid saka sinabihang ituloy na lamang ang laro. Hindi niya alam pero naramdaman niya ang titig ni Ash sa kanya kaya nilingon niya ito. He's looking at her intently. May kung ano sa titig nito na hindi niya maintindihan. Para bang nasasaktan ito o malungkot...

"Yon! Sakto ah!" sigaw ni Brent at nang tingnan niya ang bote kung saan ito nakatapat ay sumagot na siya.

"Sige, truth."

"Paano mo nasabi yung kanina? Nakalimot ka ba?" curious na tanong ulit ni Brent.

Maiara stayed silent for a while. Pinag-iisipan kung magsasabi ba siya ng totoo pero sa huli ay gusto nyang magpakatotoo sa mga kasama.

"I was in coma for almost a year. Kasama na doon yung pagpapagaling at check ups ko. Believe me. Mahirap sa pakiramdam 'yung wala kang maalala ni katiting manlang. Kahit nga pangalan ko hindi ko alam. Para bang back to square one ka dahil wala kang alam sa mundo, parang bagong silang na sanggol, ganun. Kaya huwag nyong hilingin na sana makalimot ka kapag nasasaktan ka na dahil ang makalimot ay mahirap. Sobrang hirap."

"Kung nasaktan ka man, gawin mo na lang yon na lesson para hindi ka na ulit dumating sa point na masaktan ulit dahil sa ginawa or nangyari sayo, diba." dagdag pa niya.

"Really? Hala kamusta na ang pakiramdam mo? May naaalala ka na?'' At first, she doesn't want to answer Kyla's question but now she wants to give Ash a hint that she's slowly remembering their memories together.

"Yes. Slowly nakakaalala na ako." she answered while looking at her boss. Mata sa mata ang titigan nila nang mga oras na iyon. Natigil lamang iyon nang sumigaw ang isang kasamahan nila na paikutin na ang bote.

The game continues and it's now Kenjie's turn. Nagkukulitan pa nga ang magkatabing si Kenjie at Emy kaya napa fake cough silang lahat.

"Oh truth!"

Nginitian niya ang dalawa bago magtanong. "If you're given a chance na ligawan ang isa sa mga babae na katrabaho natin, sino siya at bakit?"

"Nice one, Maiara!"

"Sino na Kenjie!"

"Kenjie torpe no more!"

Nilingon niya ang mga babaeng kasamahan pero ang huling tiningnan nito ay ang katabi nitong si Emy. All of them saw how Emy blushed because of that stare. Medyo maliwanag kasi sa gawi nila dahil tinutukan ba naman ng flashlight ni Brent yung dalawa para daw makita ang ekspresyon ng isa't isa.

"It's Em. The reason? I like her. I really really like her."

Nagsigawan silang lahat saka tinukso ang dalawa. Pero mas lalong ikinakilig at ikinahiyaw nang lahat nang magsalitang muli si Kenjie.

"Pwede na ba kitang ligawan, Em?"

"Hmm..." tumango ito. Pigil ang ngiti ni Emy pero halata naman ang pamumula ng magkabilang pisngi nito. Maputi ang babae kaya halatang halata.

"Oh tigilan niyo na nga. Manahimik kayo, nakakahiya sa makakarinig, ang iingay natin." Pagsaway ni Kenjie sa lahat lalo na kay Brent na tuwang tuwa pa sa kakaasar sa dalawa.

Napailing na lamang siya saka itinuon ang tingin sa ipinaikot na bote ni Kenjie. Unti-unti itong huminto hanggang sa tumigil sa tapat ni Ash. Nagsitahimikan ang lahat dahil doon.

"Truth." mabilis na tugon ng kanilang boss.

"Ah sir. I'm just curious about the name of the company. Sabi nila ikaw daw po mismo ang nagpangalan noon pero walang nakakaalam ng meaning. Ano po ang meaning ng AIA, sir?"

It's true. All of them have no idea about that. Hindi nila alam ang meaning ng acronym na iyon kahit na head department ka pa kagaya ng sinabi ni Kenjie. It's only Grey Pajavera knows what that it means. It looks like it's a secret and private, but not anymore because their boss revealed it.

"It came from the name of my love and Aia is her nickname."

~cutiesize31<3