CHAPTER 19 - Hiking
Maiara
Maagang gumising si Maiara para sa paghahanda sa short vacation na pinaghandaan ng kanilang boss.
Sinasanay na niya ang sarili sa pagtawag ng Ash dito pero kapag sa trabaho ay boss pa rin dahil iniisip niya na baka mai-issue pa sila dahil lang doon sa endearment na iyon. Alam mo naman ang mga tao, hindi maiwasang maging judgmental.
Noong una ay nais nilang magbakasyon kahit dalawang araw sa beach ngunit may empleyado na mga nag suggest na hiking na lang daw since may magandang pwedeng puntahan para mag hiking dito sa Bulacan at isa pa, may malapit na falls rin na matatagpuan doon.
"Oras-oras tawagan mo ako, babe. Bakit ba kasi ayaw mo akong ipasama sayo? Nag-aalala lang naman ako dahil hiking 'yun, medyo delikado para sayo."
She's currently video calling Matteo. Tinawagan kasi siya nito kaagad pagkagising niya matapos niyang magpaalam kagabi tungkol sa plano ng AIA Company employees hanggang sa nag-aayos na siya ng gamit niya ay walang sawa at tigil pa rin ito sa kabibilin.
"Ayos lang ako, Matteo. Kasama ko rin naman si Ate Jenina, yung kapatid ni Khate, and si Sofie na kasundo at kasama ko rin sa trabaho." paliwanag niya.
"Ok. Habang wala ka rin ay aayusin ko na ang resignation letter mo para pagbalik mo ay hindi ka na magtatrabaho doon, maliwanag ba?"
Kunot noo syang tumigil sa pagiimpake at tumingin sa screen. "Bakit ba madaling-madali ka?"
"Bakit nga ba hindi pa natin madaliin? Tsaka kung sakali man na sa amin ka magtatrabaho, hindi kita masyado pahihirapan hindi kagaya nyang boss mo." Matteo will be the next to lead their family business. He's working under his dad and his dad is currently teaching him how to be a CEO.
"Hindi niya ako pinahihirapan, ginagawa ko lang ang trabaho ko at madalas kaming tambak sa trabaho dahil may mga bagong proyektong itatayo ang AIA kaya ganoon." pagtatanggol niya mula sa pag-aakusa nito sa boss niya.
"Sige mamaya na lang ulit, nag-aayos pa ko ng gamit." di niya napigilang sambit saka pinatay na ang tawag.
Five Thirty in the morning ang call time nila. Magkikita-kita muna sila sa harap ng AIA company dahil may van na naghihintay sa kanila doon na syang inarkila pa mismo ng kanilang boss para sa short vacation nilang ito. Two days, one night.
Sinalubong siya ni Sofie. "Maiara, you're here! Tara na doon sa van---"
"No, she's coming with me."
Napalingon sila pareho sa nagsalita sa likuran nila.
There's their boss wearing a simple t-shirt, pants and rubber shoes with a black Ray-Ban Aviator sunglasses.
"Sir Grey!" gulat na sigaw ni Sofie.
"Ash..." bulong niya habang nakatulala dito.
"Come on, aalis na tayo." nilingon niya ang mga kasamahan na nakasakay na pala sa van kaya napanatag siya na silang tatlo lang ang nakakarinig ng sinabi ng kanilang boss.
Hinawakan ni Grey ang malaking bag niya ngunit pinigilan niya ito.
"Teka lang."
"What?"
"Ahm nakakahiya kasi." itinuro niya ang mga van kung saan nakasakay ang mga empleyado na tutungo sa DRT Bulacan. "Doon na lang ako kila Sofie sasama. May available seats pa naman yata eh." umiwas siya ng tingin dito.
She can feel that Grey is looking at him intently when she continued talking. "Tsaka isa pa, bakit ako sasabay sayo? Baka kung ano ang isipin nila. Baka sabihan nila ako ng kung ano-ano kasi naglalalapit ako sa CEO namin na kasal na rin diba." bigla nyang sambit na ikinahawak sa kanya ni Sofie sa braso para hilahin na ito paalis doon.
"I don't care."
"But I care, Greyson." seryoso nyang sabi na syang nagpatuwid ng tayo kay Grey.
Napabuntong hininga ito. "Fine. If you don't want to come with me, I'll come with you, then." kinuha nito ang gamit sa compartment ng sasakyan nito saka kinuha rin ang gamit ni Maiara. Hindi na nakaangal pa si Maiara nang maiayos na nito ang gamit nila sa likuran ng van.
"Anong mayroon sa inyo ni Sir Grey?" bulong ni Sofie habang papasakay sila ng van.
"Ahmm old friend..?"
"Old friend? Bakit ganoon yung trato niya sayo dati? Ilang beses ka pa nga napagalitan ni Sir hindi ba?"
"Hindi kami magkasundo masyado. Tsaka parte ng trabaho 'yon at nagalit siya dahil pumapalpak ako." tanging nasabi na lang niya dito saka umupo na sa pwesto sa likuran. Ayaw nyang sabihin kay Sofie na dati silang magkasintahan. At kanina lang din niya naalala na kasal nga pala si Ash at may anak na. Nakakahiya naman kung didikit pa siya dito diba? So, she chooses to stay away from him as possible.
That time, she also thought about the people around them and knew them. Bakit ang alam pa rin ng mga kakilala nila noon na sila pa rin hanggang ngayon? If they broke up in the past, the people who know them should also know about that. They should know who's Sky's mother and Grey's wife is.
"That girl... who is she? Siya ba ang pinagpalit niya sa akin noon? Siya ba ang mas gusto nitong pakasalan kaya hiniwalayan niya ako? Pinagpalit?" she whispered in her thoughts.
Greyson
"Sofie, move." Utos nito sa sekretarya na katabi ni Maiara sa likurang pwesto ng van. Wala na kasing available seats sa likod kaya sa harap siya napaupo katabi ng isang HR head.
"Eh sir..." itinuro nito ang ulo na nakapatong sa balikat nito. Maiara fell asleep.
Hindi siya nagpapigil at tinulungan naman siya ni Sofie na iayos ng pagkakahiga si Maiara sa lap niya. Mabuti na lang at may dala itong maliit na unan kung sakaling mangalay ang leeg niya ngunit pinagamit naman kay Maiara.
One of his employees suggests hiking in DRT Bulacan. Maraming pwedeng puntahan doon at kung marami sila, iba-iba ang pupuntahan naman at hindi lang iisang bundok. Mayroon namang iba na nagpasya na sa beach ang bakasyon. Kasama naman nito ang iilang head department kaya hindi na nag-alala pa sa kalagayan ng empleyado niya si Grey.
He likes going to the beach with Maiara before but Maiara chooses to go hiking with her friends, Sofie and Jenina, so at the end, he chooses to go with her too.
Iisang van lang ang nagtungo sa pinaka dulo at huling bundok na pwedeng puntahan para mag hiking kaya naman iilan lamang din sila na aakyat.
"Hindi ba dito yung may naaksidente raw dalawang taon na ang nakakaraan?" ani ng isang babae sa kasamahan pa nyang dalawang babae at dalawang lalaki
"Oo alam ko dito nga." sagot ng isang lalaki.
"Sa dulong dulo pa yun diba?" kumento ng isang babae.
"Usap-usapan nga na may tumira dyan sa kubo sa dulo kaso biglang umalis nang mapabalitang may naaksidente dyan." bulong ng isang babae pero narinig pa rin ni Grey.
"Eh baka involve sa aksidente?" mabilis na kumento ng isang lalaki.
"Natakot lang siguro." kibit balikat na sagot ng isang babae na syang unang nagbukas ng topic.
He heard them talking about accident happened here in DRT two years ago. Hindi na siya nagtanong pa kung anong aksidente dahil hindi naman siya interesadong malaman yun. Baka chismis lang 'yun at ayaw naman nyang mag-usisa pa.
"Hmm.."
"Hey, Aia. We're already here." Aniya nang makitang unti-unti nang gumising si Maiara na nakaunan sa hita niya. Medyo malaki naman ang espasyo sa likuran kaya medyo tuwid ang pagkakahiga nito at komportable.
"Nasaan na sila? Bakit tayo na lang naiwan?" tanong nito habang nagkukusot ng mata saka pinunasan ang mukha gamit ang panyo nito.
"Kumain muna sila dyan sa karinderya sa labas. You want to eat too? Are you hungry?"
Tumango lang si Maiara bilang sagot saka nagmamadaling lumabas sa van habang nakayuko. Ramdam ni Grey na nahihiya ito dahil nagising si Maiara na nakaunan sa hita niya.
Para namang hindi ginagawa nila ito dati kung mahiya si Maiara. When they were still together, Maiara loved sleeping on his lap then Grey would brush her hair so Maiara would sleep peacefully.
After eating their lunch in the carinderia near the entrance, nagpalista na sila at kumuha na rin ng tour guide. Hinati sila sa tatlong grupo at kada grupo ay may sari-sariling tour guide. Nagpahuli na ang grupo nila Grey kung saan kasama si Maiara doon.
Sa pag-akyat, nakabantay si Grey sa likuran ni Maiara. Minsan kasi ay dumudulas ito o kaya nahuhuli ng pag-akyat, mukhang natatakot.
"You ok? Dapat pala nag beach na lang tayo, Aia." Hindi niya napigilang sambit nang dumulas na naman ito dahil sa maling hakbang at natapakang bato. Mabuti na lamang ay nasa likuran nito si Grey para saluhin siya.
"Gusto kong maka experience ng bago. Tsaka mukha naman kasing masaya kaso nakakatakot nga lang."
Nagpatuloy sila sa paglalakad habang siya ay nakaalalay pa rin kay Maiara. Nakahawak ito ng mahigpit sa kamay niya. Noong una ay nag-aalangan pa ito dahil ayaw siguro na mapag-usapan sila ng mga kasama ngunit kalaunan din ay nasanay na dahil hindi hinayaan ni Grey na hindi nito hawakan ang kamay niya.
"Hindi ka kukuha ng picture? We have a nice view here." malapit na sila sa tuktok ng bundok kaya naman natatanaw na nila ang halos lahat ng nasa ibaba.
"Ah..." inilibot pa nito ang tingin sa mga kasamahan na busy din sa pagkuha ng litrato. "Sige."
At first, Grey took a picture of Maiara with nice mountains and clouds view but Grey suddenly stand beside her and took a selfie pictures of them. Nakatingin lang si Maiara sa boss niya imbis na sa camera kaya nang tingnan ni Grey ang litrato nila ay nilingon niya ito ng may halong ngisi sa labi.
"Gwapo ba ako masyado kaya titig na titig ka sa akin?" he smirked.
"Sobra." wala sa sariling sagot ni Maiara na agad nitong binawi nang makitang lalong lumaki ang ngisi ng boss.
"Ah ano hindi! Ahmm I mean ok lang... hmm tara na, baka iwan nila tayo." nauna na itong naglakad kasunod ng mga kasama nila.
"Stop denying it, Aia. You fell in love with this face when we first met. But, you still find another man and stop being a loyal wife to me." he whispered while looking at Maiara's back..
Maiara
Hingal na hingal na sumandal sa malaking puno na nahintuan si Maiara. Halos nasa tuktok na sila ng bundok at ang mga kasamahan nila ay kumukuha na ng litrato muli dahil mas mataas, mas maganda ang view lalo na at may mga big bird nests na nakapwesto sa dulo.
Medyo malayo ang pwesto ng mga kasama niya sa kanya dahil panay ang pagkuha nito ng mga litrato kaya naman nagulat siya nang may lumapit sa kanyang babae na hindi niya kilala at naisip niyang turista din ito.
"Ang ganda ng view no?" napalingon-lingon si Maiara sa paligid para kumpirmahin kung siya nga ang kausap ng babae. Nakasuot ito ng black long sleeves at black leggings na pinarisan din ng black rubber shoes at black cap.
"Ah eh opo." ngumiti na lang si Maiara at akmang pupunta na sa gawi ng mga kasamahan nang biglang nilingon siya ng babae. Hindi niya masyadong kita ang buong mukha nito dahil sa cap na suot pero kita naman niya ang ngisi nitong nagpataas ng balahibo nyia at nagpakaba.
"Hindi naman siguro ako minumulto diba? Tirik na tirik pa rin naman ang araw bakit parang tinataasan na ako ng balahibo dahil sa babaeng 'to?" aniya sa kanyang isipan.
"How about that view? Maganda pa rin ba?" itinuro nito ang view na nasa bandang kaliwa niya at natanaw niya ang isang malawak na lupain na may isang pulang bahay na abandonado na lamang ang nakatayo sa bandang gitna ng bukid.
Hindi niya alam pero para syang pinagpawisan at kinilabutan nang matanaw iyon. Pakiramdam niya ay takot na takot siya sa lugar na iyon kaya inalis niya ang paningin doon kaagad. Imbis na ang babaeng kausap ang madatnan ng paningin niya, si Grey na ang nakita niya, papalapit ito sa pwesto niya habang may dalang dalawang tumbler.
"Bakit lumayo ka na lang bigla sa amin? Akala ko naligaw ka na o nasugatan." iniabot nito sa kanya ang tumbler na hawak nito. "Here, drink this. I know you're tired but don't worry, pagkababa natin dito mabilis na lang iyon tapos didiretso tayo sa camp sa ibaba na malapit sa falls."
"Ha? May falls doon sa camping site?"
"Yeah, there's a secret falls."
Hindi rin nagtagal ay nagkayayaan na silang bumaba at asikasuhin ang mga gamit para sa pagtatayo ng tent. This is their first time camping here in Bulacan. Siniguro ng kanilang boss na safe ang camping area kaya may mga bantay sila sa labas. Medyo malayo ang bantay dahil gusto nilang magkaroon ng privacy dahil napagpasyahan nilang maligo sa falls at mag bonfire.
"Tara, Maia! Maligo na tayo sa falls." pag-aaya sa kanya nila Sofie at Jenina pagkatapos nilang magpahinga at ayusin ang tent nila.
Nginitian niya ito saka umiling sa offer ng kaibigan. "Maya-maya na ko. Susunod na lang ako sa inyo, Sofie."
Napakibit balikat ito. "Sige, ikaw ang bahala."
Halos sampung tent ang naitayo nila. Mayroon kasing nag share lang pero mayroong nagsolo rin naman. Ang ayos ng tent nila ay nakabilog at sa gitna nila ipinuwesto ang kakailanganin sa bonfire gaya ng mga kahoy.
Nang matapos magbihis si Maiara para sa pagligo sa falls, nakasalubong niya si Grey na papalapit sa kanya.
"Come on, let's go there." sabay turo nito sa dulo ng falls. Mababaw din naman iyon kaso medyo malayo sa pwesto nila Sofie dahil talagang nililibot ng mga ito ang paligid para na rin mag picture picture.
Hindi na rin nakaayaw si Maiara sa paanyaya ng boss dahil mas maganda ang agos ng tubig doon sa itinuro nito. Minsan ay nakakaramdam siya ng pagkailang kapag silang dalawa na lang ang magkasama. Sumasagi rin sa kanyang isipan kung napapansin ba sila ng mga kasama nila at baka pinag-uusapan na sila.
"Ash, ahm dun na lang tayo kila Sofie."
"Don't you like it here?"
She does but...
"Nakakahiya kasi baka kung ano ang isipin nila. Tara na doon sa kanila." patingin-tingin pa siya sa pwesto ng mga kasamahan niya pero ang boss niya ay parang walang pakielam sa mga kasama nila dahil nakatingin lang ito sa kanya.
"Kinakahiya mo ba ako, Aia?" kunot noo nitong tanong sa kanya.
"Ha? Hindi naman sa ganoon pero kasi..."
Nakita nyang pumasok na sa tent ang iba kasama na roon si Sofie. Si Sofie ang kasama niya sa tent habang si Jenina ay sa kabilang tent at kasama ang kaibigan nito.
"Sa akin ka lang tumingin kapag ako ang kasama mo, Aia."
"Hmm? A-ano? Bakit?" naguguluhan nyang tanong
"Anong bakit?" balik na tanong sa kanya ni Grey.
But before she answers Grey's question, Sofie shouted at her and got her attention.
"Maiara! May tumatawag sa phone mo. Matteo yung name!"
Hindi nila pinansin pareho si Sofie kahit na lingunin pa ito. They just stared at each other and suddenly, Maiara answered Grey.
"May boyfriend ako, Ash. Please, stop what you're doing. Tapos na tayo diba? Bakit parang nagca-care ka pa rin sa akin? Napapansin ko ring hindi ka naman ganito sa ibang empleyado mo kaya sagutin mo ako."
"Broke up with Matteo, then." mariing sambit nito.
"Ano?" hindi siya makapaniwalang tiningan ito. Sinuri niya ang mukha nito kung nagbibiro lamang ba ito pero seryoso naman ang mukha.
"Broke up with him..." ulit pang aniya.
"Ano? Bakit?"
"...and be mine again."
~cutiesize31<3