CHAPTER 18 - Bonding
"This is Sadie Tuazon, one of the best secret agents in the SB agency." Pagpapakilala ni Justus sa kanyang kasama.
Ang babaeng iyon ay may aura na parang dapat na katakutan ng lahat. She looks like a bad girl and a troublemaker based on what she's wearing. But the way she acts, she talks, she walks, she stands... it's not normal like a normal person they know because she itself speaks authority and respect.
"We can trust Sadie in your case." Ani Justus habang nakatingin kay Maiara na nasa tabi ni Grey, nakikinig din ng mabuti. "Habang iniimbistagahan niya ang nangyari kay Maiara, ako ang aasikaso sa kaso niya." Nilingon naman nito si Grey na syang tinanguan nito.
"Thanks, Justus. I know you can do it."
"Of course I can. I'm Justus Esquivel, the best lawyer in our country." he smirked and then Grey and Justus laughed.
Sadie walk towards Maiara. "Maiara, can you tell us everything you know? Sino ang nakakita sayo at kung may naaalala ka, tell me what is it."
While Greyson and Justus were talking about some things, Maiara started telling everything she knew.
"Based on what you've said, It's not an accident. It's well planned para palabasing aksidente." mariing sambit ni Sadie kaya naman napatingin sa gawi nila ang dalawang lalaki.
"What do you mean?" - Grey
"How did you know?" – Justus
"Well, based on her story na syang sinabi ng taong nakakita sa kanya at pati na ang doctor, she got shot on her legs and then fell off a cliff. It looks like someone wants to kill you, that's why you ran away at nahulog ka na sa bangin." Maiara closed her eyes because her head started aching. Suddenly, a scene of her, running away and crying, immediately showed up.
But it stopped when she felt a hand on her shoulder.
"Hey, you ok?" katabi na niya si Grey na nakahawak sa kaniyang balikat.
"y-yes.." saglit na pagsakit lang iyon ng ulo at saglit rin na paglitaw ng senaryong iyon.
"Give me two weeks for this case. Full and complete information ang ibibigay ko after two weeks."
"Hindi ba kaya ng one week, Sadie?" tawad ni Justus.
"I'll try but I'm so busy right now. Alam mo namang busy akong gawing maganda at maging maayos ang bansa natin."
"Living darna, Sadie?"
"Troublemaker princess, Justus." she smirked before leaving.
Mabilis na napatingin sa orasan si Maiara nang maalalang may aasikasuhin pa pala siya. Agad syang tumayo at nagtungo sa pwesto nila Grey at Justus na tahimik na nag-uusap.
"Ah, boss, mauna na ho ako may aasikasuhin pa nga pala ako." pagpapaalam niya dito.
"Where? Samahan na kita." Tumayo pa ito nang harapin siya.
Umiling siya sa offer nito. "Hindi na kailangan, boss" saka tiningnan niya si Justus. "Attorney, mauna na po ako. Salamat po."
"No problem. I'm helping you because I don't want to admit my friend in a Mental Institution kapag hindi pa nalaman ang totoo. Kawawa naman si Sky kung mangyari man iyon."
"Po?"
"Nevermind." Attorney Esquivel just laughed. "By the way, sorry nga pala sa inasal namin ng asawa ko nung nagkita tayo. Hindi lang kasi maganda yung nangyari noon kaya sobrang nagalit kami sayo, but Greyson explained everything."
"Ano po ba ang nangyari dati?" she curiously asked him.
Nilingon ni Justus ang boss niya na seryoso pa rin pa lang nakamasid sa kanila.
"Let's just say, you cheated on my friend."
"Sinong friend?" she curiously asked him.
This time, nilingon na naman ni Justus si Greyson. Pinanlalakihan ng mata ni Greyson ang kaibigan pero hindi natinag si Justus sa gustong ipaalam kay Maiara. He's actually thinking what Maiara says if she finds out that thing.
Attorney Esquivel pointed at her boss. "It's him, Greyson, my friend."
"Ikaw, boss?" gulat nitong tanong na nauwi sa pagkakakunot noo nang may maalala.
"Pero sabi ni Matteo ay may ex nga ako na ang pangalan ay Ash. Sa tingin ko isa lang naman ang ex ko at iyon si Ash na ikaw pala?" patanong niyang sagot dito at sa hindi inaasahang pagkakataon, tumango agad si Grey bilang sagot doon. Nakakunot noo pa ito na mukhang naiinip na sa sasabihin niya kaya itinuloy niya ang kwento niya.
"Naghiwalay daw kami nung Ash dahil 'yun ang nagcheat sa akin tapos naglasing ako hanggang sa naaksidente at nahulog sa bangin ang sinasakyan ko." Pagkukwento niya na syang ikinalingon nung dalawa.
"What?!" - Greyson
"Woah, really?" – Justus
"Opo. So ahm pwede na ba akong umalis, boss? Attorney? May pupuntahan pa talaga akong importante eh."
"Ok, but I'll go with you."
"Pero—"
"Or else you're fired." banta na naman sa kanya ni Grey.
Natigilan si Maiara at wala sa sariling sumunod sa kagustuhan ni Grey. Binigyan lang ng tango ni Attorney silang dalawa bago umalis.
"Boss, sa munisipyo lang ako malapit sa bayan dyan. May pupuntahan lang ako."
"What is it?"
"Ah ipapaayos ko yung ID ko, boss." tukoy nito sa nasirang ID niya at telepono niya.
"Do it later, susunduin muna natin si Sky." Napatingin siya sa bintana at nakita niya nga na pabalik pala sila ng AIA.
"Bakit?"
"Kailangan ko syang ienroll this upcoming school year."
Hindi niya alam ngunit bigla syang nakaramdam ng pagka-excite. "Talaga? Saan siya mag-aaral?"
"Pajavera University."
Pajavera University is located near AIA. Mga ten minutes lang siguro ang byahe pero kalahating oras naman ang byahe kapag traffic.
"Pajavera University?" it seems familiar for her then suddenly bigla nyang nakita sa isip niya ang isang malaking paaralan.
"Hey, you ok? May masakit ba? Yung ulo mo ba ang sumasakit?" biglang tanong ni Grey sa kanya nang malingon siya nitong mariing nakapikit, mukhang may iniindang sakit.
"Medyo kumirot lang, boss. May naalala ako. Naalala ko yung university na 'yon." Tiningnan niya ang lalaki saka tinanong. "Doon ba tayo nag-aral? Nakita ko ang sarili kong nakasuot ng uniform at papasok ng Pajavera University."
"Really? Sana makaalala ka na." mahinang hiling nito.
"Sana nga, boss." she agreed.
"Stop calling me that."
Natigilan siya. "Ang alin, boss?"
"That 'boss' word! I don't like it."
Napataas ang kanyang kilay. "Bakit naman? Boss naman talaga kita kaya bakit ayaw mo? Tsaka ano naman ang itatawag ko sayo?"
"Call me, Ash, like before. At kaya ayaw kong tinatawag mo akong boss ay dahil, you're the real boss, my boss." Mabilis na nilingon ni Grey si Maiara at hindi niya napigilang matawa dahil sa nanlalaking mata na reaksyon nito.
"Huwag mo nga akong pagtawanan, bo—ah Ash." She pouted and Grey can't help to smile.
"Oh baka pinagtatawanan mo na naman ako sa isipan mo. Laki ng ngiti mo eh."
"No. It's just that.. I'm happy."
Yes, he's really and truely happy. Ngayon na lang siya ulit nakaramdam ng ganitong saya. Ang tagal na rin noong huli nyang makasama ang asawa kaya sobra talaga ang saya niya sa tuwing nakikita niya ito.
Minsan nga'y muntik pa nyang hindi pagtrabahuhin si Maiara sa kompanya niya dahil siya dapat ang magtatrabaho kaso iba ang sitwasyon ngayon. Iba man ang pinaniniwalaan ni Maiara ngayon, siya at siya pa rin ang pinakasalan at minamahal ni Greyson noon at magpahanggang ngayon.
Marupok na kung marupok, he doesn't care. He can't deny what he feels anymore.
"Wait for me here, sunduin ko sa loob si Sky." Paalam nito na ikinatango ni Maiara.
Hindi rin nagtagal ay nakarinig siya ng pagbukas ng pintuan sa likod at nakita naman niya si Sky na nakangiti papasok ng sasakyan.
"Hi Sky!" bati niya dito.
"Hi Auntie Maia!" he waves back at her too. Nakasuot ito ng blue polo shirt at maong pants, may dala rin itong backpack na may design na sikat na marvel characters.
Pumasok na rin sa driver seat si Grey nang tanungin niya ulit si Sky. "Mag-aaral ka na pala this school year, excited ka na ba?"
"Yes, Auntie!" Magana nitong sagot.
"Ahmm.. Ayos lang ba na kasama mo rin ako sa pag e-enroll mo?" aniya na syang ikinalingon rin ni Grey.
Sky happily nodded. "Yes!"
Pagkatapos ay nagsimula nang paandarin ni Grey ang sasakyan patungo sa Pajavera University.
"Wow, so butiful (beautiful)." sky said.
"Wow, so beautiful." Maiara amazingly said, too.
Nagkatingin sila Sky at Maiara nang marinig nilang nagkasabay sila ng sinabi saka nagtawanan.
"Same reaction, huh?" Greyson remembered that it was also Maiara's reaction when it's Maiara's first day in Pajavera University.
Nasa magkabila nakapwesto sila Maiara at Grey habang nasa gitna nila si Sky. Dumiretso kaagad sila sa office ng principal which is Greyson's Uncle, his mom's brother. Nagkamustahan muna sila at nang makita nito si Maiara ay natigilan ito at bago pa muling makapagsalita ng masasama ang uncle niya, binulungan niya ito at sinabi ang totoong sitwasyon nila ngayon.
"If that's the case, I will treat her again better." seryosong sambit ni Uncle Raymond, Mrs. Sunshine Pajavera's older brother.
Grey nodded. "Thanks, Uncle."
"No problem, kailangan niyo pa bang iassist ko kayo para sa enrollment ni Sky or huwag na? I can call my assistant for that if you want." Uncle Raymond offered but Greyson declined.
"No need, Uncle, we can manage."
He and his Uncle looked at Maiara and Sky. Pareho itong magkatabi sa sofa habang may nilalaro sila ipad ni Sky. Grey loved their smiles, laugh and they looked good together just like before when Sky was still a baby.
"Ang ganda nilang tingnan ng magkasama. Sana malagpasan niyo ang problema ninyo ngayon dahil kung hindi ay si Sky ang maaapektuhan. Every kid needs a mom, you know that."
"Yes, Uncle. Hindi ko na papakawalan ang ina ng anak ko." Aniya habang ang tingin ay naroon pa rin sa mag-ina niya.
"Goodluck with that. If you need help, just call me, ok?" Uncle Raymond tapped Greyson's shoulder.
"Thanks, Uncle." He smiled. Pagkatapos ay nagpaalam na sila rito para pumunta sa registrar at i-enroll si Sky.
"Your son is now enrolled, Mr. Pajavera." Ani ng babae sa registrar.
"Thanks." Itinabi niya ang mga papel na ibinigay nito sa envelope kung nasaan nakalagay ang mga dokumento ni Sky. Nang lingunin niya sa likuran sila Maiara at Sky na naghihintay sa kanya ay nakita nyang nakamasid ito sa campus buildings.
"Gusto nyong maglibot? I can tour you around." Grey asked.
Umiling si Sky, "No. I'm hungwy (hungry), daddy."
"Sa susunod na lang tsaka may pupuntahan pa ako, Ash." napangiti si Grey nang marinig nyang muli iyon mula kay Maiara ngunit nang marinig ang nauna pang sinabi ay naglaho iyon.
"No, sasama ka sa amin mamasyal."
Wala na ring nagawa pa si Maiara nang hilahin na siya ng dalawa. She can't say no to Sky that's why she agreed to go with them. Sa Mall kaagad sila nagtungo pagkaalis sa Pajavera University. At dahil gutom na si Sky, ito ang mamimili kung saan sila kakain.
"Gusto mo doon sa Jollibee?" napansin kasi ni Maiara ang pagtagal ng tingin ni Sky doon habang naghahanap sila ng makakainan.
Nang tumango ito ay nagtungo na sila doon saka naghanap ng pwesto.
"Stay there, ako na ang mago-order." Ani Grey nang akmang tatayo si Maiara.
Karamihang kumakain dito sa Jollibee ay mga pamilya dahil mukhang gustong-gusto rito ng mga bata. May mga laruan din na nabibili doon na gusto sana nilang tingnan ngunit wala namang magbabantay sa pwesto nila kaya pagdating na lang ni Grey nila iyon ginawa.
"Thank you, Auntie Maia." nakangiting nagpasalamat si Sky nang bilhan ni Maiara ng laruang Jollibee ito as a remembrance dahil first time pala nitong kumain dito dahil puro restaurants daw sila kumakain noon o di kaya ay nagpapadeliver lang.
"Walang problema. Kaya kung gusto mo ulit kumain dito, sabihan mo lang ako. Masyado kasing busy ang daddy mo sa work kaya ako ay pwede naman kitang samahan."
Pagbalik sa lamesa ay agad na ibinida ni Sky ang laruan niya sa daddy nito na masayang nakikinig. Grey, can't help to be happy for his son. And that Jollibee toy is Sky's first toy bought by his mom. Hindi kasi nito nabilhan noon ng laruan si Sky dahil baby pa naman ito noong panahong kasa-kasama pa nila si Maiara tsaka binabasahan lang ni Maiara ito ng story na gustong-gusto pa rin ni Sky ngayon gawin.
Nang matapos silang kumain ay patungo na silang tatlo sa supermarket para mag grocery. Actually, sila Grey lang ang mag grocery pero dahil hindi siya pinayagang humiwalay para bilhin din ang kakailanganin nya para sa short vacation para sa anniversary ng AIA, nag grocery na rin siya. Pinangako naman ni Grey na sasamahan din siya nila ni Sky mamili ng gamit nito kaya pumayag na siya sa huli.
"May listahan ka ba ng mga bibilhin mo? Akin na, tulungan na kita." inilahad niya ang kanyang kamay ngunit umiling si Grey.
"Wala." Hindi naman kasi siya talaga ang nag grocery para sa bahay nila dahil gawain iyon ni Manang na syang katulong niya sa bahay. Tsaka noon naman ay kung mag grocery siya ay si Maiara ang bahala doon sa listahan ng mga kailangang bilhin.
"Wala? O sige sundan niyo ako. Doon muna tayo sa meat station tsaka sa bilihan ng mga prutas at gulay."
Naunang maglakad sila Sky at Maiara na magkahawaka ng kamay habang si Grey ay nasa likuran nila na syang nagtutulak ng push cart.
At nagsimula na silang mamili ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon may tao silang nakasalubong na kilalang-kilala sila at sobrang nagulat si Maiara at hindi alam ang sasabihin nang makasalubong nila ito.
"Maiara? Greyson? OMG! Kayo nga! Grabe ang tagal ko na kayong hindi nakikita ng personal ah!" dumako ang tingin ng babae at ng kasama nitong lalaki kay Sky na hawak-hawak ni Maiara.
"Your son? Ang laki na ah? Huling kita ko pa sa kanya ay noong binyag pa niya." sabi ng lalaki.
Lumuhod ang babae sa harapan ni Sky para makapantay ito saka kinausap. "Hi baby Sky! Remember me? Isa ako sa mga naggagandahang ninang mo. I'm Ninang Audrey and this is your Uncle Gio." pagpapakilala ng babae.
Sky smiled. "Hello." tipid nitong sagot.
"Kamusta na kayo? Tatlong pamasko ang utang mo sa anak ko, Audrey, akala mo nakalimutan ko na no." biro ni Grey dito.
"Eh kakauwi ko lang wag mo muna akong singilin. Tsaka sa 4th birthday na lang niya. Magfo-four years old na siya this coming May diba?" Grey nodded and Audrey continued what she was saying. "May handaan ba? Invited ako ah, huwag kang mag-alala, ibibigay ko na lahat ng utang ko sa inaanak ko."
"Of course! Makakapunta ba kayo? Dyan lang sa AIA Subdivision gaganapin." Grey answered habang si Maiara ay nakayuko at nakaharap lang kay Sky na naglalaro ng hawak nitong maliit na captain America Marvel collection.
"Sure! Pupunta kami ni Gio." sabi ng babae bago lingunin si Maiara.
"Hoy, Maiara, di mo na ko kinikibo dyan. Aba akala mo ba nakakalimutan ko na rin ang utang mong pamasko sa anak ko? Sayang at nasa bahay pa si baby Agatha, yung inaanak mo." Hinarap siya nito at habang nagsasalita ito ay walang maisagot si Maiara dahil hindi siya makasunod at walang ideya sa nangyayari.
"Ah.." nginitian na lang ni Maiara ito at halata ni Grey ang pagka uncomfortable nito kaya nagpaalam na sila sa mga kaibigan at itinuloy na ang pamimili.
Ngunit sa ikalawang pagkakataon, habang patungo si Maiara sa isang side ng supermarket, may natanaw syang babae na nakasuot ng itim na itim na salamin at hoodie jacket. Ramdam nyang nakatingin ito sa kanya at ganoon din siya dito.
Mas lalo nyang ikinagulat ang unti-unting pagtanggal nito ng salamin at nang matanaw ang mukha nito ay nakaramdam siya ng takot at pangamba. Nanginginig ang kanyang mga kamay at tuhod dahil sa kaba habang nakatanaw siya sa babaeng iyon na hindi naman nya kilala ngunit parang kilala ng kanyang katawan.
Nakangisi ang babae na para bang may binabalak na masama sa kanya. Nais nyang lapitan ito ngunit hindi siya makahakbang papalapit dito. Nakakaramdam siya ng takot at lakas ng kabog ng dibdib habang nakatanaw lamang dito na syang ipinagtaka niya.
Pakiramdam niya ay pamilyar siya sa babae ngunit hindi naman niya alam ang pangalan nito.
"Sino siya? Bakit kamukhang-kamukha ko siya? Bakit parang sobrang nakakatakot siya?" aniya sa kanyang isipan.
~cutiesize31 <3