CHAPTER 17 - Broken Things
Maiara
Mula sa madilim nyang paningin, unti-unti nyang natatanaw ang liwanag. Kasabay noon ay ang pagkakaroon ng klarong pandinig mula sa kanyang paligid kaya naman nabosesan niya ang sa tingin niya'y nagtatrabaho doon sa restaurant.
"Sir, ayos lang ba si ma'am? Magpapatawag na po ba ako ng ambulance?"
Bago pa niya marinig na sumagot si Matteo ay naidilat na niya ang kanyang mga mata ngunit may kaunti pa ring kirot na naiwan sa kanyang ulo.
"No need. Sumakit lang yung ulo ko." Napakapit siya sa braso ni Matteo para doon kumuha ng lakas ngunit pag-angat niya ng tingin ay mga mata ng kanyang boss ang bumungad sa kanya.
Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isipan niya at napasabi ng "Ash" na syang pangalan ng taong lagi nyang nakikita at naririnig sa kanyang mga panaginip at alaala na siguradong sigurado syang parte iyon ng nakaraan niya.
Nakitaan niya ng kung anong emosyon ang boss niya mula sa mga mata nito. Gulat at pag-aalala. Naupo ng maayos si Maiara sa kanyang pwesto habang hindi inaalis ang tingin sa kanyang boss.
Hindi niya alam kung talaga bang magkatulad ng boses ang taong naiisip niya mula sa pangyayari sa kanyang nakaraan at ang boss niya o sadyang coincidence lang ang lahat.
Ngayon niya lamang iyon napagtanto kaya pala kapag naririnig niya ang boses ng kanyang boss ay may pamilyar syang nadarama. Yun pala ay kaboses nito si Ash.
Hindi man ganoong kalalim ang boses ng taong tinatawag nyang 'Ash', alam nyang si Greyson iyon dahil kahit papaano ay naaaninag na niya ngayon ang taong iyon.
But of course, she doesn't want to tell it to Matteo because she wants to test him if he will tell the truth or just make a story about her memories. Not that she has no trust in her boyfriend now, it's just that, she wants to make sure lalo na at tungkol iyon sa kanyang sariling buhay.
"Babe, you ok? Bakit sumakit ang ulo mo? Tatawagan ko na ba si Doc. Santos?" alalang sambit nito sa kanya.
Umiling siya. "Pwede bang umuwi na tayo? I need to rest." mahinang sambit niya.
Tumango naman ito saka sinabihan ang waiter na i-take out na lang ang inorder nila kanina. "Sure, babe. Uuwi na tayo."
Habang naghihintay sila ay unti-unti nyang pinagdudugtong sa kanyang isipan ang mga alaala nyang bumabalik at ang mga pangyayaring nararanasan niya ngayon tulad ng pagkakasalubong sa mga taong kilala siya.
Kung sakaling ang boss niya nga ang tinatawag nyang Ash, ito pala ang kasintahan nyang nakalimutan niya. At isa pa, kung totoo ngang may kasalanan siya dito, gusto nyang maalala kung ano iyon at bakit niya nagawa iyon.
Base sa reaksiyon nito noong una silang magkita sa AIA Company, malaki ang impact ng ginawa niyang kasalanan dito.
Napapikit siya ng mariin at napahawak sa kanyang sintido nang kumirot muli ang ulo. Hindi niya napansin na wala pala sa harapan niya si Matteo dahil nagpunta ng washroom kaya laking gulat niya nang lingunin niya ang taong humawak sa kanyang balikat.
"Boss.."
"You okay?" nag-aalalang tanong nito
"Sumasakit lang po ang ulo ko boss pero kaya ko naman. Pagod lang po siguro." binigyan niya ito ng tipid na ngiti ngunit hindi pa rin nawala ang pag-aalala nito na nakikita niya sa mga mata nito.
"I told you to rest. Dapat hindi ka na pumayag pa makipag date. By the way, what did you say earlier? Did you just say 'Ash'? Why?"
"May naalala lang boss. Tsaka hindi ko namalayan na nasabi ko pala 'yun." paliwanag niya na may halong pagpapahiwatig na paunti-unti na syang nakakaalala. Hangga't maaari ay hindi siya magsasabi tungkol dito dahil gusto nyang maalala muna ang lahat.
He sighed. He looks like he's disappointed. "Can you give me a favor?"
She nodded quickly. "Ah sure, boss. Ano po 'yun?"
Natigilan ang boss niya na mukhang nag-aalangan habang siya ay nakatingin pa rin dito at naghihintay sa sasabihin nito.
"Can you.. Can you please tell me if your memories came back? I.. I just want to know something."
"Bakit po?"
"Because I need to know your explanations why you did that horrible thing to me."
Hindi niya alam kung bakit parang nadismaya sya sa sagot nito. Para bang may hinahanap syang sagot dito na kahit siya ay hindi alam kung ano ang ineexpect niya kay Grey.
Ilang minuto lamang ang itinagal nito at nang umalis ay gusto sana niya itong pigilan ngunit naaninag na rin nyang paparating si Matteo. Iniabot sa kanya ng waiter ang take-out foods nila kaya tumayo na siya at hinintay ito.
Sa pagtingin niya kay Matteo, pinakiramdaman niya ang sarili. Hindi maiwasang tanungin kung ano ang nagustuhan niya kay Matteo. Is that because he's a very kind and caring guy when they first met?
While Matteo is driving, Maiara can't help to ask him questions.
"Matteo, sino si Ash?" Aniya saka pinagmasdan mabuti ang magiging reaksyon ng nobyo.
Natigilan ito at saglit syang nilingon bago ibinalik ang tingin sa daan.
"w-what? A-ash? Y-you remembered that name?"
"Lagi ko syang napapanaginipan. At sa tingin ko ay parte siya ng nakaraan ko. So tell me, sino sya? Ano ko siya?"
"He's uhm nothing. Wag mo na syang isipin dahil hindi naman siya importante. Tsaka bakit mo tinatanong eh nandito naman ako?" nilingon siya nito at ngumuso na para bang nagtatampo pa.
"Matteo, parte siya ng past ko kaya syempre na cu-curious ako kung sino at ano siya sa buhay ko" paliwanag niya.
Mas lalo nyang nakitaan ng pagkairita ang mukha ng kausap. "Ex mo sya. Nagcheat sayo kaya naman nakipaghiwalay ka tapos naglasing ka dahil nasaktan ka ng sobra kaya naman hanggang sa pag-uwi mo ay naaksidente ka. Ayan! Ayan ang kinalabasan. Wala kang maalala." malamig ang ekspresyon nitong nilingon siya ng madalian. "Kaya huwag mo na syang alalahanin dahil wala syang kwenta. Nandito na ako sa tabi mo at ako na ang boyfriend mo."
He sounds very possessive but Maiara thinks that he's just an overprotective boyfriend.
"Nagcheat? That Ash guy?" aniya na parang hindi makapaniwala. Sa nakita nyang senaryo kanina ay parang hindi iyon magagawa ni Ash sa kanya. Kaya nga siya binigyan ng singsing diba?
Wait.. that ring! She needs to find it!
"Yes. Can you please stop thinking about him? He's nothing compared to me. I can take care of you, love you, and marry you someday."
Hindi na lang siya sumagot kay Matteo ulit dahil hindi niya alam ang sasabihin. So Ash is nothing compared to Matteo?
Habang papauwi ay nagpaplano syang hanapin ang mga lumang gamit niya na itinabi ni Lola Eva. Paniguradong naroon lang iyon sa bahay.
"Lola Eva? Lola!" sigaw niya pagkapasok sa bahay. Agad naman syang nilapitan nito na syang galling kusina, naghahanda ito ng hapunan.
"Ano ba iyon? Sigaw ka ng sigaw dyan, huwag kang maingay at may inaasikasong importante si Alice. Makakagalitan ka pa non." aniya pagkatapos nyang magmano rito.
"Pasensya na, la. Eto nga pala may uwi akong hapunan. Pagkatapos nating kumain, may itatanong ho ako sa inyo."
Tumango ito at saka tinanggap ang pagkaing dala niya. "O sya sige. Mukhang importante 'yan, walang problema."
Magana silang naghapunan kasama rin si Alice. Puro tungkol sa kanilang trabaho ang tinatanong ni Lola Eva nang sila'y kamustahin nito. Sa huli, hindi pa rin maiwasan ni Lola Eva na tanungin kung nakakaalala na ba siya.
"Yun nga ho ang itatanong ko, lola. May naalala kasi akong senaryo at nagbabakasakali lang ako kung may gamit ba akong natagpuan niyo nung naaksidente ako. Baka lang makatulong para makaalala na ako ng tuluyan."
"Ang naaalala ko ay mayroon nga. Itinago ko iyon sa kabinet, hindi ko lang maalala kung saan banda doon."
"Doon 'yon, Lola, Maiara." sabay turo ni Alice sa lumang kabinet ni Lola Eva na nasa gilid ng tv nakapwesto.
Kaagad iyon tinungo nilang tatlo saka hinanap ang sinasabing kahon o lalagyan ni Lola Eva kung saan niya itinabi ang gamit ni Maiara. Nang makita ang lumang kahon ay mabilis nilang binuksan iyon. Tumambad sa kanila ang wallet, alahas, at sirang cellphone ni Maiara.
Nang makita ang naka ziplock na alahas, agad nyang hinanap ang singsing na naalala nyang binigay ni Ash sa kanya. Sapagkat ang naroon lamang ay ang kwintas niyang simple at walang pendant.
"La, wala ba 'tong kasamang singsing?" aniyang nagbabakasakali.
"Hindi ko alam dahil hindi naman ako ang nag-asikaso ng mga gamit mo noong naaksidente ka kundi si Matteo. Inaalagaan kasi kita noong panahong iyon at nang ibigay ng nurse ang mga gamit mo ay si Matteo ang natyempuhan, sinabi lang niya sa akin saka ibinigay iyan lahat." Paliwanag nito na para bang nagpaguho ng pag-asa niya.
She has two possible things in her mind. It's either her ring was missing when she met with an accident that day or Matteo hid it.
"Oh Maiara, nandito pa pala ang mga ID mo. Kaso nga lang sira na." sabay abot ng wallet nyang nasira kasama na ang mga ID na sira rin.
"Maiara Quinn Aurino Pa.. ano? May kasunod pa ang pangalan mo? Bakit ang sabi ni Matteo ay Maiara Quinn Aurino lang ang buo mong pangalan?" ineksamin pa nito ni Alice saka nagbabakasakaling mahulaan ang apilyidong nasa hulihan ng kanyang pangalan.
"Eto kayang telepono mo, Maiara? Alice, buksan mo nga ito at baka gumagana pa." iniabot ni Lola Eva ang cellphone nyang basag na basag at sinubukan naman iyong buksan ni Alice. Hindi ito nagtagumpay kaya napagpasyahan nila iyong dalhin bukas sa bayan para ipagawa.
Nanghihinang humiga si Maiara sa kanyang kama. Malalim na ang gabi na syang kasing lalim rin ng kanyang iniisip. Muli nyang nilingon ang lamesa na nakatabi sa kanyang kama saka kinuha ang kanyang sirang mga gamit.
Ang id niya ang una nyang ininspeksyon. Putol ang dulo nito kaya hindi na mabasa ang buong pangalan nya. Sinubukan din niya basahin ang nakalagay sa address niya ngunit bigo pa rin siya dahil putol nga ang id kung saan ang address at huling apelyido niya ang nawala.
Maiara Quinn Aurino Pa...
Ano kaya iyon?
Sumunod ay ang kuwintas niya at ang sirang cellphone. Hindi siya naniniwalang wala itong pendant at natanggal lang. Mayroon kasing naiwang maliit na nakakawit sa gitna na syang pinagsasabitan ng pendant. Pero nasaan na kaya iyon? Alangan namang balikan pa niya ang bangin kung saan siya nahulog para lang mahanap iyon.
Sa kanyang sirang cellphone, lumang model ito ng iphone na sa tingin niya ay bagong labas na model dalawang taon na ang nakakalipas. Basag ang screen at medyo nakabuka na ang loob kaya imposibleng gumana pa ito dahil sa lagay noon.
"Nasaan na ang cellphone mo, Maiara? Dadalhin ko na sa palengke para ipagawa 'yan" ani Alice habang inilalagay ang gamit sa bag bago pumasok sa eskuwelahan ngayong umaga.
"Hindi na, Ate. Ako na ang bahalang magpagawa noon. May mga nadadaanan naman akong gumagawa ng sirang cellphone dyan sa tuwing papasok ako sa trabaho."
"O sige. Mauna na ko." nagpaalam na ito kay Lola Eva at ganoon din siya nang marinig niya ang busina ng sasakyan ni Matteo sa labas.
Itinago niya sa kaila-ilaliman ng bag niya ang sirang cellphone niya at ang iba pa nyang sirang gamit. Susubukan niya ipakita din sa gawaan ng Valid ID's, sa munisipyo, ang kanyang nasirang ID dahil siya'y nagbabakasakaling mahanap pa nila ang record niya.
"Pwede bang huwag mo na akong sunduin mamaya? May dadaanan kasi ako sa bayan, mahirap ang parking doon kaya magtatricycle na lang din ako pauwi."
"Anong oras ba ang out mo ngayon?"
"Alas singko pa ng hapon." aniya kahit na alas kwatro lang ay labas na niya. Alam niya kasing masyadong busy si Matteo kapag alas singko na ng hapon dahil may meeting ito.
"May meeting ako, hindi kita maihahatid sa bayan. Sigurado ka bang ayos lang na mag-isa akng pumunta doon?"
"Oo naman! Kaya ko na." nginitian niya ito.
Matteo nodded. "Sige. Tawagan mo na lang ako kapag may problema." sagot nito bago siya bumaba at pumasok sa trabaho.
As usual, binabati niya ang mga katrabahong nakakasalubong niya. Pagtungtong sa floor niya, nasaktuhan niya ang boss niya na papasok pa lang sa opisina nito.
Late ba siya o sadyang maaga lang pumasok ngayon ang boss niya? She looked at the wall clock and she saw that it's 7:46 in the morning.
"Good morning, Ash--- Asaan na si Sofie? Aga mo boss ah?" napangiwi siya ng kaunti dahil sa pagkakadulas niya. Hinihiling rin na sana ay hindi nito iyon mapansin ngunit hindi siya napakinggan sa hiling nyang iyon.
"Did you just say 'Ash'?"
"Boss?"
Umiling ito. "Nevermind. I'm just overthinking again."
Gustong-gusto man niya na aminin na medyo may naaalala na siya, hindi pwede. Dapat ay bago niya ito kausapin ay may eksplanasyon na siya at ang lahat ay naaalala na niya.
Lunch came when she saw her boss walking towards her place. Her heart beats fast while looking at those dark brown eyes, yung para bang nadadala ka kahit na tinitingnan mo lang siya, it's like he's hypnotizing her.
Ang landi, Maiara ah.
"Dalhan mo ako ng lunch na pang dalawahan sa office ko, Ms. Aurino." Maawtoridad nitong utos na wala sa sarili nyang tinanguan hanggang sa nakaalis na ito sa harapan nya ay ganoon pa rin ang bilis ng tibok ng puso nya.
Ano bang nangyayari?
Mabilis syang kumilos saka tumawag para umorder ng lunch. Naalala nyang lunch for two persons ang utos ng boss nyang bilhin kaya bigla syang nakaramdam ng inis.
May kadate ba siya? Kung si Ms. Arthea ay girlfriend pala talaga ng kapatid niya, sino naman ngayon ang babaeng idedate niya? Sa opisina pa talaga ah?
"Aabangan ko talaga ang babaeng 'yon." she said in her mind.
Thirty minutes have passed but the girl she's waiting for is not yet here. Nauna pa ngang dumating ang pagkain sa kanya.
"Ms. Aurino, where's my lunch?" she heard her boss in the intercom.
"Dadalhin ko na, boss." Aniya.
"Baka wala talaga syang kadate? Baka para sa kanya 'tong pagkain pareho?" bulong niya bago pumasok sa opisina ng kanyang boss.
She saw him waiting for her at the sofa. Nakatingin lang ito sa kanya habang papalapit siya dito. At kahit na hinahanda niya ang lunch nito ay ramdam pa rin niya ang titig nito.
"Wala na kayong ibang utos, boss?"
He looked at her in the eyes. "Eat lunch with me."
Napakurap-kurap siya sa narinig. "Boss?"
"'Yan ang utos ko, Ms. Aurino."
Napaiwas siya ng tingin. "Pero.."
"Or else you're fired." Banta nito.
Nagmadali syang umupo sa katapat na sofa nito. "Sabi ko nga boss kakain na."
Awkward.
'Yan lang ang masasabi niya dahil pareho silang tahimik ng boss nyang kumakain. Ayaw niya kasing magsalita at baka madulas na naman siya at tawagin nyia itong Ash.
"Aia.."
"Ay Ash ko!" sigaw nya nang biglang nagsalita ang boss nya. Natapon pa tuloy ang iniinom nyang juice sa damit nyang puting-puti!
Wait, did he just call her Aia?!
"What did you say?"
"Anong sabi mo, boss?" sabay nilang tanong sa isa't isa.
"You said Ash." mariin itong nakatitig sa kanyang mga mata. Mukhang hinuhuli siya nito.
"Sinabi mo rin kasi Aia. Uhmm sino 'yon, boss? Girlfriend mo?" walang pigil ang bibig niya sa pagtatanong kaya gusto niya sana itong tampalin dahil walang preno.
"No." he looked at her in the eyes. "She's more than that." napanganga siya nang marinig ang sagot at dahil sa isa pang rason.
"Boss! Pahingi namang wipes. Ang lamig." at doon lang natauhan ang boss niya sa nangyari sa kanya. Naligo lang naman ang harapan niya ng juice.
"I have no wipes! Fvck." After that he turned off the aircon and just opened the electric fan para daw hindi siya manginig sa lamig.
"Sa bag ko boss meron kaso nasa table ko pa."
He quickly say. "I'll get it." at pagbalik nito ay bag niya ang dala-dala.
"Where is it? I can't find it." inilabas nito isa isa ang gamit nya.
"Nasa maliit na pink pouch 'yon boss" sagot niya at nagtaka siya nang matigilan ang boss niya.
"May problema boss? Nasaan na yung wipes ko? Wala ba?" sa isip-isip pa niya ay baka nakalimutan niya iyon ngunit natigilan siya nang itaas nito ang luma at sirang gamit nya na pagkatago-tago pa niya kay Matteo pero makikita naman pala ni Grey.
"This.. fvck. What happened?"
"Ah boss nahanap ko lang kagabi. Ipapagawa ko sana." kalmadong sagot niya tsaka kinuha ang bag niya para hanapin na ang wipes niya habang ang gamit nyang sira ay hawak pa rin ng kanyang boss.
Habang nagpupunas siya ng damit ay nag-angat siya ng tingin dito. Chinecheck na nito ang ID niya pagkatapos ay ang kwintas nyang walang pendant at ang huli ay ang sirang cellphone.
"Parang sadyang pinutol ang id mo. Also this necklace. I know this. Hindi basta-basta nasisira ito pwera nalang kung sadyang sinira. And this phone, mukhang wala nang pag-asa dahil mukhang mataas ang kinahulugan..." then he looked at his own phone because someone sent him a text message and after that he got her things and put it inside her bag.
"Come with me." Hinila siya nito palabas at nagulat na lamang siya nang makarating sila sa parking lot at pinasakay siya sa sasakyan nito.
"Teka boss, saan tayo pupunta?" nagpapanic niyang tanong.
"Someone I know who can help us." nagtagis ang bagang nito na tila galit na galit ngunit nagpipigil lang. "Gustong gusto ko na malaman kung bakit mo nagawa sa akin ang nagawa mo noon, Aia, pero nangingibabaw ngayon ang pagkagusto kong malaman kung bakit ka naaksidente. They will pay for it kapag nalaman ko kung sino ang may pakana noon. Hindi ako tanga para hindi malaman na sinadya 'yon."
"Sinadya? Ano.." nauutal at nanginginig nyang tugon dahil sa takot na naramdaman.
Nagulat na lang siya nang abutin ni Grey ang kamay niya saka mahigpit iyong hinawakan. "Don't be afraid. I'm here for you. Hindi na kita pababayaan. I promise."
~cutiesize31<3