Chereads / He's not just my Boss / Chapter 18 - Chapter 16

Chapter 18 - Chapter 16

CHAPTER 16 - Date

Maiara

Nagising mula sa estrangherong silid si Maiara. Kaagad syang napabangon kaya kaagad ring nakaramdam ng hilo. Nang umayos na ang pakiramdam ay iginala niya ang paningin ngunit hindi talaga pamilyar sa kanya ang silid na iyon.

Tumayo siya at handa na niyang pihitin ang doorknob nang makarinig ng mga tinig na nanggagaling sa labas.

"Kapatid, ano? Tiklop ka na naman? Pagawa-gawa pa ng plano, sayo rin naman babalik." sambit ng lalaki na sa tingin niya ay ang kapatid ng kanyang boss.

"Pansin ko lang Grey ha, ang rupok mo. Pareho kayo nitong kapatid mo." ngayon ay nabosesan niya ang babaeng nagsalita. It's Arthea.

"I don't know what to do, actually. Ayoko na syang makitang nawawalan ng malay dahil pakiramdam ko kasalanan ko 'yun kagaya na lang ng nangyari kanina." this time, she heard a deep baritone voice that is familiar to her. It's her boss Grey's voice.

"Ako ba ang pinag-uusapan nila?" tanong ni Maiara sa sarili. Hindi niya maiwasang mag assume pero sino lang ba ang nawalan ng malay kanina? Siya lang diba?

"Then, what are you going to do now?" Jackson asked.

She heard her boss sighed heavily, "I'll just wait for Justus to find a great private investigator for me and also for Arthea."

"Bakit ba kasi ayaw mong ako ang tumulong sayo? Give me the name of that person and I will find him/her."

"A deal is a deal, baby." malambing na boses ang isinagot ni Arthea.

"Teka, anong baby?" iritadong bulong ni Maiara at dahil sa inis ay hindi na niya napigilan pang buksan nang malakas ang pintuan.

Napatingin ang tatlo sa kanya. Si boss Grey na nakaupo sa swivel chair nito na mukhang pinapaikot pa ito, si Jackson at Arthea na magkayakap sa sofa malapit sa pwesto ng boss niya.

Nakita naman nyang nag panic si Arthea at dali-daling tumayo mula sa pagkakakandong kay Jackson saka naupo sa katabing upuan nito. Ang kanyang boss naman ay mukhang nag-aalala ang itsura nang lapitan siya nito.

"Hey, kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Teka.." binigyan niya muli ng tingin ang dalawa. Si Jackson at Arthea. "Akala ko girlfriend mo siya, boss? Pero bakit.."

"Forget about it, Maiara." Maawtoridad nitong utos kaya agad syang tumango kahit na naguguluhan sa sitwasyon.

Nagpanggap lang ba ito sa hirap niya kanina? Bakit?

Inalalayan siya nitong umupo sa sofa. Hindi rin niya maiwasang tingnan ang dalawang taong naglalambingan sa harapan niya na parang walang taong kasama at makakakita.

"Hey, you two, paalala ko lang may kwarto dyan, baka gusto niyo lang naman hiramin." sarcastic na sabi ng boss niya sa dalawa na mukhang hindi na rin nakatiis sa nakikitang paglalambingan ng dalawa.

"Inggit ka?" inilabas pa ni Arthea ang dila nito na aniya'y nang aasar.

Tinuro naman siya ni Jackson. "Maiara's here. May kalambingan ka na rin, kapatid. It's been fvcking two years, kinaya mong magtiis?" nakangisi ito na tila ba nang-aasar.

"H-ha? Ano 'yon, Sir Jackson?" nagbabakasakaling mali lang ng dinig at ibang tao ang tinutukoy. Pero silang apat lang naman ang naroon at siya lang anman ang may pangalang Maiara.

"Huwag mo silang pansinin, Maiara." seryosong sambit ng kanyang boss na biglang tumabi sa kanya sa sofa kaya medyo napausog siya palayo sa pwesto nito.

"Matagal na ba tayong magkakilala?" alam nyang hindi sasagutin ng maayos ng boss niya ang tanong kaya tiningnan niya ito na may pagmamakaawang tinig.

"Please, kahit 'yun lang, sagutin mo. Lagi na lang kasing nababanggit ng ibang taong nakakasalamuha natin yung mga ganyang usapin."

Napapikit ang boss niya at napahawak muna sa sintido bago siya hinarap. "Yes, magkakilala na tayo noon pa."

"May nagawa ba akong kasalanan sayo?" sunod nyang tanong, nagbabakasakaling sagutin din siya nito.

"Yes. And before you ask me what it is, just remember it first and tell me why you did that thing to me years ago."

Bigla syang natahimik sa sagot nito kaya nag-iwas na siya ng tingin sa kanyang boss. Natahimik rin ang dalawang kaharap nila kaya naman nang may kumatok sa pintuan ng opisina ng boss niya ay tahimik silang sabay-sabay na nilingon iyon.

Dumungaw sa pintuan si Sofie. "Sir Grey, natapos ko na po yung pinapagawa niyo. Pwede pong mauna na po akong umuwi?"

Boss Grey nodded. "Sure. Thanks, Sofie." Sagot ng boss niya.

Nabaling naman ang paningin ni Sofie sa kanya, "Tsaka Maiara, may naghihintay nga pala sayo sa lobby. Nakasalubong ko kanina si Matteo, sinusundo ka na yata."

"a-ano?" napatayo sya bigla saka mabilis na nagpaalam sa tatlo.

"Mauna na ho ako." sabi niya sa dalawa bago lingunin ang boss niya na mariing nakatitig lang sakanya at tiim ang bagang na para bang iritado ito o galit.

"Boss, maraming salamat po sa paggamot sa akin kanina sa allergy ko."

Tumayo ito saka pinasadahan ng kamay ang takas na buhok niya, "You can stay here for a while, mukhang hindi ka pa ok."

She refused his offer. "Hindi, boss, maayos na po ang pakiramdam ko, sigurado akong kaya ko nang umuwi."

Pero ang boss niya ay hindi nagpapigil sa pamimilit nito sa kanya. "No, you're not. So tell to that fvc—Matteo na ako na lang ang maghahatid sayo pauwi."

"Boss, hindi, ayos na talaga ako." nginitian niya ito.

"No—"

"Grey." nilingon naman ni boss ang kapatid nito at sa tinginan ay parang nag-uusap ang dalawa.

Nang ibalik ng boss niya ang tingin sa kanya ay napabuntong hininga pa ito. "Are you really sure that you're feeling well? Basta sabihan mo ko kapag nakauwi ka na at baka kung saan ka pa dalhin ni Matteo."

She nodded. "Ok boss." pagpayag niya at umalis na siya kaagad para hindi na humaba pa ang usapan at magbago ang isip ng kanyang boss. Bakit ba kasi ayaw pa syang paalisin nito?

"Babe! Buti naman at natapos ka na. Nagpareserve nga pala ako dyan sa bagong restaurant na kakabukas lang last week, masarap daw doon kaya gusto kong i-try natin. Ayos lang ba?" sinalubong siya ni Matteo ng yakap at dahil may hawak syang gamit ay hindi na nya ito nayakap pa pabalik.

Masaya syang tumango. "Oo naman."

But suddenly, she remembered her conversation with her boss earlier about going home. Hindi naman siya makakatanggi ngayon kay Matteo lalo na at pumayag na siya dito.

"Nice. Let's go?" nginitian niya ito saka iginiya siya nito sa pagsakay sa sasakyan.

Hindi niya alam kung bakit hindi nya nagustuhan ang amoy ng sasakyan ni Matteo ngayon. Para kasing may hinahanap-hanap syang amoy. Saglit nyang inisip iyon hanggang sa naalala niya ang sasakyan ng boss niya. Mas mabango nga iyon kumpara dito. Sobrang komportable rin siya doon dahil sa upuan nito at alam nyang bagong labas na sasakyan iyon at mukhang mamahalin pa kaya pati ang mga kagamitan sa loob ay komportableng gamitin.

Teka, bakit ba niya iyon pinagkukumpara? Mas mayaman ang boss niya kumpara kay Matteo kaya ganoon talaga. Tsaka nasakay lang siya ng iilang beses doon ay nagustuhan naman niya kaagad na umulit.

"Good evening, sir, ma'am." bati ng waitress sa kanila saka iginiya sila sa lamesa na ipinareserve ni Matteo.

Mapapansin ang pagka-sosyal ng paligid dito dahil sa romantic ambiance ng restaurant. Tamang-tama at saktong-sakto sa mga magkarelasyong magde-date kagaya nila. Mukhang sobrang mamahalin ang mga pagkain dito pero nang icheck niya ang menu, hindi naman pala ganoong kamahal tulad ng inaasahan niya.

Sa isang iglap, bigla syang napapikit dahil sa pagpintig pagkirot sa isang parte ng ulo nya. Isang imahe at pangyayari na naman ang muli nyang nakita.

Araw ng Linggo ay nakahiga pa rin si Aia sa kama. Dilat na dilat na siya kahit na madaling araw pa lang. Masyado kasing excited para sa lakad nila ni Ash ngayong araw. Inisip nga niya kung anong petsa ngayon at kung may okasyon ba pero wala naman. At syempre hindi rin nakaligtas sa kanya ang isiping isang linggo na silang magkasintahan ni Ash.

Noong pumasok sila ng magkasabay ay unti-unting kumalat ang balitang sila na dahil sa post ni Ash ng picture nila sa Tagaytay. Marami ang nadismaya lalo na ang mga babaeng may gusto sa boyfriend niya pero marami naman ang natuwa at sinasabing bagay na bagay sila.

"Hoy Maia, pangiti-ngiti ka pa dyan, bumangon ka na dyan at maglilinis na tayo doon sa kusina para makakain na ng agahan." pasigaw na utos sa kanya ni Lena na bagong gising lang at maghihilamos pa lang.

"Baliw na yata si Maiara, Lena." Sagot naman ni Pat na hindi nya pinansin. Good mood na good mood siya at walang makakasira nito kaagad. Hindi niya rin tuloy maiwasang isipin kung ano ang magiging reaksyon ng dalawang ito kapag nalaman na nila na magkasintahan na sila ng lalaking gusto ng mga ito.

Magwawala at paniguradong aawayin siya nito araw-araw at oras-oras dahil sa inggit at galit.

Matapos maghanda ng agahan at kumain ay ginawa niya na ang lahat ng paglilinis gaya ng paglilinis sa hardin na syang utos sa kanya ni Sister Rhea ngayong araw. Bago kasi maghapunan ay susunduin na siya ni Ash para sa date nila.

"Hmm date. Sana naman hindi na ako mahimatay sa date na 'to. Nakakahiya na eh." pakiusap niya sa sarili. The last time they went for a date, she fainted.

Pinagmasdan niya ang sarili sa full body mirror saka umikot ikot. Nakasuot siya ng kulay kremang dress na hanggang tuhod. Naglagay rin siya ng kaunting make up sa mukha. Pati na ang buhok nyang nakalugay ay tinirintas niya para hindi matabunan ang mukha niya ngunit nag-iwan pa rin siya ng kaunting hibla sa magkabilang gilid ng kanyang mukha.

"Pinapasabi ni Sister Rhea na nandyan na raw si Greyson." Pinasadahan ni Lena ang kabuoan niya. "May date kayo?"

Tumango siya. "Oo." masayang sagot niya na syang ikinairap naman ng kausap.

"Tumatakas ka lang sa mga gawain dito eh. Tsaka bakit kayo mag de-date? Kayo na ba ni Greyson?" binigyan na lamang niya ito ng magandang ngiti bago kinuha ang sling bag niya saka lumabas.

Natanaw naman niya kaagad ang kasintahan na naghihintay sa labas. Kausap nito ang iilang bata na kasama niya sa orphanage. Mahilig sa bata si Ash kaya lahat ng bata sa orphanage ay gustong-gusto at kasundo pa siya.

"Ash.."

Kaagad itong nag-angat ng tingin sa kanya na binigyan niya kaagad ng magandang ngiti.

Hinawakan siya nito sa baywang. "Love, why so gorgeous?"

"Bolero! Tara na para hindi tayo malate mamaya ng uwi" pag-aaya niya rito kaya iginiya siya nito papasok ng sasakyan.

Hindi nito sinabi kung saan sila magde-date kaya laking gulat niya nang huminto ito sa kilalang restaurant dahil sa kagandahan at kamahalan nito.

Pagpasok ay hinatid sila ng waitress sa pinareserve na table ni Ash at nang makarating sila doon ay natuwa siya sa disenyo sa ibabaw ng lamesa. May candle na mataas sa gitna saka vase na may tatlong pulang rosas. Pula rin ang tela na tila romantic ang theme noon.

Iginiya siya ni Ash sa pag-upo. "Anong meron? Bakit may paganito pa?"

"Hindi mo alam kung anong meron ngayon, baby?"

Hindi niya talaga maiwasang mamula sa kilig sa tuwing tinatawag siya nitong love or baby as endearment. Before, she finds it very corny kapag naririnig sa mga magkasintahang nakakasalubong niya or mga kakilala niya pero ngayong siya na ang sinasabihan at tinatawag non, sweet na ang dating para sa kanya.

"Hindi mo pa naman birthday ah, next month pa kaya 'yun. Hindi ko rin naman birthday ngayon dahil kakacelebrate lang natin noon sa Tagaytay last week." aniya saka nag-isip muli kung ano nga bang mayroon ngayon.

"Baby, today is our weeksary!" masayang tugon ni Ash.

"Weeksary?" tanong niya at napaisip pa siya na talaga bang kailangang sine-celebrate iyon?

"Yes, weeksary. One week na tayo, baby." Hinawakan pa nito ang kamay nyang nakapatong sa lamesa.

Natawa naman siya sa masiyahing reaksyon nito. "Kailangan pa ba talagang dito natin icelebrate ang weeksary natin? Tsaka akala ko monthsary at anniversary lang ang sine-celebrate?"

"Kung pwede nga lang ay pati ang secondsary, minutesary, at hoursary ay i-celebrate natin." biro nito na tinawanan niya rin.

"Ikaw talaga! Ayos lang naman sakin kung wala nang ganito no, gastos lang 'yan eh."

"Don't worry about it, love, ok? I just want to celebrate because this is my fvcking dream ever since we're still kids!"

Inilagay naman nya ang hintuturo niya sa labi nya, "Shh, huwag ka ngang magmura dito. Tsaka anong dream? Dream mo na magcelebrate ng weeksary dati pa?"

He smirked at her. "Yes, basta ikaw ang kasama kong mag celebrate."

"Oh, my Ash."

Dumukwang ito at hinawakan ang mga kamay ni Aia nang makita ang kasintahan na namumula sa kilig. "You're so beautiful when you're blushing. Kilig na kilig sakin ah."

"Tigil na nga! Umorder na lang tayo ng pagkain, nagugutom na ko." actually palusot niya lamang iyon para pigilin ang kilig. Dapat ay sanayin na niya ang sarili na kasintahan niya na talaga si Ash.

Masaya silang nagkukwentuhang dalawa habang tinatapos ang main course. Nag order nga rin sila ng dessert kanina pero pagkatapos na nila sa main course iyon dadalhin.

But before their desserts arrives, tumayo si Ash saka siya nilapitan. May kinuha ito sa bulsa at nakita niya ang isang singsing.

Ang singsing ay may disenyong rose gold love knot.

Biglang nagwala ang kalooblooban ni Aia sa nasaksihan. Magpopropose na ba ang lalaki? Wait, ang bilis naman!

"Ash..." halata ang gulat at pangamba sa boses ni Aia na syang tinawanan lang ng lalaki.

"Stop worrying, baby. This is just a promise ring." natutuwang saad nito.

"Promise ring?" nakahinga naman siya nang maluwag. Hindi pa siya handang pakasalan ito lalo na at bago pa lamang sila sa relasyong 'to at bata pa sila para pumasok sa panibagong yugto ng kanilang buhay.

There's always a perfect time for everything.

"Yes, I want to promise you that I will marry you someday and I will build a family with you." aniya habang unti-unti sinusuot ang singsing sa kanyang daliri.

"I know ang bilis bilis ko pero mabagal pa nga ito dahil matagal na kitang gusto. Hinintay ko lang na mag eighteen ka para ligawan na kita dahil nasa tamang edad ka na para makipagrelasyon."

Ang kamay nyang hawak hawak nito ay agad dinala sa labi para halikan lalo na ang daliri niya kung saan nito isinuot ang singsing.

"I love you so much, Aia."

"I love you too, Ash."

When she remembered that scene, she didn't know that she's whispering "I love you too, Ash." in front of her boyfriend who's very worried about her because she fainted.

She didn't know that her boss was there too. He saw what happened and his deadly eyes looked at the guy who's panicking about what happened unexpectedly to his wife.

~cutiesize31<3