Chereads / He's not just my Boss / Chapter 17 - Chapter 15

Chapter 17 - Chapter 15

CHAPTER 15 - Deal

Maiara

"Hey, babe, may problema ba?" mabilis syang nilingon ni Matteo nang magtanong ito saka binalik din ang tingin sa daan.

Kanina pa siya tahimik at nakadungaw lamang sa bintana. Masyadong maraming nangyari para sa kanya kaya hindi niya maiwasang mag-isip ng kung ano-ano.

Nilingon niya ito. "Matteo, talaga bang kilala mo ako noon pa man?"

Kaagad na tumango ito ngunit hindi siya nilingon. "Oo naman! Magkaklase rin tayo mula high school hanggang college. Bakit mo naman naitanong?"

Napakagat labi siya saka napabuntong hininga. "Masama ba akong tao dati? Kasi sa tuwing may kakilala si boss na nakakasalubong namin, galit na galit sa akin. Yung para bang may nagawa akong kasalanan sa kanila. Tapos kanina nandoon si Mrs. Pajavera, yung mommy ni boss, galit na galit din siya sakin nung nakita ako at nalaman na doon ako nagtatrabaho."

"Ano?!" sigaw nito.

"Matteo, sagutin mo nga ako." umayos siya ng upo at humarap ng kaunti kay Matteo. "Anong kasalanan ko kay Boss Grey? Bakit sila nagagalit sa akin na para bang ang sama-sama kong tao?"

"Mabuti pang mag resign ka na lang sa trabaho mo. Huwag ka na lang magpakita sa kanila at baka kung ano ang gawin sayo." aniya nang hindi manlang sinasagot ang tanong niya.

"Pero ano nga Matteo? Bakit?" pangungulit niya dito.

"Maiara, huwag ka nang makulit." Iritado nitong sambit kaya natahimik siya sa kinauupuan.

"We'll process your resignation letter tomorrow." pagdedesisyon nito.

"Ah pwede bang next next week na lang? Anniversary kasi ng AIA company, sayang naman kung hindi ako makakadalo." Ayaw nyang ipaalam na short vacation sa ibang lugar ang mangyayari dahil paniguradong kokontra na naman ito sa plano niya. Sasabihin din naman niya ang totoo, sa mismong araw na nga lang para wala na itong choice na payagan siya.

"Oo na, basta dapat pagkatapos non ay aalis ka na dyan sa trabaho mo at sa akin ka na lang magtrabaho." napatango siya na parang sunod-sunuran dito.

Kaya naman kinabukasan ay inaasahan na niyang ihahatid-sundo na siya ni Matteo. Parang overprotective naman ito ngayon sa kanya. Binilin pa na laging magtext ito sa kanya tungkol sa nangyayari sa company. Wala naman syang nagawa at baka magalit pa si Matteo sa kanya.

Hindi niya maiwasan yumuko at takpan ng buhok ang kanyang mukha pagpasok sa building. May iilan kasing katrabaho niya ang nakasaksi sa nangyari kahapon at paniguradong kalat na iyon sa buong kompanya.

"Good morning, Maiara! Nasa loob ba si Grey?"

"Hi, Miss Arthea. Yes, nasa loob po si boss. Wait po sabihan ko lang po, baka busy eh." pinindot niya ang intercom saka ipinaalam na narito si Miss Arthea.

"Yeah, Let her in."

"Ok, boss." nilingon niya naman ang nakangiting si Arthea. "Ok na po, Miss. Pwede na kayong pumasok." nagpasalamat na lamang ito saka pumasok sa opisina ng boss niya.

Greyson

"Hey, Arthea, where are you?"

"Saglit nga, Grey" nabosesan niya ito na kakagising lang dahil mahina ang boses nito at pabulong na sumagot lamang. "Ano bang problema at napatawag ka?"

"I need your help." diretsahan nyang sagot.

Narinig pa niya sa background nito ang pagbukas-sara ng pintuan bago sumagot sa kanya. "Anong tulong naman 'yan?"

"I think magandang gawin natin ang napag-usapan natin nila mom kahapon."

"What? Sigurado ka?" gulat nitong tanong.

"Yes. Kung gagawin natin 'yon ay maiisip ni Maiara na naka move on na ako dahil pinagpalit ko na siya sayo. You know girls, kapag galit saka sasabog sa galit at lalabas ang totoong ugali." He smirked.

It's actually true. Minsan, nasasabi ng mga tao ang totoo kapag sabog na sila sa galit at doon na rin lalabas ang totoong kulay nito. He needs to try it to Maiara para malaman ang totoo habang naghahanap pa siya ng private investigator.

"Basta ba tutulungan mo rin ako ah."

"Deal. Ano bang maitutulong ko sayo? Paaaminin ko ang kapatid ko tungkol sa feelings niya sayo? Hindi pa ba obvious? O baka naman gagawin niyo akong tulay?" natatawa nyang tanong dito.

"Hoy! Tigilan mo ko ah. Nakakabwisit 'yang kapatid mo, sunod ng sunod! Tsaka hindi iyan ang tulong na gusto ko."

"Fine. What is it?"

"May mga connections ka diba? Kaya mo bang hanapin ang taong nawawala two years ago? Nakilala ko kasi siya dati at nanghingi siya ng favor kaso hindi ko naman naituloy gawin. Kailangan ko syang mahanap dahil yung pangalan ng pinapabantayan niya sakin eh naiwala ko naman." Paliwanag nito at napatango-tango naman siya. Hindi naman siguro mahirap 'yon.

"Ok. Sabihin mo sa akin ang pangalan after our deal, baka hindi ka tumupad eh."

"Oo na. Sige pupunta na ako dyan."

"Ok, see you."

Pagkababa ng tawag ay tinutok na nyang muli ang atensyon sa laptop niya. Naghahanap na kasi siya ngayon ng panregalo kay Sky para sa kaarawan nito na dalawang buwan na lang ang hihintayin. Para kung nakapili siya at sa ibang bansa pa ito manggagaling, sakto ang dating nito at aabot sa birthday ng anak.

He wants the best for his son so he's thinking about having a surprise birthday party for him.

Gusto niya sanang regaluhan ito ng kakaiba at hindi na puro laruan. May mabibilhan naman sila ng laruan dito sa Pilipinas at isa pa ay punong-puno na ang kwarto nito.

Ilang minuto pa at biglang sumagi sa isipan niya ang pagbili ng aso. Since his son is turning four, he doesn't want to buy him a big dog. Baka mamaya ay dambahin pa nito ang anak niya.

So, he ended up choosing between Pomeranian Dog and Cavalier King Charles Spaniel.

"Boss, Ms. Arthea is here. Papapasukin ko na po?" he heard his personal assistant in his intercom.

"Yeah, Let her in."

"Ok, boss." she answered and he waited for Arthea. Nagtaka pa siya dahil halos kalahating oras lang ang pagitan mula nang tumawag siya.

"Hey, ang bilis mo naman?" bungad niya dito.

Hinawi nito ang buhok. "Nandyan lang ako sa malapit nang tumawag ka." Naupo ito sa sofa malapit sa kanya saka inayos ang sandals na suot. Napansin din niya ang hindi gaanong ayos na pagkakapusod nito ng buhok at ang polo shirt nito ay hindi pa ayos ang collar.

"Mukhang madaling-madali ka ah? Saan ka galing?"

"May tinakasan lang." iwas ang tinging sagot nito.

He smirked when he realized something, "Kapatid ko ba ang tinakasan mo?" pinagmasdan pa ni Grey ang itsura ng babae. "Wait, you're with him last night? Alam kong umuwi siya pero hindi ko alam kung nasaan naman siya." Lumaki ang ngiti niya at hinuhuli ang paningin ni Arthea. "May pamangkin na ba akong reregaluhan sa pasko?"

"Argh!! Stop it, Grey! Kundi ay hindi kita tutulungan sa gusto mong mangyari." babala nito.

"Then, I will not help you too finding that important person you are looking for." Paalala niya at nakita niya ang iritado nitong mukha. Natawa na lamang siya nang bawiin nito ang sinabi saka nakapikit na sumandal sa sofa na parang pagod na pagod.

"Masyado ka bang pinagod ng kapatid ko? Well, Pajavera's are really insatiable when it comes to that thing." nakangisi niyang tugon dito.

Biglang binato siya ni Arthea ng sling bag nito na mabilis nyang nasalo. "Ako nga ay tigil-tigilan mo. Tell me all your plans and after that padalhan mo na ako ng pagkain kay Maiara para masimulan mo na ang plano mo. Gosh, I'm so hungry!"

Habang sinasalaysay niya ang plano niya ay hindi maiwasang magreklamo ni Arthea sa ibang gagawin kaya naman naiba rin ang buong plano na pinangungunahan ni Arthea.

"Siguraduhin mo lang na gagana 'to, Arthea, kundi itatali kita sa kapatid ko para hindi ka na makawala."

"I'm very sure, Grey. Alam mo naman kaming mga babae, konting haplos lang ng ibang babae sa mahal namin ay sumasabog na sa galit ang kalooblooban namin." taas-baba pa ang kilay nito.

He sighed before clicking the intercom and talking to Maiara.

Maiara

"Bring us some food here, Maiara. Buy Pasta and Pizza in Yellowcab, it's Arthea's favorite."

"Ah yes, boss, noted." kaagad nyang tinawagan ang delivery hotline ng fast food chain saka hinintay ito ng halos kalahating oras.

Kaagad nyang tinungo ang opisina ng boss niya. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago marinig ang boses ng boss niya.

"Come in."

Nadatnan niya ang dikit na dikit na nakaupo ang kanyang boss at si Miss Arthea. Nakayakap sa braso ng boss niya ito habang nagbubulungan pa at nagtatawanan. Hindi niya alam kung bakit parang may kumurot sa dibdib niya dahil sa nasilayan. Baka inggit lang siya sa ka-sweet-an ng boss niya at ng babae kaya ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon.

"Here's your food po. Pasta and Pizza from yellowcab."

"Thanks" maikling tugon ng boss nya na saglit lang siya binigyan ng tingin kaya naman hindi nito nakita ang mata nyang nakatitig sa kamay ni Arthea na nakayakap sa braso nito.

"Ewan ko ba at parang gusto kong putulin yung kamay na 'yon ni Miss Arthea." aniya sa kanyang isipan.

"Maiara, you can leave now." muntikang napatalon siya sa gulat nang marinig medyo malakas na boses ng kanyang boss. Dali-dali syang yumuko saka lumabas ng opisina.

Saktong pag-upo naman niya nang tumunog muli ang intercom.

"Maiara, ikuha mo kami ng juice sa pantry. Arthea likes orange juice."

"Yes, boss."

Mabilis niya itong sinunod muli at nang pumasok siya sa opisina ng boss niya ay naabutan nyang magkalapit ang mukha ng dalawa at akmang maghahalikan na.

Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isipan niya at pinutol ang binabalak ng dalawa sa pamamagitan ng pekeng pag-ubo niya para malaman na naroon na siya.

"Here's your juice, boss, ma'am." nakangiti siya habang ipinapatong ang juice sa table.

"Thanks." ngayon ay si Arthea naman ang nagpasalamat habang ang boss niya ay nakahilig ang ulo sa balikat nito.

Ang lalandi naman.

Paglabas niya ay saktong tumunog ang elevator at lumabas doon ang isang lalaki na nakilala niya. Ang kapatid ng kanyang boss. Matalim ang titig nito at parang toro na nakatingin sa target nito, ang opisina ng boss niya.

"Sir, wait sabihan ko lang po si boss kung pwede kayong pumasok, may kasama po kasi siya sa loob, girlfriend po yata niya 'yon" pigil niya sa lalaki pero hinawi lang ang kamay niya saka dire-diretsong pumasok sa loob. Hindi na siya nakasunod dahil padabog nitong sinara ang pintuan. Ayaw nyang makigulo kaya naghintay na lamang siya sa labas.

Greyson

"Ayan, wala na siya, pwede bang lumayo ka na ulit?" mabilis na tumayo si Grey palayo kay Arthea na nakangiwi at parang diring-diri sa presensya niya.

"Diring-diri? Bakit? Yung kapatid ko lang kasi gusto mong niyayakap?" asar niya dito.

"Heh! Tigilan mo nga ako dyan. Pasalamat ka na lang at mukhang umeepekto ang plano natin. Nakita ko kanina na ang sama ng tingin niya sa kamay kong nakayakap dyan sa braso mo, parang gustong putulin eh." natatawa nitong sambit na syang ikinagulat niya.

"Really? You think she's jealous?"

"A hundred percent sure! Tsaka yung next naman ay nung nag fake cough siya tapos nahuli ko ang mata niya! Halata ang sakit at selos, Grey! See? I'm so smart!"

"Smart? Sure kang hindi ka globe?" asar niya ditong muli kaya hinabol siya nito.

"Sasabunutan na talaga kita!" Nang mahuli siya nito ay sinabunutan nga siya nito. Nakasalampak na siya sa lapag habang ito ay siyang-siya pa sa pananabunot sa kanya.

Natigilan lang sila pareho at sabay na napatingin sa pinto nang marahas itong binuksan at sinarado.

"Wow, I can't believe it! Talagang iniwan mo ako para lang pumunta dito? Bakit? Type mo ba 'yang kapatid ko, Arthea?!" dire-diretsong pang-aakusa ng kanyang kapatid.

"Type agad, Kuya? Kita mo nang para akong papatayin nitong babaeng 'to eh." aniya habang inaalis ang mga kamay ni Arthea sa buhok niya.

"Hoy! Huwag kang mag akusa agad kundi lalayasan kita ulit. Humingi lang yan ng pabor tsaka may deal kami. I need his help too, give and take lang."

Masama pa rin ang mukha nito. "Bakit hindi kasi sa akin humingi ng tulong? Bakit sa kanya pa?" dinuro pa nito ang kapatid na nag-aayos ng buhok.

"Eh bakit ba? May magagawa ka ba sa desisyon ko?"

"Wala.." bulong nito saka nilapitan naman ni Jackson si Arthea para yakapin.

"Huwag mo nga akong yakapin. Inis pa ako sayo, Jackson. Myghad! Ang sakit pa ng buong katawan ko dahil sayo!" iritadong tugon ni Arthea habang kumakalas sa pagyakap sa kanya ni Jackson

"Sorry, but I know that you really enjoyed it kaya ayos lang 'yan." ngising tugon ng kapatid niya.

Hindi na nakatiis si Grey sa mga naririnig nya kaya sinigawan niya na ang dalawa, "What the hell? Talagang dyan pa kayo nag-usap tungkol dyan? Hindi na kayo nahiya sa akin."

"Can't relate, bro?" Jackson smirked.

"Fvck you." mura niya pero tinawanan lang siya na kaagad naputol.

"Teka nga, baka nakakalimutan niyo hindi pa kayo nagpapaliwanag sa akin kung anong ginagawa niyo. Iniiba niyo ang usapan ah!" Nilingon nito ang inaakbayang si Arthea saka pinisil ang ilong "Lalo ka na, baby ko."

"Stop it. Eto na nga..." and then Arthea and Grey tell their plan from the start up to end.

"So that's all, bro. We made a deal kung saan kaming dalawa rin ang makikinabang." aniya at masamang tingin lang ang nakuha niya mula sa kapatid.

"Tangna Grey. Kailangan talagang maglalambingan pa kayo?"

Itinaas nito ang dalawang kamay. "It's not my idea, It's Arthea's."

Bago pa man makapagsalita ang kapatid ay inunahan na ito ng babae. "Oh bakit? May angal ka?"

"I'm just sayin' that huwag sana masyado sweet, I'm jealous, baby." ibinaon pa nito ang mukha sa leeg ng babae.

"Wait, you're jealous?" hindi makapaniwalang tanong ni Arthea.

"Hmm hmm." ani ng kapatid niya sabay tango.

"Pabebe ka kuya!" hindi niya mapigilang sigaw sa kapatid na parang baby damulag.

"Atleast ako may baby." balik sa kanya ni Jackson.

Nairita naman si Grey sa kapatid dahil sa sinabi nito ngunit bago pa niya sigawan ito ay tumunog ang intercom niya.

"Boss, may delivery pong flowers dito para po kay Miss Arthea. Dalhin ko na po ba dyan?"

He clicked his intercom and answered his personal assistant. "Yes."

"Ok, boss." After that, Jackson shouted.

"P*tangina, Grey! Bakit may pabulaklak pa? Ako lang ang pwedeng magbigay sa kanya ng bulaklak!" sinugod siya ng kapatid kaya naman napatakbo siya papalayo dito. Kaagad naman nyang hiningan ng tulong si Arthea na syang sumunod kaagad at niyakap sa likuran ang kapatid nyang nagwawala.

"It's my idea. Don't be mad at your brother, ok?" malambing nitong sabi kaya kitang-kita niya kung paano rin umamo ang mukha ng kapatid.

Natigilan sila pare-pareho nang may kumatok at naalala ni Grey na si Maiara na iyon kaya agad nyang hinila si Arthea sa sofa kung saan sila nakaupo kanina habang si Jackson ay naiwang nakatayo at masama ang tingin sa kanya.

"Come in, Maiara." sigaw niya saka inakbayan si Arthea.

Kaagad naman pumasok si Maiara at nagtaka sila pare-pareho dahil nakataas ang kamay nitong hawak-hawak ang bulaklak tapos ay nakatakip pa ng panyo ang ilong nito.

"Is there any problem, Maiara?"

Mabilis nitong tinanggal ang panyo para magsalita ngunit bumahing lang siya ng bumahing.

"Allergic... yata... ako... boss." sa bawat salita ay may pagbahing siya ngunit naintindihan niya kaagad ang sinabi nito.

"You're allergic to flowers?" takang tanong ni Jackson at tiningnan si Grey an para bang nagtatanong kung bakit walang alam si Grey sa nangyayari.

Binulungan naman ni Grey si Arthea. "Anong bulaklak ang inorder mo, babae?"

"Hindi mo ba kilala ang bulaklak na 'yun? Daisy na may isang sunflower na bouquet." turo nito sa bulaklak na hawak na ngayon ni Jackson para iiwas iyon kay Maiara na patuloy ang pagbabahing.

"What?!" And then he remembered that Maiara is allergic to those flowers. Especially the sunflower.

"Damn it! Throw away that flower, Kuya!" nilapitan niya si Maiara na walang tigil ang pag-ubo hanggang sa nanghina na ito at napakapit sa kanyang boss. Mabilis naman na kinuha ni Grey ang juice niya saka pinainom kay Maiara para mahimasmasan kahit papaano at saka dinala niya ito pagkatapos sa private room na parte ng kanyang opisina. Alam na niya ang gagawin at may nakatago pa rin namang gamot sa isa sa mga bag niya na naroon para kay Maiara, in case of emergency when they were still together.

"I'm sorry. I'm sorry." paulit-ulit niyang paghingi ng paumanhin habang ginagamot niya ito.

Sinisisi niya tuloy ang sarili ngayon dahil sa plano niya. Kung hindi lang niya ito sinimulan pagselosin at kinasabwat si Arthea ay baka wala sa ganitong kalagayan ang asawa.

Hinaplos niya ang mukha nito nang makitang nakatulog na ito ngunit lumakas ang kabog ng dibdib niya lalo dahil sa pangalang binanggit ng asawa na narinig niya mula dito.

"Ash..."

~cutiesize31<3