Chereads / He's not just my Boss / Chapter 16 - Chapter 14

Chapter 16 - Chapter 14

CHAPTER 14 - Auntie

Maiara

Ang three days, two nights stay nila sa Camaya Coast Beach Resort ay naudlot. Kaagad kasi silang nagpasyang umuwi matapos ang sagutan ng boss niya kaya ngayon ay inabot na sila ng gabi sa daan.

Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng matinding lungkot at sakit matapos ang nangyari. Pakiramdam niya ay gusto nyang ilabas ang lahat ng iyon sa pamamagitan ng pag iyak.

"Ah boss dito na lang po ako." turo niya sa Baliwag Transit na nasa tapat lamang ng mall na syang malapit rin sa AIA.

"Saan ka nakatira? Ihahatid na kita." he insisted.

"Hindi na, boss---" biglang tumunog ang telepono niya na nakacharge sa sasakyan. Sinagot niya kaagad ito nang makita nyang si Matteo ang tumatawag.

"Nasaan ka na? Gabing-gabi na, babe, wala ka pa rin?" pambungad nitong tanong sa kanya.

"Nandito na ako sa babaan sa tapat ng mall, pauwi na." sagot niya dito.

"Ok, babe, susunduin kita dyan."

Nang ibaba niya ang tawag ay kinuha niya kaagad ang iilang gamit niya gaya ng wallet at cellphone bago harapin ang boss na syang nakatingin sa kanyang bawat kilos.

"Boss, dyan na lang po ako, susunduin ako ni Matteo." iginilid naman nito ang sasakyan ngunit bago siya bumaba ay nagsalita ito.

"You and Matteo.. gaano na kayo katagal?"

"Nine months po, boss."

"Nine months.. hmm tagal na din pala." napatango tango ito "Paano naman kayo nagkakilala?" dagdag na tanong pa nito.

"Two years ago noong nagising ako after 7 months mula sa comatose. Tatlong buwan akong naka fully recovered at pagkatapos no'n, after 2 months, bigla syang dumating sa hospital at nagpakilalang matalik kong kaibigan. Nagpakita siya ng pictures namin, class picture ganun kaya naniwala naman ako. Siya rin ang nagbayad ng hospital fee ko noong panahong iyon kaya sobra ko syang pinagkatiwalaan at pinasalamatan tapos inalagaan niya rin ako hanggang sa niligawan na rin niya ako ng ilang buwan."

"Really? He introduced himself as your close friend?" hindi makapaniwalang sambit nito.

Tumango siya. "Oo, tsaka nagkwento siya ng mga bagay na tungkol sa akin at sa nakaraan ko. Wala akong maalala at dahil sa pictures na pinakita niya na magkasama kami, naniwala na ako." paliwanag naman niya.

"Well, sinabi ba niya kung sino ka talaga? What if your surname is not really Aurino anymore?"

"A-anong ibig mong s-sabihin? Tsaka sabi niya ako talaga si Maiara Quinn Aurino. Wala na akong magulang at lumaki ako sa orphanage pero nanirahan ako mag-isa nang tumuntong na ako ng college."

Pagkatapos nyang ikuwento ang nalalaman niya na sinabi sa kanya noon ni Matteo ay wala siyang natanggap pang muling sagot sa kanyang boss, ngunit naririnig naman niya ang pabulong nitong pagmumura na syang hindi na niya inintindi pa.

Bakit kaya galit na galit ang boss niya?

Bago pa siya makapagtanong kung bakit ganoon ang reaksyon nito ay kaagad na syang pinababa ng sasakyan nito at hindi rin nagtagal ay humarurot na ito palayo. Mabuti na lang at hindi siya nagtagal sa paghihintay kay Matteo na sunduin siya.

Greyson

Napasabunot sa kanyang buhok si Greyson dahil sa sobrang inis.

So all this time, Matteo is brainwashing her wife? And really? He is his wife's close friend? Sa pagkakaalala niya ay siya lang ang matalik na kaibigan ng asawa niya noong bata pa sila hanggang sa nag-aral sa parehong university at naging mag asawa.

Mabilis syang nagtungo papasok ng bahay. Hindi na pinansin ang mga guwardya at kasambahay nang magtungo paakyat sa kwarto ng anak.

"Daddy!" sinalubong siya ng anak nya ng isang mahigpit na yakap na mabilis nyang tinugon. Binuhat niya ito pabalik sa kama nito at tabi silang nahiga.

"Sky, namimiss mo ba ang mommy mo?" wala sa sariling tanong ni Grey sa kanyang anak.

"Hmm. Hmm" Sky nodded. "But mommy is bad. Mommy huwt (hurt) me." malungkot nitong sambit.

Napatango-tango si Grey sa sinabi ng anak dahil naiintindihan niya ito. "You don't love mommy anymore because he hurt you when you're still a baby?"

"I love daddy more," Sky hugged him.

Natawa naman siya at niyakap din ng mahigpit ang anak. "I love you more, my son."

At dahil sa naglambing bigla ang anak nya sa kanya, nagpasya silang matulog ng magkatabi. Pinagbigyan niya na lamang ito dahil baka sa susunod ay hindi niya na ito mapagbigyan dahil sa pagka busy sa kompanya.

Binasahan niya ng librong The Little Prince si Sky dahil iyon ang paborito nito hanggang sa makatulog ito. Saglit pa niyang pinagmasdan ang anak saka hinalikan ang noo nito.

Halos lahat ay nakuha nito sa kanya. Tanging ang namana lamang ni Sky sa ina nito ay ang kulay ng mga mata at labi nito at pagkatapos ay puro sa kanya na lahat nagmana, kasama na roon ang kilos at ugali. Little boss Grey ika nga ng kanyang ina.

Ilang minuto ang nagdaan hanggang sa sumagi sa kanyang isipan ang nangyari kanina. He needs answers about what really happened to his wife so he started dialing Atty. Justus' number, his personal lawyer slash friend.

"Ano ang kailangan mong istorbo ka?!" sigaw ng nasa kabilang linya.

Nagtaka siya sa galit na pagsagot nito pero sinabi pa rin ang pakay niya. "May itatanong lang ako, bro."

"Ano?! Hindi ba makakapaghintay yan?" hindi makapaniwalang sagot ni Justus sa kanya.

"Ahmm I think? I need a private detective or investigator, may kilala ka ba?"

"Bwisit Greyson Pajavera! Bukas ko isesend sayo lahat ng pangalan ng kakilala ko, istorbo ka sa amin ni Sunny ko!" mukhang nakuha niya na kung bakit ito galit na galit na sumasagot.

"Bumabawi lang bro. Baka nakakalimutan mong iniistorbo mo rin kami ni Aia noon." he smirked when he remembered those days when Justus would disturb their husband and wife time.

"At dahil doon ay mang iistorbo ka na araw-araw sa amin? Iboblock talaga kita, Pajavera." sabay putol nito sa tawag na syang ikinatawa ni Grey.

Maiara

Halos hindi na magkandaugaga ang lahat dahil sa dami ng trabaho ngayong araw. Gusto raw kasing matapos na ang lahat ng trabaho para next week ay pahinga sila dahil nagpababa ng memo ang CEO na magkakaroon sila ng short vacation para sa selebrasyon ng anniversary ng AIA Company.

Pinagbotohan kasi iyon ng lahat. Kung short vacation na syang libre ng boss ang lahat ng gastusin or tuloy pa rin ang trabaho ngunit may dagdag na sweldo. Syempre dahil sa sobrang stressful ang work, mas pinili ng karamihan ang pagbabakasyon kahit ilang araw lamang.

"Excuse me, Miss. Where is your boss?" isang tinig ng babae ang narinig niya kaya agad syang nag angat ng tingin dito. Babaeng sa tingin niya ay nasa mid 40s or early 50s, fashionista, at mukhang mabait dahil na rin sa may pagka mahinhin nitong boses.

"Ahmm sino ho sila? May appointment po ba kayo si Boss Grey?"

Dinuro siya nito na syang ikinagulat niya. "You! Hindi mo ba ako kilala? And what are you doing here?! After what you have done, may mukha ka pang kayang iharap dito? Ganyan ba talaga kakapal ang pagmumukha mo, Maiara?!"

Ang kaninang mahinhin nitong boses ay nagbago, ganun din ang kalmadong mukha nito na ngayon ay para bang gusto siya nitong saktan at kaladkarin palabas ng gusali.

"Ma'am.." pigil nya dito nang akma siya nitong susugurin. Mabuti na lang din at dumating si Sofie kaya naawat nito ang ginang.

"Mrs. Pajavera! Nasa meeting pa po si Sir Grey, but you can wait for him in his office." nakangiting bati ni Sofie sa babae at nanlaki ang mata ni Maiara nang mapagtantong ina ito ng kanyang boss.

"Sofie! Bakit nandito ang babaeng iyan! Does my son know about this?!" dinuro duro pa sya nito.

"Maiara is Sir Grey's personal assistant, Mrs. Pajavera." magalang na sagot nito at kahit nasigaw pa ang ina ng kanilang boss ay nakangiti pa rin ng maganda si Sofie.

Binigyan siya ng masamang tingin ng ginang. "Ang lakas naman ng loob mong magtrabaho sa kompanya ng anak ko matapos ng ginawa mo sa kanila noon! Aba! Wala ka manlang bang kahihiyan?" sigaw nito sa kanya kaya napapikit siya saglit.

Umiling siya. "Ma'am, I am sorry, I don't know what you're talking about—"

"Grandma! Grandma! Let's go to Daddy! I miss daddy!" sigaw ng batang si Sky ang pumutol sa sasabihin niya sa ginang. May dala itong backpack at laruang bola saka yumakap sa binti ng kanyang lola.

Ang kaninang masamang tingin sa kanya ni Mrs. Pajavera ay napalitan ng magandang ngiti nang harapin nito si Sky at ang babaeng kasunod nito.

"Oh you're here, Arthea. How's flight?" masayang bati ng ginang sa babae.

"I'm fine, tita. How about you?" nakangiting tugon ng babae.

"I'm fine too pero may biglang sumira ng araw ko." saka siya nilingon nitong muli kaya napatingin din ang babaeng nagngangalang Arthea sa kanya.

"Hello, you are?"

"I'm Maiara, Boss Grey's personal assistant. Nice meeting you, ma'am"

"I'm Arthea Malonzo—"

"She's my son's girlfriend." sambit ng ginang saka hinawakan ang kamay ni Ms. Arthea at ni Sky patungo sa opisina ng kanyang boss.

"Maiwan na kita dyan, Maiara ha. Tsaka bakit hindi mo kaagad sila pinapasok? Nagalit tuloy si Mrs. Sunshine Pajavera sayo." napailing-iling pa ito.

"Pasensya na, hindi ko alam na iyon pala ang mommy ni boss"

"Hay.. saang kweba ka ba nanggaling at hindi mo kilala ang pamilya Pajavera? Pribado man ang iilang impormasyon sa kanila, kilala pa rin sila dahil sa galing nila sa negosyo. Ang asawa lang naman ni Boss ang hindi pa nakikita ng karamihan kasi hindi masyado pinapa-expose ni Boss ito sa publiko para daw hindi guluhin ng media ang buhay no'n. Pero ang alam ko ay tanging mga business partners, friends, and families lang ang may kilala ng personal sa asawa ni boss." pagkatapos nitong magpaliwanag ay kaagad na itong bumalik sa table nito kaya bumalik na rin siya sa trabaho.

Greyson

"Greyson! Anong ginagawa ng babaeng iyon dito sa kompanya mo? Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya sayo?" bungad ng kanyang ina pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina niya nang matapos ang ilang meetings na dinaluhan.

"Of course not, mom. Hinding-hindi ko nakakalimutan ang lahat ng 'yon." sagot niya saka tinungo ang anak na nakaupo sa sofa. Kinuha niya ang bag na dala ng anak saka inilabas ang ipad at earphones nito para hindi marinig ng anak niya ang pag-aaway nila ng kanyang ina.

"Ayon naman pala, Grey! Bakit mo pa rin siya tinanggap dito to be your personal assistant?" nakataas ang kilay nitong tanong at nakapamaywang pa.

"As much as I want to fire her, I can't."

"You still love her?! My god, son! She left you and my apo para sumama sa mga lalaki niya!"

"Mom, hindi natin alam ang totoong nangyari, but don't worry, naghahanap na ako ng taong pwedeng mag imbestiga tungkol sa nangyari kay Maiara two years ago."

"Ano pa ang hindi natin alam, Grey? Tell me what's going on!"

Grey sighed and walked towards the single sofa in front of his mom. "She met with an accident two years ago and she can't remember anything, including us and of course our memories together."

"And how did you know that? Tinablan ka na naman ng acting skills niya." pairap na ani ng kanyang ina.

"Never, mom. But I've talked to her doctor accidentally regarding her case. And it's true that she met with an accident, that's why she has amnesia now."

"What?" sabay na tanong ni Arthea at ng kanyang ina.

"Kapag may nakuha na akong taong mag-iimbestiga, lahat ay aalamin ko pati na ang records niya sa kung saang hospital siya ginamot para mapatunayan pa rin natin kung totoo ba ang lahat ng ito o mga kasabwat niya lang ang taong nakasalamuha ko."

"Do it as soon as possible, son. Masakit para sa apo ko na wala itong kinikilalang ina. And as your mother and your wife's mother-in-law, I need her explanation."

"Yes, mom." after that, Grey looked at Arthea. "Oh kamusta? Nasaan ang kapatid kong sunud-sunuran sayo? Himala at hindi nakabuntot sayo ngayon."

"Hindi naman niya alam na kasama ako ni tita na pumunta dito."

"Isa pa 'yang si Jackson! Hay nako, walang ginawa kundi magliwaliw at sundan itong si Arthea." napapailing na sambit ng kanyang ina.

"How did you know about Arthea, mom?" Grey curiously asked his mother.

"Well, narinig ko sa kapatid mo ang pangalan niya. Nalaman ko rin kung sino ba talaga si Arthea noong hinatid kami ni Jackson sa airport noong magbabakasyon kami ng Dad mo. Arthea's a nice woman. I want her to be my daughter-in-law too kaso ang kupad ng kapatid mo. Hindi ko naman kayo tinuruan na maging torpe." Pailing-iling pa ang ina niya at pati siya ay natawa. Nilapitan ng ina niya si Sky kaya tinanggal ni Sky ang earphones niya at pinatay ang gadget na hawak nito.

"Grandma, when can I go to school?"

Hinaplos ng ina ni Grey ang ulo ng kanyang anak. "How about next month? Sakto at malapit na ang pasukan this school year."

Nakita niya ang pagliliwanag sa mukha ni Sky. "Really?"

"Mom, he's just 3 years old." ang alam kasi ni Grey ay kapag 4 years na ang bata ay saka pa lang ito tatanggapin sa eskuwelahan.

"My apo is a genius, tatanggapin iyan kaagad sa university natin. Besides, bago ang pasukan ay magbi-birthday na siya and four years old na siya."

"Fine." wala nang nagawa pa si Grey nang makita ang kasiyahan at excitement sa mukha ng anak. He promised that he will do everything for his son to be happy.

Maiara

Nang dumating na ang pinadeliver na lunch para kila boss ay agad iyong hinatid ni Maiara sa opisina. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang masasamang titig ng ina ni boss Grey habang si Arthea ay tinititigan pa ang mukha niya.

"Nasa labas lang po ako kung may kailangan pa kayo." inilapag niya ang pagkain sa lamesa at akmang aalis na nang magsalita si Arthea.

"Wait, have we met before? Familiar ka kasi sa akin."

Umiling siya dahil hindi naman niya nakilala pa mula noon si Arthea. "No po, Miss."

"Oh.." halata sa mukha nito ang pagkadismaya ngunit tumango pa rin ito sa kanya.

"You can leave now, Maiara." ani ng ginang na mabilis naman nyang sinunod.

Inasikaso niya kaagad ang presentations na ginagawa ngunit sumasagi pa rin sa isipan niya ang iilang nalaman.

Hiwalay na ba si Boss tsaka asawa niya? At may bagong girlfriend kaagad si boss? Si Miss Arthea?

Napailing iling na lang siya sa iniisip at isinantabi muna ang mga iyon dahil hindi siya matapos sa ginagawa. At isa pa, personal na buhay iyon ng kanyang boss na hindi niya dapat pakielaman.

Sa gitna ng ginagawa niya ay nakaramdam siya ng pagkangawit kaya tumayo siya saka nag inat. Natigil lang siya nang bumukas ang pintuan ng opisina ng boss niya kaya dali-dali syang naupo sa upuan at mabilis na nagtype muli. Ngunit, nang tingnan niya uli ang gawing opisinang iyon ay si Sky lang pala ang lumabas.

"Where are you going, Sky?" tanong niya dito.

Natigil ito sa pagpapatalbog ng bola na hawak nito. "I want to play outside."

"Ok." pero saglit syang napaisip ng mga negatibong pangyayari kung mag isa lang lalabas ang bata kaya nagpasya syang samahan ito pababa. Tutal ay pwede pa naman niyang ituloy ang ginagawa dahil sa susunod na araw pa ang deadline nito.

"Gusto mo samahan kita? Baka mapaano ka pa eh." pagbibigay suhestiyon niya rito.

"Ok!" kaya naman sinave niya muna ang ginawang presentation saka sabay silang sumakay ng elevator pababa.

Kaagad na tumakbo si Sky palabas ng building at tinungo ang gawi papuntang AIA subdivision. Napatakbo na rin siya dahil sa bilis ni Sky at hindi na pinansin kung manakit ang paa sa heels na suot basta huwag lang mawala sa paningin niya ang bata.

"Wait for me, Sky!" sigaw niya.

"Come on, I want to play there!" turo nito sa playground na syang malapit na nilang marating. May iilang bata rin doong naglalaro at nang makita si Sky ng mga batang iyon ay binati siya nito. She guessed it's his friends here in subdivision.

Naupo na lamang siya sa swing saka tinanggal ang heels dahil sa pagod na pagtakbo kanina. Pinanood niya na lamang si Sky na nakikipaglaro sa mga bata at natutuwa siya dahil sa kakulitan ng mga ito.

"Hi, are you Sky's mommy?" napalingon sya sa maliit na tinig ng batang babae na sa tingin nya'y halos kaedad lang ni Sky.

Umiling siya. "No." at binigyan niya ito ng tipid na ngiti.

"Oh, then who are you po?" tanong pa nito.

"I'm Maiara. You can call me Ate Maia if you want."

"My name is Amanda Grace po. And Auntie Maia na lang po, I have ate already eh." natuwa naman siya sa bata dahil na rin sa kacute-an nito. Napansin niya na magulo na ang pagkakatirintas sa buhok nito kaya pinalapit niya ito sa kanya.

"Pwede ko bang ayusin yung buhok mo? Ang gulo na oh."

"Yes!" agad nyang inayos ang buhok nito saka tinirintas ang buhok nito. Kaya nga gusto niya ng batang babae na inaayusan dahil marami syang nagagawa dito mula sa buhok hanggang sa kasuotan nito.

"Kapag ako nagkaanak, ganito rin sana ka cute kamukha ni Amanda. Kung lalaki naman, katulad din sana ni Sky." piping hiling niya.

"It's done! Look, Amanda." nilabas niya ang telepono niya at pinindot ang camera para makita nito ang sarili.

"Wow, it's pretty! Thank you Auntie Maia!" tumakbo ito papalapit sa mga batang naglalaro kung nasaan din si Sky. Tatlong batang babae at tatlong batang lalaki ang nandoon. Hula niya ay may kambal doon na batang babae at lalaki dahil magkahawig ito. Sa anim na bata, may isang batang babae na sa tingin niya pinakabata dahil may yaya pa itong nagbabantay at nag-aasikaso dito.

"Tin! Ara! Look at my hair!"

"Wow!" ani ng batang babae na hawak ng yaya nito

"Pretty!" sigaw naman ng kalaro nila Sky.

Tuwang-tuwa siya sa mga bata na narito dahil mukhang malalaki na ang mga ito kung umasta. Tuwid na ang mga itong maglakad at tumakbo. Pati na ang pananalita ay tuwid na rin ngunit may ibang salita pa ring nabubulol ang mga ito kaya hindi niya maiwasan matuwa sa mga ito.

Lumapit muli sa kanyang gawi si Amanda. "Auntie Maia, braid niyo din po si Tin."

"Hi Auntie Maia!" kumaway ang batang nagngangalang Tin.

"Hello! Tara dito" pinalapit niya ito sa kanya saka sinimulang ayusan.

"Ilang taon na kayong dalawa?" tanong niya dito.

"Four po ako, Auntie." - Amanda

"I'm four!" – Tin

"Are you Sky's friend?"

"Yes, Auntie." sagot ni Amanda

"How about that little girl? How old is she and what's her name?" turo niya sa bata na kumakain ng biscuit habang nakatingin sa kanila. Nakakandong rin ito sa yaya niya at mukhang mahiyain.

"She's Ara, 2 years old po." sagot ni Amanda sa kanyang tanong.

"Oh.." kaya naman pala, ito pala ang bunso sa mga magkakaibigan.

Nang matapos nyang ayusan rin si Tin ay tumingin syang muli sa gawi ng batang si Ara. Napangiti siya nang makitang nilalaro na ito ni Sky habang ang dalawang batang lalaki ay naghahabulan papunta sa slide.

Inilabas niya muli ang camera para makita ni Tin ang itsura ng buhok nito. "Look at you, Tin!"

Tin has a morena skin color while Amanda is a mestisa. Nakikita na niya na mas lalo pang gaganda ang dalawang bata paglaki.

"Wow, Thank you, Auntie!" nakangiting tugon nito.

"You're welcome! Sige, play na ulit kayo."

Nilingon nya muli si Ara at Sky pagkatapos at nakita niya na nakatingin sa kanya si Ara. Hindi na nagdalawang isip pa at nilapitan niya na ito at sinimulang kausapin.

"Hi! I'm Auntie Maia, gusto mo bang ayusan din kita katulad nung kila ate Amanda and ate Tin mo?"

Tumango ito kaya naman tiningnan ni Maiara ang yaya nito. "Pwede ba?"

"Ay, ma'am nakakahiya naman po."

"Hindi, ayos lang. Mukhang gusto rin naman ni Ara."

"Sige po, mahilig po kasi siya sa mga ganyan dahil hilig din syang ayusan ng mommy niya kaso hindi siya naayusan ngayon dahil busy ang mommy niya." paliwanag nito at napatango-tango na lamang siya.

"Hmm.. sige tara dito kay Auntie Maia."

Kaagad na lumapit ang bata sa kanya at sisimulan na sana nyang ayusan ito nang makita si Sky sa harap nila na nakatingin kay Ara.

"Oh Sky, ayaw mo bang makipaglaro muna doon?" turo niya sa mga kaibigan nitong patuloy na naglalaro sa slide at seesaw.

"No, wait ko si Ara." iling nito at napangiti naman siya dahil kinuha pa nito ang Barbie doll na sa tingin niya ay kay Ara saka nilaro ito.

"Ok." at sinimulan niya na rin itong ayusan.

Natawa siya bigla nang biglang sumagi sa isip niya ang mga nangyayari. Ang ganda siguro ng ganito no? Maraming bata ang naglalaro tapos aayusan mo ang mga batang babae habang ang mga batang lalaki ay sa asawa mo naman magpapaasikaso. Syempre mahirap ang mag anak ng marami lalo na sa panganganak, ngunit gusto pa rin nyang maranasan. Kung kaya naman nila ng magiging asawa niya, why not?

"Ano ba yan! Wala pa nga akong asawa, anak na agad ang iniisip ko" natatawa nyang bulong sa sarili.

"It's done! Ang bait naman ni baby Ara, hindi malikot, mukhang sanay na sanay ng ayusan ah." pinaharap niya ito sa kanya.

"You're so cute, Ara." bati niya at nginitian naman siya nito. Pagkatapos ay humarap kay Sky na seryosong nakatingin ngayon dito.

Kamukhang-kamukha talaga ni Sky ang boss niyang si Grey lalo na kapag seryoso ang mukha ni Sky, naku para silang pinagbiyak na bunga.

"So pretty, Ara." lalapitan na sana ito ni Ara, pero biglang umalis si Sky. Niyakap naman niya ang bata nang akma itong iiyak na dahil sa ginawa ni Sky ngunit natigilan sila pareho nang bumalik si Sky na may dalang bulaklak saka nilagay sa buhok ni Ara.

"It's butiful (beautiful) now."

"May sweet bones ka naman pala sa katawan, Sky." natatawa-tawang bati ni Maiara sa anak ng boss. Kinikilig siya sa dalawang bata pero masyado pang bata ang dalawa para isipin niya iyon.

"Ay true, ma'am. Alam mo bang seryoso yan lagi at minsan lang sweet? Sa ama at sa lola at lolo niya lang yan naglalambing at ngumingiti. Pero nitong nakaraan nahuhuli kong nakangiti ng maganda si Sky sa alaga ko."

Bigla naman nyang naalala ang ugali ng boss, "May pinagmanahan yata." natutuwang kumento niya sa yaya ni Ara.

Natigil lamang si Maiara nang maalala kung anong oras na. Naka on pa rin ang airplane mode ng telepono niya kanina para walang sagabal sa trabaho. Ganoon kasi ang ginagawa niya lalo na at ipinagbabawal ng boss niya ang paggamit ng telepono sa oras ng trabaho.

Bigla naman nagsidatingan ang mga missed calls at text messages na syang ipinagtaka nya pagkaoff na pagkaoff niya ng airplane mode. Galing ang mga ito sa boss niya at kay Sofie. May problema ba?

Nang may dumating muling tawag na syang galling kay Sofie ay kaagad nyang sinagot ito.

"Hello? May problema ba, Sofie? Ang dami mo kasing missed calls sa akin."

"Hello, Maiara? Thank God, sumagot ka rin! Nasaan ka ba?"

"Nandito sa playground, sinamahan ko lang si Sky, bakit?" kunot noo nyang tanong dito.

"Ano? Alam mo bang kanina pa nagwawala si boss dito dahil nawawala raw si Sky! Maiara, bumalik na kayo dito!" naririnig din niya ang sigaw ng boss niya sa background nito bago maputol ang tawag kaya agad nyang tinawag si Sky.

"Sky, hinahanap ka na pala ng daddy mo. Hindi ka ba nagpaalam kanina?"

"Ahmm.." he shook his head "No. They're busy."

"Naku po, Sky. Lagot tayo nyan. Sana huwag akong mawalan ng trabaho, di ko na alam kung saan ako pupulutin nito." ipinagdikit pa niya ang dalawang kamay saka nanalangin na huwag syang matanggal sa trabaho. Pagkatapos ay inayos nyang muli ang heels na suot saka sila nagpaalam ni Sky sa mga kalaro nito bago sila tumakbo ng mabilis pabalik ng AIA building.

Unang tapak pa lamang nila papasok ng building ay narinig na kaagad niya ang sigaw ng boss niya na parang dragon na syang bubuga na ng apoy sa galit.

"Saan kayo nanggaling? Saan mo dinala ang anak ko, Ms. Aurino?!"

"Boss, pasensya na, gusto po kasing maglaro ni Sky sa labas kaya sinamahan ko na para hindi na rin mapahamak."

"What the hell? Bakit hindi ka manlang nagpaalam?!"

"Sorry boss." yumuko si Maiara at pinagsaklop ang kamay nito dahil ramdam na niya ang panginginig. "Akala ko po kasi nakapagpaalam na si Sky bago lumabas ng office nyo, boss." dagdag pang aniya bilang pagtatanggol sa sarili kahit na alam niyang walang kwentang rason iyon.

"Greyson! Where's my apo? Ayos lang ba sya?" sigaw ng ginang na papalapit sa gawi nila kasama si Arthea.

Kinuha ng boss niya si Sky na syang nasa tabi niya lang kanina. "Go to your grandma."

"Sorry, daddy. You mad?" niyakap pa nito ang ama bago magpunta sa gawi ng lola nito.

"Hindi sayo, anak."

"Then, to Auntie Maia? She's a nice Auntie to my fwends (friends) too."

"Auntie Maia, huh?" tumaas ang gilid ng labi nito at hindi alam ni Maiara kung bakit bigla syang nakaramdam ng kirot sa puso dahil sa narinig mula dito. Para bang ayaw nyang tawagin siya ni Sky na Auntie. Ngunit kung ayaw niya, ano naman ang gusto nyang itawag sa kanya ng bata?

"You!" dinuro syang muli ng ginang. "How dare you kidnap my apo?! Talaga bang gagawin mo ang lahat para makuha mo siya? Isn't that the reason why you work here in my son's company?" dinuro duro pa siya nito at napapikit na lang syang muli. Here we go again...

"Wala ho akong balak kidnappin si Sky. Sinamahan ko lang siya sa labas para ho hindi mapahamak kung mag-isa syang maglalaro doon."

"No! Is this your plan all along? Bakit bumalik ka pa? Hindi ka pa kuntento sa ginawa mo sa kanila?"

Kunot noong nag angat siya ng tingin sa ginang at sinalubong ang masasamang tingin nito. "Ano ho ba ang problema niyo sa akin, Mrs. Pajavera? Hindi ko alam ang sinasabi niyo dahil trabaho lang talaga ang ipinunta ko dito. Gusto kong magtrabaho para kumita at mabuhay, wala ho akong balak na masama sa boss ko at sa pamilya nito."

Gusto nyang sabihin lahat ng hinanakit niya dito pero pagod na siya. Gulong-gulo na sa nangyayari dahil sa mga bintang ng mga tao sa kanyang paligid at kahit na gusto nyang itanong kung bakit galit na galit ito sa kanya, hindi niya magawa dahil may natitira pa naman syang kahihiyan sa katawan.

Nilingon niya ang boss na matiim na nakitingin sa kanya, "I'm so sorry, boss. Tatanggapin ko po ang desisyon niyo kung sisisantihin niyo na po ako. Kasalanan ko naman po kaya tanggap ko po kung papaalisin niyo na ako sa kompanya."

Nilapitan siya ng boss saka bumulong ito sa kanya, "No, you're not going to leave us again. Nadala na ko kaya hindi ka na pwedeng mawala sa paningin ko."

~cutiesize31<3