Chereads / He's not just my Boss / Chapter 15 - Chapter 13

Chapter 15 - Chapter 13

CHAPTER 13 - Wife

Greyson

I don't know if I will answer her question. Simpleng tanong pero ang hirap sagutin kasi kahit ako ay nag-aalangan sa tanong nyang iyon.

Sino ba ako sa buhay nya?

Minahal niya ba talaga ako o ginamit lang?

"Grey.. please.. naguguluhan na ako so please tell me.. Sino ka sa buhay ko? Kung kilala mo ako, bakit hindi niyo manlang ako naisipang hanapin? Dalawang taon akong walang nakilalang pamilya at kaibigan, kaya bakit?"

"You left, Maiara. Kaya bakit ka namin hahanapin at pipiliting bumalik kung ikaw mismo ang nang-iwan?" walang emosyon nitong tugon.

Nanatili ang tingin ni Grey sa babae na syang pailing-iling at nakayukong lumuluha, nagugulumihanan sa narinig mula sa kanya.

"We'll talk about this again and make sure you'll tell me the truth. I hate liars, Maiara."

After that he left her. There's so many things to do na mas importante. Nagiging walang kakwenta-kwenta lang naman ang isang bagay para kay Grey kung patuloy lang siya nitong paniniwalain sa mga kasinungalingan.

Ang mga bagay na iyon ay mananatiling kasinungalingan lamang pwera na lang kung may proweba na naka handa si Maiara na magtatanggol sa sarili nito.

"Mr. Pajavera! It's nice to see you again!" nakipagkamay si Grey kila Mr. Yulo at Mr. Javier.

"By the way, our engineer and architect are here!" tinawag ni Mr. Yulo ang dalawa na paparating pa lamang sa gawi nila. Nagbatian sila pare-pareho at kaagad na napag desisyunan na simulan na ang meeting.

Bago pa magsimula ang meeting ay natanaw ni Grey ang personal assistant nyang paparating sa gawi nila. Dala-dala nito ang mga papeles na kailangan niya para sa meeting kasama na rin doon ang kanyang laptop.

Napansin niya na nakapag-ayos na rin ito ng sarili ngunit kung tititigan ng maigi ang mga mata nito ay makikitang medyo namumula dahil sa dulot ng pag-iyak nito kanina.

"Maiara? Mrs. Pajavera! It's nice to see you again. Ang huling kita ko pa sa iyo ay noong kasal niyo pa ni Mr. Pajavera" nakangiting tugon ni Mr. Javier.

"Oh right! That's why you're familiar to me." kumento naman ni Mr. Yulo.

Grey sighed. He turned his gaze on Maiara and he saw her looking at him too. Using her eyes, she's asking what the hell is happening.

Then he remembered inviting his business partners to their wedding years ago. It was the best day of his life so his business partners were also invited at that time. They invited a thousand of guests, he thinks.

"Uhm.. ah It's nice to see you din po." bati na lamang nito at hindi alam ang gagawin kaya kinuha ni Grey ang atensyon ng mga ka-meeting niya para hindi mailang si Maiara.

"Let's start the meeting."

Maiara

Ilang oras na walang kibo si Maiara sa meeting. Patuloy na pinagtatagpi-tagpi sa kanyang isipan ang mga nangyayari ngayong araw at noong nakaraan pa.

"Asawa ko ba talaga si Boss?" aniya sa kanyang isipan.

Hindi niya kayang tanungin ang kanyang boss ng diretsahan dahil natatakot sya katulad na lamang noong nangyari kanina. At kung hindi ang kanyang boss ang tatanungin niya, may isang tao pang pwede nyang pagtanungan.

Si Matteo.

Pero paano kung hindi sapat ang sagot nito o kaya ay magsinungaling lang ito sa kanya?

"Thank you so much for choosing us and trusting us for your upcoming project Mr. Yulo, Mr Pajavera, and Mr. Javier." napataas ng tingin si Maiara sa pwesto ng boss niya at nakita nyang nagkakamayan na ang mga ito. They're finally done.

Nagsitayuan na rin sila kaya sinimulan na rin ayusin ni Maiara ang gamit ng boss niya. Hindi naman napansin ni Maiara na syang seryosong nagliligpit ay ang mga tingin ng tatlong boss ay nasa kanya pala.

"What a great wife you have Mr. Pajavera! Akala ko ba secretary ang lagi mong kasama sa mga business meetings?"

"Mr. Yulo, here in Camaya Coast Beach Resort, pwede na silang magkaroon ng husband and wife bonding, right, Mr. Pajavera?"

"Oh right, Mr. Javier! That's the reason, Mr. Pajavera? Should we expect another birthday party and christening next year?" narinig pa ni Maiara ang tawa ng dalawang business partner ni Boss Grey kaya nagpatuloy na lang siya sa pagliligpit, hindi nya kasi alam ang iaakto at gagawin.

Grey chuckled, "Well, we'll just send the invitation soon dahil kukuhanin ko rin kayong ninong pareho. Remember that."

"No problem, Mr. Pajavera." They laughed and said their goodbyes to each other.

Natigilan sa ginagawa si Maiara.

Anong ibig sabihin no'n?

"Boss.."

"Are you hungry? Come on, let's eat." chineck naman ni Maiara ang relo nya and it's already 1pm. Kaya pala nakakaramdam na rin sya ng pagkagutom.

Dumiretso sila sa Main Restaurant ng Camaya Coast, ang Max's Restaurant. Kanina ay dito rin dapat ang meeting place kaso nagbago ang isipan nila nang makitang may mga taong kumakain malapit sa pinareserve nilang table.

Kaagad silang inasikaso ng waiter doon at kinuha ang order nila. Hinayaan na lang ni Maiara na ang boss niya ang umorder kasi sa tuwing nagbabanggit siya ng pagkain nakakatakam para sa kanya ay hindi iyon pumapayag.

"What do you want, Maiara?"

Maiara checked the menu, "Parang masarap 'to, boss" sabay pakita nito sa boss niya.

"It's Kare-Kare, Maiara. Hindi 'yan pwede sayo. Ako na nga lang ang pipili, pinapahamak mo na naman ang sarili mo sa pagkain." and when he said that, Maiara remembered that she's allergic to nuts, and nuts is one of the ingredients of Kare-Kare.

"Talagang kilalang-kilala mo ako no?" she asked out of curiosity.

When the waiter left, her boss answered her seriously, "Of course, I know you very well. Stop pretending, Maiara. It's not funny anymore."

Hindi na lamang nakakibo pa si Maiara dahil wala na syang maisagot. Kaya naman nang dumating na ang mga putahe na inorder ng boss niya ay tahimik syang kumain hanggang sa natapos sila ay wala silang imikan pareho.

Natigilan siya sa kanyang pag-iisip ng mga bagay bagay nang tumunog ang cellphone niya, nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay nakita niya ang pangalan ng kanyang boyfriend.

Nag-angat siya ng tingin sa kanyang boss na matiim palang nakatingin sa kanya. "Ahm.. boss, excuse me po. Sagutin ko lang po ito."

Nagtungo siya sa may dalampasigan saka kaagad na sinagot ang tawag. Bumungad naman sa kanya ang galit na galit na boses ng kanyang boyfriend.

"Babe, nasaan ka? Nandito ako ngayon sa company niyo pero wala ka raw dito!"

"Matteo.."

"At nalaman ko na kasama mo ngayon si Greyson, totoo ba?" sigaw nito kaya medyo nailayo niya ang telepono sa tainga niya dahil sa gulat.

"Matteo, may business meeting lang kaming pinuntahan" paliwanag niya dito.

"Really? Eh bakit hindi si Sofie ang sinama niya since iyon ang secretary niya?"

"Trabaho ko rin naman 'to, Matteo."

"Nasaan kayo ngayon?" tanong nito ngunit bago pa niya ito sagutin ay namatay ang tawag.

Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinis dahil biglang nalowbat ang telepono niya. Matutuwa dahil hindi siya nito masusundan dito at iwas gulo. Maiinis dahil hindi manlang siya nakapagpaliwanag ng maayos dito.

"Ms. Aurino?" sambit ng isang lalaki kaya agad niya itong nilingon.

"Dr. Santos!" iyon ay ang naging doctor niya ng ilang buwan noong naaksidente siya.

"Kamusta ka na? Maayos na ba ang lagay mo?"

"Maayos na, doc." nakangiting sagot niya.

"How about your past memories? Well, in your case, babalik pa naman ang mga alaala mo."

Bigla nyang naalala ang iilang senaryo na biglang pumapasok sa isipan niya nitong nakaraan lang.

"Ah doc, nakaka-experience kasi ako na biglang may magfflashback sa utak ko ng isang senaryo tsaka sa panaginip ganoon din ang nangyayari. Mga memories ko ba iyon na nakalimutan ko?"

Tumango ito. "I think it is. And It's normal, don't worry, makakaalala ka rin. Actually, mas madali kang makakaalala kung may tutulong din sa 'yong taong malapit sayo kahit noon pa man."

"Pero hindi naman ako masyadong nakaalala dati kapag kasama ko si Matteo kahit kinukwentuhan niya pa ako tungkol sa sarili ko." aniya at napayuko na lamang sa lungkot na nadarama.

"Then, I think hindi siya ang taong pinakamalapit sayo noon pa man." napakibit balikat ang doktor kaya napaisip siya bigla kung sino ang taong iyon.

"Maiara!" sabay silang napalingon ng doctor sa tumawag sa kanya.

"Boss! Tapos ka na po? Pasensya na at natagalan, nakita ko kasi bigla si Dr. Santos." itinuro niya ang katabing doktor dito kaya nalipat ang tingin ni Grey doon.

"Nice to meet you, I'm Dr. Santos and Ms. Aurino was my patient before." pagpapakilala ng doktor niya.

"She's your doctor? Why? Are you sick?" kabadong tanong ng boss niya na syang inilingan niya.

"Ay hindi po, boss. Naaksidente kasi ako two years ago tapos si Doctor Santos ang gumamot sakin ng ilang buwan hanggang sa naging maayos na ang lagay ko."

"y-you met with an accident t-two years ago?"

This time, it's her doctor who answered her boss, "Ms. Aurino is my patient that I will never forget. Masyadong naging critical ang lagay niya noon at hindi namin inakala sa ER noon na makakasurvive siya. Matindi kasi ang natamo niya kaya maswerte siya at nakaligtas siya. She's really fighting for her life that time and thankfully, she won. It's also a God's miracle for her, I believe."

"What the?..." hindi pa rin makapaniwalang tugon ni Grey.

"I have to go. Nice to see you again, Ms. Aurino and nice to meet you Mr.?"

"Greyson Pajavera." nakipagkamay ito sa doctor niya na syang nginitian naman nito bago umalis.

"Anong aksidente ang nangyari sayo noon, Maiara?" biglang tanong ng boss nya nang makalayo-layo na si Doc. Santos.

"Ahmm sabi ni Lola Eva, nahulog daw ako sa bangin. Hindi ko alam kung totoo kasi may tama din ako ng baril dito" pinakita nya ang binti nyang may peklat na sanhi ng tama niya noon.

Naisip niya bigla kung sino ang may gawa no'n sa kanya. Masama ba ang ugali niya noon at maraming may taong galit sa kanya para maranasan niya ang ganoong uri ng aksidente?

Greyson

He couldn't believe it when he heard what Doctor Santos said. Maiara met with an accident two year ago? Two years ago, that's the time when she left us.

Fvck! I need answers right now!

"Hey boss, ayos ka lang?" Maira asked him while they were walking away from the shore.

"Yeah.." he answered kahit na naguguluhan na siya sa nangyayari.

"ahmm.. boss hanggang anong oras tayo dito sa beach? May meeting pa po ba kayong susunod?"

He nodded. "Three days, two nights."

"Ano?!" natigil sila pareho sa paglalakad dahil sa sigaw ni Maiara.

"Pero boss, wala akong dalang ibang gamit kundi sarili ko lang!" nagpapanic nitong tugon.

"Don't worry, maraming store dito sa loob ng Camaya Coast."

"Pero—" itinaas niya ang kamay niya kaya huminto ito sa pagsasalita.

"I'll pay for it, don't worry." nahalata ni Grey na wala itong choice na tumango kaya napangisi na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa kanilang hotel room.

Ano kayang magiging reaksyon niya kung malalaman nyang isang room lang ang kinuha ng kanyang boss?

And then he remembered what Mr. Yulo and Mr. Javier said an hour ago.

Well, I miss having a baby. But I'm afraid that she'll leave us again after that.

"Maiara.." lumingon siya sa likuran niya pero hindi niya nakita si Maiara.

"Where is she?" nilibot niya ang kanyang paningin hanggang sa nakita niya si Maiara na nakatanaw sa mga bike na nakahilera doon.

He sighed and then he suddenly remembered that Maiara really wants to learn how to ride a bike.

Nilapitan niya ito at tinanong. "Hey, gusto mong magbike?"

Napatalon sa gulat si Maiara pero tumango pa rin sya. "Kaso, boss, hindi ako marunong eh."

"I know." biglang sambit niya kaya nanlalaking mata syang nilingon ni Maiara

"Alam mo? Paano?"

"Basta." Ayaw nyang ipaalala ang nangyari noon, ang mga memories nila together dahil hindi niya alam kung totoo bang masaya ito sa piling niya at lumabas lang ang totoong kulay nito noong naging mag asawa na sila.

"Come here! I'll teach you." aniya pagkatapos makausap ang nagbabantay doon para umarkila ng bike.

"Tuturuan mo ako boss? Talaga?" when he nodded, Maiara get a bike that she likes.

Maiara

Hindi mapigilan ni Maiara na matawa dahil para syang batang tinuturuan ng ama nyang magbike. Tapos ang coach pa niya ay nakasuot ng suit. Ayaw niya rin kasing magpalit ng damit bago magbike dahil komportable naman siya sa suot niya.

"Ay teka boss mahuhulog ako!" sigaw niya ng akma itong bibitawan ang hawakan ng bike niya.

"Paano ka matututo nyan? Tsk. Mas mahirap ka pang turuan kaysa kay Sky." Pailing-iling nitong sambit.

Napanguso siya. "Eh kasi boss natatakot nga ako."

"Matatakutin ka pa rin hanggang ngayon?"

Nilingon niya itong muli nang mahuli na naman niya ang ganoong klase ng sagot ng kanyang boss. "Hanggang ngayon? Edi matagal na nga tayong magkakilala, boss."

"Of course! You're my ---- ahmm nevermind."

"Ano 'yon boss?" pangungulit nyang tanong dito pero hindi siya pinansin nito.

"Huwag mo nang isipin iyon at magfocus ka na lang sa pagba-balance dyan."

Ilang subok pa at ilang ikot pa ang ginawa nila hanggang sa unti-unti nang nakukuha ni Maiara ang mga itinuro nito sa kanya.

"Boss! Boss! Tingnan mo oh! Ang galing ko na!" aniya at tuwang tuwa ang ekspresyon.

Nang mapagod na syang mag bike ay pinuntahan niya ang pwesto ng boss niya kung saan ito nakaupo at nakatanaw lang sa kanya.

"Boss, may nakita akong stall ng Potato Corner doon, tara bili tayo libre ko." nakangiti nitong pag-aanyaya saka hinila ang boss niya patayo at papunta sa Potato Corner stall.

"Anong flavor ang gusto mo boss?" tanong niya habang tumitingin sa menu.

Grabe naman ang presyo ng French fries dito, ginto!

"Ikaw na ang bahala."

"Sure ka?" tumango ito kaya umorder siya ng sour cream para sa boss niya at cheese flavor para naman sa kanya.

Inilapag niya sa table na nahanap ng boss nya ang nabili nyang fries. May drinks na rin doon na binili pala ni Boss Grey kanina.

"You still remember my favorite, huh?"

"Favorite mo ang sour cream, boss? Na feel ko lang naman na magugustuhan mo 'yan at mukhang tama nga ako." paliwanag niya.

Habang kumakain sila ay may isang lalaking nagawi sa kinaroroonan nila at nang tingnan niya ito ay halata rito ang gulat sa mukha nito saka kaagad siya nitong nilapitan.

"Maiara?! Is that you? Grabe ang tagal nating hindi nagkita ah? Kamusta ka na?"

"Ah sino ka?"

"Hey it's me, Jasper! Hindi mo naaalala? Two years ago, sa bar."

"Ahh hehe.." pilit nyang ngiti dahil nakakahiya naman kung sabihin nyang hindi lalo na at nakita nyang tuwang tuwa ang lalaki—si Jasper.

"Excuse us, we have so many things to do." kaagad syang hinila patayo at paalis doon ni Boss Grey.

"Ah teka boss, yung fries mahuhulog." huminto ito saka siya galit na hinarap nito.

Nagtagis ang bagang nito at madilim ang aura. "Really, Maiara? Sa bar? Two years ago? Anong ginawa niyo ng lalaking 'yon?"

"Teka ano?" naguguluhan niyang tanong. Hindi naman niya talaga kilala ang lalaki, nahihiya lang siya na baka kaibigan pala niya ito at hindi niya lang maalala.

"Yung lalaki kanina. I know him. Siya ang lalaking kalandian mo noon na dinala mo pa sa bahay!" sigaw nito na nagpatigil sa kanya.

"Ha? Ano b-boss.." kinakabahan niyang sagot at hindi alam ang sasabihin pa para maipagtanggol ang sarili.

"Fvck Maiara! Hindi ko na alam kung pagkakatiwalaan pa kita! Gulong-gulo na ako sayo! Ano? Hindi mo ba talaga maalala ang nangyari noon o nagpapanggap ka lang na may amnesia para pagtakpan ang mga ginawa mo sa akin? T*ngina. Ang sakit na, huwag mo nang dagdagan pa. Kotang-kota na ako sa galit at sakit."

~cutiesize31 <3