CHAPTER 12 - Mrs. Pajavera
Maiara
"Boss.." mahina niyang sambit na syang ikinalingon ni Grey sa kanyang gawi. Hindi gaanong makapagsalita si Maiara dahil sa oxygen mask na suot suot niya para umayos ang kanyang paghinga.
"Maiara!" malalaking hakbang ang ginawa nito kung kaya't kaagad itong nakarating sa tabi ni Maiara.
"Are you okay? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ng boss nito sa kanya.
Hindi na nito hinintay pa ang sagot niya dahil dali-dali itong lumabas at may tinawag na doktor. Kaagad niyang nakita ang pagpasok ng doktor na agad din siyang pinuntahan.
"Let me check her vitals first, Mr. Pajavera." lumapit ang doctor sa kanya kaya ngunit hindi pa rin umalis sa tabi nya ang boss nyang hawak-hawak pa ang isa nyang kamay na hindi naka suwero.
May mga iilang tinanong ang doctor sa kanya gaya ng kung ano ang nararamdaman niya o maayos na ba ang kanyang paghinga.
Naging maayos na rin ang kalagayan niya ayon sa doctor kaya hindi na siya magtatagal pa sa hospital.
"Ikaw ang nagdala sa akin dito, boss?" tanong niya matapos makalabas ang doktor sa kanyang kwarto.
Napalingon naman ang boss niya na nag-aayos ng prutas na nasa basket sa tabi ng kama nito.
"Yeah.. so please, take care of yourself. Nakalimutan mo na bang allergic ka doon?" tanong nito na may halong pagkairita sa boses nito.
Umiling si Maiara na siyang ikinakunot noo ni Grey. "Pasensya na boss pero hindi ko talaga alam na allergic ako sa nuts, ngayon ko nga lang nalaman eh."
"What?!"
"Actually, nakalimutan ko na—" naputol ang sasabihin nyang karanasan niya sa boss niya nang may taong marahas na nagbukas ng pintuan ng silid.
"Babe! Ayos ka lang ba? Ano ba ang nangyari? Bakit na-hospital ka?!" alalang-alalang tanong ng boyfriend ni Maiara at halatang-halata sa mukha nito ang pag-aalala at pagmamadaling makapunta rito.
Walang gana naman umatras si Grey nang nagmamadaling nagtungo sa direksyon niya si Matteo. Naupo ito sa tabi ni Maiara saka hinaplos ang mukha. Samantalang si Grey ay iniiwas na lamang ang paningin sa dalawang nakakasakit sa mata nya.
"Allergic pala ako sa nuts, bakit hindi mo sinabi?"
"I... ahmm I didn't know. Wala akong idea tungkol doon. I'm sorry" maingat na niyakap pa siya ni Matteo at nang matanaw ni Maiara na nakatingin na sa kanila ang boss nyang walang ekspresyon ngayon ang mukha ay itinulak niya ng mahina si Matteo paalis sa pagkakayakap nito.
She felt uncomfortable and the way she saw her boss' eyes, It looks like his eyes are saying something. Sinasabi na humiwalay ito sa yakap ni Matteo.
"I have to go now, Ms. Aurino. Get well soon."
"Maraming Salamat sa tulong, boss" binigyan niya ito ng malaking ngiti.
Tumayo si Matteo saka nilapitan ang boss nya an papaalis na. "Salamat din sa pagdala sa girlfriend ko dito sa hospital." hindi alam ni Maiara ngunit parang may ipinapahiwatig ang pagdidiin ng kanyang boyfriend sa salitang girlfriend. Hindi na lang niya iyon pinansin at tinitigan pa muna ang dalawa sa gagawin.
Greyson
Napangisi na lamang si Grey sa inaakto ng lalaking kaharap niya ngayon. Sa pagkakataong iyon, hindi nila ganoong pinaparinig ang sariling usapan sa babae na nagpapagaling sa hospital bed.
"Baka nakakalimutan mo, Nicholas? Akin 'yang babaeng inaangkin mo. Huwag kang mang-agaw ng hindi sayo. Nakalimutan mo yatang nasa sampung utos 'yan ng Diyos. Bahala ka at minus one ka na sa langit nyan." nakangising tugon ni Grey kaya mas lalong sumama ang tingin sa kanya ni Matteo.
"Ano ba 'yang pinag-uusapan nyong dalawa? Matteo, hayaan mo na si boss at kailangan pa siya sa kumpanya. Tsaka pwede ba na paki text si Ate Alice para ipaalam na rin kay Lola Eva yung kalagayan ko? Baka nag-aalala na sila eh."
Napalingon ang dalawa at naputol ang tinginan nila ng masama. Napakunot ang noo ni Grey sa sinabi ng babae.
"Sino si Ate Alice at Lola Eva? Kilala ko lahat ng taong kinalakihan niya at nasisiguro 'kong walang Alice at Eva ang pangalan doon." aniya sa kanyang isipan.
"Ah.. oo sure sige"
"Oo, sure, sige, magkakapareho lang 'yon. Tss.. tanga ampota." natatawa-tawang bulong ni Grey.
"Anong sabi mo?" ngayon ay galit na nakatingin sa kanya si Matteo.
"Wala." Pagkatapos ay dire-diretso na syang lumabas sa silid saka dumiretso sa cashier pagkababa para bayaran na ang hospital fee ni Maiara.
After paying Maiara's hospital fee, napatigil siya sa paglalakad nang nasa parking lot na siya.
"Why did I do that? Akala ko ba lalayuan ko na siya dahil sa ginawa niya?" nagulo na lamang niya ang buhok sa inis. Dumudulas na naman siya sa mga ginagawa niya. This is not counted in his plan.
And no way, he will not fall from her game this time.
"Really, Grey?" tanong niya sa sarili at napahawak na lamang siya sa kanyang sintido. Iba pa rin talaga ang epekto sa kanya ni Maiara. Imbis na si Maiara ang pahirapan niya, siya ang nahihirapan.
Maiara
Tatlong araw ang nakaraan at ngayon ay naglalakad na papasok ng AIA building si Maiara. Nasa elevator na rin siya at patuloy pa rin ang paghahanda niya para magpasalamat sa boss niya tungkol sa nalaman noong na-discharge siya sa hospital.
Pagkarating sa floor nila, walang Sofie syang nadatnan kundi ang boss lamang niya na nakasandal sa work table niya.
"Sofie's not around so you're the one who will come with me in Bataan for my business meeting." Tumingin ito sa wrist watch nya. "Aalis tayo twenty minutes from now so prepare everything we need, Ms. Aurino." kaagad na utos nito na mabilis niyang tinanguan.
"Ah.. boss, maraming salamat nga po pala ulit tungkol sa nangyari noong nakaraan. Saka kayo po pala ang nagbayad ng hospital fee ko? Ah pwede naman po na kahit hindi na dahil nakakahiya naman po. Kaya ibawas niyo na lang iyon sa sahod ko."
Walang nakuhang sagot si Maiara sa boss niya kundi ang simpleng pagtango lang nito bago pumasok sa sariling opisina.
Ilang oras ang naging byahe nila Maiara at Grey. Natutuwa lamang na nakamasid sa labas si Maiara dahil ngayon lang siya ulit nakalabas at nakapunta sa ibang lugar.
Pero noong malapit na sila sa pupuntahan nila, hindi siya nasanay sa daanan dahil paikot-ikot ang daan. Puro zigzag ito kaya naman pinili nyang pumikit at pigilan ang pakiramdam na masusuka sya. Kinalma niya ang sarili pero nahihirapan siya.
"Hey, you ok?" napansin siguro ng boss niya na nakahawak siya sa kanyang sintido at hindi mapakali sa upuan.
"Nahihilo ako, boss." nag angat siya ng tingin dito at ramdam din niya ang kanyang pamumutla.
"What?! Nasusuka ka na ba? Ihihinto ko na ba sa gilid yung sasakyan?"
Sasagot na sana siya ngunit bigla syang napatakip ng bibig nang maramdamang nasusuka na siya dahil sa pagkahilo.
Kaagad namang itinabi ni Grey ang sasakyan kaya mabilis na binuksan ni Maiara ang pintuan para makalabas at sumuka na sa gilid ng daan.
Nang medyo kumalma na siya at umayos ang pakiramdam, naramdaman niya ang kamay ng boss niya sa likuran nya.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong sa kanya nito. Napangiti naman ng kaunti si Maiara dahil gustong-gusto niya talaga ang ugali ng boss nyang ito. Maalalahanin at maalagain sa kanyang empleyado.
Empleyado? Eh bakit parang di pa niya nakikitang nag-alala sa iba ang boss niya gaya na lamang sa sarili nitong sekretaryang si Sofie? Sa kanya lang ba siya ganito? Bakit?
"Pasensya na, boss. Ngayon lang kasi yata ako nakabyahe ulit kaya hindi sanay yung katawan ko sa paikot ikot na daan gaya nyan."
"Yeah, that's why we're not always going out of town riding in a car. Madalas naman nating ginagamit dati ay ang air transportation since mabilis lang at para hindi ka mahilo sa haba ng byahe gaya nito." tuloy-tuloy nitong sabi na halos hindi siya makapaniwala sa narinig.
"a-ano? Paano.. ha?" naguguluhang tanong ni Maiara sa boss. Tiningnan niya ito na parang nagtatanong kung bakit iyon ang sinabi nito. Na para bang matagal na talaga silang magkakilala.
"Nevermind." Bigla siya nitong tinalikuran at pumasok sa sasakyan pero bumalik naman kaagad saka iniabot ang tissue at water bottle na hawak na syang tinanggap ni Maiara.
Napataas na lang ang kilay ni Maiara nang maalala ang iilang pagkakataong ganitong nangyayari sa mga nakalipas na linggo simula noong nagtrabaho siya sa AIA.
Lagi na lang nababanggit ng kanyang boss ang salitang 'dati' at 'noon'. At yung una nilang pagkikita ay galit na galit sa kanya ang boss niya sa hindi niya malamang dahilan kung ano ang ginawa niya dito na siyang ikinagalit nito ng matindi.
"Ano bang meron dati? Magkakilala na ba kami kahit noon pa man? Parang mas kilala niya ako kaysa kay Matteo. Alam niya lahat at kabilang na doon yung allergy ko at hindi sanay sa pagtatravel." aniya sa kanyang isipan.
Gusto man nyang makausap ng masinsinan ang boss ngunit sa tuwing tatanungin nya ang tungkol dito, parang umiiwas ito kagaya na lang ngayon.
Walang imik na nakadungaw muli sa labas ng bintana si Maiara. Pinili ng boss niya na buksan na lamang ang bintana sa gawi niya para kahit papaano ay makalanghap siya ng preskong hangin dahil hindi umaayos ang pakiramdam niya sa aircondition ng sasakyan kaya nahihilo siya.
Halos isang oras na ang nakalipas nang matanaw nya na ang pangalan ng beach na pupuntahan nila, 'Camaya Coast'.
Kinausap ng boss niya ang guard at pagkatapos ay pinapasok na sila. Natanaw ni Maiara ang mga kabahayan na nadadaanan nila papasok. Ramdam niya ang pagbagal ng takbo ng sasakyan kaya nagkakaroon siya ng pagkakataong matanaw ang iilang matataas na bahay doon.
"Bakit mabagal naman yata masyado ang takbo mo boss?" tanong ni Maiara nang mapansin na bumabagal ang takbo masyado ng boss nya lalo na kapag may paliko-likong daanan.
"Baka mahilo ka na naman kaya binabagalan ko lang tsaka para makita mo ng maayos 'yang mga tinatanaw mo." saglit na sumulyap ang boss niya sa kanya at nahuling nakangiti siya kaya napangiti na rin ito.
Halos pababa at paliko ang daanan dito ngunit naka survive naman si Maiara ng hindi nahihilo at nasusuka, laking pasasalamat niya tuloy iyon sa kanyang boss.
Nang makarating sila sa entrance, may sumalubong na lalaki sa boss niya. Bumaba sila pareho habang yung lalaki kanina ay syang nagpark ng sasakyan nila. Dumiretso sila sa receptionist at sinabi naman ng boss niya ang appointment nila ngayon.
"Yes, Mr. and Mrs. Pajavera. Mr. Yulo, Mr. Javier with Engr. Lopez and Architect Sandoval have arrived half an hour ago." ani ng receptionist ngunit para bang pumintig ang kanyang tainga nang marinig ang 'Mrs. Pajavera'.
"Ako ba yon?" tanong niya sa sarili sa kanyang isipan.
"Ok, thank you." pagpapasalamat ng kanyang boss dito.
"Have a nice stay, Mr. and Mrs. Pajavera." iniabot nito ang isang keycard sa boss niya. Hindi siya makakibo sa harap ng receptionist tungkol sa sinabi nito kaya tiningnan niya ng nagtataka si Grey.
"Let's go." sabi nito saka hinawakan nito ang kamay niya paalis doon.
Nang makalayo-layo na sila, tumigil siya sa paglalakad kaya nilingon siya ng boss niya ng may nagtatakang tingin.
"Hey, come on, they're waiting for us." pag-aaya nito.
Hindi niya mapigilang titigan ang boss niyang nakasuot ng aviators dahil tirik na tirik ang araw lalo na at tanghali na. Para tuloy siyang nagliliwanag sa paningin niya.
"Hey, do you have a problem?" umiling siya dito saka sinabi ang kanyang pakay.
"Bakit hindi mo itinama yung sinabi nung receptionist? Hindi ako si Mrs. Pajavera. Nako, nakakahiya naman sa asawa mo, boss, napagkamalan pa ako bilang siya."
Her boss paused for a while before answering her question. "Hayaan mo na 'yon. Come on, nagmamadali na tayo."
Napanguso na lang si Maiara saka tinanggap ang kamay ng boss niya at nakisabay sa paglalakad. Lagot talaga siya kay Matteo kapag nalaman niya 'to, pero syempre sikreto na lang ito.
Natutuwa at namamangha si Maiara sa laki ng resort na ito. There's so many restaurants and stalls inside. There's Max's, Yellow Cab, Pancake House, and many more. May mga upuan ring nagkalat sa paligid malapit sa mga restaurants at sa gilid naman ay naroon ang mga bike na pwedeng gamitin kapag nag-ikot sa buong beach resort.
Pumunta sila sa restaurant na malaki or main restaurant they called and it's Max's restaurant. Hindi siya covered or normally built restaurant dahil parang kubo type ito since open siya at gawa buong restaurant sa kahoy at kawayan. Kitang-kita ang beach sa gawing ito since nakaharap ito doon at walang bintana na magiging harang kaya maganda ang tanawing matatanaw mo mula doon. Wala ring masyadong tao dahil alanganing araw ngayon, weekdays.
"Bro! Grey!" napalingon sila pareho sa lalaking tumawag sa boss niya habang inaasikaso sila ng waiter para sa reserved seats.
"Hey man!" bati pabalik ng boss niya. Tiningnan niya ang dalawang tao na nasa harapan niya. Ang lalaki na tumawag sa boss niya at ang babaeng kasama nito.
"Bakit biglang sumama ang tingin nila sa akin?" tanong niya sa sarili.
"Bakit kasama mo siya, Grey?" tanong ng lalaki.
"Kayo na ulit?" sunod na tanong ng babae.
"Ahm.. Hello po, I'm Maiara Aurino, Mr. Pajavera's personal assistant." Nag-offer pa ng handshake si Maiara ngunit masamang tiningnan lamang ito ng dalawa kaya nahihiya siya habang unti-unti itong binababa.
"What are you doing here Maiara? Kumakapit ka na naman ba sa kaibigan ko para makapagnakaw na naman ng pera at masaktan ang anak niya?"
"Ano po? W-wala akong masamang pakay kay boss at sa anak niya." nanginginig na pagtatanggol ni Maiara sa sarili mula sa pag-aakusa sa kanya ng lalaki.
"Hindi na gagana 'yan sa amin, Maiara. Sinaktan mo ang kaibigan namin at inaanak ko." matalas na tiningnan naman siya ng babae.
Napabuntong hininga si Grey sa gilid niya saka pinaatras ng kaunti si Maiara papunta sa likod nito. "Enough with that, Justus and Sunny."
"Pero, Grey! Nagpapakatanga ka na naman ba sa kanya? What if ituloy na lang natin ang plano noon? I can arrange the papers today since I'm the most handsome, cool and the best lawyer in our country." nilingon pa nito ang babaeng katabi. "right, wifey?"
"Yes, my most handsome, cool and the best lawyer husband is right, Grey. She doesn't deserve you. Pinaglalaruan ka lang nyan tulad noon tapos ngayon babalik na naman siya at mag-iinarte na parang walang maalala. Alam ko na ang ganyang gawain, girl, may mga ganyang tao akong nakasama sa selda noon at sa labas din."
Hindi na siya nakagalaw pa kaya nang hilahin siya ng boss niya paalis sa harapan noong tinawag nitong Justus at Sunny ay nagpatangay na lamang siya.
"Tell me, boss. Matagal na ba tayong magkakilala? May malaki ba akong kasalanan sa inyong lahat kaya ganoon ang pagtrato niyo sa akin?" hindi niya maiwasang itanong dahil sa hindi mapakaling pakiramdam.
Unang na-encounter nyang ganito ay ang lalaki sa St. Augustine Church, pangalawa ay ito mismong boss niya, at ang panghuli ay sila Justus at Sunny naman.
"Yes. And to answer your last question, Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo mismo? Stop acting like you have no idea about what happened to us."
"But I have no idea!" hindi niya maiwasang pagtaasan ng boses ang boss Grey nya dahil sa frustration.
"Buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman 'to. Sa mga taong nakalipas matapos akong magising mula sa isang aksidente, ni isa wala akong maalala. Simula naman nang makilala ko kayo," at itinuro niya ang boss niya. "Lalo na ikaw, boss! Lagi na akong nagtataka kung bakit parang mas kilala mo pa ako kaysa kay Matteo? Bakit alam na alam mo lahat ng bagay tungkol sa akin?"
Mata sa matang tiningnan ni Maiara ang kausap. "So, tell me boss. Sino kaba talaga sa buhay ko?"
~cutiesize31 <3