Chereads / He's not just my Boss / Chapter 13 - Chapter 11

Chapter 13 - Chapter 11

CHAPTER 11 - Allergy

Maiara

While the person who's panicking about Maiara's situation, Maiara is unconscious and unexpectedly having a dream about her past which is the memories she had experienced eight years ago.

Eight years ago, she's a graduating high school student when this thing happened.

"Bakit kaya wala pang reply si Ash? Kainis naman oh." naibato ni Aia ang telepono niya sa ibabaw ng kanyang kama dahil sa pagkainis.

Today is her birthday pero wala man lang text mula sa kaisa-isang taong gusto nyang makasama ngayong espesyal na araw para sa kanya.

Napabalikwas siya sa pagkakaupo sa sahig nang marinig nyang tumunog ang telepono niya. Kaagad niya itong kinuha sa ibabaw ng kama pero nawala naman ang excitement niya nang makita ang notification mula sa isang matalik na kaibigan.

From: Ate Kristela

Happy Birthday Maia!!! Sorry di ako makakapunta dyan, busy sa school works eh. Bawi ako next week, ok? Love you mwah!

"Mukhang mag-isa lang talaga akong magse-celebrate ng eighteenth birthday ko." nanlulumong napaupo si Maiara sa kama.

Ang kaibigan nyang si Kristela or Ella for short ay mas matanda sa kanya ng iilang taon kaya nasa kolehiyo na ito. Pareho silang lumaki sa Angels Orphanage at pareho rin silang sinuwerte na makapasok sa Pajavera University. Ang alam niya ay malapit na itong makatapos ng pag-aaral at working student rin ito dahil napagpasyahan na nitong manirahan mag-isa dahil kaya na nito ang sarili at pinayagan na rin ng head ng orphanage. Nasa wastong edad na rin naman daw ito at isa pa, may taong gustong mag-alaga kay Ate Kristela kaya may nagsusustento na rin dito ngunit hindi naman niya ito kilala.

"Maiara! Lumabas ka na dyan sa lungga mo at tumulong ka dito sa mga kasama mo!" sigaw ni Sister Rhea sabay katok ng malakas sa pintuan ng kwarto nila. Sa iisang kwarto ay apat ang taong magkakasama dahil tig-dalawa naman ang double deck bed bawat kwarto.

Walang gana siyang tumayo at sumagot ng "Opo, Sister."

"Wala man lang bang makakaalala na birthday ko ngayon? Sabagay, kahit kailan naman ay hindi sine-celebrate ang birthday ko dito sa orphanage dahil si Ash ang lagi kong kasama sa tuwing birthday ko at isa pa matanda na sila Sister para ipaghanda pa ako. Marami silang inaasikaso at isa pa, makakalimutin na rin." bulong niya sa sarili bago ilagay ang telepono sa ilalim ng unan nya at lumabas ng silid.

Unfortunately, Maiara slowly opened her eyes. Sinanay niya muna ang mga mata sa liwanag ng paligid bago ilibot ang paningin. Napabuntong hininga na lamang siya nang makitang nasa hospital siya. Hindi rin siya makagalaw ng maayos dahil sa swero na nakatusok sa kamay niya.

She's thinking about that scene again when she heard someone talking.

"She's fine now, Mr. Pajavera. Mabuti na lamang ay kaagad syang naitakbo sa hospital kundi mas malala ang magiging kondisyon niya. Alam mo naman kung anong nangyari noon hindi ba? Kaya hangga't maaari, alagaan mo siya lalo na sa mga pagkaing kakainin niya."

Napatingin si Maiara sa pintuang bumukas at natanaw niya ang isang doktor na parang kaedad lamang ng boss niya. Magkasama ito at mukhang magkakilala pa. At hindi nga siya nagkamali sa naisip dahil sa narinig.

"Thank you, Dr. Sevilla." her boss thanked the doctor.

"It's Damien for you man." ani ng doktor.

"Then call me Grey. Besides, we're here in the hospital, so you're Dr. Sevilla for me." ngising tugon ng kanyang boss.

"It's Mr Pajavera for you since you're my patient's guardian. By the way, call me when you need something. Everything will be alright, don't worry." tinapik pa ng doktor ang balikat ng boss niya bago magpaalam itong lumabas.

Greyson

Greyson didn't know what to do after Maiara was brought to the ER. Pabalik-balik siya ng lakad at may pagkakataon pa na sinusubukan nyang sumilip sa loob ng ER ngunit wala rin naman siyang makita.

Nanghihina syang napaupo sa upuan malapit sa ER saka napahilamos ng mukha. It happened again. She's in the ER again with the same reason years ago.

"Sir, pwede naman po akong maiwan dito sa hospital para kay Maiara. Ako na po ang bahala sa kanya, sigurado po na marami kayong kailangan gawin sa opisina." inilingan niya lamang ang suhestiyon ng sekretaryang si Sofie na kasama niya sa hospital nang dalhin si Maiara dito.

"No, I will stay here and I will take care of Maiara. Ikaw na ang bahala sa opisina." wala nang nagawa pa si Sofie nang pabalikin siya ng boss niya kaya sumunod na lang siya sa utos nito.

"Fvck that Mango Bravo cake! Why do you even have nuts for toppings and ingredients? Maiara is now in danger because of that, damn it!"

"Tsaka bakit ba hindi nag-iingat ang babaeng 'yon? Alam namang allergic siya sa nuts pero kumain pa rin ng cake na may nuts. She's putting her life in danger!"

He's very worried about Maiara's situation right now and he can't deny it anymore. Even though his wife had done something on them before, he can't stop caring about her. Well, love does not easily fade. Maiara is his wife so what to expect? His love for her is deep and can't be measured.

At the same time, Maiara and Grey remembered what happened eight years ago. Same day, same time, but with different points of view.

It's already seven in the morning when Ash woke up. It's a special day today so he woke up early to surprise her girl on her eighteenth birthday.

"Oh, ang aga mo naman yata ngayon, Grey?" sinalubong siya ng kanyang ina na papasok pa lang sa trabaho.

"Birthday kasi ni ano, hindi ba no, kapatid?" nakangising tiningnan siya ng kuya niyang nasa dining table na siyang kumakain na ng breakfast kasama ang ama nila.

"Birthday nino?" tanong ng ina niya at ilang segundo lang ay nanlaki ang mata nito na tiningnan siya. "Oh! It's Maiara's birthday today, right? Eighteenth birthday!"

"Does she have a debut party, son? Does Sister Helen and Sister Rhea prepare something for Maiara today?" his father asked before he sat down and started eating his breakfast.

"I don't think so." They all know that Sister Helen and Sister Rhea can't handle it anymore. They are old enough to prepare parties and also, they are busy in the orphanage.

"Dapat pala anak sinabi mo ng maaga para nakapagpahanda naman tayo ng debut para kay Maiara. Alam mo naman na parang anak ko na 'yon. Ampunin na lang kaya natin siya, hon?" nilingon ng mommy niya ang daddy niya na nagkibit balikat lang.

"It's up to you. Actually, I would love her to be my daughter too para naman may babae pa dito sa bahay."

Sumama naman bigla ang mood ni Grey dahil doon. Kapag nangyari ang gusto ng mom and dad niya, ang binabalak naman niya kay Maiara ngayon ang mauudlot.

"Pfft.. mom and dad, please no. Huwag nyong ampunin si Maiara at baka may ma-issue na incest dito sa pamilyang 'to kapag nagkataong matuloy 'yang balak niyo." natatawa-tawang sambit ni Jackson.

"Why?" their dad curiously asked his brother.

Nginisian siya ni Jackson kaya sinamaan niya ito ng tingin na nagbibigay babala na huwag ipaalam ang nalalaman nito ngunit bwisit ang kapatid nyang iyon kaya niladlad na ang sikreto niya sa harap ng magulang nila.

"Well, Grey will ask Maiara later to be his girlfriend! Kaya, mom and dad, huwag niyong ampunin si Maiara nang dahil lang gusto niyo ng anak na babae. Magiging asawa naman 'yan ni Grey panigurado sa future kaya daughter-in-law ang magkakaroon kayo."

Gulat na napatingin naman ang mommy niya sa kanya habang ang dad niya ay nakangising nakamasid din sa gawi niya.

"Oh my god. For real?!" napatili naman ang mommy niya sa nalaman.

"You're waiting for her to be at legal age, aren't you?" his dad asked.

"Yes, mom, dad. But please, mom, huwag kang tumili."

"Binata na ang anak natin, hon! Hindi na torpe at duwag. Actually, I noticed it from the very start you became best friends. Buti naman at aamin ka na ngayon. Aba! Huwag kang gagaya dyan sa ama mo. Pakipot 'yan dati sakin eh. Nambully muna para pansinin ko siya." tumawa pa ito at inasar ang ama nila.

They know their parents' love story and it's kinda cliche. Like, haters turned to lovers.

Napailing-iling na lang siya sa kaingayan at kakulitan ng ina niya. Ngunit sa kabila ng makulit na side ng ina niya ay may sobrang striktong ugali ang pinapakita nito sa harap ng ibang tao. And that's her businesswoman personality.

After finishing their breakfast, his mom and dad go to work. Jackson goes to the basketball court in their village while he goes to the shops where he needs to get all the gifts he bought for Aia.

Nagpunta siya sa kung saan-saang shop at inuna niya ang flower shop para kunin ang binili niyang bouquet, then sa jewelry shop para kunin ang necklace na pina customized pa niya as a gift for Aia's birthday, at sa iba pang shops na makakatulong mamaya sa surprise niya.

His plan is to take Aia to an overlooking place with a very nice view. Alam niya na hindi pa nakakapunta si Aia sa ibang lugar para makapag bakasyon kaya siya ang gagawa non as a birthday gift for her.

Masyado syang maraming gustong gawin pero umabot naman sa oras na pinlano niya. Sana lang ay huwag magalit sa kanya si Aia dahil hindi siya tumawag o nagtext man lang dito simula kaninang umaga pero imposible naman yata iyon dahil may pagka matampuhin din si Aia gaya niya.

"Everything is already set, Sir."

"Thank you. Sisenyasan ko na lang kayo mamaya kung may kailangan kami ng ka-date ko, ok?"

"Noted, Sir." tumango ang lalaking kausap niya bago siya umalis doon para naman sunduin si Aia sa orphanage. Malayo ang byahe ulit papauwi pero sasakto naman sa oras ng binabalak niya kaya ayos lang.

Almost three hours ang byahe niya nang makarating siya sa orphanage. Naabutan niya pa si Aia sa labas at naglilinis. He already texted her na mag-ayos na dahil may pupuntahan sila pero mukhang hindi manlang nakita at nabasa ng dalaga iyon.

Tinakbo niya ang pagitan nila at hindi inintindi ang ibang nandoon sa paligid. Kaagad nyang hinila si Aia papunta sa silid nito saka sinabihang magbihis na dahil may importante silang pupuntahan.

"Saan naman kasi tayo pupunta, Ash?" sigaw ni Aia na nasa loob ng banyo.

"Basta. Bilisan mo na lang, Aia"

Ilang minuto pa at lumabas na si Aia na nakasuot ng above the knee chiffon floral puff sleeve dress na binili mismo ni Ash sa kanya noong huli silang namasyal sa mall.

Nilapitan ito ni Ash saka pinangiti sa pamamagitan ng pagpisil nito sa magkabilang pisngi.

"Kung makasibangot ka parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa ah. May problema ba?"

"Ash, may naaalala ka bang importante ngayong araw?" lihim na napangiti naman si Ash dahil doon. Nagtatampo ang Aia niya.

Nagkunwari namang nag-iisip nang malalim si Ash na syang kinairita ni Aia. He needs to pretend that he can't remember it's her birthday today for his surprise so...

"Hmm.. Sunday is Church day?" nakangiti niyang sagot.

"Ash naman eh! Alalahanin mo!" napapadyak pa ito at pagkatapos ay nilagpasan siya para kuhanin ang cellphone nito at saka ang iilang gamit na ilalagay sa sling bag.

"Holiday ba ngayon, Aia? Ang alam ko sa makalawa pa 'yon dahil inannounce ng PU na walang pasok."

Inirapan siya ni Aia at akma na itong lalayasan siya nang hindi na nakapagpigil pa si Ash at hinila ito papalapit sa kanya saka niyakap ito sa baywang.

"Huwag ka ng magtampo, birthday girl. Happy eighteenth birthday, my Aia."

Natigilan si Aia mula sa ginawa ni Ash sa kanya. Nilingon niya ito kaya kamuntikan na muling maglapat ang kanilang labi dahil sa sobrang lapit ng kanilang mukha.

"Thank you, Ash." mahinang sambit ni Aia ngunit si Ash ay nakatingin lamang sa labi nito. Hindi na nakatiis pa ay naglapit ang kanilang labi. Napangiti naman si Ash ng tugunin ni Aia ang halik niya dito pero kumalas siya kaagad nang maalala ang surprise niya para dito. Hindi sila pwedeng malate dahil may sinusunod siyang oras.

"Yeah, may pupuntahan pa nga pala tayo. Ituloy na lang natin 'yan mamaya." namula naman ang buong mukha ni Aia doon kaya hinayaan na lang nito ang sarili na magpahila kay Ash papalabas.

Ngunit bago pa sila umabot sa gate ay may naalala kaagad si Aia. "Teka, hindi pa ako nakakapagpaalam kila Sister Helen."

"No need. Nakausap ko na sila last week pa. Pumayag naman sila basta ibabalik kitang buo dito bago mag hatinggabi."

Pinaningkitan siya nito ng mata. "Planado, Ash?"

"Of course! Ako pa ba? Come on, baka matraffic pa tayo sa daan."

Sa buong oras ng byahe ay hawak-hawak ni Ash ang kamay ni Aia na ayaw namang pakawalan nito. Hinayaan na lang ito ni Aia na mas lalong ikinangiti ni Ash kaya habang nagkukwentuhan at soundtrip sila ay ganoon ang ayos nila.

Tatlong oras muli ang binyahe nila papuntang Tagaytay at hapon na. Wala manlang kaide-ideya si Aia kaya nakatingin lang siya sa labas ng bintana at tinatanaw ang paligid hanggang sa huminto sila sa isang lugar.

Nagpark si Ash. "We're here."

"Nasaan tayo?"

Ash just smiled on her. "Come on, you'll see. Hope you like it, birthday girl."

Tinanaw niya ang paligid at para silang nasa isang hotel. Nagtaka siya kung bakit sila narito sapagkat hindi naman siya pwedeng tumagal dahil hanggang hatinggabi lamang sya.

Nagtaka lalo si Aia nang igiya sila sa parang likuran ng hotel kung saan malawak ang tanawin at nang tinanaw niya ito ay nakita nya ang isang pamilyar na tanawin.

"Bulkang Taal ba 'yon?" turo niya sa tanawing hindi niya inaasahang makita.

"Yes." Ash answered.

"Nasa Tagaytay tayo?"

"Yeah. Surprise!" malaking ngiti ang ibinigay ni Ash kay Aia lalo na nang dambahin siya nito ng yakap. Masaya siya dahil masaya ang babaeng kasama niya.

"Thank you! Thank you dahil sa unang beses kong nag out of town ay ikaw ang kasama ko."

"You're always welcome. Don't worry, lilibutin natin ang Pilipinas bago ang ibang bansa. Pangako 'yan." that's really his plan in the near future lalo na kapag nangyari ang gusto niyang mangyari ngayong araw.

Iginiya sila ng waiter na syang sinenyasan kaagad ni Ash para ilabas na ang pagkain nila. It's a merienda and dinner date, actually. He's planning to watch sunset with her and wait for another surprise after eating their dinner.

Nasa isa silang gazebo na syang inayos kanina ng mga kinuha nyang organizer at syempre siya naman ang nag-ayos ng mismong table nila.

Patuloy ang kuwentuhan nila hanggang sa maubos ang appetizer at main course nila na siyang paborito nila pareho. It's a Filipino dish na iba't ibang putahe. Inabot na sila ng dilim sa labas at nang tingnan ni Ash ang relo niya ay ilang minuto na lang ay magsisimula na ang plano niya.

Sinenyasan niya ang waiter ulit para kuhanin ang bouquet na nabili niya kanina kasama ang necklace na mismong pina customized pa niya.

He gets Aia's attention first, so that he can start.

"Aia, We've been best friends for years. Marami na tayong pinagsamahan at masaya akong nakilala kita. We became partners in everything and I love that. You treated me like I'm an important person and that's what I did to you too. Ikaw lang ang babaeng nakapagparamdam sakin nito at hindi ko na kaya pang pigilan ang nararamdaman ko kaya hindi ko maiwasang ipakita iyon sayo sa mga nakaraang buwan. I care for you not because I love you as a younger sister or my best friend but because I care for you always and I love you as a woman." he gave the roses bouquet to her and then he continued his speech. "Can you be my girlfriend, Aia?"

Napatakip ng bibig si Aia at may mumunting luhang tumulo mula sa mga mata nito. Hindi rin nagtagal ay tumango si Aia sa tanong ni Ash kaya dali-dali nyang nilapitan si Aia para isuot ang necklace na bigay nya rito. It's her name with queen crown above it just like her name, Maiara Quinn Aurino.

"Finally, I can call you mine. I love you."

"Teka ang bilis naman yata maging tayo? Manligaw ka kaya muna?"

Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Ash at napanguso pa. "Are you rejecting me?"

"Ligaw muna kaya, Ash? Sasagutin naman kita eh."

"Hindi pa ba panliligaw yung paggawa ko ng mga assignments and projects mo? Nagkiss na rin tayo. Besides, walang bawian ng sagot."

"Ok!" niyakap siyang muli ni Aia. Natawa pa si Ash dahil sa bilis magdecide ni Aia. "Sabi na eh. Type mo talaga ako. Buti na lang type din kita." nakangiting pang-aasar ni Aia sa kanya.

"Hindi lang kita type, Aia. I love you, ok?" he caressed his girlfriend's face.

"Oo na po, Ash. I love you too." Aia tiptoed and gave her a light kiss kaya napanguso siya.

"Tigil muna ang halik. Kain muna tayo ng dessert. Mukhang masarap yung cake oh." tinuro ni Aia ang Mango Bravo cake na hawak ng waiter na papalapit na sa kanila. Inilapag nito ang cake sa harapan nila na may eighteen candles din na nakalagay sa ibabaw.

Kinuha ni Ash ang cake saka kumanta ng 'Happy Birthday'. Pagkatapos ay nag wish muna si Aia bago hipan ang mga kandila. Inilapag naman ni Ash ang cake saka tumingin sa relo niya.

He started counting when he saw that it's almost time.

3...

2...

1...

Fireworks caught Aia's attention pero ang mas ikinagulat at ikinatuwa niya ay ang mensahe na nabuo sa fireworks na iyon.

"Happy Birthday Aia. I Love You" he reads and tells Aia.

"Thank you for fulfilling my dream birthday today, Ash." naluluha-luha nitong pagpapasalamat saka tumayo sa kinauupuan at niyakap ng mahigpit ang boyfriend na niya ngayon na dati lang ay best friend niya na crush pa niya. Ang bilis talaga ng panahon.

"For you, I'll do everything as long as you can be happy. I love you, baby."

Napangiti na lamang sila sa isa't-isa saka itinuloy ang naudlot na pagkain ng cake. Binigyan siya ng slice ng cake ni Ash na kaagad naman nyang natikman. Ngunit sa kabila ng pagkasabik niya sa pagkain ng cake ay siya namang bigla syang nakaramdam ng paninikip ng dibdib at pamumula ng mukha.

"A-ash.."

"Why? You don't like it?"

"a-ash.. d-di ako m-makah-hinga" napahigpit ang hawak niya sa table cloth na siya namang kaagad na nilapitan ni Ash.

"What happened?!" sigaw ni Ash saka nagtawag ng crew para makahingi ng tulong. Hindi na narinig pa ni Aia ang nangyayari dahil sa kinain na syang muli ng dilim habang yakap-yakap siya ni Ash.

Ash rushed her to the nearest hospital and found out that Aia is allergic to nuts. Eating that cake is a dangerous move that can possibly put Aia's life in danger, so from then on, he promised himself and Aia that he will take good care of her more and he will also check the food that she will eat.

~cutiesize31 <3