CHAPTER 10 - His wife and son
Greyson
Madaling araw na nang tumila ang ulan kaya naman nang matapos syang tawagan ng kanyang piloto ngayong alas sais, madaling madali siya sa pag-aayos muli ng mga gamit.
Abot hanggang langit ang kaba niya lalo na noong naisip niya ang kanyang anak na mag-isa lamang sa bahay ngunit mas lalo syang nanginig sa takot para dito nang masabihan siya ng guwardiya, na kinuha niya para magbantay sa bahay, na may babae na nagpunta doon at nagprisintang alagaan ang anak niya.
Nang itanong niya ang pangalan noon ay sinabi nitong ito ay kanyang personal assistant na si Maiara Aurino!
"Don't you dare hurt my son or else I'll hurt you in a thousand ways I know." nakatatak na babala nito sa kanyang isipan.
Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras nang makalapag na ang eroplanong sinasakyan. Ilang oras lang din ang itinagal ng byahe niya. Dala -dala niya ang isang bagahe habang malalaki ang hakbang papalabas sa airport at mabilisang sumakay ng sasakyan niya na pinahanda niya kanina bago pa lumapag ang eroplano.
"Mr. Pajavera! Good morning po!" bati sa kanya ng security guard na syang tinanguan niya lamang. Hindi rin nagtagal ay natanaw na niya ang pinakamalaking bahay sa buong subdivision kung saan nakita niya rin ang iilang security guard na kinuha niya para bantayan ang buong kabahayan na pagmamay-ari niya.
"Magandang umaga, Sir Grey!" bati sa kanya ng mga security guard dito.
"Where is she?" kaagad niyang tanong.
"Ah yung personal assistant niyo ho ba, sir?" tanong nito.
"Yes, where is she?"
"Nasa loob pa ho, sir, kasama ni Sir Sky. Huwag ho kayong mag-alala at binalaan ko naman po siya kung sakaling may maling gawin tsaka mukha naman pong mapagkakatiwalaan yung---"
"Don't be blinded by that kind of face. Huwag kang pakasisiguro na kahit na mukhang mahinhin pa ang itsura, baka nasa loob naman ang kulo nyan." mga salitang pangaral nya sa trabahador niya kaya naman napahinto ang guwardiya sa sinasabi nito.
Napailing-iling na lamang siya dahil sa ekspresyon na binigay ng guard sa kanya. Well, natuto na kasi siya sa pagkakamaling iyon noon.
Dali-dali naman syang pumasok sa loob ng bahay niya saka malalaking hakbang ang ginawa papaakyat sa silid ng anak. Pinapakiramdaman pa niya kung may mali bang nangyayari sapagkat tahimik ang pasilyo patungo roon.
Dahan-dahan nyang binuksan ang pintuan ng silid ni Sky para hindi makagawa ng ingay. Sumilip siya ng kaunti at natanaw niya ang dalawang tao na natutulog sa kama na magkayakap pa.
Natulos na lamang sa kinatatayuan si Grey dahil sa nasaksihan. Ilang taon na rin pala bago niya huling nakita ang mag-ina niya na magkatabing matulog at magkayakap pa.
Wala sa sarili niyang kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalon niya saka kinuhanan ng litrato ang asawa at anak. He can't stop smiling while seeing their photos. Ngunit natigil lamang siya nang nakarinig siya ng mahinang ungol at senyales na magigising na si Maiara.
Mabilis niyang ibinulsa ang cellphone saka ginawa ang ekspresyon na lagi niyang ipinapakita dito, ang blangkong ekspresyon.
"Hmm.." unti unti itong nag-inat saka nagdilat ng mga mata. Halos napabalikwas pa ito nang makita siya na nasa harapan niya at nakatingin lamang ng blangko sa kanya.
"Boss!" dali-dali pa itong napatakip ng mukha saka yumuko.
"Sorry, boss, nakatulog po ako. Medyo late ko na po kasi napatulog si Sky." nilingon pa ni Maiara ang natutulog ng mahimbing na si Sky.
"Good morning. You can go now, Ms. Aurino." aniya kaagad at walang paligoy-ligoy.
"Opo, boss." mahinang sambit ni Maiara habang ang boss ay ganoon pa rin ang ekspresyon, blangko at seryoso.
"And don't ever go here again without my permission." seryosong utos nito at tumango na lamang si Maiara. Hindi na nito nilingon pa ni Grey dahil nasa anak na ang atensyon nito.
Maiara
Dumiretso na si Maiara sa bahay nila at mabilisan lamang ang kilos dahil late na siya sa trabaho. Nakauwi siya ng bahay ng alas otso y medya na ng umaga kaya naman habang nasa daan papunta muling AIA ay nag-aayos pa siya.
"Bakit ba kasi late kang nagising, babe? Ayan tuloy madaling-madali ka at hindi ka pa man lang tapos mag-ayos." tanong ni Matteo sa kanya nang sunduin siya nito kanina.
"Nalate kasi ako ng gising tapos nakalimutan ko pang mag-alarm." palusot niyang ani habang nagsusuot ng foot socks at sapatos, pagkatapos ay nagsuklay na siya ng basang buhok nya.
Hindi na niya napagpasyahan pang sabihin kay Matteo ang ginawa niya kagabi. Noong naalala niya ang away sa pagitan ng boss niya at kay Matteo noong nakaraan sa AIA Company ay iniwas na niya ang anumang topic tungkol dito kahit pa curious na curious siya sa pinagmulan ng alitan ng dalawa.
Nagpaalam na siya kaagad kay Matteo saka nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Lakad-takbo ang ginawa niya nang makapasok siya sa building at halos nanginginig na ang mga tuhod pati ang kamay.
"Maiara! Finally nakarating ka rin! Bakit ba late ka?" bungad sa kanya ni Sofie.
"Pasensya na, nalate lang ng gising." mabilis siyang nagtungo sa pwesto niya saka kumuha ng salamin para makapag lagay ng kaunting make-up para kahit papaano ay magmukha siyang fresh sa trabaho.
"Akala ko aabsent ka ngayong araw?" nagtataka niyang tanong nang maalala niya ang text nito kahapon.
"May magbabantay naman kay Papa kaya pumasok na lang ako. Eh ikaw bakit ka late nagising? Buti na lang talaga at wala pa si Sir Grey kundi sermon na naman ang aabutin mo sa kanya." hindi na siya nag-usisa pang magtanong kung bakit dahil alam niya na ang dahilan kung bakit wala pa ito.
"Anyway, mamayang 11 am ay magpapakain ang tatlong head department dahil birthday nila. Naku! Ang saya talaga pag birthday nila Mrs. Pili, Mr. Gabriel, at Mr. Verueco, ang daming handa eh kaya nakagawian na dito na celebration nila tuwing eleven ng umaga hanggang lunch. Payag naman si Sir Grey doon dahil last month pa sila nagpaalam kaya for sure ay dadating si Sir pamaya-maya pa."
"Talaga?" manghang sambit ni Maiara habang nag-aayos siya ng kilay.
"Oo nga, kaya hindi mo na kailangang ibili si Sir Grey ng pagkain buong araw dahil sagot na ng tatlong head department 'yan."
Saktong-sakto! Hindi pa nakakapag-agahan si Maiara at nakarating siya sa AIA Company ng alas nuebe kaya konting tiis na lang ay kakain na siya.
Inasikaso muna nila Sofie at Maiara ang mga kliyente ng kanilang boss na nagpapaschedule para makausap ang boss nila. May iilan din paperworks na ginawa si Sofie kaya halos si Maiara na rin ang gumagawa ng iilang presentation na kakailanganin daw ng boss nila sa susunod na araw para sa board meeting nitong muli.
"Give me my schedule for today, Sofie." yabag at striktong boses ang narinig niya kaya napaangat siya ng tingin. Nakita niya ang boss niya na naka-ayos na ngayon ng tuxedo na parang kanina lang ay naka tshirt at pants lang noong dumating ito sa bahay.
"Here, Sir." pag-abot ni Sofie ng notepad sa boss nila. "By the way, Sir. Mamaya na po yung celebration ng tatlong head department na ipinagpaalam last month."
"Ok, tell them that I will be there too." maikling sabi nito saka pumasok na sa opisina.
Pigil hininga ang ginawa ni Maiara dahil baka pagalitan siya nito tungkol sa nangyari kanina pero mukhang hindi naman dahil ilang minuto pa nyang tiningnan ang opisina nito at hinintay bumukas, hindi naman nangyari.
Sabagay, mali rin naman kasi ang ginawa niya. Hindi man lang siya nakapag paalam at parang feel at home pa ito kagabi. Lalo pa noong nakatulog siya sa kwarto ni Sky! Nakakahiya talaga. Buti na lang talaga at may trabaho pa siya kahit na marami na siyang maling nagawa at napagalit na rin ng ilang beses ang boss.
"Maiara, tara na! Nasa conference room na raw ang iba nating officemate." pag-aaya ni Sofie sa kanya kaya mabilisan syang nag save ng gawa niya saka iniabot ang flashdrive dito.
"Ayan na yung nagagawa ko para sa presentation na kailangan ni boss. Paki check na lang mamaya para mai-edit ko kung may mali man."
"Salamat, Maiara! Sige, check ko later. Kain muna tayo at kanina pa ako natatakam. May pa-lechon nga raw sila Mr. Verueco eh." natutuwa nitong sabi at bago sila nagtungo sa conference room ay tinawag muna nila ang boss para magpaalam na bababa na sila.
"Susunod na lang ako, mauna na kayong dalawa." sagot nito habang nakaharap pa rin sa laptop nito.
"Ok, Sir!" sagot ni Sofie saka mabilis na hinila papalabas ng opisina si Maiara at patakbo silang pumasok sa elevator. Pinindot nya kaagad ang 26th floor at pagkabukas pa lang ng elevator door ay natanaw na nila ang mga officemate nilang may dalang pagkain.
"Wow."
"Nakakatakam naman!" sabay nilang sambit ang mga salitang iyon.
"Oh, nandyan na pala kayo! Hinahanap na kayo nila Mrs. Pili doon sa conference room pati si Sir Grey."
"Marami bang handa? Mukhang mapapalamon ako ah. Bye bye diet." pabirong ani Sofie kay Wilma.
"Ay nako oo! Sige at mauna na kami sa opisina namin. Daming tao dyan kaya halos lahat ay kumukuha lang ng pagkain tapos babalik na ulit sa kanya-kanyang table." napatango na lang si Maiara. Kaya pala halos lahat ng officemate nila ay puro Tupperware ang dala-dala imbis na plato lamang mula sa pantry or cafeteria. Magaling ah.
"There you are, Sofie and Maiara! Nasaan si Sir Grey?" pagsalubong sa kanila ni Mrs. Pili.
"Susunod na lang daw ho, Mrs. Pili. May mga pinipirmahan at chinecheck pa po kasi sa laptop, baka tinatapos na lang po iyon." sagot ni Sofie dito.
Binigyan sila Sofie at Maiara ng plato at inaya na doon na lamang kumain. Kaunti na lang ang natira sa loob ng conference room kaya pumayag na sila.
"Sige lang kuha lang kayo dyan. Mag dessert na rin kayo pagkatapos nyong kumain nyan." nakangiting sambit ni Mr. Gabriel sa kanila saka itinuro ang tatlong cake na nasa gitna ng lamesa.
Mango Bravo + Chocolate Mousse + Mocha Cake = Diabetes
"Ang daming cake, parang ang sasarap tikman lahat." bulong sa kanya ni Sofie at sabay silang natawa.
"Parang ang sarap non. Hindi ko pa natatry kaya iyon ang uunahin ko." sabay turo ni Maiara sa Mango Bravo cake.
"Ay weh? Ang sarap kaya nyan!" sambit ni Sofie habang may laman pang palabok ang bibig.
"Ay Sofie naman. Punong-puno ang bibig oh." nag peace sign na lang ito sa kanya saka nagpatuloy na lang sila ulit sa pagkain hanggang sa dumating ang pinakahihintay ng lahat. Ang boss Grey nila.
"Sir, tara kain na ho." pag-aaya ng tatlong head department sa boss nila. Kinuhanan nila ito ng mauupuan saka ng plato at kutsara't tinidor.
"Happy Birthday sa inyo, Mr. Gabriel, Mrs. Pili, and Mr. Verueco." pagbati ng boss nila.
"Thank you, Sir!" sabay-sabay nilang sambit kaya napatawa ang lahat ng nasa loob ng conference room.
Ilang minuto pa ang nakalipas nang paubos na ang kinakain nila Sofie at Maiara kaya naman nagpasya na silang kumuha na ng cake.
Sofie decided to try the Chocolate Mousse cake and a little slice of Mocha cake first while Maiara is very excited to eat some Mango Bravo cake.
"Kayong dalawa, dito na kayo maupo." pag-aaya sa kanila ni Mr. Verueco malapit sa kinauupuan ng boss nila na syang bakante na habang ang tatlong birthday celebrant ay nasa kanang bahagi ng lamesa at silang dalawa ay sa kaliwa ng boss nila.
"Ang sarap naman ng chocolate mousse na 'to!" natutuwang sabi ni Sofie na narinig naman ni Mr. Gabriel.
"Syempre! That's my wife's specialty cake." pagmamalaki ni Mr. Gabriel kaya napangiti sila Maiara.
"Yung Mango Bravo naman i-try niyo rin. Nabili ko 'yan sa Contis kaya paniguradong magugustuhan niyo." nakangiting tugon ni Mrs. Pili at sakto namang sumubo si Maiara ng cake na iyon.
"What?" medyo malakas na sabi ni Boss Grey.
"Po?" tanong ni Mrs. Pili.
"You have a mango bravo cake?" kunot-noong tanong nito.
"Ah opo, sir, ayun ho." turo nito sa cake na nasa gitna ng lamesa.
Hindi makapagsalita si Maiara habang nginunguya ang cake na isinubo dahil sa kakaibang pakiramdam. Para siyang kinakapos ng hininga paunti-unti kaya humawak siya sa kamay ni Sofie ng mahigpit.
Nilingon sya nito. "Bakit? Anong problema?"
"Ah.. i-I c-can't... b-br-breathe.." nahihirapang tugon ni Maiara dito.
Napatigil naman sa pagkain si Sofie saka pinakalma si Maiara.
"Hala! Teka, teka bakit??" mas lalo pang humigpit ang hawak ni Maiara kay Sofie.
"What the hell is happening?" dumagundong ang boses ng boss nila kaya napatingin sa gawi nila Maiara at Sofie ang mga tao na nasa conference room.
Namumula na si Maiara kaya mas lalong nagpanic si Sofie at hindi malaman ang gagawin. Halos hindi na rin alam ni Maiara ang nangyayari sa paligid dahil parang kaunti na lamang ay mawawalan na siya ng malay.
"What happened?"
"Anong problema?"
"Teka, anong nangyayari kay Maiara?"
Tanong ng tatlong birthday celebrant pero mas clear niyang narinig ang boss niya dahil mas lumakas ang sigaw nito sa pangalawang pagkakataon.
"Did you just eat the Mango Bravo cake, Maiara?! You're allergic to nuts, damn it!"
Bago pa siya mawalan ng malay dahil sa kakapusan ng hininga ay naramdaman niya ang bisig na bumuhat sa kanya. Naaninag niya ang boss niya pero bago pa siya makapagsalita ay nilamon na siya ng kadiliman.
~cutiesize31 <3