Chereads / He's not just my Boss / Chapter 11 - Chapter 9

Chapter 11 - Chapter 9

CHAPTER 9 - Beach House

Maiara

Natulos sa kinatatayuan si Maiara dahil sa nangyari. Naguguluhan sa nararamdamang pagbilis ng tibok ng puso nang lumapit masyado ang boss sa kanya na para bang hahalikan siya nito.

Kinuha ni Maiara ang telepono na naramdaman niya kaninang tumutunog. Alam niyang si Matteo lang naman ang tatawag sa kanya sa oras na 'yon para kamustahin siya at hindi nga siya nagkamali sa hula niya nang maramdaman niyang tumutunog iyon kanina. Aksidente pa niya tuloy nasambit ang pangalan ng boyfriend niya.

"Hello Matteo?"

"Babe! Are you free tonight?"

Napaisip muna siya saglit kung may tambak na trabaho siya ngayon. Nang maalala na natapos na niya ang reports na 'punishment' sa kanya ng boss niya ay kaagad siyang umoo.

"Ah oo naman! Bakit?"

"Date tayo."

"Hmm sige." nangingiting sagot ni Maiara dahil finally makakapag relax siya ngayon kahit papaano.

"Ok! Sunduin kita dyan sa trabaho mo. Bye! I love you."

"Bye! Ahmm love you too." mahina niyang sagot saka ibinaba na ang tawag. May pagkakataon pa rin talaga na nahihiya siyang tumugon sa I love you ng boyfriend niya pero buti na lang ay hindi naman nagiging problema iyon kay Matteo.

"Phone is prohibited mostly during your working hours."

Napahawak sa dibdib si Maiara dahil sa sinabi ni Sofie habang nakasandal sa pintuan.

"Mapapagalitan ka ni sir kung siya ang nakahuli sayo nyan."

Napayuko naman siya. "Sorry, tatawag na lang ako ng maglilinis dito." tukoy niya sa kalat at urungin na nasa lababo.

"Sige. By the way, pupunta nga pala kami ni sir ngayon sa Ilocos Norte para sa business meeting niya. Ikaw ang maiiwan dito kaya pakisigurado ang pagkakaayos ng gamit dito at sa opisina niya ha." pagpapaalala nito.

"Walang problema, Sofie." ngumiti siya pabalik dito.

Greyson

Grey can still remember the things he almost did to her. Ganoon ba siya kadaling palitan? He also heard Maiara's phone conversation with Matteo. Date huh?

Nang dahil doon ay hindi niya ito tinapunan manlang ng tingin nang umalis na sila ni Sofie. Nagtungo sila sa Clark International Airport dahil sa naroon din nakalapag ang kanyang private plane. The owner of that airport is his friend so his airplanes can land there easily. And that plane ang siyang maghahatid sa kanila patungong Ilocos Norte kung saan naghihintay na doon ang mga board members na kasama niya sa proyekto na gagawin nila ngayong taon.

And since work is very important to the businessmen, diretso sila sa meeting pagkagising na pagkagising sa umaga.

Of course they eat their breakfast but the conversation is full of business then after that, nagsimula na sila ng official meeting nila.

While having their meeting, Grey can't help but to think about Maiara. Natuloy kaya ang date nito kagabi?

"Mr. Pajavera, are you still with us?" Mr. Javier, one of the board members, asked.

"Oh yes, sorry, I'm just thinking something." pagpapaumanhin niya dito na tinanguan naman kaagad ng kausap.

"As I was saying, If we agreed to have a five star hotel here in Pagudpud, it would be a great idea since Ilocos' island has white sand and crystal blue waters just like the Boracay Island. Masyado ng crowded sa Boracay, so why don't we build other beautiful tourist spots here in our country?"

"I agree, but we should plan the architectural designs more. Instead of building architecture, why don't we change it? The tourist wants to go here because living in the city is really stressful and then they will have a vacation here. They will be disappointed if they see buildings again here on the Island." Mr. Yulo commented.

"Yeah, we should arrange a meeting again with the engineer and architect for this project." lumingon si Grey sa sekretarya. "Can you contact Engineer Lopez and Architect Sandoval?"

"Yes sir, wait for just a second." saka ito lumabas para tawagan ang iniutos ng boss.

Nagpatuloy sa pag-uusap ang iilang board members tungkol sa mga private property islands na narito sa Ilocos. Maganda ang tanawin dito mula sa pwesto nila. Napili kasi nila na sa labas na lamang at dahil wala namang tao masyado sa resort na pinuntahan nila, maayos ang naging pag uusap nila.

"Mr. Pajavera, I heard that you owned a private island here, where is it?" Mr. Yulo curiously asked him.

"There, Mr. Yulo." turo niya sa isang isla na nasa dulo at malayo sa kanila. Magandang property iyon lalo na at maliit at buong isla pa ang nabili niya.

"When did you bought it? Nakilala ko nga ang may-ari nyan dahil interesado ako sa isla na 'yan kaso ang mahal at may nagmamay-ari na rin pala. I'm surprised when he said that you're the one who brought it."

"I bought it three years ago."

That Island has a sentimental value for him. He bought it because he wants to achieve one of the goals of his wife before.

"Ang ganda naman dito Ash!" natutuwang sabi ni Aia sa binata. Natawa na lamang ang binata lalo na noong tumakbo ang dalaga papunta sa dagat saka naglaro-laro sa tubig.

"Nagustuhan mo ba dito?" niyakap niya ito sa likuran.

"Oo naman! Grabe! Pangarap ko talaga 'to, thank you so much, Ash." malambing nitong sambit.

"You're always welcome, Aia. Happy Birthday." bulong niya dito saka mas hinigpitan pa ang yakap sa babae.

Noong tinanong niya kasi kung ano ang plano nito para sa ika-18 kaarawan nito ay sinabi nito na ayaw nyang maghanda kundi magbakasyon na lang sa isang isla.

Ilocos Norte has so much to offer. It has white sand beach and crystal blue waters. Hindi niya gusto sa boracay dahil masyado nang crowded doon habang sa Palawan naman ay naubusan na sila ng ticket dahil agaran lang naman ang pagpapabook niya.

"Paborito ko talaga ang tanawin kagaya nito kaya nga ang pangako ko sa sarili ko ay kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral, magtatrabaho kaagad ako hanggang sa makaipon at makabili ng beach house." ngayon ay magkahawak kamay naman silang naglalakad sa gilid at naaabot ng hampas ng tubig ang kanilang mga paa.

"Beach house? Dito?"

"Oo, maganda naman dito eh." napalingon-lingon si Aia sa paligid hanggang sa natigil ang tingin nya sa isang maliit na isla na medyo may kalayuan sa gawi nila.

"Ayun!" turo niya doon na agad namang nilingon ni Ash.

"It's a private island, I think." tanging pagsakay sa yate lamang ang paraan para makapunta doon at isang tingin lamang ay halatang pivate property ito dahil walang mga establisyimentong nakatayo sa buong isla.

"Basta pag-iipunan ko talaga 'yan. Imposible man pero naniniwala ako sa kasabihang 'nothing is impossible.'" nangangarap na sambit ni Aia sa binata habang ito ay nakatingin sa kanya at may namumuo nang plano sa utak niya.

"What's your plan, Mr. Pajavera? Magandang isla iyon na pagtayuan din ng five star hotels. How about, build a hotel there and you should afford to get a membership card first before you can stay there in that island?" Mr. Yulo suggested pero umiling lamang si Grey.

"No. Gusto ko lang siya na manatiling private property ko at tayuan ng beach house." simpleng tugon ni Grey dito.

"Beach house? For your family? Great idea!" These board members also know that he's married. Minsan na rin kasi nilang na-meet si Sky and that was months after his wife left them.

Nagkakwentuhan pa sila saglit at saka napagdesisyunan na ituloy na lamang ang meeting sa susunod kasama ang engineer at architect nila para sa project na kanilang itatayo. May mga meeting din itong kailangan asikasuhin kaya ni-reschedule na lang nila ang susunod na pag-uusapan.

"You can now go, Sofie." utos niya sa sekretarya.

"Talaga po sir? Sorry po, emergency lang po talaga sa bahay." kinuha nito ang ticket nila saka ibinigay ang sa kanya.

"Eto po yung ticket niyo pabalik sir. Bale mauuna na po ako umuwi habang kayo po ay mamayang gabi pa, ok lang po ba talaga 'yon sa inyo, sir?"

"Yes." he nodded.

"Sige po, isesend ko na lang po yung schedule niyo bukas in case po na hindi ako makapasok dahil babantayan ko si papa sa hospital o kaya po ay iuutos ko na lang kay Maiara."

"Give my schedules to Maiara." pagpapasya niya kaagad.

"Noted, Sir. Mauna na po ako." Grey just nodded at his secretary. Bumalik na lang kaagad siya sa hotel room dahil gusto na niyang magpahinga. Marami silang kinailangang pagmeetingan kanina at umaga iyon hanggang hapon pa.

Nagising siya sa ingay ng tunog na nagmumula sa kanyang telepono. It's an emergency alert about the typhoon. And then the landline at the house called.

"Hello?"

"Daddy? Where aw (are) you?" he can hear that Sky is crying.

"Sorry, Sky, pauwi na si Daddy kaso matatagalan pa ako."

"Why? Daddy, it's raining, uwi ka na please."

"Don't be scared, Sky. Sasabihan ko si Manang na tabihan ka matulog, ok? Tapos pag-uwi ko tatabihan din kita kaagad."

"Manang's not here, daddy."

"What?" iritadong tanong ni Grey sa anak. Kung wala ang nag-aalaga rito, paano na ang anak nya?

"Alis siya kanina, daddy." sagot nito.

"I'll text manang para may kasama ka dyan, ok?"

"Ok, daddy. Bye. Ingat. I love you."

"I love you too, Sky."

Before he sends a text message to manang, he sees her text message that was sent minutes ago.

From: Manang

Sir, hindi na ako makakabalik sa bahay niyo kasi binaha ang loob ng bahay namin at kailangan pa naming mag ayos ng mga gamit. Bukas susubukan kong makabalik. Pasensya na, sir. Pinatulog ko na rin po si Sky bago ako umalis. At may bantay pa rin sa paligid ng bahay niyo kaya ligtas pa rin si sky kahit na mag-isa lang siya doon.

Napahilot na lamang sa sintido si Grey mula sa mensahe na nabasa. Paniguradong nagising ang anak niya dahil sa lakas ng kulog at kidlat kaya umiiyak ito nang makausap kani-kanina lang.

It's almost 6pm when he looked at the time on his cellphone. Ang nakalagay sa kanyang ticket ay 7:30 pm ang flight niya kaya naghanda na siya papauwi. But when he's about to check out at the hotel, he receives a call from the pilot and he told him that his flight is cancelled. The pilot says that he can't fly his private plane tonight because of the typhoon.

"Damn it!"

"Ah sir, I suggest na mag stay po muna kayo dito ng isa pang gabi dahil po delikado na ang daan kung magpaplano pa kayo na bumyahe po." sabi ng receptionist at saka itinuro din nito ang maliit na tv kung saan palabas ang balita tungkol sa bagyo. Hindi niya inaasahan na malakas ang bagyo ngayon lalo na at maganda ang panahon kani-kanina lang.

"Wait, I'll just call someone. I need to go home now, my son is waiting for me." Pagpapaalam niya sa receptionist saka ibinaba ang bagahe sa sofa na nasa gilid.

Tinawagan niya si Sofie ngunit hindi niya ito macontact. Baka papauwi pa lamang ito kaya hindi matawagan o kaya ay dahil sa emergency na sinasabi nito.

And then he called Maiara's cellphone number. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang nagriring ito.

"Ahmm hello, boss?" mahinang pagbati nito.

"Book me a ticket now, Maiara. A ticket from Ilocos Norte to Clark, Pampanga." kaagad na utos ni Grey sa kanya.

"I'll check the Clark Airport, boss."

"Faster, Maiara." pagmamadali niyang utos dito.

"Opo." and suddenly he heard someone on her background sound, a man's voice that is very familiar to him.

"Babe, you're busy? Date natin pero nagtatrabaho ka. Akala ko ba sakin ka ngayong gabi?" napakuyom ang kamao ni Grey sa narinig.

"Wait lang, Matteo, urgent lang 'to." rinig niyang sagot ni Maiara sa kausap.

"Ms. Maiara Aurino, I need a ticket now!" I badly need to go home now, damn it!

Minutes had passed at hindi tinantanan ni Grey ang kanyang personal assistant. Mas lalo lamang siyang naiirita sa tuwing naririnig niya ang boses ni Matteo sa background nito.

"Boss, pasensya na pero kanselado na rin po ang flight ngayon sa Clark. Ngayong gabi lang naman daw po ang lakas ng ulan kaya bukas ng umaga o tanghali ay baka pwede na silang tumanggap ulit ng flights."

"No, I need to go home now. My son needs me. Do everything you can, makauwi lang ako." mariin niyang utos.

"Pero boss, hindi po talaga pwede, mapapahamak lang po kayo kapag pinilit pa natin. Bukas na lang po yung may available flight."

"My son needs me now, hindi ka ba nakakaintindi?" salubong na ang kilay ni Grey habang kausap si Maiara.

"Sorry po, boss---" galit niyang binabaan ng telepono ito saka mag isang binisita ang website ng Clark Airport para magpabook ng sariling ticket pauwi, ngunit wala rin siyang napala dahil kanselado talaga ang flights ngayong gabi.

Maiara

"Sorry po, boss. Wala na po talaga tayong magagawa. Hindi naman po pwede na magmaneho pauwi eh tsaka mahigit 12 hours ang byahe. Delikado boss, mapano pa kayo." Mahabang eksplanasyon ni Maiara sa boss nito pero wala siyang tugon na narinig mula dito.

"Boss?" tiningnan nya ang hawak na telepono at napangiwi na lang siya nang makitang pinatayan na pala siya ng tawag nito kanina pa.

"Kanina pa ako salita nang salita, wala naman pala akong kausap." napabuntong hininga na lamang siya saka itinabi ang telepono nang lumapit muli si Matteo sa kanya.

"Still busy? Akala ko ba date natin?"

"Emergency lang kay boss kanina pero ayos naman na." napalingon sa labas ng bintana si Maiara at nakita niya ang medyo malakas na rin na pagbuhos ng ulan.

"Hey, ubusin na natin ang pagkain natin para maihatid na kita bago pa mas lalong lumakas ang ulan, delikado." Napatango na lang siya saka inubos na ang pagkaing inorder nila.

Masaya silang nagkwentuhan at asaran habang kumakain sa restaurant na napili nila kanina. Nang naubos na ang kinakain ay kaagad silang nagtawag ng waiter para sabihin na sila'y tapos na at magbabayad na.

Matapos bayaran ni Matteo ang kinain nila, tinanggal nito ang coat saka isinuot sa kanya bago pa sila makalabas ng restaurant.

"Isuot mo muna, mababasa ka."

"Salamat." may gwardya na lumapit sa kanila para payungan sila hanggang sa parking lot. Kaagad silang nagpasalamat nang makapasok na silang pareho sa sasakyan.

Habang tinatanaw ni Maiara ang daan papauwi, naalala niya bigla ang boss niya. Halata rito na gustong-gusto na nitong makauwi dahil nabanggit nito na kailangan ito ng anak niya.

Unti-unting lumalakas ang ulan kaya unti-unti ring nakakaramdam ng pangamba si Maiara para sa anak ng boss niya kaya napagpasyahan niya na puntahan niya ito nang masiguro niyang nakalayo-layo na ang sasakyan ni Matteo pagkahatid sa kanya sa bahay.

"Dyan lang ho ako manong sa AIA Subdivision." nagbigay siya ng bayad dito saka patakbong bumaba.

Nagtungo siya sa guard house para magpatawag ng shuttle van papunta sa bahay ng kanyang boss. Nag-aalala na siya kay Sky kaya nang makarating ang shuttle van para ihatid siya, binilisan niya ang pagsakay at pagbaba mula doon.

May mga guwardya naman na naglilibot at nagbabantay rin sa Pajavera residence at nasabi nga nito na umalis na ang nag-aalaga kay Sky kaya paniguradong mag-isa na lamang ito sa loob. May mga CCTV naman kaya safe and secured din ang mga naninirahan dito.

Pinagsabihan pa nga si Maiara na kung gagawa man ito ng masama, madali lang itong mahuli.

"Di ako gagawa ng makasasama kay Sky. Promise, kuya guard!"

"Naku! Kapag napahamak ang bata, paniguradong lagot ka sa tatay nyan. Nakakatakot pa naman makalaban ang mga Pajavera." napapailing pa nitong tugon saka nagpaalam saglit para i-check ang bakuran ng bahay ng Pajavera.

"Tao po!" pagtawag niya sa labas ng pintuan. Mabuti na lang at may kaunting bubong na pwedeng pagsilungan kaya habang nagtatawag siya ng tao sa loob, hindi sya nababasa.

"Tao po! Sky?!" isa pang tawag niya hanggang sa bumukas ng paunti-unti ang malaking pintuan.

"Who aw (are) you?" tanong sa kanya pagkabukas na pagkabukas nito ng pintuan. Tiningnan niya ang bata at nakitang si Sky ito.

"Sky! Naaalala mo ako?" turo niya sa sarili saka tiningnan siya nito at nag isip.

"Yeah!"

"May kasama ka ba sa bahay? Nakausap ko kasi si boss, ang daddy mo, mukhang matatagalan pa sa pag-uwi eh." aniya saka binuhat ang bata papasok sa bahay.

"None. La (wala) si manang."

"Ako muna ang magbabantay sayo, pwede ba 'yon?"

"Ok!" nagpababa ito saka tumakbo papaakyat sa hagdanan. Hindi niya ito kaagad nasundan kaya naman nilingon siya nito.

"Sleep ako, come on!" inilock muna niya ang pintuan ng bahay bago sumunod kay Sky. Hindi niya mapigilang mamangha sa bahay na ito. Kahit na kakaunti lang ang bukas na ilaw ay alam niyang maganda at mamahalin ang bahay na ito.

"Wow, ang ganda naman ng bahay na 'to." mahinang sambit niya habang papakyat.

Ipinasunod siya ni Sky papasok sa isang kwarto at nakita pa niya sa pintuan nito ang karatulang 'Sky's Bedroom'.

Pagpasok ay matatanaw kaagad ang maraming laruan. Malaki rin ang kuwartong ito at walang wala ito sa kwarto niya sa kanila. Parang ganito nga kalaki ang bahay nila eh.

Kumuha ng isang libro si Sky sa bookshelf nito saka ibinigay sa kanya bago ito umakyat sa kama nito at nahiga.

"Bedtime stowy (story)!!" sigaw nito at kaagad naman niyang naintindihan na gusto nitong basahan siya ni Maiara ng bedtime story.

"Ah sige." Kaagad na tinabihan ni Maiara si Sky saka sinimulang magbasa ng libro para dito.

Nasa kalagitnaan ng istorya na si Maiara nang maramdaman niya ang ulo ni Sky sa balikat niya. Nakatulog na pala ito. Kaya naman itinabi niya agad ang libro at ipinatong muna sa side table saka iniayos ng higa ang mahimbing na natutulog na si Sky. Kinumutan niya ito saka hinaplos ang buhok.

"Mommy..." bulong nito at nakaramdam naman ng sakit at lungkot si Maiara para sa bata. Bigla naman niyang naalala ang boss niya na nagsalita rin habang tulog tungkol sa pag iwan sa kanila ng isang babae. She's a hundred percent sure that it's her boss' wife.

Pareho pala sila ng ama nito na nangungulila sa asawa at ina. Bakit kaya nagkahiwalay ang boss niya tsaka ang mommy ni Sky?

"Don't worry, baby Sky. Ako muna ang magiging mommy mo ngayong gabi." hindi mapigilang sambit ni Maiara saka hinalikan ang bata sa noo nito. Niyakap niya rin ito at hindi niya inaasahan na ganoon rin ang ginawa ni Sky hanggang sa nakatulog na rin siya sa pagbabantay dito.

~cutiesize31<3