Chereads / He's not just my Boss / Chapter 10 - Chapter 8

Chapter 10 - Chapter 8

CHAPTER 8 - Jealous

Greyson

Greyson is dreaming again. It's all about his wife, walking away from them together with her man. Ever since his wife left him and his son, he started having a nightmare about it because he's afraid of it.

Hindi siya tuluyang nagising nang may tumapik sa balikat niya. Basta na lamang niya unti-unting dinilat ang mga mata at naaninag niya ang isang pamilyar na babae.

"Aia..." bulong niya.

"Si Maiara po ito..." sagot ng babae na kanyang nakikita na siyang hindi niya pinansin. Hindi na rin niya narinig pa ang iilang sinabi nito.

"Aia, huwag mo na kaming iwan, please." puno ng sakit, lungkot, at takot ang pagmamakaawa nito. Ilang saglit pa ay nang tuluyan na siyang magising ay nakita na niya nang malinaw ang babae na nasa harapan niya.

"Maiara?"

"Boss, nandyan na po yung report, uuwi—" natigilan sa pagsasalita ang kanyang personal assistant nang biglang tumayo si Grey saka ito hinila para yakapin.

Grey didn't know what he's doing right now and he only thinks that he's just dreaming so he didn't mind those tears who want to roll down from his eyes.

"Please comeback to me." hinigpitan pa niya ang pagkakayakap dito ngunit unti-unti rin siya ulit hinihila ng antok. But before he fell, may nakasalo na sa kanya at saka pa lamang siya tuluyan nang kinain ng dilim.

His phone keeps on ringing pero hindi niya pa kayang bumangon. Damn it! He still wants to sleep! There's so many things to do in his office at kahit hindi pa niya trabaho ay ginawa rin niya. Ano ba ang naisipan niya at madali niyang ginawa ang task na binigay niya sa iba?

Pinagawa pa niya kay Maiara yung reports pero siya lang din naman pala ang tatapos.

"Kung sino ka mang hudyo ka na istorbo sa tulog, malilintikan ka sa 'kin." galit na saad kaagad ni Grey kahit na hindi pa man niya tinitingnan ang pangalan ng tumawag.

"Hoy kapatid! Tumawag si manang sakin, nasaan ka raw. Gag* ka iyak nang iyak daw ang anak mo kagabi pa at hindi ka pa raw nila macontact. Nasaan ka ba, Greyson?"

Nang dahil sa narinig sa kabilang linya, mabilisang bumangon si Grey na naging rason kung bakit sya nahilo at napaupo muli sa sofa kung saan sya nakahiga.

"What the? I'm still in my office. Kagigising ko lang, kuya."

"Lagot ka kay pamangkin. Iyak nang iyak. Naku, mahirap pa naman patahanin 'yon tsaka suyuin. Mana sa ama." alam niya na magsisimula na naman sa pagre-reminisce ang kapatid tungkol sa kanila ng asawa kaya pinatayan niya na lamang ito ng kaagad ng tawag.

Napatingin na lamang siya sa pintuan na mahinang bumubukas. Maaga pa kaya kahit nagtataka si Grey kung sino iyon ay binantayan na lamang nya kung sino ang taong iyon at kung ano ang pakay nito sa pagpasok sa kaniyang opisina.

"Gising na kaya si boss?" mahinang sambit ng isang pamilyar na tinig.

Unang hakbang pa lamang ng taong iyon papasok ay kaagad na siyang umayos ng tayo saka nagsalita.

"What are you doing here?" aniya gamit ang tonong kasing lamig ng yelo.

Yeah right. Grey, the cold, back to work.

"Ay boss! Gising ka na po pala. Good morning po." yumuko pa ito kay Grey dahil sa gulat at hiya.

"Why are you here already? Mamaya pa ang pasok niyo." kunot noong tanong niya dito.

"Ah kasi boss pumasok po ako ng maaga para i-check kayo. Nakatulog na po kasi kayo agad kahapon at hindi ko na po kayo kaya dalhin sa private room niyo para doon ihiga kaya dyan lang po kayo sa sofa nakatulog." so Maiara is the reason why he woke up lying at the sofa.

"Tsaka boss nung ginigising ko po kayo parang naalimpungatan po kayo tsaka nananaginip pa. Puro po kayo sabi ng Ana? Aya? sino po ba iyon? Tapos po nung ginigising po kita bigla niyo po akong niyakap at maya-maya po ay nakatulog ka na lang po ng tuluyan." dagdag na pahayag pa nito kaya natigilan si Grey sa paglalakad patungo sa table niya.

Hinarap niya ang kanyang personal assistant. Hindi pinahalata ang hiya na nadarama dahil akala niya ay nananaginip lang siya kahapon na nayakap niya ang asawa. Totoo pala talaga ang nangyayari kagabi. "Nevermind what I've said and did last night."

"Noted po boss." kaagad na tugon ni Maiara.

"Since you're already here, buy me a breakfast now." utos niya na mabilis naman sinunod ni Maiara.

Napahawak siya sa kaniyang sintido nang makaupo siya sa kanyang swivel chair. He actually remembered what happened last night. He's calling his wife's name and begging her to not leave them!

Pero bakit hindi maalala ni Maiara iyon? Grey thinks that it's a good thing dahil baka maisip nito na hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakamove on sa nangyari sa kanila two years ago, pero sa kabilang banda ay unti-unti na syang naniniwala na wala nga itong memorya, nabura na sa hindi niya malamang dahilan. Or what if it's just an act?

So at the end, he still decide to not trust Maiara even though she is his personal assistant at mandalas silang magkakasama sa trabaho.

Habang naghihintay sa kaniyang breakfast, tumawag siya sa bahay para kamustahin ang anak at saka nagpadala ng bagong tuxedo. May bathroom naman sa loob ng kaniyang private room kaya pwede na hindi na siya umuwi para maligo at mag-ayos pa.

Maiara

Nagpasya na lang si Maiara na sa Pancake House ibili ng breakfast ang kaniyang boss habang ang kape nito ay sa starbucks pa rin.

Habang naghihintay sa kaniyang order, naupo muna siya saka tumingin sa glass wall kung saan matatanaw niya ang nasa labas.

Mga sasakyang naiipit sa traffic, mga taong naglalakad sa side walk, mga taong nagpapara ng masasakyan, mga magjowang naglalambingan sa gilid ng kalsada, isang grupo ng magkakaibigang nagtatawanan at isang buong pamilya na papasok sa restaurant kung nasaan siya.

Unang kita nila sa pamilyang iyon ay nakaramdam siya ng pangungulila. Sa tingin niya'y dahil sa hindi niya maalala ang kaniyang pamilya o baka nga may sarili na syang pamilya na naiwan eh pero imposible naman iyon para sa kaniya dahil kung sakaling totoo iyon, bakit hindi man lang siya nito hinanap diba?

"Maam, ito na po ang order nyo, thank you!" nagbalik siya mula sa iniisip nang magsalita ang waiter.

"Salamat din." at kaagad niyang kinuha ang inorder at saktong pagkalabas niya ay nakasalubong niya ang Ate Alice, ang apo ni Lola Eva.

"Maiara?"

"Hi ate! Saan po kayo pupunta?" kasama kasi nito ang mga co-teachers nito.

"Kakain lang dyan sa kung saan, may laban kasi ang mga estudyante namin ng quiz bee at dyan sa SM gaganapin, ikaw?" sagot nito at saka nagpakilala naman ang mga co-teachers niya kay Maiara.

"Papunta na ho sa trabaho, nagpabili lang po ng pagkain yung boss ko." paliwanag ni Maiara at saka tinaas ang paper bag na dala kung nasaan ang pagkain ng boss.

"Ano? Ang bilis mo naman yatang makarating dito? Parang kakakita ko lang sayo kanina ah? Diba?" nilingon pa nito ang mga co-teachers nito na siyang mga nagsitanguan naman.

"Oo nga, kakakita lang namin sayo kanina nung hinatid namin ang mga bata para sa competition nila." sabi ni Teacher Beth na siyang ipinagtaka lalo ni Maiara.

"Ho? Imposible po. Baka po namali lang ho kayo ng tingin at inakala nyong ako 'yun." kunot noong aniya.

"Hindi! Ikaw yun eh." pangungumbinsi pa ni Ate Alice tungkol sa nakita nito kani-kanina lamang.

Napabuntong hininga na lang si Maiara dahil sa inasal ng ate. "Ate, sa office lang ako nanggaling at dito sa restaurant. Imposible po ang sinasabi niyo, baka kamukha ko lang po kaya napagkamalan nyong ako 'yun."

"Ewan ko ba, pagod lang siguro 'to." napahawak pa ito sa sintido niya. Paniguradong na-stress lang si Ate Alice sa eskuwelahan kaya siguro ganon ang nakikita at naiisip.

"Sige po, mauna na ako at baka nagugutom na ho ang boss ko." pagpapaalam naman ni Maiara kaagad at nagsitanguan naman ang mga guro na iyon sa kanya.

Napailing iling na lamang si Maiara sa nalaman ngayon. Imposible ang sinasabi nito at naniniwala siya na kamukha lamang nya ito dahil alam nya na possible na magkaroon siya ng kamukha sa mundong ito. Based on research and in Barcelona: A love untold movie, 'sa buong mundo, may anim kang kamukha'.

"Here's your breakfast, boss!" malakas na sambit ni Maiara pagkapasok sa opisina ng kaniyang boss. Wala ito sa table niya kaya naman ipinalibot niya ang paningin niya sa buong silid.

"Nasaan na kaya 'yon?" bulong niya at saka inilapag sa isang lamesa ang pagkaing ipinamili para sa kaniyang boss.

Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng yabag sa isang banda. Nilingon niya kung saan nanggagaling ang tunog na iyon at nakita nya ang private room ng boss niya. Kakatukin na sana nya ang pintuan nang kaagad itong bumukas at natulos siya sa kinatatayuan nang makita ang kaniyang boss.

Nakahubad-baro pa ito at tanging pantalon lamang nito ang suot. Ang tuwalya nito ay nakapatong sa balikat and since wala itong pang itaas, nakikita niya ang pang itaas na katawan ng boss niya. Napalunok na lang siya nang mapagtantong may abs ito.

"My innocent eyes!!!" sigaw niya sa kanyang isipan.

"Nakakamangha yung abs, parang photoshop lang pero totoo talaga. Yung katawan niya pang model. Swerte naman ng asawa ni boss, araw-araw siguro 'to nasisislayan---" naputol ang kanyang pag-iisip nang magsalita ang kanyang boss.

"Why are you staring at me like you want to eat me?" iritadong tanong ng kanyang boss na siyang nagpagising sa pag di-daydream niya. Ramdam niya ang pag-init ng pasngi niya dahil nahuli siya ng boss niya na nakatitig sa katawan nito.

And did her boss say, she looks like she wants to eat him? Teka, yung laway ba niya ay tumutulo na?

Pasimple niyang hinawakan ang bibig para na rin sumara ang pagkaka-awang ng bibig niya at i-check kung tuloy laway na ba siya.

"Ah ano.. hindi ah! Ahmm sorry, boss, pasensya na." mabilis siyang umalis sa harapan nito. Bago lumabas ay nagsalita siyang muli. "Nariyan na po ang agahan mo, boss, nakahanda na po sa lamesa." pag-iimporma niya dito.

Greyson

Greyson just stared at the door when Maiara left. Napailing na lang siya at may mumunting ngiti sa labi dahil sa nasaksihan.

"Still my innocent, Aia." napapailing nitong sambit.

Kinuha naman niya kaagad ang damit na pinadala niya saka naupo katapat ng mga pagkain. Bago niya sinimulang mag-agahan, napagpasyahan niya na tawagan muna ang anak.

Nakakadalawang ring pa lamang mula sa kabilang nang may sumagot, "Daddy! Daddy, where aw (are) you?"

"Hey, son. I'm at the office. Sorry kung hindi ako nakauwi, I promise, We'll play later."

"Promise, daddy? Really promise?" halata sa boses nito ang pagtatampo dahil sa hina ng pagkakasabi at sa paraan ng paniniguro.

He sighed heavily. Sky's attitude is just like his mother when he's shy. But when Sky wants to cuddle, sa kanya naman nagmana ng ugali dahil sa sobrang gustong magpalambing.

"Yes, I promise, baby."

"Ok, daddy."

"Go, eat your breakfast now. I have to work and call me if you need something, ok?"

"Yes daddy. Bye!"

"Bye, I love you, anak"

"Wuv (Love) you too, daddy!"

He can't help smiling about his son. Sky is so sweet and a kind kid, pero kapag iyan ay nawala sa mood, mahirap nang kausapin dahil sa hindi namamansin at laging masama ang timpla—and iyon ang namana ni Sky sa ama, sa kanya.

Ipinagpatuloy na lamang niya ang pagkain at mabilis itong tinapos dahil marami ang kaniyang gagawin ngayong araw.

"Sir? Good morning po." pagpasok sa opisina ng kanyang sekretarya habang may dala-dala itong notepad.

"Yes?" tumigil ito sa ginagawa sa harap ng kanyang laptop.

"Sir, I just want to remind you about our flight this afternoon. Seven pm po ang flight schedule natin so we need to leave here at five pm."

"Ok, thanks. Just ready all the documents we need to bring." utos niya.

"Noted, sir."

Nang makalabas ang sekretarya, tinawag naman niya ang personal assistant niya gamit ang intercom.

"Ms. Auriño, come here to my office, now!" at ilang sandali pa ay bumukas na ang pintuan ng kanyang opisina.

"Clean it." maikli niyang utos habang nakaturo sa lamesa kung saan naroon ang kanyang pinagkainan.

"Yes, boss."

While Maiara's cleaning, Grey can't help but stop what he's doing and look at his personal assistant. He just missed looking at Maiara doing some housewife stuff that she always did before.

When Maiara is done, she goes to the kitchen beside the pantry and Grey follows her secretly. Looking at her makes him think about what happened in the past.

"You have a problem? Nakasibangot ka na naman." Ash asked Aia.

"Napagalitan na naman kasi ako ni Sister Helen, nakakainis." nakanguso nitong pagrereklamo sa binata.

"Why? What happened?" Ash asked her while he's writing her an essay again.

"Sila Lena at Pat kasi sa akin nilipat yung utos sa kanila ni Sister Rhea, alam naman nilang hindi ako naghuhugas ng pinagkainan na babasagin kasi lagi akong nakakabasag. Kaya ayon, nakabasag ako at napagalitan pa ni Sister."

Aia knows how to cook but can't wash the dishes lalo na kung malalaki iyon at babasagin pa. Hindi naman sa hindi ito marunong, sadyang natatakot lang makabasag. But it's fine. He can wash the dishes for her while she will do the cooking when they can build their own family.

"Bakit hindi mo sinabi kay Sister Helen na hindi ikaw ang inutusan ni Sister Rhea? Ikaw pa tuloy ang napagalitan nyan." kunot noong tanong ni Ash sa dalaga.

"Baka sabihan na naman akong nangangatwiran tsaka kapag nagsumbong ako, maaaring itanggi nung dalawang bruha 'yun."

Ash can't help himself to smile on Aia's reaction. Namumula na ang buong mukha dahil sa galit.

"Palibhasa kase ako yung isa sa maswerteng nabigyan ng pamilya niyo ng scholarship sa mamahaling university kung saan tayo nag-aaral ngayon. Mga hindi lang nakapasa for scholarship exam, galit na sa akin kasi nakapasa ako. Kasalanan ko ba na wala silang alam kung hindi mambully? Tsaka anong masama kung sa public university sila nag-aaral diba? Lahat naman kami nag-aaral."

At the end, Ash treats Aia at the nearest coffee shop para kahit papaano ay mawala ang init ng ulo. Hinatid na rin niya ito sa orphanage at nakita niya ang dalawang babae na sinasabi ni Aia na pinagtulungan siya.

"Huwag ka nang bumaba, mauna na ko." pigil ni Aia sa kanya bago niya tanggalin ang seatbelt niya.

"No, gusto kitang ihatid kahit diyan lang sa loob dahil alam ko naman na bawal akong mag-stay sa loob ng room niyo."

Umiling-iling pa rin si Aia sa suhestiyon ng binata.

"Hindi nga pwede! Tsaka nakikita mo ba yung dalawang bruha doon? Huwag kang magkakamaling magpakita sa kanila kundi hindi na kita papansinin ng ilang araw." pananakot sa kanya nito.

Ash looked at her intently and then he smiled slowly when he realized something.

"Are you jealous, Aia?" nakangisi niyang tanong dito pero natigil ang pag-aalala niya sa senaryong iyon nang may tumawag ng pansin niya.

"Boss? May kailangan po kayo?" Maiara asked and when he's back to his senses, nakita nya kung gaano kalapit si Maiara sa kanya.

"No, I just ah.. just want a glass of water." hindi siya makatingin sa personal assistant nya kaya nagtungo na lang siya sa refrigerator.

Maya-maya lang habang umiinom siya ng tubig ay nakarinig siya ng kalabog sa sink.

"Ano ba 'yan! Nadudulas sa kamay ko yung plato, nakakainis. Ano 'to buhay pa?" iritadong sambit nito habang si Grey ay nagpipigil ng tawa.

"She's still my clumsy Aia, huh?" bulong nito.

Inubos niya muna ang iniinom bago lapitan ang babae na panay ang reklamo ng pabulong pero rinig na rinig naman niya.

"Clumsy." napailing-iling niyang sabi.

"Boss?" gulat na sabi naman ni Maiara

"Just leave it there, ayokong mabawasan ang mga kagamitan dito, bawas sa sahod mo 'yan kung makabasag ka."

Napayuko naman si Maiara sa sinabi ng boss niya. "Sorry boss, hindi ko po kasi talaga kayang maghugas ng pinagkainan lalo na kapag babasagin kaya nga po puro plastik ang nasa bahay eh. 'Di bale po, pag-aaralan ko na lang po."

"How long would it take, then? Dati ka pa hindi marunong mag-urong, and it's been years."

"Po?" napa-angat ito ng tingin sa kanya at halata ang pagkalito tungkol sa sinabi niya.

"Nevermind." pagbawi niya ng sinabi dito.

"Ahmm.. ipapalinis ko na lang po sa iba, sorry boss." kagat labing pagpapaumanhin sa amo.

Grey looked at her while she's biting her lips. He remembered that when Maiara's nervous, she's biting her lips.

Hindi na napigilan pa ang sarili nang hawakan ito sa kaniyang baba at pinatingin sa kanya. Unti-unti itong inilalapit ang mukha kay Maiara. He can't help himself by kissing her because he missed that lips of hers.

But unexpectedly, nakarinig siya ng bulong mula sa babae.

"Matteo.."

What the? He's going to kiss her but her mind is with that fvcking Matteo?!

Binitawan na lamang ni Grey ang baba ni Maiara saka lumayo at naglakad papaalis habang nagmumura sa kaloob looban niya.

He's jealous and he can't fvckin' deny it!

Siya ang asawa pero nasa ibang lalaki naman ang isip.

And why the hell is he doing that thing to Maiara? Remember what she did? She cheated but he'll kiss her now, really? Rumurupok ka na naman ba, Grey?

~cutiesize31<3