Chereads / He's not just my Boss / Chapter 9 - Chapter 7

Chapter 9 - Chapter 7

CHAPTER 7 - Dreaming

Maiara

Hindi matukoy ni Maiara kung maswerte nga ba siya na hindi siya natanggalan ng trabaho o malas siya dahil sa punishment na pinagagawa sa kanya na muntikan niya pang sukuan.

Malakas na inilapag ng kaniyang boss ang makakapal na papel sa lamesa niya. May ibinigay na ito kaninang twenty pages tapos may dinagdag pa bale nadoble ang gagawin niya ngayon.

"Give me the summary of this architectural project reports, Ms. Aurino. I need it before this day ends." her boss commanded. Wala ng nagawa pa si Maiara at saka sinimulan na lang iyon para maaga siyang makatapos. Overtime siya ngayong araw panigurado.

Ilang oras pa lang ang nakakaraan ay abot abot na ang reklamo ni Maiara sa langit. Malapit na mag lunch break pero nandito pa rin siya, masakit ang pwet at likod pati na rin ang mata dahil sa reports na halos nakakaduling na sa kanyang paningin.

"Sino kaya yung Ash na lagi 'kong naiisip? Kung kilala ko lang talaga 'yon ay magpapatulong ako sa kanya dito. Swerte ko pala dati, may taga gawa ako ng worksheets, essays, at research papers." napahagikgik pa siya dito ngunit sa kabila noon ay siya pa ring palaisipan kung sino nga ba ang binatang iyon sa buhay niya.

From: Matteo

Hey, you free for lunch? Tara sabay na tayong mag lunch. Sunduin kita dyan?

To: Matteo

Sorry, I can't. Marami kasi akong ginagawa kaya next time na lang siguro.

Saktong pagkababa niya ng telepono niya ay siyang pag-angat niya ng tingin sa wall clock ngunit kamuntikan na siyang mapatalon sa kinauupuan dahil iritadong mukha ng boss niya ang bumungad sa kanya.

Maluwag na rin ang necktie nito na parang tinanggal nito kanina sa ayos at paniguradong iyon ay dahil sa meeting nito kanina. Ganyan kasi ang boss niya kapag iritado dahil siguro ay may pinagalitan kanina mula sa pagkakamali nito.

"Wala kang matatapos na trabaho kung puro pagce-cellphone lang ang ginagawa mo, Ms. Aurino." mariing sambit nito.

Sa pinaghalong sobrang inis at gutom na rin niya ay sinagot na niya ang kaniyang boss.

"Lunch break po, boss, kaya naman siguro ay pwede akong magpahinga muna saglit dito mula sa mga ginagawa ko no?" taas kilay pa nyang pangangatwiran.

Nilingon naman ng boss niya ang wall clock. "Tss.." tanging ani nito saka naglakad na papabalik sa opisina nito.

"Oh kita mo? Pahiya ka pa tuloy. Kala mo ah." bulong ni Maiara saka nagpatuloy na siya sa ginagawa.

"Maiara! Nandyan ba si boss?" napaangat siya ng tingin dito saka tumango. May dala itong folder at mukhang magpapapirma sa boss niya.

"Oh ikaw pala ate Jenina. Opo, nandyan po si boss, paalam ka na lang muna kay Sofie, baka may ginagawa po eh." Ate Jenina is Khate's sister. Ito rin ang tumulong sa kanya para makapag apply siya dito sa AIA Company.

"Sige, salamat!"

Dahil sa maraming ginagawa, nagpasya na lang si Maiara na bumili ng tanghalian sa cafeteria saka dalhin iyon sa taas. Itinabi niya muna ang mga papeles na nasa table niya saka sinimulang kumain ngunit Maiara being Maiara the clumsy, natapon ang iilang sabaw ng sinigang na ulam nya.

"Ay!" tumapon ito sa lamesa niya ngunit wala siyang pamunas para dito kaya nagmamadali siyang naghanap ng papel sa bawat cabinet doon.

Sa kamamadali, ang iilang magazine na nakita niya sa pinaka ilalim na cabinet na siyang nakaligtaan niyang linisin at tanggalin noon ang kinuha niya. Hindi na lang niya pinansin ang magazine na iyon nang pumunit siya dito pero nakaagaw pansin sa kanya ang headline sa magazine cover.

'Greyson Pajavera with his lovely family'

Hindi na niya nakita pa ang buong magazine cover dahil sa pinunit niya na ito at nabasa na kaya hindi na malinaw ang litrato, tanging ang litrato lang ng kanyang boss ang nakita nya habang ang litrato kung saan may isang babae na nakaupo at nasa kandungan nito ang isang baby boy ay ang napunit niya pala kanina.

His boss looks so happy and contented in this picture. She can see in his eyes that he really loves his wife and son.

Greyson

"Hey, kapatid, how's work?"

"Why are you fvcking calling at me now? I'm working right now!" inipit niya ang telepono sa balikat at tenga niya saka nagsimula nang pirmahan ang mga papeles na dapat pirmahan.

"Hoy! Huwag mo 'ko ma-fvcking fvcking dyan ah. Bad mouth, brother, isusumbong kita kay mom at panigurado ay pipingutin niya 'yang nguso mo hanggang sa mamaga pagkauwi nila." ramdam niya na nakangisi na ngayon si Jackson.

"Don't you dare." itinigil niya muna ang pagpipirma saka hinawakan nang mabuti ang telepono na hawak hawak.

"Ikaw ah lumalabas na naman ang sungay mo at yang bibig mong walang preno sa pagmumura. Sabagay ikaw ba naman ang mawalan ng asawa."

"Ano bang kailangan mo? Akala ko ba busy ka sa paghahabol dyan sa FA mo." pagtatanong niya para matapos na.

"Well ahmm.. I just want to ask you something." mahinang sambit nito na parang nahihiya pa kaya natawa na lang si Grey dahil mukhang alam na niya ang problema nito.

"Problema sa babae, Kuya?" paninigurado niya.

"Paano suyuin ang babae na halos gusto ka nang ipalapa sa leon? Sagad sa buto ang galit sakin, Grey! Naaalala ko pa dati na unang pagkikita namin ay galit na galit siya pero hindi ko naman alam kung bakit. Paano paamuhin ang babaeng 'to?" halata sa boses nito ang pagkaproblemado.

"Nice, Arthea, ikaw lang ang nakakagawa nyan kay Jackson." nakangising tugon niya sa kanyang isip.

"Wala kang makukuha sakin. Hindi naman kasi ako nahirapan paamuhin si Maiara dati." then unfortunately, he remembered those days when they are still together.

"Oo nga pala. Well, hindi naman kasi magka ugali si Arthea at Maiara. Eto, sagad sa buto yata ang galit sa akin habang si Maiara naman ay marupok pagdating sayo. Tsaka paggawa lang ng research papers at mga homeworks niya ang ginagawa mo nung nanliligaw ka pa diba? Tangna, I still remember those days when you're still awake doing that worksheets kahit na madaling araw na at tumitilaok na ang manok!" natatawa tawa pa nitong sambit kaya natigilan siya.

"Shut the fvck up, kuya. Just say sorry to your girl and make an effort. That's all, but if you're girl doesn't really like you, wala kang magagawa." pagkatapos ay binaba na niya ang tawag bago pa man ito makasagot sa kanya. Wala talagang naitutulong ang kapatid nya pagdating sa pagmo-move on niya. Noon, panay ang pagkukwento ng tungkol sa kabaliwan niya kay Maiara tapos hanggang ngayon di pa rin tumitigil ang bibig kakapaalala ng nightmare niya para sa kanya.

Buong hapon ay hindi na siya lumabas ng opisina dahil sa tambak na trabaho. Nagpapahatid na lang sya ng pagkain sa kanyang personal assistant kapag nagugutom siya habang ang secretary niya ay inaayos ang upcoming meetings niya with some investors of AIA.

"Sir, your last meeting for this day will start in ten minutes. Nasa meeting room na rin po si Mr. De Guzman." tumango lang sya dito saka tumayo at inayos ang pagkakasuot ng kanyang suit.

"Finally, this is my last meeting. I miss playing with my son." bulong nito sa sarili saka lumabas na.

Didiretso na sana siya sa meeting room nang mapahinto siya. Nilingon niya kaagad ang lamesa ni Maiara at nakita niyang naka dukmo na ito. She looks really tired and Grey felt a little guilty because of that. Actually, some of the works he gave to Maiara is his secretary's works but he gave it all to his personal assistant.

"No, she deserve this. Tama lang na pahirapan mo siya dahil wala pa yan sa ginawa niya two years ago." pilit na itinatatak sa utak niya ang mga salitang iyon pero may pumipigil pa rin at sinasabing hindi iyon tama dahil asawa pa rin niya ito kaya naman inalis na lang niya ang tingin sa babaeng iyon saka nagtungo na sa meeting room.

Maiara

Naalimpungatan lamang si Maiara nang may tumapik sa braso niya. Nang mag angat siya ng tingin ay nakita niya si Sofie na mukhang papaalis na kaya tumingin siya sa orasan at nakitang ilang minuto na lamang ay tapos na ang working hours.

"Ngayon ko lang napansin na nakatulog ka pala dito. Tara umuwi na tayo, Maiara. Mukhang pagod na pagod ka na." pag-aaya nito.

"Nandyan pa si boss?" tanong niya kaagad dahil sa pag aalala tungkol sa mga reports na kailangan niyang ipasa.

"Oo, nasa loob pa pero nagliligpit na lang yata. Ginising na kita kasi nabanggit ni sir na wala pa raw yung ipapasa mong report kaya hindi siya makauwi at mukhang importante yata 'yon kaya hinihintay niya." sagot nito at nanlaki ang mata niya sa naalala. Hindi pa nga pala siya tapos! Sa pagkakatanda niya ay nasa tatlong reports na lang ang kulang niya.

Dali-dali nyang binuksan ulit ang desktop. Nagpapanic na ang kaloob looban nya at ramdam na niya ang panginginig ng mga daliri sa sobrang pagmamadali.

"Oh sya, mauna na 'ko, Maiara ha. Bilisan mo na lang dyan para makauwi ka na rin. Ingat ka sa pag-uwi mamaya." hindi na niya nalingon pa si Sofie dahil sa sobrang kaba na nadarama niya.

"Naku po.. nai-save ko yun diba?" tinype niya ang file name at laking ginhawa niya nang lumitaw naman iyon.

Kaagad nyang binuksan ang file na iyon at laking gulat nang makita ang huling part na tapos na pala ang ginawa niyang report.

"Wait, paanong tapos na 'to eh sinave ko lang 'to nung may tatlo pang kulang bago ako umidlip?" pilit na iniisip iyon ni Maiara pero baka naalimpungatan lang siya kanina at nagising saglit para ipagpatuloy ang paggawa nito.

Nilingon niya ang buong paligid pati na ang kisame. Napangiti siya nang may cctv pala malapit sa gawi niya. Pero agad na napailing dahil sa mga naiisip.

"Gawa mo 'yan, Maiara, ok? Sa tingin mo ba may iba pang gagawa niyan eh iilan lang ang pwede tumungtong sa floor na 'to." pagkukumbinsi sa sarili. Napaginipan na naman niya kasi si Ash kaya naisip na namin niya ang tungkol sa paggawa nito ng mga projects niya noon.

Nang matapos niya na rin i-print ang report niya ay kaagad siyang tumayo at nagtungo sa opisina ng kanyang boss.

"Boss? Eto na po yung report na kailangan niyo." sumilip muna siya sa pintuan pero wala namang sumasagot sa kanya.

"Boss?" naka dim lights na lang ang buong paligid at nang pumasok siya ay nakita niya ang boss nya na nakadukmo na sa table nito habang nakabukas pa ang laptop sa harapan.

Hindi alam ni Maiara kung gigisingin ba niya ang boss niya o hindi. Panigurado kasi ay magagalit ito kung gigisingin pa lalo na at mukhang pagod na pagod rin ang boss niya sa trabaho. Pero kung hindi naman niya ito gigisingin ay baka abutin ito ng umaga sa opisina.

Kaya sa huli, nilapitan na lang ni Maiara ang boss niya saka mahina at maingat na tinapik sa balikat.

"Boss, gising na po." ilang ulit pa niya itong binanggit ngunit ayaw pa rin gumising ng boss niya.

"Boss? Eto na po yung report ah, ilalagay ko po sa table niyo." inilapag niya ito at akma na syang aalis nang tumagilid ang ulo nito sa gawi nya.

Tulog pa rin ang boss niya. Nagulo ang buhok nito, medyo nakakunot ang noo, at naka awang ang labi. Mukha itong mabait kapag tulog pero laging nakasigaw at galit naman ito sa kanya kapag gising.

"Boss, gising na po. Uwian na po, boss." tinapik pa rin nya ang braso nito ngunit hindi niya alam kung bakit lumipat ang kamay niya sa pisngi nito.

"Ang gwapo mo talaga boss kaso galitin ka masyado. Bawas pogi points 'yon boss eh."

Tinitigan pa niya ito saglit ngunit laking gulat niya nang hawakan bigla ng boss niya ang kamay niya na nakalapat sa pisngi nito. Mas lalo siyang kinabahan at rinig na rinig pa niya ang malakas na pagtibok ng puso niya nang unti-unti itong dumidilat ngunit halata pa rin ang pagkaantok.

Mukhang naalimpungatan lang ito pero sinubukan niya pa rin itong gisingin. "Boss gising--"

"Aia" mahinang sambit nito na hindi niya pinansin dahil hindi niya masyado naintindihan ang binulong nito.

"Si Maiara po ito, boss. Nandyan na po yung reports na kailangan--" humigpit pa lalo ang pagkakahawak nito sa kamay niya.

"Boss, chansing na 'yan ah!" pagbibiro niya ngunit hindi niya inaasahan ang sinabi pa nito.

"Aia, huwag mo na kaming iwan, please." nagmamakaawa ang boses nito at ramdam pa ni Maiara ang lungkot sa pagsasalita nito.

~cutiesize31<3