Chereads / He's not just my Boss / Chapter 8 - Chapter 6

Chapter 8 - Chapter 6

CHAPTER 6 - Another Promise

Maiara

Hindi makumpirma ni Maiara ang tungkol sa biglaang pagsagi sa kanyang isipan ng isang pangyayari. Pakiramdam niya ay siya ang babae doon dahil nabosesan niya ang sarili at nakasuot siya roon ng high school uniform na pamilyar din sa kanya. Nang dahil sa hindi malinaw ang mukha ng parehong karakter doon, hindi niya maisip kung sino ang lalaking tinawag niya ng Ash at ang nagnakaw din ng first kiss niya.

Sigurado siyang first kiss niya iyon pero sino ang lalaking humalik sa kanya? Imposible na walang halaga ang lalaking iyon dahil hinayaan niya lamang iyon na halikan siya dahil kung ibang tao iyon, malamang ay nasampal niya iyon noon.

Pabagsak na nahiga si Maiara dahil sa pagod. Mukhang wala sa mood ang boss niya at parang namali ng pagkakagising o sadyang stress lang dahil sa pamumuno ng sariling kilalang kumpanya.

Naisip niya tuloy ang anak ng kanyang boss. Tatlong taong gulang na bata pero sa paraan ng pag-uugali, parang matalino at matured ang pag-iisip. Ngunit mayroon talagang side sa itsura ni Sky na parang pamilyar sa kanya pero hindi niya maisip kung ano. Para bang may kamukha ito.

Maganda siguro ang mommy at paniguradong maganda ang genes ng daddy dahil gwapo naman talaga ang boss niya. Malakas ang dating ng boss Grey niya at may nakakatakot naman itong aura sa unang tingin pa lamang. Matangkad ito, medyo may kaputian ang kutis, medyo malaki ang katawan nito na parang suking-suki sa gym, kitang-kita naman yung jaw lines niya, yung mata naman niya ay parang nakakatakot dahil sa lalim nito kung tumingin lalo na at lagi pa naman madilim ang mga tingin nito sa kanya tuwing napapagalitan siya nito.

Pero kung pagmamasdan mo ang mga mata ng anak nitong si Sky, kakaiba ito dahil na rin siguro sa kulay ng mata nito na hindi kagaya ng mata ng boss niya na maitim. Ito ay kulay hazel na pamilyar na pamilyar din kay Maiara, na tipong napagmamasdan niya na ito noon pa man hanggang ngayon.

Bigla siyang napabangon sa kinahihigaan saka nagtungo sa harap ng salamin. Tinitigan ang sarili at napagtanto niya na pareho sila ng kulay ng mga mata ni Sky.

Pagtungtong ng alas sais y medya ng umaga, nakasakay na siya sa sasakyan ni Matteo. Hindi niya na naitanong pa ang tungkol sa pagitan ng kanyang nobyo at boss dahil na rin nakaligtaan niya na ang tungkol dito.

"Hello?" sagot niya sa unknown number na tumawag.

"I'll expect my coffee on my table when I arrived." muntik na siyang mapatalon sa gulat nang marinig ang boses sa kabilang linya.

"Yes, boss." nauutal niyang sambit at saka siya binabaan ng tawag ng kanyang boss. Agad niya rin sinave ang cellphone number nito.

Kaagad niyang hinarang ang shuttle na nakita saka nagpahatid sa AIA gate. Traffic pa naman sa labas kaya napagdesisyunan na lamang niyang lakarin ito mula AIA hanggang sa starbucks.

As usual, mahaba ang pila dito lalo na at umaga pa lang at may mga katrabaho rin siyang natanaw na nagkakape sa starbucks.

"Hello? Sofie?" sagot niya sa tawag nang makapila na siya.

"Maiara! Where are you?! Baka malate ka! Paparating na si boss." rinig niya ang pagpapanic sa boses nito.

"Bibili muna ako ng coffee ni boss dito sa starbucks, wait lang"

"What?! Bakit ngayon lang? Pinaalala ko na 'yan sayo diba? Na dapat nakahanda na ang coffee ni sir bago pa siya pumasok!" mariing sabi nito at napakamot na lang sa ulo si Maiara.

"Eh sorry na, naiwan ko kasi yung papel sa bahay kung saan mo isinulat lahat ng kailangan kong tandaan."

"Makakalimutin ka talaga hay.." napabuntong hininga pa ito. "O siya, bilisan mo ha, malapit ng mag alas otso." pagkatapos ay binaba na nito ang tawag.

Ilang minuto pa siya naghintay hanggang sa siya na ang oorder. Napatingin na siya sa relo niya at bumilis ang tibok ng puso niya nang makita niyang 7:41 am na. Paniguradong malelate pa siya ng kaunti. Di bale na, tatakbuhin na lang niya ang papunta sa company.

"What's your order, maam?"

"Ah.." napatampal sya sa noo nang maalalang nasa notepad nga palang naiwan niya ang listahan kung saan nakasulat din ang kape na dapat bilhin niya sa boss niya.

Tumingin siya sa menu sa itaas saka pumili na lang ng kape na sa tingin niya'y papatok sa panlasa ng boss nya.

"Miss? Ano po ang order nyo?" ulit na tanong ng cashier.

"Ahmm... one espresso na lang." napakagat siya sa labi niya nang maimagine niya ang itsura nang boss kung sakaling hindi nito magustuhan ang kape na binili niya.

"Baka ibuhos sa akin ang kape kapag hindi nagustuhan 'to ni boss." sa isip isip niya.

Lakad-takbo ang nangyari pagkatapos niyang makuha ang order. Halos muntikan na siyang masagasaan sa pagmamadali kaya panay ang sorry niya. At isa pa, kabado at takot siya kapag tatawid siya sa highway dahil sa dami ng sasakyan. Pakiramdam kasi niya ay masasagasaan siya kapag tumawid siyang mag-isa. Highway pa naman ito at expected na mabibilis ang andar ng mga sasakyang nagdaraan

And while looking at those vehicles, she remembered something unexpected.

"Huy Ash, hintayin mo ko" paghahabol niya sa lalaki.

"Bagal mo kasi Aia eh. Mauuna na ako at baka maubusan pa tayo ng pwesto dun sa coffee shop. Alam mo namang doon ang tambayan ng mga taga university." malapit na kasing matapos ang first sem ng college students habang sa high school naman ay kinabukasan na ang deadline ng kanilang essays and research papers tapos may reporting pa kaya naman marami ang nagpupunta sa coffee shop para sa school works na dapat ipasa.

"Hintayin mo muna ako, Ash!" sa pagtakbo niya ay hindi na niya naabutan si Ash dahil sa pagmamadali nito. Kasabay din no'n ang pagdami ng nakakasalubong niya kaya naman ang hawak niyang mga papel ay nagkahulugan na dahil sa ilang ulit siyang natatamaan at natutunggo ng mga taong nakakasalubong niya.

"Excuse me po." aniya habang pinupulot ang mga papel sa kalsada.

"Kainis naman kasi si Ash eh." naiiyak nitong bulong habang pinagsasama-sama ang mga papel na nalaglag.

Napabuntong hininga na lang siya nang makita ang mga worksheets niya na naputikan, paniguradong pagpupuyatan niya ito mamaya dahil uulitin niya ito, puro written essay pa naman ang mga iyon.

"Aia?! Aia!" rinig niyang sigaw ni Ash at mas lalo siyang nagtampo dito nang makita niyang kinawayan siya nito na nasa kabila na at malapit sa coffee shop. Nakatawid na pala ito ng hindi man lang niya namamalayan.

Inirapan niya na lamang ang lalaki saka hinawakan ng mahigpit ang mga gamit. Nagtungo siya sa tapat ng pedestrian lane at saka hinintay ang sign ng pagtawid. Nanginginig ang tuhod niya dahil sa tuwing hahakbang siya ay saka may bubusina sa daan kaya napapaatras siya at hindi makakatawid. May mga kasabayan siya kanina pero hindi siya makaalis sa pwesto nya dahil sa takot at kaba.

"Wala bang ibang daan o footbridge dito?" tanong niya sa sarili.

Napapikit siya ilang sandali at saka kinalma ang sarili. Pagkadilat naman niya ay tumingin siya sa kanan at kaliwa niya. Marami pa ring sasakyan pero medyo malayo pa sa gawi nya. Inabot pa siya ng ilang segundo sa kakapakalma sa sarili at nang hahakbang na siya ay siya na namang pagbusina ng malakas ng isang malaking truck.

"Ayoko na! Sa orphanage o sa park na lang talaga ako gagawa ng school works!" naiirita niyang sabi.

Kaya lang naman sila nagpasya ni Ash na sa coffee shop tapusin ang school works ay dahil hindi pa sila nakakapag merienda at gusto ulit siyang tulungan nito. Pero kung ganito lang naman ang mararanasan niya, ayaw na niyang tumuloy pa.

"Bahala siya doon mag-isa. Nang-iiwan naman siya eh hmp!" naglakad siya papalayo doon saka nagpasya na magtungo sa sakayan ng tricycle. Uuwi na lang siya kesa ganito lang ang mangyayari.

Nagulat siya at kamuntikan nang sumigaw nang may humawak sa braso niya. Paglingon niya ay si Ash na naman pala iyon.

"Hey, Aia, saan ka pupunta? Akala ko ba sa coffee shop tayo?" kunot noong tanong nito pero inirapan niya lamang ang lalaki.

"Ikaw na lang mag-isa. Uuwi na lang pala ako." tinalikuran nya ito saka nagpatuloy sa paglalakad pero napahinto siya nang harangan siya nito.

"May problema ba? Tara na, Aia, please?"

Napanguso siya saka umiling. Nagtatampo pa rin siya dito. Hindi ba nito alam na takot siyang tumawid kapag nasa highway? Hindi ba nito napapansin dati pa na kapag tatawid man sila ay nakahawak siya dito ng mahigpit dahil sa sobrang kaba at takot? Porket hindi niya sinasabi ang tungkol doon ay hindi man lang nito nalalaman ang ikinikilos niya.

Pero paano nga naman nito mapapansin yung kahit ganung kaliit na bagay na 'yon? Tsaka matapos siya nitong halikan noong nakaraang araw ay inakala niya na gusto siya nito pero nakita na lang niya kanina sa university ay may kasama itong babae at katawanan pa. Ang text sa kanya ay busy ito dahil may group works tapos nang makarating siya sa garden ay mukhang hindi naman group works ang nangyayari dahil naglalandian lang naman sila nung kaklase niya.

"No. Ikaw na lang mag-isa. Kaya ko nang tapusin yung gagawin ko ng mag isa, ako na ang bahala sa sarili ko." pero syempre hinarangan siya nito ulit at parang naglalaro sila ng harangang taga dahil ayaw siya nitong padaanin.

"Anong problema mo, Aia? Tara na sa coffee shop, tutulungan pa kita hindi ba." hinawakan siya nito sa kamay saka hinila muli patungo doon sa tapat ng pedestrian lane. Hindi na siya nakaangal pa dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kamay niya.

"Come on." pag aaya nito sa kanyang tumawid pero ayaw niyang gumalaw sa kinatatayuan niya dahil sa kaba. Napahigpit din tuloy ang hawak niya sa gamit niya at ganun din sa kamay ni Ash.

"Hey, Aia, tara na. Bilisan natin habang wala pa masyadong sasakyan, dali."

Dahil doon ay napahawak siya ng mahigpit dito at saka mas dumikit siya kay Ash.

"Scared?" hindi niya ito pinansin dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya habang tumatawid sila

"Sht! I forgot that you're scared to cross the highway. Sorry, Aia." unti-unti namang nawala ang kaba at takot lalo na nang ilapit pa siya ni Ash sa sarili saka inakbayan hanggang sa makatawid na sila.

Pagpasok sa coffee shop ay sinundan niya si Ash hanggang sa huminto ito sa may couch. Nandoon na rin ang gamit nito.

"Akin na 'yang gamit mo." kinuha nito sa kanya ang hawak niyang mga papel saka ang bag niya.

"What happened here?" pagtukoy nito sa mga papel na naputikan kanina.

"Natunggo kasi ako ng mga nakakasalubong ko sa daan kanina noong hinahabol kita kaya ayan nalaglag lahat at nadumihan." naupo na siya sa pwesto niya habang si Ash ay nakatayo pa rin sa tapat niya.

Tiningnan niya ito nang hindi pa rin ito umaalis sa pwesto. Nakatayo pa rin ito at nakatitig sa kanya.

"Ah.. sige na, bumili ka na ng makakain mo. Mauna ka na, ulitin ko lang 'yan." akmang kukunin nito ang mga papel kay Ash nang iniwas nito iyon.

"No. It's my fault that's why you need to write it all again. Ako na. Ako na ang gagawa nito lahat, ok?"

"Pero—" magpoprotesta pa sana siya nang pigilan siya nito.

Umiling ito. "Ako na. Mag-oorder muna ako ng pagkain natin para may makain tayo habang ginagawa 'to. Just use my laptop to do some stuffs basta ako na ang bahala na ulitin 'tong worksheets and essays mo." ipinatong nito sa table ang mga papel na uulitin nito mamaya.

"What do you want to eat?" tanong nito sa kanya pagkatapos.

"Cheesecake na lang, isang slice." akmang mag-aabot pa siya ng pera dito nang hindi nito iyon tanggapin.

"Hindi kita hinahayaang magbayad diba? Itabi mo na 'yan." kahit saan talaga sila magpunta, hindi siya nito hinahayaang pagbayarin pero kasi nakakaramdam din naman ng hiya si Aia dahil doon. Ngunit paulit-ulit naman si Ash sa pagsabi dito na kahit kailan ay hindi nito hahayaan na gumastos siya lalo na kapag kasama naman siya.

"Magco-coffee ka ba?" tanong ni Aia.

"Yes, I'll order espresso." sagot nito. "Why? do you want to try coffee now?" hindi siya mahilig sa hot coffee kaya umiling siya. Ang iniinom lang niya ay yung mga iced coffee or frappe.

"Ayoko. Mocha frappe na lang sa akin. Yung pinaka maliit lang ah." but as expected, hindi nito siya sinunod dahil nang dumating ang order niya ay tig iisang slice ng cheesecake at cinnamon roll tapos isang grande size ng mocha frappe.

Ash really loves spoiling her mostly when it comes to foods. Hindi naman niya ito nauubos kaya sa huli, pinaghatian na lang nila ang pagkain. Hindi niya rin maiwasang mamula nang magpasubo pa si Ash ng pagkain, ang dahilan nito ay marami siyang sinusulat at hindi makakain.

"Hoy!!" isang malakas na preno ang nagpabalik sa reyalidad ni Maiara.

"Hoy miss, magpapakamatay ka ba at nasa gitna ka pa ng daan?! Ayaw kong makulong sa kasong murder kaya please lang gumilid ka na!" sigaw sa kanya ng lalaki na muntik nang makasagasa sa kanya.

Ni hindi man lang niya napansin na sa sobrang occupied ang utak niya ay nalilihis na pala siya ng lakad. Napatingin siyang muli sa relo nya at nanlaki ang mata niya nang makita na 8:06am na. Kaya naman tinakbo niya ang papuntang company at halos hindi na niya mabati ng good morning ang mga nakakasalubong niyang binabati siya dahil sa pagmamadali.

"Walang good ngayong morning!" bulong niya sa sarili.

Bakit ba kasi napapadalas ang pagde-daydream niya? Hindi niya alam kung saan iyon galing basta pinagsasawalang bahala na lang niya iyon. Hindi naman kasi niya kilala ang mga taong naiisip niya unexpectedly.

"Argh!!! Ang tagal!" napasabunot siya sa buhok nang hindi niya naabutan ang elevator. Tiningnan niya kung saan ito paakyat at parang tinakasan siya nang dugo nang makitang sa floor iyon ng CEO.

It's possible na ang boss niya ang sakay ng elevator na 'yon.

"Shete!" kaagad nyang tinakbo ang hagdanan saka inakyat ito mulang first floor hanggang thirtieth floor.

Halos sumuko na si Maiara dahil sa pagod at pigil ang luha niya dahil dito.

"Ang tanga tanga mo naman kasi, self. Makakalimutin ka talaga noh? Pati buhay mo dati nakalimutan mo pa."

Tumitigil man siya para magpahinga pero segundo lang ang itinatagal no'n. Hanggang sa isang floor na lang ay napaupo na lang siya bigla sa hagdanan dahil sa pagod. Yumuko siya saka naghabol ng hininga.

"Last, one, Maiara. Last one."

And when she arrived to the thirtieth floor, dumiretso siya kaagad sa office ng kanyang boss. Napakagat na lang siya ng labi nang makitang 8:14 am na. Late na late na late na late na siya.

"Boss?" katok niya sa pinto saka dahan-dahang binuksan ito.

Napatalon naman siya nang dumagundong ang boses nitong galit na galit.

"You're late, Ms. Aurino! I told you that I needed my coffee before I arrived! This is your second time failing to do your job, should I hire a new personal assistant now?"

Binaba ni Maiara ang kape kahit na nanginginig ang kanyang kamay. Hinarap niya ang boss saka pinagdikit ang dalawang kamay.

"Boss, I badly need this job. Pasensya na po at na-late ho ako, hindi na po talaga mauulit, boss."

"You already promised yesterday, but you did it again." napailing-iling ito. "I knew it, hindi ka talaga marunong tumupad ng pangako, Ms. Aurino." his boss looked at her like she did something very bad at him. Yeah, pumalpak nga pala siya sa pangalawang pagkakataon sa trabaho.

"You're doing it again and again. That's why I'm having a second thought on trusting you again." napapailing pa ang boss niya na parang disappointed talaga sa kaniya at nagsisisi pa ito kaya napayuko na lamang siya dahil sa sobrang kaba at takot dito na tanggalin na siya nito sa trabaho.

~cutiesize31<3