CHAPTER 5 - Promise
Maiara
Halos alas dos na ng hapon nang makabalik ulit si Maiara sa office. Bumalik kasi siya ulit sa SM para ibili ng makakain ang boss niya at ng anak nito. Nagpakilala ito kanina bilang Sky habang siya ay nagpakilala dito bilang Maia.
"Just put it there and then you may leave." tahimik itong sumunod sa boss at nang akma syang lalabas na ay pinigilan naman siya ni Sky
"Can you stay?" nabubulol na sambit nito pero naintindihan pa rin niya ang sinabi nito.
Napansin din niya na napahinto sa pagtitingin sa mga papeles ang boss niya mula sa narinig.
"No, she's not going to stay here, son."
"Why?" malungkot nitong tanong sa ama.
Kinulit pa nito ang ama at bago pa man sigawan ni Grey ang anak ay sumingit na sa usapan si Maiara.
"Ahmm Sky, hindi pwede kasi may work pa ako, marami pa akong gagawin tsaka nandyan naman ang daddy mo."
"I want to eat with you." mahinang sambit nito.
"It's a no, son." nag-angat naman ng tingin sa kanya ang kanyang boss. "You! Go back to your work."
Mabilis na tumango si Maiara sa boss at saka nagpaalam kay Sky. Saktong pagkabalik nya sa table nya ay naka receive naman sya ng text kay Matteo na tawagan siya nito.
"Matteo, hello?" she mumbled.
"Hey, babe. How's your work today? Nag lunch ka na ba?"
"Ah.." she almost forgot to eat her lunch!
"Nagpapalipas ka na naman ng gutom? Don't worry, susunduin kita para sabay tayong kumain, ok?"
She checked her to-do-list for this day first at marami iyon kaya panigurado ay hindi siya pwedeng magtagal.
"Ahmm pwede ba na dito na lang sa cafeteria namin? I have so many things to do at hindi ako pwede magtagal." she explained.
"Ok, I'll be there in ten minutes."
"Thank you, Matteo!" she happily exclaimed not knowing that her boss is looking and listening at her quietly.
Sinimulan na lang muna niyang gawin ang pinagawa sa kanya ni Sofie na siyang utos daw ng boss. She needs to photo copy a hundred pages of the company's files. Binilisan na lang niya dahil sa usapan nila ni Matteo at buti na lamang ay may tumulong sa kanyang ibang intern na naka assign sa area na iyon kaya natapos siya kaagad.
From: Matteo
Hey, babe, I'm already here.
When she received that message, dali-dali syang bumaba papunta sa cafeteria at saka sinalubong ng yakap ang nobyo.
Greyson
Grey clenched his fist when he saw his personal assistant running towards her boyfriend. Kaya pala ang bilis nitong natapos ang mga utos niya dahil excited na makita ang boyfriend.
"Daddy, Aw (are) we going home?"
Ngayon lang nagbalik si Grey mula sa iniisip nang marinig ang anak. He looked at Sky and saw some of Maiara's familiar look on his son's face. Napailing na lamang siya sa naisip but then he answered his son's question.
"Yes, pero babalik ako agad dito sa company. May work pa si daddy."
"Ok, daddy."
"Come on." pag-aaya niya dito.
"Wait daddy." hindi niya kaagad nasundan ang anak papasok sa cafeteria na siya pa lang nilapitan ang personal assistant niyang nakikipagdate.
"I can give you the whole five star restaurant but you choose the cafeteria with that 'ingrown na tinubuan ng tao' instead." bulong nito saka napailing-iling.
"Hi po, I'm Sky." his son greeted Maiara and Matteo.
"Hello, I'm your uncle Matteo." pakilala naman ni Matteo dito.
"Uncle?" kunot-noong tanong ng anak niyang si Sky.
"Yes, you can call me Uncle Matteo." Matteo smiled at Sky that's why Grey walked towards them immediately.
"Or not" madilim ang tingin ni Grey sa dalawa nang makaharap niya ito.
"Fend (Friend) mo po siya, Daddy? Or he's like Uncle Pogi?" Sky asked him curiously.
"No, he's not my friend and he's not also my brother like your Uncle Pogi." paliwanag niya sa anak.
"Oh okay, then he's a stenger (stranger) po?" curious na tanong ni Sky.i
"Yes" Grey smirked at what his son said. Mabuti na lang pala at matalino ang anak nya kagaya nya. He's turning 4 years old this year kaya hindi na ito masyado bulol magsalita at saka tinuturuan din kasi ng Grandma at Grandpa nito na magsalita lalo na ng english pero minsan ay tagalog naman.
"Ahmm sir, may kailangan po ba kayo?" nag-aalangang tanong ni Maiara sa boss nito.
"Yes"
"A-ano po?" he saw how her face became nervous.
"Go back to your place and flirting is prohibited here in my Company." he turned his eyes on Matteo. "So you better leave now, Mister."
"Ahmm s-sige po." pagkatapos ay mahinang pinagsabihan ni Maiara si Matteo para umalis na pero ngumisi lang ito na syang ikinakaba ni Maiara lalo.
"Bakit, Grey, natatakot ka pa rin ba?" nakangising tanong ni Matteo sa kanya.
"No, nandidiri ako." poker face niyang sagot.
"Nandidiri ka? Saan? Tsaka mind your o—"
"Sa mukha mo." pagputol nito sa sinasabi ni Matteo.
"What?"
"Nandidiri ako sa mukha mo. Walang lugar ang hayop dito sa Company ko, but don't worry, I'll make a Zoo for you soon."
"You motherfvc—"
"Matteo! Tama na! Umalis ka na lang, please." pagpigil ni Maiara dito kaya wala nang nagawa pa si Matteo kundi ang umalis.
Napansin naman ni Grey ang hindi mapakaling si Maiara at nakayuko habang ang anak ay nakaupo lang at nakatingin lang sa gawi nila.
"All of you, get back to work!" Grey shouted when he noticed that most of the people here in Cafeteria were looking and watching them.
"Let's go, Sky, Ipapahatid na lang kita pauwi, I have so many things to do in my office." may mga meeting pa siyang kailangan daluhan ngayong hapon.
"Night play daddy?" tanong nito at naintindihan naman kaagad ni Grey ang gusto ng anak.
"Of course we'll still play at night. I promise."
"Ok, daddy!" tumalon ito pababa sa upuan at saka nagpabuhat sa ama. Nilingon naman niya si Maiara na nakatitig sa kanilang mag ama habang may mumunting ngiti.
"Yes, Maiara, kami yung sinayang mo." aniya sa kanyang isipan bago utusan itong muli.
"Hey, you, continue your work, maraming papeles ang naghihintay sayo sa itaas." mariing sambit ni Grey saka iniwan kaagad si Maiara para ipahatid ang anak sa kanilang driver na syang naghihintay na sa labas ng building.
Maiara
Habang inaayos ang mga papeles na ipapasa sa bawat Department Heads, hindi maiwasang sumagi muli sa isipan ni Maiara ang nangyari kanina sa cafeteria.
Nilingon niya ang cellphone niya na nasa tabi ng desktop saka chineck kung nagmessage na ba si Matteo sa kanya, ngunit wala.
Base sa nasaksihan niya kanina ay mukhang magkakilala na ito noon pa man. Naisip niya bigla na kaya ba ayaw siyang pagtrabahuhin ni Matteo dito ay dahil kilala nito ang boss niya ngayon at may away sa pagitan ng mga ito?
"Aurino!" napatalon siya sa sigaw ng boss nya sa intercom na nasa gilid niya.
"Yes, boss?" sagot niya.
"I'm hungry, make a sandwich."
"Yes, boss." kaagad niyang iniwan ang ginagawa saka nagmamadaling nagtungo sa pantry. Kumpleto naman ang kagamitan doon kaya hindi na siya nahirapan pa gumawa ng sandwich.
Patuloy lang sa paggawa ng Clubhouse Sandwich si Maiara na parang gamay na gamay nito ang paggawa nito. Naisip na lamang niya na baka dati ay mahilig siyang gumawa nito kaya sanay na sanay siya kahit pa hindi na isearch ang mga recipe na kakailanganin.
Nagluto siya ng chicken fillet bilang palaman nito saka naman inilagay ang lettuce, onions at tomato sa chopping board. Nilagyan din niya ng maraming mozzarella cheese ang sandwich dahil naisip niya na magugustuhan iyon ng boss niya.
"Boss, here's your sandwich." hindi manlang siya tinapunan ng tingin ng kanyang boss kaya inilapag na lang niya ang sandwich sa table nito. Pero saktong pagbukas niya nang pintuan ay napahinto siya nang marinig ang boses ng boss nya. Pabulong lang ito pero kahit papaano ay rinig pa rin nya ito.
"Just like the old days huh? Hindi mo pa rin pala nakakalimutan ang paborito 'kong meryenda." rinig niyang bulong nito.
Mabilis siyang bumalik sa kanyang table. Then suddenly, a scene flashes immediately in her mind.
"Ash! Ang takaw mo talaga! Tsaka 'yang sandwich na lang ang kakainin mo forever?" sigaw ng estudyanteng nasa sekondarya na si Maiara.
"Bakit ba, Aia? Ang sarap kaya, you want some?" inilapit ng binata ang sandwich na hawak sa kanya
"Huwag na, baka kulang pa sayo 'yan eh." sambit nito saka ipinagpatuloy ang thesis na ginagawa nito. Nasa parke kasi sila at alas singko na ng hapon kaya kailangan nya nang tapusin ang Gawain dahil kailangan na itong ipasa bukas.
"I'll help you."
"Wag na, kumain ka na lang dyan, kailangan ko pang tapusin 'to kaagad."
"Are you sure? Or what if iuwi mo na lang muna ang laptop ko? Malapit na magdilim, Aia." nag-angat ng tingin ang dalaga at napansin na kakaunti na lang pala ang mga tao sa parke dahil makulimlim na ang kalangitan at papalubog na rin ang araw.
"Ayoko, baka masira ko pa kapag iniuwi ko 'to sa AO." sa Angel's Orphanage pa rin nanunuluyan ang dalaga. Noong bata pa lang siya ay sa orphanage sa Bulacan siya naka stay pero sa pagkakaalam niya ay sa malayo talaga sila nakatira noon. Ang pamilya naman ng binata ang may ari ng orphanage na iyon kaya sila nagkakilala at nabigyan siya ng scholarship sa isang magandang unibersidad.
"Fine, if that's what you want." napabuntong hininga na lamang ang binata sa desisyon nito. Dati pa lamang ay pinapahiram na niya ito ng mga gamit niya kung kinakailangan, hindi kasi nito tinatanggap ang binibigay niya kahit pa pinaglumaan lang niya na mga gadgets iyon at iba pa.
Itinaas na lang ng binata ang dalawang paa sa lamesa saka sinubo ang huling sandwich na natitira. Kahit bored na bored na siya kakahintay sa dalaga na matapos sa research papers nito ay matiyaga pa rin niya itong hinihintay. Madalang lang kasi silang magkita sa unibersidad na pinapasukan nila lalo na at first year college na siya habang ang dalaga ay graduating pa lamang ng Junior High School.
Aia is sixteen years old while Ash is turning nineteen years old this year.
"Arghhh!!! Nakakapagod!" nag inat naman ang dalaga saka nilingon ang binata na katatapos lang kumain
"Nagugutom ako, Ash. Pahinging sandwich." malambing na boses ang gamit nito at napanganga lang ang binata.
"Ano? Akala ko ba ayaw mo?"
"Hindi ba pwedeng magbago ang isip ko?" pasigaw na sagot naman ng dalaga dito. Stress na siya sa mga essay na ginagawa kaya hindi niya mapigilang ibunton ang inis sa kausap.
"Ang sungit mo na naman, Aia, magkakaroon ka na nga." bulong nito pero dahil maliit lamang ang pagitan nila ay rinig na rinig iyon ng dalaga.
Hinampas nito ang binata dahil sa sinabi nito. "Bastos ng bibig mo, Ash!"
"Oh nagagalit ka na naman, chill." natatawa-tawang sambit ng binata nang masilayan na naman ang namumulang mukha at pag kunot noo nito.
"Paano ba naman inubusan mo na nga ako ng sandwich, kung ano-ano pang bastos ang lumalabas sa bibig mo! Hindi kita pansinin dyan eh."
"Kaya mo?" pang-aasar nito sa dalaga. Mula noon hanggang ngayon ay magkasama sila kaya kampante ang binata na hindi kakayanin ng dalaga na magkahiwalay sila at ganun na rin siya.
"Heh!" tinalikuran siya nito kaya kinalabit niya ito.
"You want to eat a sandwich? Fine, I will let you taste my favorite food."
Kaagad namang lumingon ang dalaga sa kanya. "Talaga? Akala ko ba naubos mo na?"
"Yeah, but I'll assure you that you can still taste it." nginisian naman ng binata ang dalaga na syang nagpatulala dito. Biglang humangin ng malakas kaya hinangin ang mahaba niyang buhok. Kaagad namang hinawi ng binata ang buhok niya ng may pag iingat at saka inayos ito.
Hindi kaagad sya nakagalaw sa ginawa nito at ramdam nya ang pagbilis ng kabog ng dibdib. Lumapit ang mukha nito sa kanya at unti-unting nanlalaki ang mata nya nang mas umapit pa ito kaya sa huli, nagdikit ang kanilang mga labi.
Medyo pinalalim ng binata ang halik at ilang segundo pa ay kumalas na ito saka hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga na namumula na dahil sa nangyari.
"so how does it taste?"
Nagbalik lamang sa realidad si Maiara nang makarinig ng malakas na kalabog. Nakita niya ang boss niya sa harapan ng desk niya at matiim na nakamasid sa kanya.
"B-boss"
"Hindi kita binabayaran para lang tumunganga lang dito sa kumpanya ko, Ms. Auriño."
"A-ah.. s-sorry po, b-boss." nagkakanda utal-utal ang pagsasalita niya dahil sa kaba.
"Kanina pa kita tinatawag para i-check kung naibigay mo na ba isa-isa sa mga department head ang pinagagawa ko sayo pero nakatunganga ka lang sa pwesto mo. Hindi ko mautusan si Sofie ngayon kaya ikaw ang tinawag ko." ipinagkrus ng boss niya ang braso nito saka matiim na tiningnan siya. "Should I hire a new personal assistant now?"
Doon ay napatayo na siya saka yumuko. "I'm so sorry, boss. Hindi na po mauulit. Promise po."
"Promise? Really?" her boss looked at her like she's saying something funny.
"Yes, boss. I promise, hindi na po mauulit at gagawin ko na po ng maayos ang trabaho ko basta huwag niyo ho akong papalitan at tanggalan ng trabaho." pagmamakaawa niya.
"But for me, promises are meant to be broken." ibinaba nito ang dalawang braso saka ipinatong sa desk niya at pagkatapos ay dumukwang sa harapan niya para maglapit ang kanilang mukha.
"Kaya huwag kang magbitiw ng salita kung hindi mo naman kaya panindigan, Ms. Auriño."
~cutiesize31<3