Chereads / He's not just my Boss / Chapter 6 - Chapter 4

Chapter 6 - Chapter 4

CHAPTER 4 - First Day

Maiara

Masiglang naghahanda si Maiara papasok sa bago niyang trabaho. Alas sais pa lang ay papatapos na siyang gumayak kaya naman tinext na niya si Matteo na ready na siya dahil gusto raw siya nito ngayon ihatid sa trabaho since first day niya ngayon.

"Hey babe, are you ready for your new job? Basta sabihan mo ako kung magkaproblema man para makahanap agad tayo ng trabaho na papasukan mo, ok ba?"

Sa isip isip ni Maiara ay talagang ayaw ni Matteo na magtrabaho siya sa AIA Company. Pero sa huli ay tumango na lang siya. Sa susunod na lang siguro niya itatanong ang tungkol doon dahil ayaw niyang mamroblema dahil panigurado ay makakaapekto iyon sa unang araw ng kaniyang trabaho.

Nakangiti siya paglabas pa lang ng sasakyan hanggang sa pagpasok at nang makarating sa area nya. Tiningnan niya ang wall clock saka nakita na eksaktong alas siyete na ng umaga kaya naman panigurado ay ilang saglit pa ay darating na ang CEO ng AIA Company.

Hindi niya maitanggi sa sarili na kinakabahan siya sa mangyayari ngayon. Unang araw niya sa trabaho kaya sa tingin niya ay normal naman talaga iyon.

"Maiara, let's go to the lobby now, the CEO is here and all the department heads and employees were already there." nagmamadaling sabi sa kanya ni Sofie na parang hindi mapakali.

Nagmamadali silang nagtungo sa elevator pababa. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ni Maiara at ramdam niya ang panlalamig ng kamay.

"Just behave, Maiara. Huwag kang kabahan mamaya sa harapan ni sir dahil hindi niya iyon gusto na makitang nanginginig ang employees niya sa kaba. Remember this, kapag kabado ka, maaaring hindi ka makapagtrabaho ng maayos so fix yourself now." kaagad naman syang tumango saka inayos ang buhok nyang naka ponytail, kinalma rin niya ang sarili bago umayos ng tayo.

Ilang segundo pa ay bumukas na kaagad ang elevator. Nauna si Sofie sa paglalakad patungong lobby habang siya ay nakasunod dito at pinapakalma ang sarili. Sa hindi kalayuan ay natatanaw niya na ang kumpulan ng mga tao. Halos lahat nga yata ay nandoon upang makilala ng CEO.

Nahawi ang daan nang bumati si Sofie sa lahat. Nasa gilid ang department heads habang ang iba ay nasa likuran ng mga ito.

"You're Sofie, right? My secretary." halos kabahan siya nang marinig ang boses ng boss niya. Her boss has a deep voice lalo na kung seryoso ito gaya na lamang ngayon.

"Yes, sir." yumuko naman si Sofie nang sagutin ito. Hindi pa rin masyado nag aangat ng tingin si Maiara sa boss niya dahil kinakabahan pa siya ng kaunti at ayaw nyang makita nito iyon dahil sa naalala niya ang paalala ni Sofie kanina.

"Where's my personal assistant? Jackson told me that you already hired someone for that position."

Kaagad naman siyang nilingon ni Sofie saka pasimple na binulungan siya at pinanlakihan ng mata. "introduce yourself now!"

"Ah.. " Kaagad syang nag angat ng tingin nang gumilid sa tabi niya si Sofie.

"Good morning, Mr. Pajavera. I am your new personal assistant, Maiara Aurino." nakangiting sabi ni Maiara ngunit mas lalong nagulat at napasinghap ang lahat nang biglang sumigaw ang boss nila.

"What the hell are you doing here?!"

"B-boss?" nauutal at kinakabahan niyang sambit nang makita ang matalim at madilim na tingin ng boss niya sa kanya.

"What do you mean, sir? She's your new personal assistant." pagtatanong naman ni Sofie.

Greyson

DAMN it! What the hell?

Patuloy ang pagmumura ni Grey sa loob loob niya ngunit halata naman sa mukha at itsura niya na galit na galit siya dahil ramdam ng mga nakapalibot sa kanyang empleyado ang pagdilim ng aura nito.

"Give me her resume, Sofie." utos nito pagkapasok na pagkapasok sa opisina nito. Si Sofie lamang ang nakasunod dito dahil pinagsaraduhan niya agad si Maiara ng pinto bago pa man ito makapasok.

Lumabas muna saglit si Sofie para kuhanin ang resume ni Maiara. Napaupo na lang si Grey sa swivel chair nito at napahilot sa sintido.

Kaagad niyang kinuha ang telepono sa table nya nang may maalala. Ilang ring pa ay kaagad sumagot ang tinawagan nito.

"Oh hello, kapatid." bati nang kausap niya.

"Do you have any idea about my personal assistant?"

"I'm fine, kapatid." Jackson sarcastically said when Grey just ignored his greeting.

"Answer me, Kuya!"

"Bakit ba kasi? Nakahanap naman na si Sofie diba? Mapagkakatiwalaan naman siya kaya hindi na ako nag abala pa sa paghahanap at pag-aasikaso mismo ng personal assistant mo."

"Don't you know that Maiara is my fvckin' personal assistant?!" bulyaw nito sa telepono.

Ngunit bago pa makasagot ang kausap ay pumasok na muli si Sofie at dala-dala nito ang files ni Maiara.

"Sir, here's Maiara's resume." pinatay ni Grey ang tawag saka kinuha ang folder at naupo.

"You can go now." utos nito pero bago pa niya mabuklat ang folder nito ay nagsalita muna si Sofie.

"Sir, ahmm.. I have a question" napaangat naman ng tingin si Grey dito

"What is it?"

"Sir, ah.. para kasing familiar yung mukha ni Maiara. Hindi po ako mapakali dahil parang nakita ko na siya dati noong anniversary ng Pajavera Corp. at parang naaalala ko na nakita ko na ikaw ang kasama niya."

Natahimik naman si Grey. He suddenly remembered that event. Noong panahong iyon ay girlfriend pa lamang niya si Maiara and then months after, they got engaged.

At isa pa, totoo ngang nakita na sila noon ni Sofie na magkasama dahil sa Pajavera Corp. ito unang nagtrabaho. Hindi lang nila nalalapitan ni Maiara ang lahat ng tao doon dahil gusto nila pareho ng privacy kaya panigurado ay hindi ito masyadong kilala sa personal ni Sofie.

"No, she's not my date that night. She's not that girl." mahinang sambit ni Grey.

Actually, his date that time is Maiara, but she suddenly changed after that. Kaya naman hindi niya talaga maiwasang isipin kung ano ba talaga ang plano ni Maiara. Maayos naman ito noon pa man ngunit nang makaraan ang ilang buwan bilang mag asawa nila ay unti-unti nang nagbago ito. Minsan na ring sumagi sa kanyang isipan na baka pera lamang ang habol nito sa kanya at nang makuha nito ang perang kailangan, sumama na sa totoong lalaking mahal nito.

Kaya nga unti-unti na niya itong kinakalimutan. Maiara years ago is just an illusion slash fake.

"Sorry, sir. Mauna na ho ako."

"Ok, just give me my schedule for this day." pagkatapos ay umalis na si Sofie kaya nasimulan nang basahin ni Grey ang resume na ipinasa ni Maiara.

"Maiara Aurino" basa nito. "Tss.. she's not using Pajavera surname anymore, huh?"

Maiara

Napatayo kaagad sa kinauupan nito si Maiara pagkalabas ni Sofie. Nakaabang siya dahil nangangamba siya mula sa nangyari kanina sa lobby.

"Ah... anong gagawin ko ngayon Sofie? Unang araw pa lang ay mukhang hindi maganda ang mood sa akin ni boss." naisip niya na baka hindi siya magtagal dito dahil sa nangyari kanina. Galit ito sa kanya pero walang siyang alam kung bakit.

"Basta mag stay ka lang muna dito sa table mo. Baka mamaya ay biglang may iutos si sir, bumawi ka na lang para mabawasan ang init ng ulo sayo."

Bago pa man makaalis si Sofie ay pinigilan nya ito. "Ahmm bakit galit sa akin si boss?"

"Hindi ko na naitanong kanina at baka ako ang mapagbuntungan ng galit. Basta gawin mo lang ang kahit anong iutos sayo ni sir para hindi na siya ulit magalit sayo."

Malungkot na lamang na napatango si Maiara. Nanghihina siyang napaupo sa swivel chair saka iniisip ang maaari niyang gawin para makabawi at hindi siya matanggal sa trabaho.

Ilang minuto, oras pa ang lumipas. Halos si Sofie lang ang pumapasok sa office ng boss niya habang siya ay matamlay na nakaupo lamang. Nilingon niya ang wall clock sa gilid at napagtanto na lunch time na pala.

Pagdating sa cafeteria ay kaagad syang pumila at bumili ng pagkain. Ngunit bago pa nya maituloy ang unang subo ng pagkain ay may officemate siyang hinihingal na lumapit sa kanya.

"Maiara, tawag ka ni sir Pajavera, may ipapagawa yata sayo." napatayo siya kaagad saka ibinalik sa gilid ng counter ang pagkain para ibilin sa mga tauhan doon. Babalikan na lang niya ang pagkain niya mamaya dahil mas mahalaga ngayon na gawin ang trabaho niya.

Nagmamadaling pumunta sa office si Maiara at pagkabukas niya ng office ng boss niya ay kaagad siya nitong inutusan.

"Buy me a delicious lunch, now!" nagmamadali siyang tumango.

"Yes, boss." at saka lumabas patungo sa restaurant malapit sa AIA company.

Napili ni Maiara na sa SM na lamang bumili dahil iyon lang ang malapit. May mga sikat na restaurants naman doon. Ngunit napatampal na lang siya sa noo niya nang maalala na hindi niya nga pala alam ang gustong kainin ng boss niya.

"Ang tanga tanga talaga, Maiara!"

Naglibot-libot pa sya saglit sa isang area sa mall kung saan puro restaurants lang ang nakatayo. Kailangan ang mabilhan niya ay masarap ang sineserve o kaya ay kaunti ang tao para mabilis syang makabalik sa office.

Inisa-isa niya ng tingin ang restaurants na makikita pero ang TGI Friday's lang ang pinuntahan niya. Mukha naman masarap ang mga pagkain doon at bukod pa doon ay kaunti lang ang tao na kumakain sa restaurant na iyon. Napagdesisyunan niya na Ribeye Steak na lang ang bibilhin niya dahil panigurado ay mahilig ito sa ganoon.

Ilang minuto syang naghintay at sa mga oras na iyon ay nanginginig na sa kaba si Maiara. Paniguradong gutom na ang boss niya pero wala pa siya doon. Kaya naman laking pasasalamat niya nang makuha na niya ang order.

Lakad-takbo ang ginawa niya paalis sa mall. At pagkarating naman sa AIA property ay ganoon din ang ginawa niya dahil nasaktuhan pa niyang walang service na magsasakay sa kanya papunta sa company.

"Ang swerte ko talaga hay!" no choice siya ngayon kundi takbuhin na naman ito mula sa gate ng AIA property hanggang sa dulo ng AIA kung nasaan ang AIA Company mismo. Dalawang parte o likuan kasi ang mayroon dito. Sa bandang kaliwa ay ang AIA subdivision at sa kanan naman ay ang daan papuntang AIA Company.

Habang tumatakbo ay halos mapasubsob siya sa daan nang makarinig siya ng malakas na busina. Nang lingunin niya ito ay may papalapit na sasakyan sa gawi niya at may mabilis na takbo.

"Muntik na mahulog yung hawak ko. Naku! irereklamo talaga kita." bulong nito saka hinawakan nang mabuti ang lunch ng boss niya.

Magpapatuloy na sana ulit sa paglalakad si Maiara nang mahagip niya ang isang bata na tumatakbo at hinahabol ang bola na gumugulong papalayo. Mas nanlaki ang mata niya nang makita ang sasakyan na humaharurot kanina na ngayon ay papalapit na sa bata.

Nasa kabilang daan ito kung saan patungo sa AIA subdivision. Mabilis niyang tinakbo ang pwesto ng bata at kaunti na lamang ay mahahagip na ito ng sasakyan.

Sandali na lang ay makakalapit na ang sasakyan sa pwesto nito kaya niyakap niya ang bata at sabay silang napadapa sa gilid, sa bandang puro halaman, habang ang sasakyan ay humarurot lang papaalis at mukhang walang pakielam.

"Tatandaan ko yang sasakyan mo, bwisit ka!" at pagkatapos ay sinigaw pa ni Maiara ng malakas ang plate number nito.

Nilingon naman niya ang bata na hawak niya pagkatapos. "Ayos ka lang ba? Muntik ka pang masagasaan oh."

Tinulungan niya na lamang tumayo ang bata saka pinagpagan ang damit nila pareho na nalagyan ng damo.

"Saan ka ba nakatira? Tara ihahatid na kita." tumango ang bata pero natigilan siya sa paglalakad ng sumigaw ang bata

"Ewww.. what's that?" tumigil ito saka tumingin sa sapatos na suot.

"Tae ba yan?" nang lapitan ni Maiara ay naamoy nya kaagad ito at napagtanto na sauce iyon. Nanlaki ang mata niya nang makita sa gilid ang pagkain ng boss niya na natapon pala.

"Naku! Lagot ako kay boss nito!" saktong pagkasabi niya ay siya namang pagtunog ng cellphone niya.

"Hello, Maiara? Nasaan ka na ba? Hinahanap ka na ni sir!" alam niya na hindi mapakali ngayon si Sofie dahil halata sa boses nito mula sa telepono.

"Sofie.. yung pagkain na pinabili ni boss, natapon ko." bulong niya at napapikit na lamang na para bang kaunti na lang ay tutulo na ang kanyang mga luha.

"Ano?!" napasigaw ito at narinig nya pa sa background nito ang boses ng boss niya. "Where's Maiara? I'm hungry!"

"Bilisan mo, bumalik ka na lang muna dito." napabuntong hininga na lang siya nang maibaba ang tawag.

Nilingon niya ang batang hawak niya. "Ihahatid muna kita sainyo, saan ka ba nakatira?"

"There! I want there!" turo nito sa AIA Company na syang tanaw na tanaw na nila mula sa kanilang pwesto.

"Ha? Hindi pwede ang bata doon." obserba niya dito na nasa tatlong gulang ang batang lalaking kasama niya.

"Daddy! There!" mukhang naintindihan ni Maiara ang nais iparating ng bata.

"Nandoon ang daddy mo? Sige, nagmamadali rin ako eh kaya doon na lang kita dadalhin." inakay niya ang bata. Mahigpit ang hawak niya sa kamay nito habang mabilis silang nagtungo sa company.

"Oh Maiara! Anak mo?" bati ng guard sa kanya.

"Ay kuya hindi po ah! Nakita ko lang doon sa daan kanina, muntik ng masagasaan tapos dito raw nagtatrabaho ang daddy niya kaya dito ko na lang dinala." paliwanag niya. Ang alam kasi niya ay bawal ang bata dito.

"Oh sige, basta huwag mo hahayaan yang maglikot ah. Ayaw pa naman ni Sir na may magulo dito."

"Ihahatid ko lang kaagad sa daddy niya, kuya guard. Promise!"

Pagsakay niya sa elevator ay nagtext ulit si Sofie na bilisan niya kaya sa 30th floor kaagad ang pinindot niya.

"Anong pangalan ng daddy mo? Kailangan ko munang pumunta sa office ng boss ko tapos ipapatawag ko na lang ang daddy mo para maibalik na kita sa kanya."

"Daddy Gyey" sagot nito at napataas ang kilay ni Maiara.

"Gay?" kunot noong tanong ni Maiara.

"No. Gyey!" sigaw muli ng bata.

"Bakla ang daddy mo?"

"It's Daddy Gyey!"

Dumiretso na lamang ang tingin ni Maiara nang bumukas ang elevator. Pero mas lalo syang namutla nang makita ang boss sa harapan nito. Bigla naman dumako ang paningin nito sa batang hawak nya.

"Daddy Grey!!" sigaw ng bata. At last, the little boy says his dad's name correctly.

Kumalas sa hawak niya ang bata at tinakbo ang pagitan nito at ng boss niya saka yumakap doon.

Nanlalaki naman ang mata ni Maiara nang mapagtanto na ang pangalan ng Daddy ng batang iniligtas niya ay Grey na siyang boss niya.

~cutiesize31<3