CHAPTER 3 - Familiar
Maiara
Pagod na pagod na naupo si Maiara sa kanyang swivel chair. Yayamanin talaga ang AIA Company dahil lahat ng empleyado ay maganda ang bawat cubicle kaya naman nakakaengganyo talagang magtrabaho. Nakakaproductive kumbaga.
"This whole floor is only for the CEO and also for us. Just take a break for five minutes and then ililibot na kita dito." sambit ni Sofie na nasa harapan niya saka umalis para bumalik sa pwesto nito.
Tanging isang tango lamang ang ibinigay ni Maiara bago dumukmo sa lamesa niya. Hindi niya maiwasang kabahan para sa pagsisimula ng trabaho niya bukas.
Ang totoo nyan ay kahit nga ang mga pinag-aralan niya noong nasa kolehiyo siya ay wala siyang masyadong matandaan. Pero kahit na ganon ang naging sitwasyon niya ay tinulungan siya ni Matteo. Ipinaliwanag nito ang lahat at kasama na doon kung anong course ang tinapos niya. Kaya laking pasasalamat niya talaga kay Matteo dahil hindi ito sumusuko na turuan at ipaalala sakaniya ang mga nakalimutan niya.
Pero sa bawat panaginip niya, isang lalaki na blurred ang mukha ang palagi niyang nakikita. At para hindi na siya mag isip pa ng kung ano ano, pinaniwala na lang niya ang sarili na iyon si Matteo at nang sabihin niya naman ito kay Matteo ay kinumpirma nito na siya nga iyon.
Ngunit bakit parang hanggang ngayon ay hindi siya mapalagay? Parang may sagot pa siyang hinahanap na hindi niya alam kung saan malalaman at kukuhanin.
"Let's go, Maiara." kaagad na tumayo si Maiara saka sumunod kay Sofie.
Namamangha ang ekspresyon niya habang napapatingin si Maiara sa mga itinuturo at ineexplain ni Sofie. Mula sa first floor hanggang sa huling floor ay talaga nga namang nakakamangha.
Inuna nila ang nasa first floor, lobby part. Sunod ay ang bawat department bawat floor at saka bumalik sila sa 30th floor.
"Since you already know everything mula lobby hanggang sa floor bawat department, dito naman sa area natin ang ituturo ko sayo." iginiya siya papasok ni Sofie sa isang silid na katabi lang ng office ng CEO.
"This is the pantry. Dito ay pwede kang magluto para kay boss. Kaya kailangan marunong ka dahil trabaho mo 'yon. You're the CEO's personal assistant at hindi ko maaako ang gawain mo dahil marami din akong gagawin."
Mabuti na lang pala ay naturuan siya ni Lola Eva noon kung paano magluto ng mga ulam na lutong bahay.
Sunod naman ay pumasok sila sa office ng CEO. Nakahanda na ang mga gamit nito at ang linis linis na ng paligid. May dalawang malalaking vase ng halaman din ang nakalagay malapit sa table ng CEO tapos ang isa ay malapit sa pintuan.
"Ito ang magiging office ng boss natin. Actually, hindi tayo pwedeng pumasok ng walang pahintulot ni boss, but boss Jackson gave me a permission to take you a tour para maging familiar ka sa paligid." napatango-tango na lang si Maiara.
Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng office ng boss nya. Napatingin siya sa gilid kung saan may mahabang lamesa at may nakapatong na mga mamahaling figurines.
"Wala kang gagalawin ni isa sa mga gamit ni boss. That figurines are very important to him. At kung mabasag mo man 'yan, I'm pretty sure na hindi mo kayang bayaran dahil mas mahal pa ang presyo nyan sa suweldo mo, get it?"
Tumango siya ng mabilis. "Yes, Ms. Sofie."
"Oh stop calling me miss. Sofie is enough." binigyan na lamang ni Maiara ng ngiti si Sofie saka tumingin sa table ng boss.
She saw there a very expensive wooden table and a very expensive swivel chair. Malinis ang buong lamesa ng boss niya. Iilan lang ang nakalagay sa lamesa nito at kabilang na doon ang babasaging parihaba na may naka imprintang pangalan ng boss niya.
'GREYSON CLAUDE PAJAVERA
CEO of AIA Company'
Binasa niya ang pangalang iyon habang may nagtatakang ekspresyon.
"Yes, Maiara, that's our boss' name"
"Familiar yung name niya, Sofie, pero pwede ko bang makita yung mukha niya?" nakakahiya mang aminin ngunit para kay Maiara ay hindi pa niya ito nakikita ngunit gulong-gulo rin siya dahil hindi niya alam kung bakit malakas ang kutob niya na kilala niya ito.
Inilabas naman ni Sofie ang cellphone nito saka ipinakita sa kanya. "Here."
Binasa niya ang article na binuksan ni Sofie saka tiningnan ang litrato ng boss nito na nasa gilid. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay nakita niya na ito noon pa man. Malakas ang tibok ng puso niya ngunit may narealize siya base sa pagkakatanda niyang kwento ni Khate noon sa kaniya.
Kilala nga pala ito sa buong asya at hindi imposible na nakita niya na ito noon sa balita sa tv o kaya naman ay sa dyaryo.
"Kilala mo na? Naaalala mo na? Hindi imposibleng hindi mo siya kilala, Maiara."
Ibinalik ni Maiara ang hawak niyang cellphone. "Familiar siya, Sofie. Baka nakita ko na siya sa kung saan. Tsaka kilala siyang businessman sa buong Asya hindi ba?"
"Yes, you're right." inaya na siya nito papaalis sa opisina ng boss nila at babalik na sana siya sa pwesto niya nang suminghap si Sofie.
"May problema ba?"
Nagtataka ang ekspresyon ni Sofie nang lingunin siya nito " I actually knows Lola Eva ever since dahil kaibigan nito ang lola ko. She's your guardian now, right?"
Tumango siya bago sumagot. "Ahmm oo."
"Sa pagkakaalam ko ay walang tv si Lola Eva dahil ayaw niya iyon. She prefer radio and listening to old music than having a television." nanunuri pa rin ang mata ni Maiara dito at hinintay ang kasunod sasabihin ni Sofie.
"Ahmm.. oo ganun na nga."
"Oh so that's why you don't know anything about our boss." napatango-tango ito. "Ok, I get it. But don't worry, I'll help you to know about him para naman magawa mo ang trabaho mo ng maayos. Just do everything what he said para hindi ka mapagalitan, ok?"
"Also, advice ko lang na kapag nagtrabaho ka na dito ay dapat lagi kang updated sa business world." paalala nito sa kanya.
Pagkatapos ay naiwan na lamang mag isa si Maiara sa tapat ng office ng CEO. Napakibit balikat na lang siya nang maupo sa pwesto niya. Napapikit siya saka biglang lumitaw sa memorya niya ang litrato ng boss niya kanina na ipinakita sa kanya. His boss is wearing a black expensive tux, black necktie, expensive watch, and he's also expressing a cold look.
Paano naging pamilyar ito sa kanya eh wala nga pala silang tv sa bahay? Habang ang cellphone naman niya ay walang social media na naka install dahil iyon ay ipinagbabawal ni Matteo dahil makaka stress lang daw kasi sa kanya. Tsaka pumayag siya doon dahil gusto niya munang magpagaling at sabi rin kasi ni Matteo ay makakasama daw kung gumamit siya ng social media dahil baka sumakit lang ulo niya.
"Hey, Maiara, it's already 5pm. Tara na, mag out na tayo dahil maagang mag a-out lahat ng employees since it's sunday at nag ayos lang naman tayo ng gamit tapos ang schedule mo ay ipapaalala ko lang na laging seven am ang pasok mo at seven pm naman ang out mo. Don't be late for tomorrow, ok?"
"Noted, Sofie. Thank you. Sige susunod na lang ako."
"Ok. Hindi ka na ba sasabay sa akin? Madadaanan ko naman ang gawi sa inyo eh."
Umiling siya. "No need, Sofie. Thank you na lang."
"Ok. Mag ingat ka pauwi. Sige mauna na ako at naghihintay na ang boyfriend ko sa lobby. See you tomorrow!" kumaway ito saka nauna nang bumaba.
Nagpahinga muna sandali si Maiara saka chineck ang cellphone. Nagbabakasakali na baka sunduin siya ngayon ni Matteo pero nalungkot siya nang sabihin nitong hindi siya masusundo dahil ihahatid nito ang parents sa airport dahil babalik na ito sa New York para magtrabaho muli doon. Doon kasi unang lumago ang business ng mga Nicholas kaya naroon din ang bahay talaga nila ngunit sa Pilipinas pa rin sila nags-stay dahil ayaw nilang kalimutan ang bansang ito kung saan sila lumaki.
Agad na nag-ayos si Maiara saka kinuha ang sling bag nyang dala at nagtungo na sa elevator pababa.
Pagkalabas naman niya ng building ay hindi pa gaanong madilim ang paligid kaya napagpasyahan niyang maglakad lakad muna. Marami naman siyang nakakasabay na empleyado ng AIA na maglakad dahil sa hindi kalayuan sa AIA ay may mga carinderia, ihaw ihaw, at marami pang iba.
Natakam naman si Maiara sa mga nakikita kaya naghanap siya ng tindahan na pwedeng kainan. Halos ang iba kasi ay marami ng tao at puno na kaya naglibot pa siya hanggang sa nakita niya ang isang kainan ng lugaw.
Ito ang may pinakamalaking kainan dito at maraming tao dito at mabuti na lamang ay may pwesto pa kaya kaagad siyang pumasok doon at agad din siyang nakahanap ng bakanteng pwesto at saka umorder.
Habang hinihintay ang order ay nakamasid lang siya sa paligid. Hanggang sa may nakita siyang babae na may katandaan na pumasok sa loob ng lugawan. Narinig niya sa ibang nagseserve na naroon na ang Aling Rosa na siyang masarap daw magluto ng lugaw.
Nakatingin lamang si Maiara sa matanda hanggang sa mapalingon ito sa gawi. Nakita niya kung paano ito nagulat saka nanlalaki ang matang pinuntahan siya sa pwesto niya.
"Maiara, hija, ikaw na ba iyan? Aba'y kay gandang dilag naman ito! Naaalala ko pa noon na bago kayo umuwi ay didiretso kayo dito saka kayo bibili ng lugaw na luto ko." inilibot nito ang paningin habang si Maiara ay hindi makagalaw dahil sa pagkabigla. May isa na namang taong nakakilala sa kanya!
Naupo ito sa bakanteng upuan na nasa harapan niya. "Nasaan ang iyong nobyo na palagi mong kasa-kasama noon sa tuwing kakain kayo ng luto kong lugaw? Alam mo ba ng dahil sa palagi kayong kumakain dito at tinutulungan niyo kaming magbenta ay naipundar ko na itong magandang lugawan? Noon kasi ay maliit lang ang lugawan ko pero ngayon ay lumaki na."
Napaiwas siya ng tingin dito dahil hindi niya alam ang isasagot sa matanda. "Ah eh.."
"Nasaan na siya? Teka, kayo pa rin ba, hija? Tsaka mukha namang imposibleng hindi kayo ang magkatuluyan sa huli dahil naikwento niyo na magkasama na kayo mula bata pa kayo hanggang sa umabot na kayo ng kolehiyo at nakapagtapos na siya at ikaw naman ay malapit na ring makapagtapos." nakangiti nitong pagkukwento.
"Ahmm lola, pasensya na ho pero hindi ko ho kayo maalala. Nagkaroon ho kasi ng aksidente kaya wala akong maalala." bigla namang nakita ni Maiara ang bahid ng kalungkutan sa mata ng matanda.
"Hindi mo ako naaalala, hija? Ako si Aling Rosa na may masarap na lugaw na paborito niyong kainan ng iyong nobyo simula pa noon." ramdam ni Maiara sa boses nito na gustong ipaalala ng matanda ang nangyari noon.
"Huwag ho kayong mag-alala at makakaalala rin ho ako. Tsaka wala ho kasi ngayon si Matteo dahil may lakad ngayon. Sige po at sa susunod ho ay aayain ko siyang kumain muli dito." nginitian nya na lamang ito para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ng matanda. Iniisip niya na baka si Matteo ang tinutukoy nito kaya iyon na lamang ang pangalang binanggit niya.
"Matteo? Sino 'yon, hija? Hindi ba't ang pangalan ng iyong nobyo noon ay Gre--"
"Aling Rosa! Nakahanda na ho ang mga ingredients, tara na at magluto na ho kayo dito dahil malapit na hong maubos ang lugaw na nakahanda doon." sigaw ng isang babae na nagtatrabaho dito sa lugawan.
"Mauna na ako, hija, sa susunod na lang tayo ulit mag usap." ayaw man nya itong umalis agad pero hindi na niya ito napigilan pa. Gusto na kasi ni Maiara malaman kung sinong nobyo ang kilala ni Aling Rosa.
Bakit hindi nito kilala si Matteo? Ang sabi sa akin noon ni Matteo ay siya lagi ang kasama ko mula elementary hanggang high school at hanggang sa maging kami rin.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Una ay iyong lalaking nakabunggo ko sa labas ng simbahan tapos ngayon naman dito sa lugawan. Bakit parang hindi si Matteo ang kilala nilang boyfriend ko? Sino ba kasi talaga ang boyfriend ko?
Oh baka naman ex-boyfriend ko ang nakilala ni Aling Rosa?
Kaagad na napailing si Maiara sa naisip. No, I'm just overthinking about what they've said. I trust Matteo so that means I trust everything he'll say.
Greyson
"What the heck? Are you still a kid? Bakit ba magpapahatid ka pa sa amin ni Sky sa airport?" naiiritang tanong ni Grey sa kapatid nang maipark na ang sasakyan.
It's already five pm and it's father and son's bonding time now, but his brother told them that he needs them to take him to the airport.
"Huwag ka nang umangal. Gusto rin naman ng pamangkin ko eh." Lumingon si Jackson sa back seat. "Right, Sky? You want to take uncle pogi to the airport because you'll miss me?"
Agad nitong ibinaba ang hawak na laruan. "Yes, uncle pogi. I'll miss you, but you said earlier (ewliyer) that I need to see the butiful (beautiful) girl you like and then I wiw (will) say that you two aw (are) bagay and the girl is bagay to be my auntie ganda." mabilis nitong sabi ngunit may pagkakataon pa rin na nabubulol ito ngunit naiiintindihan pa rin naman nila ang sinasabi nito.
Grey is very proud of his son because at the age of three, Sky can speak clearly sometimes. Sabi ng parents niya ay nagmana daw ang anak niya sa kanya. Matalino na siya bata pa lang dahil nagmana naman siya sa ama niya. It's on Pajavera's blood ang genes, I think.
Kaagad naman sumama ang paningin ni Grey sa kapatid dahil sa narinig mula sa anak. "You fvcker! Kung ano ano ang itinuturo mo sa anak ko! He's just three years old pero puro kalokohan lang ang naiaambag mo sa isip niya!"
"Chill bro! Bawal magmura at baka gayahin ka ni Sky, sige ka. Bumaba na lang tayo at baka maiwan ako ng eroplano."
Isang mura pa ang pinakawalan ni Grey sa kapatid pero pabulong lang. Ayaw nga sanang marinig ng anak niya na nagmumura siya pero minsan ay hindi maiwasan lalo na kung si Jackson ang kasama nila na puro kalokohan lang ang alam. Iniisip niya nga minsan na kung sino ba talaga ang panganay sa kanilang magkapatid. Kung ibabase sa ugali, mukhang si Jackson ang bunso.
Kinuha na ni Jackson ang isang malaking bag sa likod ng sasakyan habang si Grey ay kinuha ang anak sa back seat.
"Daddy, what does fvcker means?" inosenteng tanong nito na siyang narinig ng kapatid niya kaya tuwang-tuwa si Jackson.
"Ahmmm.. son, It's a bad word and I'm sorry that you heard that. So don't say it, ok? It's bad."
"Ok, daddy." masunuring sagot nito.
"Sige kapatid magmura ka pa. Porket wala na ang nananaway sa pagmumura mo at sa pumutol ng sungay mo ay nagmumura ka na. Naaalala mo ba dati? Isang mura mo, wala kang chansing kay Ma---" malakas na isinara ni Grey ang compartment kaya naman ang daliri ni Jackson na siyang malapit doon ay naipit.
"Gag*! Tangna, kapatid! P*ta ang sakit." hinagis naman ni Grey ang susi kay Jackson kaya nabuksan nito muli ang compartment at natanggal niya ang daliring naipit
"Sh*t kapatid! Mag move on ka na kasi! Wala ka ng pakielam sa babaeng 'yon diba? Affected ka naman lagi eh."
Hindi na lang pinansin ni Grey ang sigaw ng sigaw niyang kapatid. Basta nauna na lang sila ni Sky papasok sa Airport.
"Nauna kayo pumasok sa loob pero sa pagkakaalam ko ay ako yung may flight ah." iaabot na sana ni Jackson ang ticket na hawak nito nang biglang sumigaw si Sky habang karga karga ito ni Grey.
"Uncle pogi! Uncle pogi! It's Auntie ganda!" natutuwa itong sumigaw habang si Jackson ay natulos sa kinatatayuan pero nanlaki ang mata niya nang isigaw ni Sky ang pangalan nito na syang itinuro niya kahapon sa pamangkin nang ipakita dito ang litrato ng babae. "Auntie Arthea! Auntie Arthea!"
"Go, son. Ipahiya mo lang ang uncle pogi mo. Makapal naman ang mukha nyan eh." bulong ni Grey sa anak na siyang narinig naman ni Jackson kaya sinamaan siya nito ng tingin.
Mas lalo lang namutla sa hiya si Jackson nang mapalingon sa gawi nila si Arthea na dapat papasok na sa eroplano kasama ang iba pang flight attendants na katrabaho nito. At nang lumapit si Arthea sa gawi nila ay mas lalong nanlamig at nanginig ang kamay ni Jackson kaya pinagtawanan ni Greyson ito.
"Oh hello there, little boy! What's your name?" malambing ang boses ni Arthea na siyang nagpatulala na naman kay Jackson. Malambing ang boses nito pero pagdating sa kapatid ay laging nakahiyaw base sa kwento nito minsan sa kanya.
"Sky. You're Auntie ganda! Uncle pogi says that you aw (are) so butiful (beautiful)"
"Uncle pogi?"
"Yes. It's him, my uncle pogi." itinuro naman ni Sky si Jackson at doon lamang natauhan si Jackson kaya napasuklay ito ng buhok gamit ang kamay saka binigyan ng ngiti si Arthea.
"Pogi? Really? Baka tangayin 'yan sa eroplano mamaya dahil sa sobrang kayabangan." bumalik naman ang tingin ni Arthea kay Sky. "Yes, baby Sky, you can call me Auntie ganda or whatever you want."
Kaagad namang natuwa si Sky dahil doon at ilang saglit pa ay nagpaalam na rin si Arthea kaya naman nagpaalam na rin kaagad si Jackson sa kanila para sundan si Arthea.
Napailing na lang si Grey sa inakto ng kapatid. Cupid really hits his brother hard. Mukhang nakahanap na ng babaeng magpapatigil sa pagiging playboy nito.
Well, nahinto lang din ito magpunta punta ng bar two years ago at hindi niya alam noong una kung bakit hanggang sa nalaman niya na may isang nakaaway ito noon dahil tinanggihan ng kapatid niya ang business proposal nito. Nalaman kasi ni Jackson na may underground business iyon at baka sumabit pa sila kung magiging kapartner nila.
Kaya hindi raw inakala ni Jackson na nasa bar din yung lalaking iyon noong gabing iyon. Nagpanggap na bartender kaya nakainom si Jackson ng drugs kaya kinaumagahan daw ay wala siyang maalala.
Mabuti na lang pala at nasa kotse ni Jackson ang cellphone nito kung hindi ay baka nakuha na nito ang ibang important files nito na siyang talagang pakay ng lalaking iyon.
After that, umalis na doon sila Grey at Sky pero bago pa man sila tuluyang makalabas ng airport ay nakita ni Grey si Matteo, ang masugid na manliligaw ng asawa niya noon kahit pa naging sila na ay hindi ito dumistansya.
"Oh ikaw pala 'yan Grey." napatingin naman si Matteo sa buhat buhat ni Grey "Anak niyo ng asawa mo? Oh I mean, ex wife?"
"Yes." anito kay Matteo.
Bago pa man magtanong muli si Matteo dito ay tumunog ang telepono nito na siyang nagpangisi dito at saka sinagot ang tawag sa harap nila Grey.
"Hello, Maiara babe? Nasa airport pa ako. Don't worry uuwi ako kaagad dahil alam ko namang namimiss mo na ako... of course ihahatid kita at susunduin sa trabaho mo bukas... ok I'll call you later when I got home... sure, I love you babe." nakangisi si Matteo at halatang ipinagyayabang ang usapan habang si Grey ay matalim lang ang tinging ibinibigay kay Matteo.
"It's so nice to see you again, bro. Sige mauna na ako dahil hinihintay na ako ni Maiara babe ko."
Mas lalong namuo ang galit niya sa asawa. Si Matteo pala talaga ang ipinalit sa kanya. Hindi pa natutuloy ang paghihiwalay nila pero may iba na agad. Damn her!
"Really? Matteo Nicholas? Eh kuko sa paa ko nga lang yung gag*ong 'yon eh." bulong nito saka mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa anak. He felt sad and mad at the same time now for Sky because he has a mother like that.
~cutiesize31<3