Chereads / He's not just my Boss / Chapter 4 - Chapter 2

Chapter 4 - Chapter 2

CHAPTER 2 - Work

Maiara

Tahimik lamang na nakatanaw si Maiara sa bintana. Hindi pa rin kasi mawala-wala sa isipan niya ang nangyari kani-kanina lang.

"Ang tahimik niyo yatang dalawa? Hindi kayo maglalandian sa harap ko ngayon? Himala." si Khate lang ang siyang bumasag ng katahimikan sa loob ng sasakyan pero tumikhim lang si Matteo habang siya naman ay hindi pa rin gumagalaw sa kinauupuan nito.

"May problema ba kayo?" tanong ni Khate. "Teka nga, tungkol na naman ba ito sa pagtatrabaho ni Maiara sa AIA Company?"

Napapikit ng mariin si Maiara dahil sa bunganga ni Khate. Nilingon niya ito pero na kay Matteo nakatuon ang pansin nito kaya bumalik na lang siya sa tinitingnan niya kanina at itinuon ang pansin sa labas.

"Ano? Hindi mo pa rin siya papayagan? Wala namang mangyayaring ikapapahamak ni Maia dun eh. Tsaka nandoon si ate kaya may makakasama si Maia. Ayos ba, Matteo?"

Narinig niya na napabuntong hininga si Matteo at ramdam niya na nilingon siya nito. "Gusto mo ba talagang magtrabaho doon, babe?"

Oo nga't hindi iyan ang problema nila ngayon pero nagpapasalamat pa rin si Maiara kay Khate dahil sa sinabi nito sa nobyo nito.

Kaagad namang lumingon si Maiara kay Matteo na nakatuon ang paningin sa daan. "Oo naman. Tsaka gusto ko rin kasi na magtrabaho na para naman hindi lang ako pang display sa bahay. Gusto ko rin kasi matulungan sila Lola Eva sa mga gastusin araw-araw."

Mabilis siyang binigyan ng tingin ni Matteo saka ibinalik ang pansin sa pagmamaneho. "Fine. Kung 'yan ang gusto mo. Hahayaan na kitang magtrabaho sa AIA Company. Ayaw ko lang kasi na mapagod ka at baka sumakit pa ang ulo mo. Basta ba at hahayaan mo akong hatid-sundo kita kapag pwede ako."

Napangiti naman kaagad si Maiara habang si Khate ay napapalakpak pa. "Talaga? Sige payag akong hatid-sundo mo ako. kahit pa nga araw-araw 'yan eh." biro niya saka napahawak naman siya sa kanyang ulo. "Hindi ko naman pababayaan ang sarili ko kaya hindi sasakit ang ulo ko."

"Sa wakas, makakapagtrabaho ka na, Maia." tiningnan naman ni Khate si Matteo saka pinaningkitan ng mata. "Wala ng bawian, Matteo!"

Masaya man si Maiara sa mga oras na 'yon, may bumabagabag pa rin sa kanya. At iyon ay ang nangyari kanina sa simbahan. Mukha ring kilala nito ang boyfriend niya kaya hindi niya maiwasang magtanong sa isipan niya kung totoo kaya ang sinabi ng lalaki tungkol sa kanya?

"Oh dito na ko." iginilid ni Matteo ang sasakyan at bago bumaba ay nagpaalam na si Khate. "Bye love birds! Text text na lang mamaya, Maia! Bye, thanks ulit."

Pagkatapos ay umabante pa ng kaunti si Matteo hanggang sa tumapat na sa bahay ni Lola Eva. Mga tatlong bahay lang kasi ang pagitan ng bahay nila Khate sa bahay nila Lola Eva.

Hindi muna bumaba si Maiara dahil may gusto pa syang itanong kay Matteo saka nararamdaman din niya na may sasabihin pa ito.

"Ahmm.. Matteo, yung lalaki kanina--"

"Huwag mo nang alalahanin ang lalaki kanina. He's just lying." Matteo stopped her talking.

Napaiwas naman ng tingin si Maiara. "Pero bakit siya mukhang galit sakin? May nagawa ba akong mali sa kanya noon? Ang sabi mo ay matagal mo na akong kilala diba? Kaya sagutin mo ako, ano ang mali kong nagawa sa kanya para sabihan akong ganon?"

"Babe.." kinalas ni Matteo ang seatbelt niya saka nilapitan si Maiara at hinawakan ang magkabilang pisngi nito.

"Don't mind him, ok? Makakasama lang sayo. Besides, he's been mad at me since high school so I think that's the reason why he said those things to you. Gusto niya tayong sirain kaya please trust me and promise me that you'll never leave me, ok?"

Hindi maintindihan ni Maiara pero sa oras na 'to ay nag-aalangan siya sa bawat salita na lalabas sa bibig nya. Pero nang tingnan niya ang boyfriend niya, ang mga mata nito ay nagpapakita na gusto nitong hingin ang tiwala niya.

She realized na sa tingin niya ay ito na lang ang maisusukli niya kay Matteo dahil noong panahong walang wala siya at hindi alam ang tungkol sa sarili, Matteo arrived and telling her that he knows her. Tinulungan siya ni Matteo na makabangon muli at unti-unti ay nagagawa na niya ito sa tulong nito.

Now, Maiara slowly nodded at him. "I trust you, Matteo, so don't you ever give me a reason to break it."

Iyon na lamang ang naisagot ni Maiara. She has no idea why she can't promise to not leave him but she knows that she's now giving her full trust to him so she's really hoping that Matteo will not break it.

Pagdating ng tanghalian, nagmadali siyang mag ayos dahil ngayong araw niya aayusin ang magiging pwesto niya sa AIA Company. Hindi naman kasi pupwede na ayusin niya ang gamit kung kailan pa lang dumating ang boss niya at first day pa niya sa trabaho.

Madali siyang nagpaalam kay Lola Eva na nasa sala at nakahiga na para matulog pagkatapos mananghalian nang marinig niya ang sigaw ni Khate sa labas.

"Tutulungan pa ba kita mag ayos ng gamit mo?" agad naman umiling si Maiara sa tanong ng kaibigan.

"Alam kong busy ka sa business mo tsaka kaya ko na 'to no." may negosyo kasing sarili si Khate. Isa syang branch manager at nagnenetworking kaya asahan na magaling mag sales talk 'yan.

"Ok sige. Mauna na ako ha! Dadaan muna ako sa bayan para kunin yung products na order ko. Text mo ako ha!" magkaiba ang tricycle na pinara nila dahil magkaiba ang daan papuntang bayan at sa AIA Company.

Nang makarating naman si Maiara sa AIA Company ay agad niyang napansin ang mga co-worker niya na nag-aayos na rin ng sari-sariling nilang mga gamit sa cubiclekung saan naka assign ang mga ito.

Tinahak niya ang daan papunta sa elevator dahil nasa huling palapag ang office ng CEO kaya naman pati ang magiging office nila ng makakasama nyang sekretarya ng boss nila ay doon rin nakapwesto.

Dalawa ang kinuhang secretary ng AIA Company dahil iyon na rin ang utos ng CEO. Ang secretary kasi nito ay ang mag-aayos ng schedule at mga papeles mula sa iba't-ibang department habang ang personal assistant ang siya namang susunod sa ipag-uutos ng boss kung sakali mang maraming ginagawa si secretary-- na for sure ay marami talaga.

Nang makarating siya sa 30th floor ng AIA Company ay madali syang sinalubong ni Sofie, ang secretary ng big boss at magdadalawang taon na ito dito na nagtatrabaho.

Mas matanda si Sofie ng limang taon sa kanya. Matangkad, maputing babae, at may singkit na mata ito. Mukha ngang strikto ito dahil sa kilay nito pero mabait naman siguro si Sofie.

"Mabuti naman at nakarating ka na." agad siya nitong iginiya sa pwesto niya na halos kalapit lang sa pwesto nito.

"Here's your place and arrange your things quickly para mailibot kita sa buong company at maituro ko sayo ang mga dapat mong gawin."

After that, iniwan na siya ni Sofie sa pwesto niya at saka naman siyang nagsimulang ayusin ang gamit na naka organizer box pa na dala-dala niya.

Greyson

"Jackson, just make sure that everything is ready for tomorrow. I hate it when they're not yet ready."

Greyson is talking to his brother again at their house about his own company na siyang si Jackson ang humawak ngunit sa Bulacan area lang.

Jackson sipped at his hot coffee first before answering his brother. "Of course. Also, I ordered Sofie to hire a personal assistant for you as you requested. At ngayon ay nagsend siya ng message sa akin na nakapag hire na siya kaagad dahil may empleyado raw doon na nagsabi na may kakilala itong fit para sa pagiging personal assistant mo."

"That's good." Greyson just nodded at him.

"Hay nako.. Ikaw ba talaga ang Kuya sa ating dalawa at kung makautos ka ay parang empleyado mo lang ako ah!"

"That's good, KUYA. Thank you, KUYA." Greyson says sarcastically and before Jackson talks again, a little boy is running towards their place.

"Daddy! Daddy!" Sky hurriedly ran towards them while holding his robot toy.

"Hey kiddo, don't run at baka madapa ka." paalala ni Greyson sa anak.

At nang makarating naman si Sky sa pwesto ng ama, agad itong nagpabuhat saka bumati sa Uncle Jackson niya.

"Daddy, Aw (are) you leaving gen (again)?" Sky asked and when Greyson looked at his son's eyes, he knew that Sky was just holding back his tears.

"Don't worry, your grandparents will take care of you while I'm away."

"Hoy kapatid, ipapaalala ko lang ha. Pupuntang Australia sila mom and dad para sa vacation nila. Alam mo naman yung dalawang 'yun, puro travel na lang ang ginawa pagkatapos magretiro ni Dad sa pagtatrabaho."

Their dad is one of the rich businessmen in Asia and when he reached at the right age for retiring, ipinamana na sa kanilang dalawa ni Jackson ang mana na siyang makakatulong panigurado para sa business nilang itatayo pareho.

Well, Jackson is not yet starting his business dahil may inaatupag pa ito and Grey guesses that his brother is always traveling because his type is a flight attendant. While Greyson started to plan immediately about the business he wants for his future and his family.

Nauna lang siyang mag-asawa dahil ang kuya niya ay nagsimula pa sa pagka playboy at ngayon ay siya naman ang naghahabol sa isang babae na hanggang ngayon ay wala pa ring pakielam sa kanya. Samantalang siya ay noon pa man ay alam na niya kung sino ang babaeng pakakasalan niya, but suddenly it turns out hell.

"Fine. I have my own house in the AIA subdivision and we'll stay there. Is that fine with you, son?"

Ang kanina namang malungkot at paluhang mata nito Sky ay napalitan ng tuwa at excitement.

"Yes, daddy! I wav (love) you!" Sky gives his dad a kiss on the cheek and then he runs away after and his reason is he'll arrange his things para hindi raw siya iwan ni Grey.

Grey just smiled at what he saw at Sky's reaction. Well, he feels guilty sometimes when he needs to go out of the country when he has a business meeting with the other investors of AIA Company.

Alam niya na mahirap para kay Sky na walang ina na umaalalay dito habang lumalaki siya. He's just three years old at alam niya na kailangan pa rin nito ng alaga mismo ng ina. If it's needed to act like a mother and a father at the same time, he will do it immediately.

"You two are going to stay at Bulacan for good, huh?" Grey looked at his brother because he sounded like he's teasing him and doesn't have any idea why.

"What's wrong with that? I don't want to leave my son alone at this big house again."

"I already told you that Maiara is living there, right? I saw her and what if your path crossed? What will you do?"

Napatiimbagang naman si Grey sa narinig at naalala. How will he handle the situation if that happens? What will Maiara do to his son when she sees him?

"I won't let her see and touch my son in any ways. She'll suffer first for what she did to us."

"Yeah, yeah.. kaya naman kapatid, huwag kang marupok pagdating sa kanya, understood? Naaalala ko pa tuloy dati nang magkatampuhan kayo tapos isang halik lang niya sayo, nawawala na agad ang tampo—"

"Stop it. Ayoko ng maalala 'yun, baka masuka lang ako." then he stood up and left his brother laughing like a crazy man there.

But when he's walking towards their son's room, napabaling ang tingin nya sa master's bedroom kung nasaan ang mga gamit ni Maiara. He doesn't know why it's still there even though she hurted him and left them for another man.

And then suddenly, his brother's reminder for him earlier flashed in his mind. He just shook his head and walked towards his and Sky's room.

No, hindi na siya magpapaka-marupok sa babaeng 'yon. Never. Never. Ever.

~cutiesize31 <3