CHAPTER 1 - Present
Maiara
Nakaupo ngayon sa isang duyan si Maiara habang nakatanaw sa maganda at tahimik na paligid. Malapit lang kasi ang pwesto niya mula sa malawak na bukirin na nasa likuran lamang ng bahay na tinitirhan niya ngayon.
Matatanaw din dito ang bundok Arayat na siyang nagpaganda ng tanawin para kay Maiara. Ang bahay kasi ni Lola Eva ay nasa bandang dulo ng bayan ng Baliwag na papagawing Pampanga kaya naman puro bukid na ang halos na matatanaw mo rito.
Dalawang taon ng nakikitira dito kay Lola Eva si Maiara. Hindi rin niya maiwasang makaramdam ng hiya para sa apo ni Lola Eva na si Ate Alice, isang Public Elementary school teacher, dahil mas alaga si Maiara ni Lola Eva dahil sa kalagayan at pinagdaanan nito noong nakalipas na dalawang taon. At isa pa, laking pasasalamat niya rin nang makilala niya si Khate, ang kapitbahay nila. Ito kasi ang naging kaibigan niya simula pa noong bago pa lang ito dito sa lugar na ito.
Napahawak siya bigla sa buhok niya nang hanginin ito. Masarap talaga ang simoy ng hangin kapag sa ganitong lugar ka maninirahan, komportable at masarap sa pakiramdam. Hindi tulad sa siyudad, puro usok ang malalanghap.
Napabuntong hininga na lang ito saka humilig pa sa duyan. Bigla kasing sumagi sa isipan niya tungkol sa kung may mga tao ba o pamilya ba siyang naiwan bago nangyari ang aksidente? Pero bakit hindi siya nito hinahanap man lang?
"Maiara, anong ineemote-emote mo dyan? Gumayak ka na kaya ano? Magpupunta pa tayo sa bayan ngayon diba." napalingon naman si Maiara sa nagsalita at nakita nyang nakagayak na pala si Khate. Balak kasi nilang magpunta ngayon sa bayan dahil araw ni San Agustine at magsisimba sila sa St. Augustine Church.
Tahimik na umalis si Maiara sa duyan saka pumasok sa loob ng bahay para gumayak na. Alas-nuebe ng umaga ang simula ng misa kaya nang makita nyang alas otso na ay nagmadali syang gumayak.
Tanging isang simpleng puting blouse at denim jeans ang suot niya na pinarisan ng flat shoes. Bago lumabas ng kwarto ay tiningnan niya muna ang cellphone niya dahil kanina pa siya may hinihintay na text message na wala pa rin hanggang ngayon.
"Oh nakabusangot ka naman ngayon? Tara na nga! Nasa labas na yung tricycle na tinawag ko kanina."
"Oo na, ito na nga po oh."
Nang makasakay sila sa tricycle ay nakamasid lang si Maiara sa daan. Malamig ang simoy ng hangin at hindi gaanong masakit sa balat ang sinag ng araw kaya nakakagaan sa pakiramdam kahit na kanina pa siya hindi mapakali sa nararamdaman.
"Hindi pa rin ba nya tanggap? Himala at hindi ka niya inihatid sa simbahan ngayon. Akala ko ba kapag Sunday, araw niyo 'yon?"
Napailing na lang si Maiara sa sinabi nito. "Wala, ayaw niya eh. Bakit ba kasi hindi niya maintindihan na kailangan ko magtrabaho sa AIA company bilang personal assistant ng big boss?"
"Hay nako! Ewan ko ba dyan sa boyfriend mo! Hindi maintindihan ang hirap ng buhay porket may kaya sa buhay." inis na sambit nito at natahimik na lang siya dahil tama nga naman si Khate. Bakit ba kasi siya pinipilit na bawiin ang pag-aapply niya sa AIA Company? Maganda ngang oportunidad iyon para naman makatulong siya kina Lola Eva at Ate Alice sa pang araw-araw na gastusin sa bahay.
"Basta pumasok ka bukas, Maia ha! Naku, kapag 'yang jowa mo ang sinunod mo, makukurot talaga kita ng pinong-pino!" napangiwi naman si Maiara doon kaya naman tumango siya ng sunod-sunod. "Mabuti na nga lang at naipasok ka agad doon ni Ate dahil sa biglaang pasya ni big boss na doon na ang pinaka office niya, pero sabagay, 'yang company naman dito sa Bulacan ang main company ng AIA eh."
Nang mapadpad sia rito sa Bulacan at nagkamalay, naabutan niya pa ang pagsisimula ng pag-angat ng AIA. Ito ay isang company na may kinalaman sa mga bahay, buildings, hotels, at marami pang iba.
Kilala rin ang AIA company sa mga high end condominiums around the Asia, high end and tight security subdivisions at marami pang iba. Siguro ay may koneksyon ang AIA Company sa Pajavera Corp. dahil minsan ng naikwento sa kaniya ni Khate na halos isang pamilya lang ang may-ari ng dalawang makapangyarihang kumpanya sa buong Asya.
Nang makarating sila sa bayan ay agad silang nagbayad sa tricycle driver bago bumaba. Maraming tao ang nakasabay nilang magsimba. Hindi rin maiiwasan na mapatingin sa paligid si Maiara dahil sa dami ng mga vendors na nagkalat. Mula sa mga nagbebenta ng diyaryo, lobo, sampaguita, mga laruan, sisiw, taho, dirty ice cream, at marami pang iba.
Hindi rin maiiwasan ang nagkalat na mga batang pulubi at may makikita ring mga matatanda na nakaupo sa gilid na madadaanan mo sa pagpasok mo sa loob ng simbahan. Hindi na nakatiis si Maiara sa nakitang bata na may bitbit na lalaking kapatid na sa tingin niya ay dalawang taon pa lang habang ito ay hula nyang pitong taong gulang na.
"Ate, palimos po, kahit magkano lang po. Gutom na po kami ng kapatid ko." nakaramdam ng pagkaawa si Maiara at hindi niya maintindihan kung bakit biglang sumagi sa isipan niya na paano kaya kung may anak siya tapos naging ganoon ang kalagayan?
Napailing na lamang siya sa naisip. Kung siya man ay magkaanak kung sakali, hindi niya iyon gugustuhing pabayaan.
"Sumama kayo sa akin at ibibili ko kayo ng taho doon o kahit anong pagkain, gusto niyo ba 'yon? Tapos bibigyan ko pa kayo ng pera para panggastos niyo kung magutom pa kayo, maliwanag ba?" napangiti naman ang dalawang bata dahil sa sinabi niya.
Siniko naman siya ni Khate. "Maia, ano? Baka mamaya manloloko lang 'yan! Hindi mo ba naaalala yung nangyari sa kapitbahay natin? Na-scam ng mga ganyan!"
Wala ng mas lalong nagawa si Maiara nang hablutin ni Khate ang forty pesos na hawak niya saka sinabihan ang taho vendor na bigyan ang dalawang bata ng tig sampung pisong taho at pagkatapos ay iniabot naman nito ang natira pang bente pesos sa magkapatid.
"Bilisan natin, baka wala na tayong maupuan, kahit sa labas dyan sa may bandang gilid manlang."
Mabuti na lamang ay habang naghahanap sila ng mauupuan ay may tumawag kay Khate at sakto naman na may espasyo pa para sa kanilang dalawa kaya mabilis silang nakahanap ng pwesto nang magsimula na ang misa.
Tulad ng nakagawian, nagpasalamat siya sa Diyos dahil sa pagbibigay ng pagkakataon nitong mabuhay siyang muli at pagalingin siya mula sa isang aksidente. Nagpapasalamat din siya dahil nakilala at naging pamilya niya ang mga mabubuting tao na nag-alaga sa kanya noong panahong mahina pa siya at lumalaban para maging maayos ang kalagayan.
Pagkatapos ng misa ay agad na silang nagpaalam sa mga katabi. Ngunit bago umuwi ay nakagawian na nilang pareho ang magtulos ng kandila. May isang kwarto sa simbahan kung nasaan ang mga poon at sa bandang gitna naman nakapwesto ang mga kandila na pwede mong sindihan at pagkatapos ay magdadasal ka.
Nagtulos muna sila ng kandila bago lumibot sa buong kwarto. Isa-isa nilang hinaplos ang poon saka nagdasal.
As usual, ipinagdasal pa rin ni Maiara na makaalala na siya tungkol sa pangyayaring naranasan niya bago ang trahedya at syempre, ipinagdasal din niya ang kaligtasan ng bawat taong mahalaga sa kanya lalo na sina Lola Eva.
"Maia, dyan ka lang ha, cr lang ako doon." tumango naman kaagad si Maiara saka gumilid para magbigay daan sa ibang tao.
"Oh bakit bumalik ka?" nagtatakang tanong niya kay Khate nang lapitan siya nito ulit.
"Pahinging five pesos. May bayad nga pala pag-iihi dyan." natawa siya doon saka inabutan ito ng limang piso.
Habang hinihintay ni Maiara si Khate ay kinuha niya muna ang cellphone niya, nagbabakasakaling nagtext na ulit si Matteo, ang boyfriend nya. Pero laglag ang balikat nya nang makitang wala pang text sa kanya ito. Gano'n ba talaga ito kagalit para iwasan sya nito? Ano ba kasi ang problema ni Matteo sa AIA Company?
Napabuntong hininga na lang si Maiara. May panahon talagang may hindi sila pagkakaintindihang magkasintahan. Pero kapag naman tungkol sa pagtatarabaho niya sa AIA ay sumasama agad ang timpla nito. Ano bang problema no'n? Ang pagtatrabaho niya o ang mismong AIA company?
Ibinalik na lang niya ang tingin sa harapan saka pinagmamasdan ang mga tao na dumarating saka umaalis. Ilang minuto pa ang itinagal niya doon hanggang sa nakatanggap siya ng text message kay Khate na sa labas na lang siya hintayin dahil ang haba raw ng pila at baka mainip siya lalo sa loob ng simbahan.
Agad naman niya itong sinunod saka medyo nakayukong lumabas dahil sa dami ng taong nakakasalubong nya. Nang sa wakas ay nakalabas na siya mula sa simbahan ay agad syang lumiko sa bandang kaliwa niya ngunit ganoon rin kabilis ang paghinto niya dahil sa lalaking nakasalubong.
"Ay syete!" napahawak pa sa dibdib si Maiara dahil sa lakas ng kalabog nito dahil sa gulat. Napatampal din siya sa sinabi dahil kakatapos lamang ng misa, ganoon kaagad ang salitang binitawan. It's bad.
"Pasensya na po." nakayukong paumanhin ni Maiara pero nakakailang hakbang pa lang siya ay napahinto siya dahil sa pagpigil nito habang hawak ang kanyang braso.
"Do you really think na maiisahan mo ako? What the hell? Of all these years, nandito ka lang pala nagtatago."
Doon na siya napahinto dahil halata sa boses nito na kilala siya ng lalaki. Humarap si Maiara sa lalaki habang nakahawak pa rin ang braso nito sa kanya.
"Kilala mo ho ako?" paninigurado niyang tanong saka itinuro ang sarili.
"Of course, Maiara! Kilala kita. Kilalang kilala." seryosong tugon nito.
"Talaga ho?" gulat nyang sagot dito pero napalitan ng lungkot. "Pero pasensya na dahil hindi po kita maalala, wala ho akong maalala eh."
Napatawa naman sarcastically ang lalaki. "You really think na maloloko mo pa ako? Tsaka walang maalala? Ano? Aktres ka naman ngayon?"
Tiningnan nya ang lalaking kaharap nya ngayon. Matangkad ito, may kulay dark brown na buhok, itim na itim ang kulay ng mga mata, may makapal na kilay at katamtamang puti ng kutis. Pamilyar ang ganitong itsura sa kanya ngunit kahit pagmasdan pa niya ito, wala pa rin syang maalala.
"Mauuna na ho ako, pasensya na pero hindi ho kita maalala." natatakot siyang kausapin ito at tanungin dahil mukhang mainit ang dugo nito sa kanya.
Akmang lalagpasan niya na ang lalaki ngunit agad siya nitong hinarangan. "Woah.. sa tingin mo hahayaan pa kitang makatakas matapos ng mga ginawa mo sa kapatid ko?"
"W-wala akong alam sa sinasabi mo" nauutal niyang sambit.
"You should be in jail two years ago pero maswerte ka at nakapagtago ka pa sa loob ng dalawang taon but now.." nginisian siya ng lalaki na siyang nagpamutla at kinakaba ng buong kalamnan niya. "Hindi ka na namin hahayan pang makatakas sa kulungan, you crazy woman!"
Bago pa siya nito mahila papalayo doon sa lugar na iyon ay may biglang sumuntok sa lalaki na sa tingin niya ay nanggaling sa gilid nila pareho. Laking gulat na lamang niya nang makitang si Matteo ang nagligtas sa kanya para makalayo mula sa lalaki.
"Matteo! Tama na! Tara na, walang nangyaring masama sa akin, ok?" pagpigil niya sa nobyo na siya namang kaagad sinunod nito.
"Tsk.." napapunas naman ang lalaki sa gilid ng labi nito na may kaunting dugo saka madilim na nakatingin kay Maiara. "Isa ba siya sa mga lalaki mo? Fvck, siya ba ang mas pinili mong makasama kaysa kapatid ko? Tang*na, siya pa talaga..." napapailing ito habang madilim na nakatingin ngayon kay Maiara at Matteo na magkahawak ang kamay.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Maiara dito pero inilingan lang siya ng lalaki na para bang sobrang dissapointed ito sa nalaman.
"Let's go, Maiara. Huwag mong pansinin 'yang gag*ng 'yan. He's just saying nonsense."
Hinila na siya palayo ni Matteo pero nakakailang hakbang pa lang sila nang marinig na naman nila ang boses ng lalaki.
"You're the real gag* here, Matteo Nicholas. Pumapatol ka sa malanding babaeng 'yan? Really? Kahit pamilyado na talaga, jinowa mo? Ganyan ka na ba kadesperado mula pa dati? Ang baba ng taste mo, pre."
At that moment, she froze on what she heard from that guy. Is that true?
Greyson
Greyson is now arranging his things para sa gagawin niyang paglipat sa sariling kumpanya na nakatayo sa bandang Bulacan. He actually built it two and a half years ago for his wife.
But now things have changed because he's still mad at his wife. Kaya nga si Jackson muna ang pinamahala niya sa AIA Company sa Bulacan habang siya ay nandito sa Quezon City.
Dalawa kasi ang company na ipinatayo niya pero syempre ang AIA Company sa Bulacan pa rin ang pinakamalaki since iyon ang naunang itayo. At ngayon naman ay nakapag decide na siya na siya na ang mamamahala doon dahil aalis na si Jackson papuntang New York dahil may inaasikaso pa ito na siyang tungkol sa business ng parents nila.
Sa Quezon City nakatayo ang mansion ng Pajavera. Nakapagpatayo lamang sila ng bahay sa Bulacan nang simulan ng kanyang ina ang pagpapatayo rin ng orphanage noong bata pa sila ni Jackson.
At ang orphanage na iyon ay kung saan nagmula ang kanyang napang-asawa. Doon sila unang nagkakilala hanggang sa naging sila...
"Stop thinking about her, Grey. Please." mariin siyang napapikit saka muling bumalik sa ginagawa.
Greyson stopped arranging the important files from his cabinet when his phone started ringing. And when he saw his brother's name, Jackson, he immediately answered the call.
"Hello?" pinindot niya ang loudspeaker para makausap niya si Jackson habang nag-aayos siya ng mga files na dadalhin nya sa AIA Company sa Bulacan.
"Fvck bro! I saw Maiara here in Baliwag!" he froze and then looked at his phone at the top of his table. Agad niya iyong kinuha saka tinanggal sa pagkakaloud speaker at sumagot.
"You're kidding, right?"
"No, bro. I saw her and talked to her, pero ang sabi niya sa akin ay hindi niya ako kilala." napakuyom nito ang kamao dahil sa sagot ng kapatid.
"What a great actress she is. So all these years, nasa Baliwag lang pala siya." nagtagis ang bagang niya saka binilisan ang kilos sa pag-aayos ng gamit.
"Yeah right. At isa pa, she's with Matteo Nicholas! Ang masugid na manliligaw noon ni Maiara kahit na naging kayo na nung mag college si Maiara." he heard his brother sighed heavily. "So, what's your plan now?"
"I'll see if it's really Maiara and then my lawyer will handle our annulment papers and other legal stuffs." nagdilim naman ang paningin ni Grey sa biglang naalala tungkol sa pangyayari noon. "She'll pay for what she did two years ago."
~cutiesize31 <3