Chereads / He's not just my Boss / Chapter 2 - Prologue

Chapter 2 - Prologue

PROLOGUE

Nakamasid ngayon si Maiara sa isang batang lalaki na napapalibutan ng mga bodyguards at may dalawang maid na nasa magkabilang gilid nito. Hindi niya mapigilang mapaluha nang masilayan niya ang batang lalaki.

Tatlong araw ang nakalipas simula noong huli niya itong makita. At sa tatlong araw na iyon ay hindi niya nakalimutan ito.

Nang makita niyang tumakbo ang batang lalaki, naiwan ang ilang bodyguard sa labas ng toy kingdom habang ang iba'y nakasunod sa loob ng store.

"Sky.." aniya bago siya maingat na naglakad habang nakasunod sa kanila.

Bago pa siya makalapit sa toy kingdom, inilugay niya ang kanyang buhok para matakpan ang kanyang mukha nang sa ganon ay hindi siya mamukhaan ng mga bodyguards na nagmamasid-masid lang.

Nang tingnan niya ang repleksyon ng kanyang sarili ay nakita niya ang malaking pagbabago ng kanyang itsura. Mas lalo siyang pumayat at halata ang itim na nasa ilalim ng kanyang mga mata dahil sa pagpupuyat na hindi niya maiwasan. Ang laki ng pinagbago ng kanyang sarili kung ikukumpara sa itsura niya noon. Talagang makikita na nagpabaya siya ng kanyang sarili.

Agad siyang nagtungo sa kabilang dulo ng hallway kung nasaan ang mga panlalaking laruan. Dito niya aabangan ang batang lalaki dahil panigurado ay magpupunta iyon sa gawing ito.

Hindi nga siya nagkamali dahil tumatakbo at tumatawa niya itong nakitang papalapit. Napansin nyang wala ang nakasunod na maids dito dahil mukhang natakasan nito. Kaya naman napabuntong hininga na lang siya saka dahan-dahang naglakad papalapit sa batang lalaki.

"What should we buy? Optimus Prime or Bumblebee Robot? Hmm..."

"Or both?" sabat ni Maiara kaya napatingin sa kanya si Sky.

"Oh! Okay!" sinunod nito ang sinabi ni Maiara at akmang aalis na nang biglang yakapin ito ni Maiara.

She can't help not to cry because finally after 2 years, she's hugging her son. Kahit noon kasi na nakikita niya ito ay hindi manlang niya ito nayayakap kundi nahahawakan lamang ang kamay.

"Why aw (are) you crying?"

"I just miss my son." she whispered while her tears kept rolling down on her cheeks.

Malapit nang mag-apat na taong gulang ito ngunit hindi manlang siya nakadalo ni isa sa kaarawan nito dahil nang malapit na itong mag-isang taon ay saka pa siya nawala.

Yes, he remembered about that part. Noong nag celebrate sila monthly at sa christening nito ay naaalala na niya ngunit naputol ito noong mag limang buwan na ito.

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa anak nang yakapin siya pabalik ni Sky habang hawak pa rin ang dalawang box ng laruan. Hindi niya alam kung nakilala ba siya nito o naawa lang sa kanya nang makita ang sunod-sunod na pagtulo ng kaniyang mga luha.

Sa sobrang pagkamiss niya sa anak, mabilis siyang tumayo at hinawakan ang kamay nito. Akma itatakas niya ito para lang makasama ito dahil kung magpaalam naman siya kay Grey, siguradong hindi ito papayag.

Gusto lang naman niyang makasama ang anak, bakit parang bawal?

"Sir Sky!"

Agad siyang natulos sa kinatatayuan nang makarinig sila ng sigaw hindi kalayuan. Paparating na ang bantay ni Sky at paniguradong isusumbong siya ng mga ito sa boss nila.

Ngunit hindi pa rin siya nagpatinag at nagsimula ulit maglakad. Pinigilan sila ng maid ni Sky pero natigilan at nanlamig na ang katawan niya dahil sa boses na narinig niya mula sa likuran niya.

"What the hell are you doing to my son?! Itatakas mo?!" hinila siya nito sa braso upang mapatayo at mailayo kay Sky

"Daddy! Don't hurt her po. She's sad and crying earlier because she misses her son." napalingon ang galit na si Grey sa anak dahil sa sinabi nito. Kahit na medyo pa bulol ang pagsasalita nito, malinaw niya itong naintindihan.

He laughed sarcastically. "Huh, really? You miss your son? May anak ka pala?"

Napakagat labi siya upang mapigilan ang pag-iyak niya. Unti-unti ring humihigpit ang hawak sa kanya ni Grey sa kanyang braso kaya napapasinghap na lang siya.

"S-stop.. n-nasasaktan ako."

"I'll stop if you leave us like what you did before. Wala ka nang babalikan pang pamilya. Tandaan mo 'yan." mariing sabi nito habang ang mata ay parang nakamamatay ang tingin sa sobrang dilim.

"A-anak ko sya d-diba? K-kung i-i-ikaw ang a-asawa ko, anak k-ko sya. I'm Sky's mother kaya may karapatan din ako sa kanya, I'm his mom after all..." pilit nitong nilakasan ang loob sa pagtatanong na 'yon dahil gusto nya na makasiguro na totoo ang nabubuo sa isipan niya.

"Mom?" Grey asked while he shook his head. "Do you really think that we're still gonna forgive you after what happened 2 and a half years ago and just a few days ago? You hurt my son physically and emotionally ever since he was still a baby! At pinagpalit mo kami dahil sa mga lalaki mo! Tapos ngayon babalik ka na lang na parang walang nangyari? na parang walang alam? We're not stupid like you!" he shouted.

"Mom? She's mommy?" hinarap nilang pareho si Sky nang dahil sa tanong nito.

Unti-unti namang naiyak si Maiara sa tanong nito kaya kumalas siya sa hawak ni Grey at yayakapin sanang muli si Sky pero umatras ito saka niyakap ang dalawang box ng laruan na hawak nito.

"Anak ko.."

"No!" mas lalong nagtubig ang mata ni Maiara sa nasilayan. Tumakbo si Sky papalapit sa nanny nito saka yumakap at panay ang iyak sabay sabing.."No! I hate mommy! Bad mommy! I hate you!"

Napatakip sya ng bibig dahil doon at hindi niya namalayan na pumunta si Grey sa gawi ng anak nila saka kinuha ito at binuhat.

"P-please... let me explain.." pagmamakaawa ni Maiara pero hindi siya pinansin ni Grey dahil patuloy nitong pinapatahan ang anak na nasa bisig niya.

"It's too late, Maiara Aurino. You already hurt us and now you're pretending to know nothing. We're not dumb para bigyan ka pa ng isang chance at patawarin ka ng basta basta na lang." malamig nitong sambit at napailing-iling si Maiara doon ng sunod-sunod.

"I already gave you a chance, pero sinayang mo. You don't deserve it, Maiara." dagdag pa nito.

Bago pa niya maipagtanggol ang sarili niya ay nag-utos na si Grey na ilayo siya sa kanila na agad namang sinunod ng mga bodyguards nito saka ng ilang security guards sa store.

Wala na siyang nagawa nang hilahin siya ng mga ito papalabas at wala na syang lakas para lumaban. Isang tingin pa sa kanyang mag-ama ang ginawa niya hanggang sa tuluyan na itong makalayo at mawala sa paningin niya.

Kailangan ko na talagang maka alala pa kung anong nangyari noon kundi mababaliw na 'ko ng tuluyan…

Sky, anak ko, mahal na mahal ka ni mommy.

Grey, asawa ko, mahal na mahal kita.

~cutiesize31 <3