Nakahanap ako nang maaring matulogan ko ngayon gabi, mabuti at naka-hanap ako ng malapit na lugar sa pag t-trabaho ko at naka kuha pa ako ng discount. Baka ma utak 'to?
Tumalon ako sa malambot na kama, I let out a dreamy sigh when my back touched the soft mattress. Sobrang tagal ko nang naramdaman ang malambot na higaan na ito. Nasa banig ako kasi parating naka-higa, maliit lang ang bahay at parati pa kaming nagsisiksikan ng mga kapatid ko.
But it's okay, ganyan talaga ang buhay. May mga bagay talaga na hindi natin makukuha o makakamit sa ngayon pero sa kasalukuyan ay makukuha rin natin. Tiis-tiis lang kasi may plano rin ang mundo para sa atin.
Ano ba naman 'to! Mattress ang pinag-uusapan dito tapos kung ano-anong papangaral na ang pinagsasabi ko sa utak ko. Pinikit ko ang dalawang mata ko and as I fell into the dark void, napitlag ako at biglang nagising. Hinawakan ko ang dibdib ko at hinabol ang hininga ako.
Jusko! Nanaginip ako na nalaglag ako sa isang building. Ano ba naman 'to! Pagod ako eh!
Napa-bangon ako at inilibot ang tingin ko sa madilim na apartment, ang laman lamang nito ay isang maliit na mesa, dalawang upuan at may isang cabinet at may banyo. I sighed, umalis ako sa kama ko at tiningnan ang oras sa cellphone kung pinagdaanan na nang panahon. Hindi ito touch screen gaya ng iba at may maliit pa na basag sa screen.
Kinuha ko ang mineral bottle na binili ko kanina at ininom iyon, hating gabi pa lang. kailangan ko nang matulog ulit dahil maaga pa ako bukas, sabi ng boss ko na 6 sharp in the morning kung male-late man raw ako ay papatalsikin niya ako. Syempre hindi ako papayag na gano'n kakatanggap pa nga lang sa akin tapos wala pa akong sweldo tapos papatalsikin na ako agad!?
Pinikit ko ang dalawang mata ko ngunit binuksan ko agad iyon nang biglang lumitaw ang mukha ng boss ko! Hala! Bakit? Off limits na siya Portia! Boss mo iyan! Hindi ka pinalaki ng nanay mo na huthutera o malandi kaya maghunos dili ka!
Nanatili lang akong nakatingin sa kisame kong may elise na umiikot at hanggang sa nakatulog na ako, napabalikwas ako nang may biglang kumalampag sa ibabaw ng kisame ko. May kwarto rin kasi sa ibabaw ng room ko. Ay teka shit! Anong oras na? No! Anong oras na!?
Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong alas kwatro palang ng umaga. Bakit naman kasi 6:00 am dapat? Ang aga-aga pa ng 6:00 am anong gagawin namin doon? Mag tagu-taguan? Mag ba bahay-bahayan?
Lakas rin ng amats nitong boss ko pero sige dahil gwapo siya I'll let him pass.
Hala! Ano ba 'tong iniisip ko! Ke aga-aga ang harot. Kinuha ko ang tinapay na binili ko kahapon, wala pa akong pera kaya konting tiis lang muna at ito lang muna ang kinakain ko. Matapos kong kumain ay dumeritso ako agad sa banyo at naligo.
Sinuot ang dinekwat ni mama na pencil skirt at puting white long sleeve na button shirt. Tinali ko ang mahaba kong buhok at nang matapos kung itali iyon ay tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Nag smile-smile pa ako at nag peace sign na parang baliw sa salamin bago kumaripas ng takbo para maghanap ng sasakyan na tricycle sa ganitong oras.
5:18 palang nang umaga pero nagmamadali ako, sumakay ako sa isang tricycle at dahil sa minamadali ko si kuya driver binilisan niya ng todo-todo halos naiwan na ang kaluluwa ko sa kalsada dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya. Tumigil kami ng nakarating na kami sa kompanyang kung saan ako mag-trabaho, binigay ko ang bayad ko sa kanya at patakbo ng pumasok sa loob ng kompanya. Binigay ko ang pass ko kay kuya guard at pinapasok na niya ako.
"Aga mo ma'am?" nakangiting sabi ni Kuya.
"First day ko kuya eh," nahihiya ko na sabi.
"Ang bata nyo pa ma'am para mag-trabaho."
"Oo nga po, pero kailangan eh para naman umunlad tayo." Natatawa kong sabi at nakisabay nalang rin ng tawa si kuya sa akin.
"Wala pa po ba si Sir?" tanong ko.
"Hindi pa po siya dumating eh," sagot niya sa tanong ko. "Pero wag kayong mag alala ma'am, may g-guide sa inyo mamaya kung saan kayo p-pwesto."
"Talaga po ba? Naku, mabuti naman."
Nag-paalam sa akin si kuya na may kukunin lang 'raw siya at kung pwede ay manatili muna ako sa labasan ng opisina. Pumayag naman ako kasi wala pa iyong tinutukoy na guide ni Kuya sa akin, wala pa rin naman ang boss ko at hindi ko pa alam ang gagawin ko.
Napitlag ako nang may biglang sasakyan na pumarada sa harap ng kompanya, mag a-alas sais na ng umaga. Bumukas ang pintuan ng mamahalin na sasakyan at iniluwa non ay ang boss ko. nataranta naman ako pero hindi ko magalaw ang sarili kong mga paa papunta sa kaniya.
I was mesmerized by him, every move that he made nakakapanindig balahibo. Basa ang kaniyang buhok and it was push back. His eyes look tired pero it's like threatening you. Hindi pa niya ako nakikita at nanatili lang akong naninigas sa pwesto ko dahil sa kaniya.
May kinuha sa sakaniyang sasakyan at iyon ay ang coat niya at isinuot niya iyon parang nag e slowmo ang paligid ko habang sinusuot niya iyon. I watched him move, there was something of the warrior in him combined with a ruthless aura that made my heart flutter. His movement is competent and flowing. I bit my lip because of that.
And then he suddenly turned and caught my eye, In that moment I felt my body flush warm. Mukhang nagulat siya nang matamaan niya ako pero nawala agad ang ekspresyon na iyon sa kanyang mukha. I couldn't look away and then he started walking towards me na siyang ikina-bilis ng tibok ng puso ko.
"Oh? I didn't expect you to be early." He said with a playful grin nang makalapit na siya sa akin.
"G-good morning sir!" Nauutal ko na sabi.
"There is nothing good in the morning," masungit niyang sabi. "Where is the guard? And why are you here?" Tanong niya.
"May kinuha po siya, hindi ko pa po alam ang gagawin ko kaya nag presenta nalang ako na ako nalang muna dito." Nakayuko at kinakabahan kong sabi.
"Sir! Good morning!" Sulpot ni manong at hindi siya pinansin.
"You're my secretary, not a guard." He said at sabay naglakad papalayo sa amin ni manong na naging dahilan nagkatinginan namin ni Manong.
"Follow me," seryoso niyang sabi habang hindi ako nililingon at nag patuloy pa rin sa paglalakad.
"Ganyan talaga si Sir Peter, suplado at hindi namamansin. Kailangan mo nang masanay dahil simula na ng trabaho mo sa kanya."
Peter pala ang pangalan, hindi bagay ang pangalan niya sa kanya. Sa tingin ko ay ang pangalan Peter suits a soft boy hindi sa nakakatakot.
"Opo," sagot ko habang tinitingnan ko siya.
"I said follow me!" Dumadagundong ang kanyang mautoridad na boses sa na siyang ikinapitlag ko.
"Yes sir!" Nagmamadali ko na sabi. "Manong, alis na po ako." pagpapaalam ko kay manong at kumaripas na ako nang takbo papunta sa kaniya.
Sus, ang suplado pag 'to nakita ang katapat niya tingnan natin kung maging suplado pa 'to.