Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Wrath Of Jupiter (Tagalog/Filipino)

Luzparadise_
--
chs / week
--
NOT RATINGS
116.8k
Views
Synopsis
Portia Jade Montenegro cares about only one thing, ang iahon ang kaniyang sarili sa kahirapan. She only wanted to earn money but who would've thought that she would earn the love and lust of his unpredictable and ruthless boss too?
VIEW MORE

Chapter 1 - Uno

"Why should we hire you?" The guy in front of me said with a bored tone. He looks so bored habang ako naman ay halos mawalan na ng malay dahil sa sobrang kinakabahan na ako.

Nangangatog na ang aking mga binti, nanlalamig ang aking mga kamay at pinagpapawisan ako kahit na naka aircon ang opisina na pinasukan ko.

Hindi maaaring hindi ako matanggap dito, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag hindi ako tinanggap. Halos libutin ko na ang buong luzon para mag-hanap lang ng trabaho pero hindi ako pinapalad.

Lumuwas ako papuntang maynila para maghanap ng trabaho, nagbabakasakali na makakahanap ako doon ng trabaho na mataas na nga ang sweldo at madali lang ang mga gagawin ko pero impossible naman na merong gano'n at kung meron man ay hindi ko alam kung matatanggap ako. Kahit anong trabaho ay tatanggapin ko basta may mai-uwi lang ako ng pagkain at pera sa pamilya ko.

Kailangan ko lang talaga ng pera ngayon, kailangan ng ina ko ng gamot at ang dalawa kong kapatid ay ako ang nagpapaaral. Highschool lang ang natapos ko at ang pagiging sekretarya o kahit sales lady ay tama lang sa aking pinag-aralan. Hindi ako nakapagtapos dahil inuna ko na tulungan ang mama ko, sa bahay at tulungan siyang mag trabaho.

Pero hindi dahil kailangan ko nang pera ngayon ay mag papabastos nalang sa kung kanino-kanino. Naalala ko na naman ang pagtrato sa akin ng mga pinag a-applyan ko ng trabaho.

Iyong mga pinasukan kong trabaho ay hindi ako tinatanggap kasi ayaw 'raw nila sa buhok ko, sa mukha ko, sa boses ko,sa akin. Anong klase ng palusot iyan? As if gusto ko rin sila, ayaw ko rin sa inyo 'no!

Tapos minsan puro pa bastos ang nag i-interview sayo. Gusto kong kunin ay trabaho, bakit ako binigyan ng pang ba-bastos?

Iniwan na kami ni papa at ang nanay ko ang nagpalaki sa aming tatlo, hindi naman kami tinulungan ni papa ni hindi nga siya nagpapadala ng konting tulong sa amin. Umaasa pa rin si mama na babalik si papa pero ako hindi na, panigurado ng may iba na 'iyong pamilya at nakalimutan na kami.

Hindi ako naniniwala sa sinasabi ni mama na "kung mahal ka, babalikan ka." I think it's bullshit kasi kung mahal ka, bakit ka iiwan diba?

At ang tanging magagawa ko lang para sa papa ko ay ipagdasal siya kasi kahit gaano kalaki ang galit ko sa kaniya dahil sa pag-iwan sa amin ay papa ko pa rin naman siya at ang ipagdasal na lang siya ang tangi kong magagawa para sa kanya.

Huminga ako ng malalim nang magka-tinginan kami ng nag interview sa akin. He is the boss of the company that I'm applying to. Akala ko ang mga ini-assignan niya ang mag e-interview sa akin pero siya pala.

I saw from a flyer that they are in need of a secretary kaya nag bakasali ako na baka matanggap ako, mukhang bigatin ang kompanyang ito kaya nagdadalawang isip ako kung mag a-apply ba ako o hindi. Kanina pa ako kinakabahan habang hinihintay ko ang pagkakataon na ako ang i-interviewed at mas lalo akong kinabahan nang makita kong may lumalabas na umiiyak, may nagdadabog at kung ano ano pang mga reaction.

Nagtataka nga ako kung ano ang nangyayari sa loob at mas lalong kinakabahan dahil baka ginigisa sila ng CEO.

Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa presensya niya, kahit nang pag-pasok ko palang ay halos manginig ang tuhod ko nang makita ko siya kahit nakatalikod lamang siya. Siguro dahil sa lumalabas sa aura niya, he looks so intense, scary and serious and I couldn't not look at him directly in the eye.

"Honestly, I p--possess all the skills and e-experience that you're l-l-looking for. I'm pretty confident that I am the best candidate for this job role---" Puro ako na uutal dahil sa mga tingin niya sa akin, hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang nag-salita.

"I've already heard it so many times and I'm tired of it. Again, why should I hire you?" Walang gana niyang sabi.

"I really need this job, Sir." Kinagat ko ang labi ko.

"Hm? Why?" Tumaas ang kilay niya.

Napalunok ako, he said it in a seductive manner to me na siyang ikina-lunok ko nang ilang beses at halos sumama na ang dila ko dahil sa paglunok ko.

His eyes are so beautiful, you can sense authority in his face, in his aura. Halos lahat sa kaniya is screaming power and authority. Para siyang Greek God, mukha niya ay para siyang pinagpala ng mundo and God mold him wholeheartedly.

"I am badly in need of money Sir. My family needs me and I'm the breadwinner of our family. My mother is sick and I have two siblings na kailangan paaralan."

"Why are you helping them? You can ditch them instead since you're already here in Manila."

"Because they're my family, Sir," I answered.

"Can you do your job properly?"

"I can and I will Sir." Taas noo kung sabi.

"I hope you're not incompetent, you're hired." Walang gana niyang sabi.

"Po?"

"I said you were hired."

Natakpan ko ang bunganga ko dahil sa gulat, rinig narinig ko ang pag dagundong ng puso ko sa dibdib ko. Halos lumuwa na ang mata ko dahil sa panlalaki ng mata ko.

"Sir! Salamat po! Salamat!" naiiyak ko na sabi sabay kuha ng kamay niya at sabay shake hands sa kaniya.

He looked at me with an expression that I can't even describe at doon na ako nakaramdam ng hiya, "Sorry po, nadala lang." I said at tumawa ng pilit.

"You'll start right now," he said at tatayo na sana siya.

Ha? Ngayon!?

Napatayo ako agad, "S-sir! I'm sorry pero can I start tomorrow? Kailangan ko pang mag-hanap ng matitirahan bago mag gabi."

"Okay, 6 sharp in the morning you need to be here. If you're late, you're fired." He said at iniwan ako sa loob ng opisina niya na naka-tunganga.

Dahan-dahan akong na upo sa kanina kong inuupuan habang ang gulat ay bakas pa rin sa mukha ko. Tiningnan ko ang pintuang nilabasan niya, pumapasok na naman ang isip ko ang mukha niya at ang mga tingin niya ang maging dahilan kung bakit biglang mahuhubad ang panty mo.