Shania's POV
Masyadong napatagal yung pag-uusap namin ni bruha kahapon, kaya hindi namin namalayang gabi na pala. Dito ko na lang siya pinatulog, syempre. Kahit pa may dala siyang kotse, hindi ko pa rin siya hinayaang umuwi kasi nga gabi na.
Nagkaroon pa kami ng dagdag chikahan bago makatulog. Nitong umaga lang siya umuwi kasi papasok pa raw siya sa office ng Dad niya.
Mag-isa na naman ako dito sa unit. Bakit kaya hindi maagang napadpad yung gago dito't makikikain? Hindi na ba siya tinamad magluto? Aish! Bakit ko ba iniisip yun? Pake ko naman kung hindi na siya pumunta dito, mabuti nga yun eh. Edi wag na siya magpunta dito.
Lumipas ang apat na araw na nandito lang ako sa unit ko. Wala naman kasi akong balak gumala at tinamad rin akong gumala. Apat na araw. Apat na araw na walang gagong Stephen ang nambubulabog sa bawat umaga ko.
Walang Stephen na kasabay ko sa pagkain sa umaga. Wala ring Stephen na nangungulit at nagpapatibok sa puso ko kapag ngumingiti siya't malapit siya sa akin. Walang Stephen na ipagluluto ako ng pananghalian at gigisingin kapag kakain na. Walang Stephen na-----Aish!
Bakit ba masyado ko namang iniisip yung gagong yun? Bakit ba para akong sira na naghihintay sa pagkatok niya sa pintuan ng unit ko?
Hindi kaya, namimiss ko lang siya? Oh! Shit! What am I thinking?
Bahala siya sa buhay niya. Edi huwag na siyang magpunta dito, EVER!
Pagkatapos niya akong nakawan ng halik nung isang araw, hindi na siya magpapakita sa akin?
Hindi man lang niya nilinaw sa akin yung bagay na yun. Teka, bakit naman gusto kong may linawin siya? Knowing him, he's an ultimate player before. Kaya siguradong wala lang sa kanya yung halik na yun, maybe pinagkatuwaan lang niya ako nung araw na yun. Tama. Yun nga. Pero....bakit tila parang tinusok ng karayom ang puso ko, sa isiping baka pinagkatuwaan lang niya ako. Potek! Masama na'to.
Kailangang may pagkakaabalahan ako para hindi na lang siya lagi ang iniisip ko.
Kasalukuyan ako ngayong nakasalampak sa may sofa dito sa sala. Tinatamad rin akong manood ng telebisyon, hindi ko bet yung mga palabas kapag linggo.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong sala ng unit ko. Then an idea flicks on my mind. Maglilinis na lang ako ngayong araw. Kahit pa medyo spoiled brat ako, marunong pa rin naman ako sa mga simpleng gawaing bahay.
Una akong naglinis sa kusina. Hinugasan ko muna yung mga pinagkainan ko kanina. Kung nandito lang si Stephen....Arrggh! Stephen na naman!
Kinuskos ko lahat ng pwedeng kuskusing dumi sa lababo, pinunasan ko yung mesa, nilinisan yung mga gamit pangluto. Ino-organize ko yung mga gamit na nasa kabinet.
Pagkatapos ay uminom muna ako ng dalawang basong tubig, bago nagpuntang sala dala-dala ang mop at isang balde na may tubig. Wala namang masyadong kalat sa sala, kaya magma-mop na lang ako. Kahit pa pawis na pawis na ako, laban pa rin.
Kayod, kayod, kayod.
Isinawsaw ko yung mop sa baldeng may lamang tubig tsaka nagsimula ng magmop. Diyos ko, akala ko madali lang to. Hindi pa nga ako nangangalahati ay tagaktak na ang pawis sa noo ko, basang-basa na rin yung likod ko. Okay to, para na rin akong naliligo. Naliligo ng pawis, hahah!
"Ugaliin mo ngang maglock ng pintuan kapag ikaw lang mag-isa dito."
"Ay, baklang kabayo!" Letseng gago naman 'to, nanggugulat.
"Bakla na nga, kabayo pa." Naiiling niyang turan sa akin, tsaka niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa, bago ako nilampasan at nagpunta sa kung saan.
Ay, ang kapal! Feel at home ang lolo niyo. Bakit ba nandito na naman tong kumag na'to?
Pinagpapatuloy ko na lang yung pagma-mop ko, bahala siya sa buhay niya. Kala niya naman unit niya to.
Puno ng pwersa kong nginudngud yung mop sa sahig, nang may pwersa rin akong naramdamang humila sa palapulsuhan ko at pinaupo ako sa sofa.
Ano bang problema ng taong to? Hindi niya ba nakikitang may ginagawa ako?
"Ano bang pr-----" I wasn't able to finish my words when he cut me off.
"Talikod ka. Pupunasan ko likod mo." Utos niya sa akin. At bakit ko naman siya susundin? Bahala siya.
Nang mapansin niyang wala akong balak sumunod sa sinabi niya, ay siya na lang ang pilit nagpatalikod sa akin.
Nagulat ako ng maramdaman kong pinasok niya yung kamay niya sa likuran ng blouse ko. Aangal na sana ako't sisitahin siya nang maramdaman ko naman yung banayad na pagdampi ng towel sa likod ko. Shit!
"Kanina ka pa pala naglilinis, anong oras na oh. Tapos basang-basa pa yung likod mo. Alam mo bang pwede kang magkasakit sa ginagawa mo?" Seryoso at parang tatay niyang panenermon sa akin, yet I find it cute though.
Hindi ko maiwasang kiligin ng palihim mga bes. Ganito ba mag-alala ang isang Stephen?
Napatingin ako sa wall clock na meron dito sa sala to check kung anong oras na ba. Shocks! Alas dos na pala? Tapos wala pa akong kain?
"Change your clothes.
May pupuntahan tayo." Bahagya naman akong napamaang sa sinabi niya.
At saan naman kami pupunta?
"No more questions, Raine. Just do what I said." Bossy na turan ni Stephen, bago siya tumayo at nagtungo sa kung saan, bitbit yung mga towel na pinunas niya sa akin kanina.
Bakit tila parang ang seryoso ng vibes niya today?
Mabilisan lang akong naligo at nagsuot ng isang denim jeans at turtle neck sleeveless na kulay puti, pinartneran ko ito ng isang kremang flats. Nagsukbit ako ng isang maliit na shoulder bag, tama lang para sa cellphone at wallet ko.
Bumaba na ako sa sala, naabutan ko naman si Stephen na naka-dekwatrong upo sa sofa habang nagkakalikot sa phone niya. Nang mapansin niya ang presensya ko ay tipid lang niya akong tinapunan ng tingin at nauna ng lumabas sa pintuan. Problema nun?
Hindi ko nalang pinansin yung pangsa-snob niya at sumunod na lang rin sa kanya. Pagkasakay ko sa kotse niya ay agad niya na itong pinaandar. Wala akong ideya sa kung saan kami patungo, pero hindi na lang ako nag-abala pang magtanong.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa pagitan namin sa loob ng sasakyan niya. Panaka-naka ko naman siyang tinatapunan ng tingin.
Naninibago lang ako sa kaseryosohan niya, tila ba parang may bumabagabag sa isipan niya. I want to ask him what's wrong, but I don't have the gut to ask. Kaya itinikom ko na lang bibig ko at ibinaling sa labas ng binata ang paningin ko.
After four days, nagparamdam nga siya. Pero parang ang lalim naman ng iniisip niya, ang seryoso ng aura niya. Para akong nasu-suffocate sa katahimikang bumabalot sa amin.
Ghad! I hate this feeling.
Yung para bang attached na attached ka na sa isang tao. To the point na kahit sa simpleng pangsa-snob lang ay apektadong-apektado ka na.
Ipinikit ko na lang yung mga mata ko at nagkunwaring tulog.
"Raine, wake up. We're here." Naalimpungatan ako dahil sa mahihinang yugyog ng kung sino sa balikat ko.
Tuluyan pala akong nakatulog sa byahe. Teka? Nasaan nga ba kami?
Kinusot-kusot ko muna yung mga mata ko at inayos ng kaunti ang sarili ko, bago ako bumaba ng sasakyan.
Pagkababa ko ay agad na bumungad sa aking paningin ang isang napakalaking bahay. No, scratch that. Isang napakalaking mansion. Kulay puti ang pintura nito na may iba pang kombinasyong kulay. Sa harap nito ay isang fountain na may rebultong babaeng sirenang may hawak na gitara sa gitna. At sa gilid ng fountain mismo nakapark ang sasakyan ni Stephen sa harap ng kulay brown na double doors ng mansion.
What's the meaning of this? Bakit kami nandito? Bakit niya ako dinala dito?
I am about to ask Stephen, when a man in his tux approaches us.
He slightly bowed his head infront of Stephen and me, bago nito ibinaling ang paningin sa kasama ko.
"Iho, kanina pang naghihintay ang iyong ina sa inyo." Saad nito
"Inform her that we're here already, manong Ron. Susunod kami." Tumalikod na ang lalaking sa hinuha ko ay isang butler ng pamilya nina Stephen.
Nagsimula ng humakbang si Stephen, nang hawakan ko ang braso niya bago pa man siya makahakbang.
Nagtataka naman itong napatingin sa akin at kamay kong hawak ang braso niya, kaya agad ko itong binawi.
"Stephen, ano to? Why am I here?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
He heave a deep sigh before facing me. He placed his hands on my shoulders making me to stare at his face.
"Just act normal and go with the flow. I'll explain everything to you later on. Just...just do trust me, okay?"
Albeit the confusion that's occupying my mind, ay nagawa ko pa ring tumango sa sinabi niya, dahilan ng pagngiti niya.
Trust him?
Bagaman nag-aalangan ay wala na akong magawa. Nandito na kami e. Gumapang pababa ang isa niyang kamay sa kamay ko at pinagsalikop ito. Wala akong lakas na loob man lang para agawin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Go with the flow nga daw e.
Dama ko ang kakaibang pakiramdam na nagmula sa kamay naming magkahawak na tila dumaloy sa buong sistema ko patungo sa puso ko. At naging dahilan na naman sa mabilis na pagtibok nito.
Sobrang ganda na ng mansyong ito kung iyong titingnan sa labas. Pero hindi ko lubos maisip na may mas igaganda pa pala sa loob nito. Bawat sulok, kahit saang parte mo tingnan ay parehong nagsusumigaw ng karangyaan. Malaki at maganda din naman yung mansyon namin, pero hindi ganito kabongga.
Dire-diretso lang kaming naglakad na magkahawak pa rin ang mga kamay namin ni Stephen.
Liko dito, liko doon.
Hanggang sa pumasok kami sa isang hindi kalakihang pintuan. Unang bumungad sa akin ang isang mesang puno ng pagkain, sa dulo nito nakaupo ang isang maganda at sopistikadang ginang.
"Mom." Tipid na bati ni Stephen dito.
Oh shit! That woman is her mom?
Umangat ang tingin ng nanay ni Stephen sa aming dalawa at bumaba ito sa magkahawak naming kamay. Akmang babawiin ko na sana ang kamay ko sa pagkakahawak ni Stephen, kasi naiilang at nahihiya ako sa nanay niya. Pero marahan niya lang itong pinisil at hinigpitan lalo ang hawak bago niya ako dinala sa mesa at pinaupo sa isang upuan. Binitawan niya ang kamay ko, tsaka nagtungo sa nanay niya at humalik sa pisnge nito, bago siya umupo sa tabi ko.