Chereads / Fool, Frail Heart [ Tagalog ] / Chapter 15 - CHAPTER EIGHT [ Part 2 ]

Chapter 15 - CHAPTER EIGHT [ Part 2 ]

Kinakabahan ako sa hindi ko alam. Ramdam ko rin ang mahinang panginginig ng mga kamay ko sa ilalim ng mesa habang marahan akong nakayuko.

Wala sa sarili akong napatingin kay Stephen nang ipinatong niya ang kanyang kamay sa mga kamay ko't bahagya niya akong nginitian. Sapat lang para kumalma ako.

"Care to introduce me to this young lady, Stephen." Anang ginang sa seryoso nitong boses.

"Raine, meet Sabrina Stonward, my mom. And mom, she's Lorraine Gomez, my...." saglit na bumaling ng tingin si Stephen sa akin.

"my girlfriend." bago siya tumingin ulit sa nanay niya.

But wait? G-girlfriend? Is this what he mean about me trusting him? Pero bakit? Naguguluhan ako. Yet, I don't have the prowess to oppose.

"Gaano na kayo katagal ng anak ko, iha?" Baling na tanong sa akin ng mama ni Stephen.

"A-ano po....." Shocks? Anong namang isasagot ko?

Wala akong ideya, kasi hindi naman talaga kami ng anak niya. Napatingin ako kay Stephen na naglalagay ng pagkain sa plato ko.

"One year and two months, mom." Stephen answered his mom. Thank goodness at nakuha niya yung nais iparating ng tingin ko.

"So, you'd been hiding your relationship with this woman for one year and more, huh? And you didn't bother to tell me about it. Kung hindi ko pa inungkat yung kasunduan natin sa mga Aldrid ay hindi ko malalamang may girlfriend ka na pala." Nanunuyang ani nito kay Stephen bago sumimsim sa wine glass nito. Okay?

"Eat." Bulong ni Stephen sa akin. And so I did, kahit pa naiilang ako sa presensya ng mama niya.

Medyo nasanay akong kumain na may mga kasamang bigating tao, kasi minsan ay dinadala ako nina Mom and Dad kapag may mga bussiness gatherings. But now, I feel a little stuffy and uneasy with her presence. Idagdag mo pa yung naramdaman kong tensyon na meron ang mag-ina.

"What were your parents do for a living, iha?" Hindi pa ako nakaisang subo nang magtanong na naman yung mama ni Stephen. Tama lang para maiangat ko ang paningin sa kanya.

"Mom. Let her eat first, will you?" Madiin na pagkontra naman ni Stephen.

I want to tell him that it's fine, kahit pa kanina pa talaga akong gutom. Pero tingin ko ay hindi ko ata maatim na kumain dito. It's just that, nahihiya ako sa mama niya.

Besides, I can answer that simple question. 

"What? I am just asking, son. There's no big deal. I just want to make sure that she will fit perfectly to our environment. You know, if she's a heiress or something, or just a girl coming from an ordinary family. That's important for me to know. I hope you get my point, Loraine." His mom stated, still her eyes focused on me.

Nakangiti siyang nakatingin sa akin, pero kitang-kita naman ang pagkadisgustong hatid ng kanyang mga mata.

Is that her way of insulting me?

Heck! Hindi sa pagmamayabang, but we have bussinesses all over the world. I clearly got her point. She dislike me for his son. Duh? It's not as if I'm going to marry his son any soon. We're not even in a relationship.

"Mom, I...I love her. Will you please let me choose my own path now? Just...just let us love each other." He's staring at me while saying those words and I can't help myself but to stare back at him.

Wishing that those words were true. Nasisiguro kong walang katuturan ang mga lumalabas sa bibig ni Stephen, pero hindi ko pa rin mapigilan ang puso kong bumibilis na naman ang pagtibok.

"Oh, well. Kung akala mo'y madadala mo ako sa rason na yan, Stephen, nagkakamali ka.  I'm your mother and you are oblige to follow what I want. Whether you like it or not! I still won't change my mind. That's final." Ani ng mama ni Stephen bago ito padabog na tumayo at taas-noong naglakad palabas ng kusina.

Bagaman naguguluhan ako sa nais ipahiwatig ng mama niya, nagawa ko pa ring hawakan yung kamay ni Stephen na mariing nakakuyom sa ilalim ng mesa.

He's breathing heavily, trying to control himself. Nasa gilid ng pisnge rin niya ang kanyang dila, indikasyon marahil na galit siya.

"Hey. It's f-fine." Pagpapakalma ko sa kanya.

He look at me intently. Then, heave a deep sigh, before standing from his chair.

"Sa ibang lugar na lang tayo kakain, Raine." Malamig na turan nito at humakbang na paalis.

Okay....he's mad, maybe?

Sinundan ko siya ng tingin at tumayo na rin ako. Nauna siyang naglakad palabas habang tahimik lang akong nakasunod sa kanya.

Napapayuko pa yung ibang mga tagapagsilbe sa mansyong ito kapag nadadaanan sila ni Stephen. Tipid na ngiti lang ang iginawad ko sa kanila kapag nailipat naman sa akin ang mga tingin nila.

Tahimik lang ulit kami sa loob ng kotse niya habang bumabyahe patungo sa kung saang kainan. Napili naming sa KFC na lang kumain, he insisted na siya na lang daw ang oorder kaya naghanap na lang ako ng mesang pwedeng mauupuan.

Umupo na ako sa pwestong napili ko malapit sa transparent glass at tinanaw si Stephen na kasalukuyan pang nag-oorder.

Agaw-pansin ang katangkaran at kagwapuhan niya, kung kaya't hindi maiiwasang mapatingin sa kanya ang mga kababaihang nakasabayan niya, pati rin yung ibang kumakain na. Well, I can't blame them.

Nakasimpleng white button down polo lang si Stephen na nakabukas ang unang tatlong butones at nakatupi hanggang siko, pinartneran niya ito ng isang black pants and a black shoes, meron din siyang silver wristwatch sa kaliwang kamay niya. Gayunman, ay nahahatak pa rin nito ang atensyon ng karamihan. Kahit pa ang atensyon ko. I won't deny it anymore, he's handsome, wondrously handsome.

Nagulat ako nang magtagpo ang tingin namin. Para akong may ginawang kasalanan na nahuli sa akto. Nginitian niya lang ako at nagpatuloy na sa pag-order.

Phew! Naramdaman kaya niyang tinititigan ko siya kaya siya napalingon? Imposible naman yun, ang dami kayang nakatitig sa kanya.

Tumungo nalang ako't naglalaro ng games sa phone ko, to distract myself. Baka mapatitig na naman ako sa kanya. Tapos mahuli na naman niya ako, sasabihin niyang pinagpapantasyahan ko siya o di kaya'y inlove na ako sa kanya, na alam nating hindi malabong mang.....okay, okay. I'm talking too much now. I can't fall inlove to him, atleast not so early.

We just talked about some simple stuffs while eating. Pinili ko ring huwag munang hingin yung eksplinasyong sinasabi niya tungkol sa nangyari kanina. I just don't want to ruin his mood. Para kasing gumagaan na yung pakiramdam niya. Kasi ngumingiti na siya't bumalik na naman sa pagiging maloko.

Bumabyahe na naman kami ngayon, pero pauwi na. Off and on I'm taking a glance on him.

Thinking about something, something that's still blurry for me. Something that I haven't decided yet.

"Just tell me that you're already inlove with me, Raine. Don't just be contented in staring at me." Assuming.

"Heh! In your dreams, Stephen." Pinaikotan ko siya ng mga mata, feelingero talaga.

"Sige, ideny mo pa, Raine. Someday magku-confess ka rin sa akin, kapag hindi mo na kayang pigilan yan. You will bend on your knees, while saying how much you love me. How much you want me. Mark my words, Raine." Parang sabog na ani niya habang nakangisi.

"Ewan ko sayo. Napakaimposibleng mangyari ng imagination mo, Stephen. Ako? Magku-confess sayo? Nah-ah! Kung may una mang magku-confess, I'll make sure that it's not me." May bahid ng paninigurado sa boses ko.

Kahit pa ako ang unang mahulog, ay hindi ko ibababa ang pride ko at ako ang unang aamin. Nasubukan ko na yan noon pero nasaktan lang ako. Kaya ayoko ng ulitin pa.

Kung meron mang magkakagusto sa akin, dapat lang sila ang unang aamin. Lalaki dapat ang unang gagawa ng first move.

Alam kong sa panahon ngayon hindi na nakakagulat na may ibang mga babae ang unang magpapakita ng motibo, gagawa ng unang hakbang. That's their choice, I won't judge them. But me? That's not my thing, now.

"Maybe it's me, then." He mumbled something, na hindi nakaabot sa pandinig ko.

Hindi ko na lang pinansin kung ano yun at ibinaling na lang sa labas ng binata ang paningin ko. Pinagmasdan ang mga ilaw na nagmula sa mga lampposts at sa mga kabahayan na aming nadadaanan na nagbibigay liwanag at buhay sa kadiliman.

What happened today was unexpected for me.....

I became his girlfriend for an instant.

Or maybe, for a show? I don't know.

I'd met her mom.

And now where heading home without him giving me the explanations he promised.