Chereads / Fool, Frail Heart [ Tagalog ] / Chapter 9 - CHAPTER FIVE [ Part 2 ]

Chapter 9 - CHAPTER FIVE [ Part 2 ]

I'm intently staring at Stephen as he walks through the counter to pay the bills. I just stopped staring at him when I felt a cold liquid flows on my cheeks. Agad ko naman itong pinunasan nung table napkin na hindi ko pa naman nagagamit bago pa man niya mapansin.

So, he knew? Aware pala siyang nasaktan niya ako dati. But why didn't he apologized. Just a single sorry will do. Alam rin niyang nasa States ako. Atsaka si Kuya? Magkaibigan pala sila? Nak ng? Hindi ko alam yun ah.

Kahit kating-kati na ang dila ko para tanungin siya kung magkakilala ba talaga sila ng kuya ko ay hindi ko na lang ginawa. Baka mahalata pa niya ako o di kaya mas lalo niyang iisiping ako talaga yung babaeng pinahiya at nasaktan niya before. Kahit na ako naman talaga yun.

Basta ayoko munang malaman niyang si Lorraine at Shania ay iisa, baka pag nalaman niya ay lalayo siya sa akin. It's not that ayaw ko siyang lumayo sa akin, but, may plano pa ako eh. Kailangan ko munang masagawa ang pinaplano ko, bago ako aamin sa kanya.

Kilala niya ako ngayon bilang isang Lorraine Gomez, hindi kami magkaparehas ng apelyido ng kuya ko. Sa kadahilanang hindi kami magkaparehas ng ama, magkapatid lang kami sa ina. In short, half brother ko lang si kuya Stanley Lucas Anderson.

Pagkatapos naming kumain ay diretso uwi na kami. Oo, KAMI. Since nasa same building and same floor lang yung units namin. Hinatid niya muna ako sa unit ko bago siya didiretso sa unit rin niya. Naipit kami sa sobrang traffic kanina kasi nga rush hour kaya ang resulta, ginabi na kami pauwi.

"Have a good night sleep, Lorraine." Tinanguan ko lang siya bago ko binuksan ang pintuan ng unit ko.

Nung nabuksan ko na ay humarap ulit ako sa kanya para mag-goodnight rin. Pero nagulat ako sa ginawa niya at parang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang maramdaman ko ang malambot niyang mga labi sa noo ko. He kissed me on my forehead.

Para akong tangang nabato sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa niya. It isn't that big deal anyway. Sabi pa nga nila na when a man kisses you in the forehead, it only means that, that man respects you. Pero may kasabihan rin na, a forehead kiss shows affection. Naguguluhan ako sa dalawang kahulugan e.

I just didn't expected him to do that, in the first place. Hindi pa naman kasi kami masyadong close para may ganun na. Well, maybe I can assume us as friends now.

I am back to my own self when he snap in front of my face.

"Ahmmm... You too. G-goodnight." I give him a thrift smile na naging ngiwi na ata.

"Get inside now. Aalis lang ako kapag nakapasok ka na sa loob." Saad naman niya ng makita akong hindi gumalaw sa pwesto ko.

"Ah-eh... O-oo papasok na ako. Hehe." I awkwardly said and smiled at him before I entered inside my unit.

Pagkapasok ko sa loob ay tinanaw ko muna siya sa peephole kung nakaalis na ba siya. Para akong nabunutan ng tinik nang makitang wala na nga siya sa harap ng pintuan ko.

Napasandal ako sa pintuan at pinakiramdaman ang tibok ng puso ko. Aish! Bakit ba apektadong-apektado pa rin ako sa kanya? Halos limang taon ko siyang hindi nakita, at alam ko na sa loob ng mga panahong yun ay nakamove-on na ako sa kanya. Kahit ba crush ko lang siya dati. But now? Damn! I can't understand myself.

I just did my routine every night before going to sleep. Pagkatapos ay pabagsak akong humilata sa kama. Hinawakan ko yung noo ko kung saan banda dumampi yung mga labi niya. Shit! I can still feel it, the softness of his lips and his fascinating manly scent na animoy kumakapit sa mga balahibo sa ilong ko dahil naamoy ko pa rin. Noo ko pa lang ang nahalikan niya naging ganto na ako, pano pa kaya kung sa mga labi ko na.

Aish! Get a grip, Shania! Nahihibang ka na! Nakakainis! Bakit niya ba kasi ginawa yun!

Feeling close naman siya masyado. Hindi porket gwapo siya at crush na crush ko siya dati ay madadali niya ako sa paganun-ganun niya, never!

Once is enough. Twice is consider as foolishness. That's my motto simula ngayon. Kaya matutulog na ako, dapat hindi niya mahahalatang apektado ako sa alindog niya. Naks! Alindog! Ah basta! Sana hindi muna kami magkikita bukas. Please, Lord.

Nagtalukbong ako ng kumot at pahirapang kinunsinte ang sarili kong matulog na. Hindi rin nagtagal ay nakatulog na ako.

Nagising ako ng banda alas otso ng umaga. Bumangon ako't ginawa ang mga morning routines , bago ako lumabas ng kwarto. Papanhik na sana ako sa kusina nang may narinig akong parang nagsasalita sa may living room. Shocks! May magnanakaw bang nakapasok sa unit ko ng ganito kaaga?

Dinampot ko yung nakita kong dustpan sa gilid ng hagdanan at dahan-dahang nagtungo sa sala without making any noise. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob ng sala.

"Good morning, sunshine!" Nabitin sa ere ang hinahawakan kong dustpan na ihahampas ko sana sa magnanakaw dahil sa gulat. Gulat hindi dahil sa lakas ng sigaw na narinig ko, kundi nagulat ako sa taong mismo pinanggalingan ng sigaw. He's here!

"Hey, could you please put that dustpan down? I want to hug you." Sabi niya habang nakanguso at nakaturo sa dustpan na hawak ko. Binitawan ko ang dustpan atsaka ko siya sinugod ng yakap. Damn! I really miss this man.

"I really miss you, kapatid." He uttered the moment he enclose me with his warm hug.

Kusang nagsituluan ang mga luha ko nang marinig ang mga katagang yun sa kanya.

"I miss you more, kuya." Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

Miss na miss ko talaga tong kuya kong babaero. Hindi kasi kami madalas na magkita noong nasa States pa ako kahit ba nandoon rin siya. Siya kasi ang madalas pinapadala ni Dad sa mga business trips, since nagha-handle na rin siya ng iba pang businesses ng parents namin. At syempre busy din siya sa mga babae niya kaya hindi talaga kami masyadong nagkikita.

"Oh, bitaw na. Nasasakal na si kuya e. Tsk." Pinat niya yung ibabaw ng ulo ko na para lang siyang nagpapat ng aso.

"How's my little ugly puppy? I mean little sister." Binabawi ko na, hindi ko na pala siya miss.

Tinaponan ko muna siya ng masamang tingin bago ako naglakad at umupo sa sofa. Sumunod rin siya sa akin atsaka umupo sa pang-isahang sofa na nasa harap ko habang may mapaglarong ngiti sa mga labi niya.

"Kuya, stop giving me that smile and that stare of yours." Pagbabanta ko sa kanya.

"Why? You don't want kuya to discover something... At bakit hindi ka nagsabi sa akin na babalik ka pala ng Pilipinas, ha?" Nakangisi pa rin niyang turan habang tinaas-baba pa ang dalawa niyang kilay.

"You're too busy sa business na iniatas ni Dad sayo at sa mga babae mo. Kaya hindi na ako nakapagsabi." Mahinahon kong pagpapaliwanag sa kanya.

Totoo naman kasi eh. He's too busy, at sigurado ako na kapag sinabi ko sa kanya ay sasamahan niya ako pabalik dito sa Pinas. Kasi nga wala siyang tiwala sa akin na magtravel alone.