Nadisappoint ako't nawala ang malaking ngisi ko, nang makita ang isang taong nakangiti na namang nakatayo sa harapan ko.
Yung taong halos hindi nagpatulog sa akin kagabi, dahil sa pakiss-kiss niyang galawan.
"Hi! Good morning, Lorraine!" Masigla niyang bati sa akin sabay abot ng isang pirasong pink na rose, my favorite.
Ay, hindi pala ako nadisappoint! Ang harot! Inabot ko ito at inamoy. Naks! Fresh from harvest, mga bes. O baka naman, nakaw lang to. Nevermind. Kinilig ako. Amputs. Pero syempre hindi ko pinahalata, bagkus ay tinugon ko lang siya ng isang taas kilay.
"What are you doing here, Stephen?" Aba at napapadalas na ata ang pagpunta niya dito.
"Wala man lang akong good morning dyan? Ang sarap pa naman ng gising ko kaninang umaga." Tss. Ano namang pake ko.
"Good morning din. Hehe. Umalis ka na. Magbi-breakfast pa kasi ako." Mahinahon kong pagtataboy sa kanya.
Umalis ka na, tangono! Baka, makagat kita. Gutom na yung dragon ko sa tiyan mga bes. At baka siya pa yung makain ko.
"Ayun! Tamang-tama lang pala ang timing ko. Tara kain tayo." Nak ng? Kaya pala may parose sa umaga, makikikain lang pala.
"H-huy!" Saway ko sa kanya, pero huli na kasi nakapasok na siya sa loob ng unit ko at dumiretso pa talaga sa kusina.
Ang kapal din naman ng apog ng isang to.
Yan ang napapala mo Shania, basta-basta lang kasi nagbubukas ng pintuan, kaya ayan tuloy may nakapasok na asong may makapal na mukha. Please do remind me next time to look and check on the peephole first before opening the door. Lord, diba sabi ko, ayaw ko muna siyang makita ngayon?
Inilagay ko muna sa vase dun sa sala yung rose na bigay niya. Mamaya ko na yun dadalhin sa kwarto.
Sinundan ko na lang siya sa kusina. Ano pa nga bang magagawa ko diba? Alangan namang itataboy ko palabas at huwag pakainin ang namamalimos, kawawa naman. Grrr..
Naabutan ko siyang nakaupo na at may plato ng may lamang pagkain sa harap niya. Ang bilis ah! Hindi naman ata siya gutom niyan.
"Kain tayo." Aba! Kusina mo to, ha? Kusina mo?
Kumuha na lang rin ako ng pagkain ko at nagsimula ng kumain habang panaka-naka kong tinitingnan itong taong naligaw sa kusina ko.
Nakasuot siya ng black v-neck shirt at isang khaki shorts and nakaslipper lang siya. But still, he looks good as always. Kahit nga siguro gutay-gutay na damit ang suotin niya ay bagay pa rin sa kanya. Ang maging isang gwapong pulubi.
"Done checking me out?" Sita niya habang nasa pagkain pa rin yung focus niya.
Napansin niya pala. Malamang, but I'm not checking him out. Slight lang.
"Hoy! Wala ka bang sariling kusina sa unit mo at nakikikain ka dito?" I changed topic.
"Meron. Tinatamad ako magluto e." Naks! Tinatamad magluto. I wonder kung ano bang kinakain niya sa araw-araw gayung tamad pala siyang magluto. O baka puro take outs lang kinakain niya.
Aish! Pake ko ba!
"Bakit may magagalit ba?" Napatingin ako sa kanya ng may expressio'ng 'what do you mean look'.
"May magagalit ba? I mean boyfriend mo. Baka may boyfriend ka." Ah, yun pala yun.
Well, wala naman. Kasi alaws naman akong boyfriend.
"Wala." Simpleng sagot ko bago ako uminom ng tubig.
"Nice. So pwede pa lang dito na ako titira. Makikipag-live in nalang ako sayo." Awtomatikong nabuga ko ang tubig na nasa bibig ko dahil sa sinabi niya.
Mabuti na lang at hindi napunta sa kanya yung tubig. Tangono naman kasi eh! Anong makikipag- live in pinagsasabi nitong taong to.
"Naka-drugs ka ba?" Aba, tinawanan niya lang ako. Kaloka!
"Saan pa ako nun, may tagaluto na ako kapag dito ako titira kasi tamad akong magluto para sa sarili ko. Pwede ring may tagalaba na ako, kasi hindi ako mahilig maglaba. Plus, may instant wife pa akong maganda. Oh, dibah?" Pagpapaliwanag niya na diretsong nakatingin sa mga mata ko habang prente lang na nakasandal sa upuan.
Nak ng? Could he please take his gaze away from mine? Bumubilis na naman ang tibok ng puso ko eh. Ang lalim nung tingin niya, na para bang hinahalungkat niya ang kung anumang tumatakbo ngayon sa kaibuturan ng isipan ko. At ano kamo? Instant wife? Ako? Oh, Lord. Please, sana totoo. I mean.... Wala pala akong sinabi.
"Ah-eh...." Damn! Nangangapa ako ng salitang sasabihin.
"HAHAHAHAHAHAHAHA! Syempre, joke lang yun. Ang seryoso mo naman, Raine." Agad-agad kong iniwas ang paningin ko sa kanya.
Ang sarap lang kasi sa mata at sa tainga nung tawa niya. Nakakagaan ng loob at ayaw kong masanay. At joke lang yun. Syempre, joke lang yun. Pero bakit parang nadismaya ako? Ewan.
"Teka, Raine?" Baling ko sa kanya.
"Oo, Raine. Ang haba kasi ng Lorraine eh. Kaya, Raine nalang. Para cute, tulad mo." Nakangiti na naman niyang turan sabay kindat.
Pafall.
Napapangiti na lang ako sa mga pinagsasabi niya. Hooooh! Cute daw tulad ko. Pakshet! Kinikilig na naman ako.
Ano ba talagang tinira ng Stephen na'to at naging ganito siya ka playful ngayon? Parang naluluwag ata turnilyo ng utak niya. O sadyang ganito lang talaga siya dati pa, ngunit hindi ko lang alam kasi never naman talaga kaming nagkasama dati. Not even once.
"Oh, inlove ka na sa akin niyan?"
"H-huh?" Anong inlove na naman pinagsasabi niya?
"Titig na titig ka sa akin eh. Baka lang naman nahulog ka na, sabihin mo lang sasaluin kita." Nakangiti na naman niyang sabi na may nang-aasar na tingin sa akin.
Nahuli na naman niya ako. Tinitigan ko na naman siya? Teka, hindi naman lahat ng tumititig sa taong tinititigan (ano raw?) nila ay inlove na. Baka naman kasi may dumi lang sa mukha, kaya natitigan.
Pero sa kaso niya, wala naman siyang dumi sa mukha, so baka nga. The heck? Ako mahuhulog sa kanya? Never! Not again.
Tsaka, sasaluin? Sure ba?
Diyan naman magaling ang mga lalaki e, ang lakas magpakita ng motibo. Ang lakas magpahulog sa tao, kunwari sasaluin ka pa sa una. Pero kapag hulog ka na, ayun deadma ka na lang.
Halimbawa, sa crush mo. Palage kayong tinutukso ng mga kaklase niyo, tapos siya na halata namang walang gusto sayo ay pangiti-ngiti lang. At ikaw naman tong si tanga, umasa. Akala mo ayos lang sa kanya na tinutukso kayo, umaasa kang baka naman may crushback na mangyayari. Hulog na hulog ka na mga bes, dahil sa kakaudyok ng mga kakalase mong baliw. Pero sa huli, nganga ka pa rin. Anong napala mo, wala. Kasi hindi ka naman crinushback.
In short, pinaasa ka lang. Mashakit ang umasa. Hindi lang naman yung mga lalaki, meron din namang mga babaeng paasa. Kyahhh! Peace tayow mga kaibigan! Haha! Kaya ako, hindi ako basta-basta umaasa, sisiguraduhin ko muna kung may pag-asa bang talaga. Ganun!
Ayan, natulala ka na naman sa kagwapuhan ko. Aish! Crush mo 'ko Raine, no?" Napakurap ako ng dalawang beses dahil sa mga salitang lumabas sa bibig niya na wala namang katuturan.
Siya, gwapo? Ha? Well, I won't deny that part. Gwapo naman talaga siya. Crush ko nga siya dati e. Pero dati yun, hindi na ngayon.
"Assuming ka, mister. Sa mesa ako nakatingin hindi sayo." Palusot pa, Shania.
"Nice. Mukha na pala akong mesa ngayon. Hahaha! It's fine. Atleast ba tititigan mo ako palagi." Bahagya akong napaatras when he lean forward infront of me, kahit wala naman akong maatrasan kasi nga nakaupo pa rin kami pareho.
Pero, shet na malagket! Ang lapit-lapit ng mukha niya sa mukha ko. Para akong naso-suffocate bigla. Nakatitig lang ako ng mariin sa kanya. Kay gwapong lamesa naman itong nasa harapan ko. Ang harot, Shania.
"Kukunin ko lang plato mo, Raine. Maghuhugas ako." Sayang naman.
I mean sayang naman siya yung maghuhugas. Gets niyo? Ako hindi eh! May palapit-lapit pa kasi sa mukha kong nalalaman eh, kukunin lang naman pala yung plato. Duh? Pwede niya namang abutin yun without leaning closer infront of me.
Buang na.