Chereads / Fool, Frail Heart [ Tagalog ] / Chapter 4 - CHAPTER THREE [ Part 1 ]

Chapter 4 - CHAPTER THREE [ Part 1 ]

Pagod at paika-ika akong pumasok sa loob ng elevator.  Mabuti na lang talaga at may nakita akong tricycle kanina, kundi, siguradong gumagapang na ako ngayon pauwi.

The moment I heard the ting sound of the elevator, indikasyon na nasa tamang floor na ako. Lumabas na ako ng elevator at paika-ika pa ring naglakad patungo sa unit ko. Napasandal muna ako saglit sa labas ng pintuan ko. Enduring the pain of my sprained ankle, bago ako tuluyang pumasok sa loob.

"Shit!" I uttered nang tuluyan na akong bumagsak sa bungad pa lang ng pintuan ko.

"What the hell, Shania! What the fvck happened to you?" Nagulat ako ng marinig ko ang naghuhuramentado, yet puno ng pag-aalalang sigaw ng bestfriend ko. She's here.

Inalalayan niya akong tumayo tsaka pinaupo sa sofa.

"Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Alam kong tanga ka, kaya alam ko ring mapapahamak ka! At hindi nga ako nagkakamali! Gaga ka talaga!"

Exaggerating akong humawak sa may bandang puso ko.

"Aray, ha! Makatanga naman to."

"Aray! Patricia, ah! Nasasaktan na nga yung tao, dinagdagan mo pa!" Reklamo ko habang hinihimas-himas ang batok ko. Binatukan ba naman ako, I'm hurt already, dinagdagan niya pa. What a great friend it is!

"Deserve mo yan, bruha ka! Pinag-alala mo 'ko." Inirapan ko lang siya as a response. At the same time, I felt sorry for her kasi pinag-alala ko siya.

"I'm not a kid anymore. I can handle myself!" Pagmamaktol ko sa kanya.

"Nyenyenye! Bumagsak ka nga e, pano kung wala ako dito? Ano? Pano ka kikilos, gagapang-gapang ka na parang ipis dyan sa sahig? At ano? You can handle yourself? Kilala kita Shania, pinagpipilitan mong kaya mo kahit hindi naman talaga." Here comes inang Patricia with her rap.

She's quite had a point. I didn't know kung bakit bigla nalang akong natahimik sa sinabi niya. It's not that nasasaktan ako sa mga pinagsasabi niya, kasi totoo naman talaga.

A scene earlier with Stephen pops out in my mind.

"N-no I can manage!"

"You know to yourself that you can't. Pero pinilit mo pa ring tumayo. I even insisted to help you up, but you refused. Okay ka lang ba?"

I keep on insisting to myself na kaya ko. Na kaya ko ang sarili ko, but hell! I can't!

"Oh, natulaley ka na dyan?" Umupo si Patricia sa tabi ko't pinitik ako sa ulo. Bago niya pwersahang hinila yung paa kong natapilok, dahilan kung bakit ako napadaing ng malakas.

"Damn!" That hurts!

"Hehe! Sorry bruha! Labyou! Lalapatan ko lang to ng first aid method ha? Pero pag lumala pa to, sasamahan na kita sa doctor." I just stare at her while she was busy dabbing a towel with a lukewarm water on my ankle. I'm so lucky to have this bruha as my bestfriend.

"Gaga?" Tawag ko sa kanya.

"Oh?" She responded, still busy on treating my ankle.

"Sorry for being a burden to you, and for causing you trouble." She stares at me intently this time, confusion was visible in her eyes

Though, she didn't make me feel like one, but I still feel like I am for me. When I was still in States for the past years, she always messaged me, checking me if I'm okay. Halos araw-araw din siya kung tumawag checking me if I'm doing fine. Kung inaalagaan ko ba yung sarili ko, kung kumain na ba ako at kung anu-ano pa. Dinaig niya pa si Mommy kung mag-alala

"You. Are. Not. A. Burden. To. Me. We're bestfriends Shania, kaya sino pa ba ang magdadamayan sa isa't isa kundi tayong dalawa. Also, you're a sister to me, wag mong isiping isa kang malaking abala sa akin. That's not true! I love taking care of you, aright?" She hugged me so tight, a sweet sincere smile incise on my lips. Oh, how I love this girl.

"Hala, umiiyak ka ba?" Sita ko sa kanya nang marinig ko ang marahang pagsinghot niya.

She let go of the hug at kunwaring nagpapaypay sa mga mata niya. She cried. May taksil na luha pang dumaloy sa pisnge niya eh.

"Hindi ah! Napuwing lang. Hehe!" Asus. Ayaw pa aminin.

"Sige, kunwaring naniniwala ako." Tumatango-tango kung tugon sa kanya.

"Take a rest, bruha. Ipahinga mo yang paa mo. Dun sa kwarto mo ba, o dito ka na lang sa sala?" Change topic. Ang hilig niyang mag-change topic e.

"Nah! Dito nalang."

After she help me laying down on the sofa comfortably ay nagtungo siyang kusina. Ngayon ko lang naramdaman lahat ng pagod na natamo ko sa araw na'to. And I dozed off to sleep.

Nagising ako sa pagbukas-sara ng pintuan at dahil na rin nakaramdam na ako ng pangangalay, since one position lang akong natutulog sa sofa. Kapag gumalaw ako, bagsak ang kalalabasan ko.

May nahagip na parang metal na bagay ang isang kamay ko sa may bandang gilid ng sofa.

Saklay?

Ginagawa na akong pilay ng bruhang yun ah.

Dahan-dahan akong bumangon at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig, gamit ang saklay na iniwan ni Patricia. Ewan ko kung saan niya nakuha to.

Pagpasok ko sa kusina, unang bumungad sa akin ang nakahandang pagkain sa may mesa. Kumuha muna ako ng tubig sa fridge bago ako bumaling ulit sa lamesa. May sticky note pang nakadikit sa plato ko.

Gotta go! Tumakas lang ako sa mga office works eh! Hehe! Eat this, the continue to take a rest after. Labyah!

-Gorgeous Pat

Napapailing nalang ako't napapangiti, ang babaeng yun talaga.

I sent her a thank you message first before I started to eat the food she prepared.

Hindi pa ako nangangalahati sa pagkain ko nang marinig kong may nagdoor bell sa labas ng unit ko. Tsk. Baka si Pat yan, may naiwan siguro kaya bumalik.

I didn't bother to look at the peephole if who's outside, I immediately open the door. I'm certain it's Patricia who's outside.

"Uy, bruha. Did you left somet--" I wasn't able to finish my words when I found out that it isn't my bestfriend who's standing now infront of me.