Chereads / Fool, Frail Heart [ Tagalog ] / Chapter 8 - CHAPTER FIVE [ Part 1 ]

Chapter 8 - CHAPTER FIVE [ Part 1 ]

Papunta na si Stephen sa parking lot dala-dala ang pagkaing tinake-out niya para kay Shania. Dahil medyo natagalan sila sa pamimili kung kaya't hindi na nila nagawa pang kumain ng pananghalian, at tiyak niyang gutom na ang dalaga that's why nagtake-out siya sa isang malapit na restaurant para sa kanilang dalawa.

Ngunit pagkarating niya sa parking lot, biglang nag-init agad ang dugo niya nang makita ang takot, nanginginig, at umiiyak na si Shania.

"Get your filthy hands off her." Ani ng isang malalim at malamig na boses.

By the mere sight of Shania with her tears flowing down her face, he can't help himself but to feel ballistic.

"Huwag kang lumapit kundi sasaksakin ko 'tong babaeng to."

Mariing napapikit si Shania nang maramdamang inilipat ng lalaki ang patalim sa may leeg niya. Ramdam niya ang sakit sa kaunting pagbaon ng dulo ng patalim sa leeg niya.

Stephen placed his tongue at the side of his cheek while massaging the bridge of his nose. Senyales na galit na siya.

Walang sabi-sabing sumugod si Stephen sa lalaking may hawak ng panaksak. Binigyan niya ito ng isang malakas na suntok sa mukha, bago marahang itinulak si Shania papalayo sa kanila.

"Ahhhhhhh!" Sigaw ni Shania ng makitang sasaksakin si Stephen nung lalaki.

But, Stephen's reflexes were so fast, sinalo niya ang braso ng lalaking may hawak na kutsilyo, tsaka ito pinilipit patalikod dahilan ng pagkatapon ng kutsilyo sa sahig. Hinablot niya rin ang isang malaya nitong kamay at kasamang pinilipit sa mismong likuran nung lalaki. Bago niya ito sinipa sa likod ng tuhod nito, para mapaluhod sa sahig. Sakto rin ang pagdating ng dalawang security guards sa gawi nila at kinuha ang nasabing lalaki.

"Pasensya na po, sir."

"It's fine. Siguraduhin niyo lang na makukulong iyang pu*ang*nang yan." Nanggagalaiti nitong saad, pagkatapos ay nilapitan niya si Shania na nakasalampak sa malamig na semento at umiiyak pa rin.

He kneel down infront of her with his one knee touches the ground to lower his level. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na humarang sa pagmumukha ng dalaga tsaka ito inilagay sa likod ng tainga nito at pinahid niya ang luhang nasa pisnge ng dalaga.

"Hey. It's alright. Wala na yung bad guy." Parang batang pag-aalo niya kay Shania.

"S-salamat." Mahinang pagpapasalamat ni Shania na nakayuko at sumisinghot-singhot.

Stephen lifted her chin. Sa hindi malamang dahilan gusto niyang makita ang mukha nito at iparamdam na ayos na ang lahat.

The moment her eyes met his, there's an abrupt unexplainable feeling that grows within him. Isang pakiramdam na matagal na niyang hindi nararanasan. He just shake that emotion off. Pagkatapos ay kinulong niya sa isang mainit na yakap si Shania.

He don't know why he did that. It's just that he still sees fear visible in Shania's eyes. And he wants to efface that fear away. He wants her to feel safe around him, whenever she's with him. He must be crazy right now, but that's how he feel, that's what he wanted.

He was stucked a bit when he felt her embracing him back. His heart is beating peculiarly. A sudden flattery feeling grows inside him. He want her to be that close to him. He want the way her skin touches his. He want the way how she buried her face on his chest.

'Damn! Ano bang nangyayari sa'kin?' sa isip-isip ni Stephen.

Si Shania ang unang kumalas sa yakap, and he silently thanked her at the back of his mind for doing that. Kasi kung hindi, baka tuluyan niya na lang na ikukulong si Shania sa mga bisig niya at hindi na bibitawan pa.

"Let's go?"

"Uhmmm... Y-yeah let's go." He slightly closed his eyes when he stuttered.

When they are already inside the car, silence filled the air. AGAIN. Napagdesisyonan ni Stephen na kakain muna sila sa isang restaurant bago umuwi.

Sa kasamaang palad ay naiwan ni Stephen yung pagkaing binili niya kanina, doon sa parking lot ng mall. He was damn preoccupied back there. Dahil sa labis na pag-aalala at sa biglaang pakiramdam na nabuhay sa kanya.

"Aren't we heading home yet?" Shania asked. Siguro napansin niya na ang daang tinatahak nila ay hindi pauwi.

"Hmmmm.. We'll eat first tapos uwi na." Stephen softly answered.

"O..kayyyy...."

They arrived at one of the fine dining restaurant in the city. Pasado ala una palang kaya medyo hindi pa karamihan ang mga kumakain. Pinaghanap niya ng mesa si Shania para sa kanila at si Stephen ang pumunta sa counter para mag-order.

Palinga-linga lang sa paligid ang dalaga. And Stephen can't help himself but to admire her beauty from afar while slowly walking back to their table after ordering. From her long wavy light brown hair, down to her not so thick eyebrows, matangos na ilong, manipis at parang malambot na labi, and her pinkish white clear skin. Damn! She's a beauty.

Dumako ang tingin ni Stephen sa leeg ni Shania nang marahan itong hawakan ng dalaga. He silently cursed himself when he saw a little bleeding cut on her neck.

Kahit malapit na siya sa table nila, pinili niya pa ring bumalik sa counter.

"Excuse me? Hi." He genuinely greet the staff near the counter.

"Yes po, sir? Ano pong kelangan nila?"

"Ahmmm... May first aid kit ba kayo, or anything na pwedeng pangfirst-aid?" He asked the staff.

"Ay, meron po sir. Saglit lang po ah." Agad na sagot naman nung isang staff tsaka ito tumalikod para kuhanin ang first aid kit.

He waited there for like a minute, good thing at may first aid kit nga sila sa restaurant. Nagpasalamat muna siya sa staff pagkaabot nito sa first aid kit, bago siya naglakad muli sa mesa nila, kung saan naghihintay si Shania.

Hinila ni Stephen yung isang upuan palapit kay Shania. Kasi paano niya naman magagamot yung leeg ng dalaga diba, kung malayo siya.

"U-uy! Anong g-ginagawa mo?" Pagprotesta ni Shania, nagulat sa biglang paglapit ni Stephen.

"Relax. Gagamutin ko lang sugat mo. Don't move. I don't bite." He just said while putting her focused on her neck. habang nakafocus sa leeg niyang may sugat.

Mabibigat ang hininga ni Stephen habang ginagamot niya ang sugat ni Shania sa leeg. Hindi niya kakagatin ang dalaga, pero baka ang leeg nitong napakabango ay makagat niya at sisipsipin ang dugo nito. Para siyang isang bampirang nauuhaw sa dugo at tanging ang dugo lang ni Shania ang makakapawi sa uhaw niya.

Napapalunok tuloy si Stephen ng sunod-sunod at tila ba pinagpapawisan siya ng mainit dahil sa naisip niya. Iniwas niya tuloy ang  paningin sa leeg ng dalaga. Pero hindi niya naman maayos na magagamot ito kung hindi siya nakatingin kaya binilisan niya na lang ang ginawa niya.

'Oh Lord, help me not to lead unto temptation.' sa isip-isip ni Stephen.

He's done eating already. Nakatitig lang si Stephen kay Shania habang hinihintay niya itong matapos sa pagkain. While staring at her intently, a sudden realization flicks in his head.

"By any chance, did we met already before?" He asked out of curiosity. Habang tumatagal kasi ang pagtitig niya sa kanya, parang may nakita siyang familiarity sa mukha ng dalaga.

May dumaang pagkagulat sa mga mata ni Shania nang marinig niya ang biglang pagtanong ni Stephen, na agad ring napalitan ng pagkamangha.

"Just asking. But, don't think about it. It's impossible. At wala naman siya dito sa Pilipinas." Pagbawi naman ni Stephen sa tanong niya. He doesn't want her to feel uncomfortable with him.

"I kinda caused that person so much pain before. At sa pagkakaalam ko ay nasa States na siya eh. Tsaka hindi naman nagsasabi sa akin yung kuya niya kung nakauwi na ba siya rito o may balak pa ba siyang bumalik dito. At imposible rin namang maging ikaw siya." He added before he stood up to pay the bills.