Chereads / KETSUEKI / Chapter 9 - Chapter Eight

Chapter 9 - Chapter Eight

Naglalakad kami ni Kai pauwi galing ng school. Buhat ko na naman ang bag niya, ewan ko ba bakit kailangan pa niyang mag-bag ehh di naman niya binubuksan to, props lang naman ito, pinagod lang ako.

Kasabay naming naglalakad ngayon si Nigel, ewan ko rin bakit kasabay namin siya. Pero di ko naman pagmamay-ari ang kalsada kaya sige na lang.

"Bakit ba kayo naglalakad, ehh may sasakyan naman si Kai," biglang tanong niya.

"Trip trip lang, bakit ba?" pagtataray ko sa kanya.

"Wala nakakapagod kaya maglakad tuwing papsok at pauwi," sagot niya sa tanong ko.

"Ehh sino ba may sabing maglakad ka at sumabay sa amin?" iritang sabi ko.

Tama naman ako, wala naman nagsabing maglakad siya, reklamo pa siya. Wala din namang pumipilit sa kanya.

"Ren, will you talk nicely with him," biglang sabi ni Kai na pinagtaka ko.

Di ko inasahan na sasabihin ni Kai yun.

Is he for real?

Lumapit ako kay Kai at dinama ang noo at leeg niya.

"Wala ka namang sakit Kai, anong nangyari? Di ka naman ganyan dati?" tanong ko sa kanya.

Inalis niya ang kamay ko sa noo niya.

"I'm not sick okay, he's talking to you nicely so you should too," walang ganang sabi niya.

Abnormal na 'to!

Kinampihan pa 'tong si Nigel, pero tama nga naman siya wala namang ginagawa si Nigel. Pero ayoko nga, nabibwisit pa din ako sa kanya.

"Tsansing ka na naman," biglang sabi ni Nigel.

"Hoy, ikaw! tigil-tigilan mo nga yang side comments mo!" inis na baling ko sa kanya.

"Ren, stop," biglang sabi ni Kai.

Sinamaan ko siya ng tingin at kumunot noo na lamang ako. Sa tono niya parang isang utos yun. Kaya wala akong magawa kung hindi ang sundin siya.

"Yes, Master," yun na lang ang sinabi ko.

Sinamaan ko na lang ng tingin si Nigel na ngayon ay naka ngisi sa akin.

Bwisit 'tong abnormal na 'to!

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makasalubong namin sina Papa at kuya.

"Hoy pangit kong kapatid pakidala mo nga 'to." Biglang abot sa'kin ng isang plastic ng groceries.

"Bakit ko bubuhatin 'yan? Matapos mo akong tawaging pangit, ano ka! Saka kita mo may buhat akong bag diba?" inis na sabi ko.

"Makapangit ka diyan, kung pangit ako pangit ka din dahil kuya kita at ikaw panganay sa'yo nagsimula ang sumpa," habol ko pa.

Kita ang pagkainis sa mukha ng kuya ko. Matapos niya ako ilaglag kay Kai akala niya susundin ko pa siya, swerte niya.

"Kayong dalawa, tama na 'yan. Parang sinabi niyo na ring pangit kami ng mama niyo," saway sa amin ni papa.

Nagawi ang tingin ng papa ko kay Nigel.

"Sino siya?" tukoy niya kay Nigel.

"He is my cousin," sabi ni Kai.

"Nigel po," sabi ni Nigel.

Kunwari magalang, Ibato ko kaya 'tong hawak ko sa kanya.

"Ako nga pala si Felton, papa ni Ren."pagpapakila ni papa.

"Aizen bro, ang poging kuya ng pangit na ito." bigla akong inakbayan ni Kuya tsaka kinutusan.

"Aray! Ano ba kuya!" inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at bahagyang lumayo.

Napahawak ako sa ulo ko ko at hinamas ang partenk kinutusan niya.

Sakit nun ahh!

"Gusto mo sa amin na lang maghapunan?" paanyaya ni papa.

Ano daw?

Papa naman ayoko kasama 'to kumain. Sinamaan ko ng tingin si Nigel.

Huwag kang pumayag!

"Sige po, I would love to," ngiti ni Nigel sa papa ko, sabay tingin sa akin tsaka ngumisi.

Putspa!

Isa pa 'tong abnormal, di man lang makaramdam, tss! Wala na akong nagawa, mabilis na lang akong naglakad pauwi ng bahay. Dahil sa inis.

Habang naghihintay maluto ang hapunan kaming apat nila kuya, Kai at Nigel ay nakatambay sa sala.

"Ano ba yang pinapanood mo Seiren," reklamo ng kuya ko.

"Amin na nga yang remote." Sabay agaw sa akin ng remote at nilipat ang channel ng TV sa basketball.

"Ano ba kuya!" sigaw ko sa kanya, at pilit na inagaw ang remote.

"Ang tanda mo na, nanonood ka pa ng cartoons," sita ni kuya.

"Pakielam mo ba kuya? Ako nauna dito," sagot ko sa kanya.

"Mahiya ka nga, nakikita ka ni Kai at ni Nigel." sabi nito.

"Walanghiya talaga ako sorry, tsaka sampung taon na tayong nakikita ni Kai na ganito kaya sanay na yan. At wala akong paki kung ano mang iniisip ni Nigel." Inis na sabi ko sa kanya.

Saka sinubukang agawin ang remote, kaso wala din akong napala.

Abnormal talaga!

Dahil alam kong di ko na maagaw ang remote ng TV tumayo na lang ako mula sa kinuupuan ko at nagpunta sa may kusina. Saktong tapos na din magluto si papa kaya tinulungan ko na lang siyang maghain sa lamesa. Tsaka ko tinawag ang tatlong abnormal na nasa sala para kumain.

Agad naman akong umupo sa pwesto ko. Bigla namang tumabi si Nigel sa tabing upuan.

Napalingon ako sa kanya,at napatingin kay Kai na nakatingin lang din kay Nigel.

Pwesto ni Kai yan ahh.

"Pwesto yan ni Kai," sabi ko sa kanya. Parang wala naman siyang pakielam sa sinabi.

"It's fine, I'll sit here," sabi ni Kai saka umupo sa katabing upuan ni Kuya.

Okay, anong trip ng lalaking 'to?

Samantalang lagi niyang inaangkin ang upuan sa tabi ko.

"Nanaginip ka na naman, nagsawa na si Kai tumabi sayo kasi lagi kang nang-aagaw ng ulam," sabi ng kuya ko na tila nabasa ang iniisip ko.

"Hiyang-hiya naman ako sa katakawan mo kuya," irap ko sa kanya.

"Tama na yang asaran nasa harap kayo ng pagkain," saway ni papa sa amin.

Agad naman kaming tumahimik ni Kuya. Nagsimula na kaming kumain at dahil mabait ako inaabot ko kay Nigel ang kanin at ulam. Paborito ni Kai ang ulam kaya konti lang talaga ang ginalaw ko sa ulam ko dahil balak kong ibigay sa kanya.

"Seiren, di mo ba gagalawin yang ulam mo akin na lang," sabi ni Nigel.

"Ayoko nga, ibibigay ko kay Kai yan favorite niya yan ehh," pagdadamot ko kay Nigel.

"Thanks but I'm full, you can give it to him," sabi ni kai na ubos na ang pagkain sa pinggan.

Huh? Totoo ba?

Nagtataka akong napatingin naman ako sa kanya at tsaka tumingin kay Nigel.

"You heard him," nang-aasar na ngiti ni Nigel.

Kinuha ko ang tinidor ko at tinusok ang ulam ko para ilagay sa plato ni Nigel. Hinawakan ni Nigel ang kamay ko para isubo sa kanya ang ulam. Napakunot na lang ako ng noo sa ginawa niya. Binitawan niya din ang kamay ko nang maisubo ang ulam.

Anong trip nito?

Nakatingin tuloy sa amin si kuya at papa, si Kai naman ay walang pakielam.

Putspa! Di na nahiya!

Ipinatong ko na lang ang tinidor ko sa plato saka umalis doon. Nakapagtataka talaga, humanda ka sa akin mamaya Kai! Nang magpunta si Kai sa sala ay hinila ko siya sa may pinto palabas ng bahay.

"Kai, anong trip mo? Bakit ang bait mo kay Nigel?"tanong ko.

"What do you mean?" pag-mamaang-amaangan niya.

"What do you mean mo mukha mo!" sabi ko sabay sumimangot ako sa kanya.

"Stop pouting it's not cute," sabi niya sa akin tsaka ngumisi.

"Kelan ba ako naging cute sa mata mo. Kapag kami ni Nigel naging close, bahala ka," bulong ko sabay irap ko sa kanya.

"I think it will be better if you become friends and get close," sabi niya.

Ouch!

"Pinagtatabuyan mo na ako ganun?" tanong ko sa kanya.

"Don't take it negatively," sabi naman niya.

"Ganun din yun," sabi ko.

Parang gusto kong magtampo, pero anong point nun.

"It's not."

"Samantalang sabi mo dati wag ako makipag-kaibigan sa kanya, ang gulo kausap," reklamo ko sa kanya.

Bigla na lang sumulpot ang si kuya Aizen at si Nigel sa sala.

"Ano yan? Lover's quarrel," tanong ni Nigel.

Inirapan ko lang si Nigel.

"Mukhang si Ren lang naman ang nang-aaway, kapatid tanggapin mo na kasi na di ka crush ng crush mo," sabi ng kuya kong unggoy.

"Sinong crush sinasabi mo kuya?" tanong ko.

Inginuso niya si Kai, napatingin naman ako kay Kai na nakatingin din sa akin at binalik ang tingin ko sa Kuya.

Isip isip ng ng counter Ren.

Ughhh!

Wala ako maisip.

"Sige imbento pa kuya, haaayy naku!"

Nag-lakad ako pabalik sa loob at nilagpasan sina kuya at Nigel, naisip kong mas mabuti pang tumamabay sa kwarto. At siyempre pra tumakas sa pang-aasar ng kuya ko.

"Ren!" dinig kong tawag ni Kai.

"Ano?" Lingon ko sa kanya.

"I'm leaving," sabi niya.

'Yun lang pala ang sasabihin niya. Di umuwi ka na sa inyo! Tumalikod ako at humakbang paakyat ng hagdan.

"Say something," utos niya.

Ano ba gusto niyang sabihin ko? Na huwag siya umalis? Parang ang layo ng bahay ahh.

"Ingat" sabi ko at kinawayan lang siya habang nakatalikod ako at nagpatuloy sa paakyat ng hagdan hanggang sa makapasok ako ng kwarto. Nahiga na lang ako sa kama ko.

Ano na naman kaya ang trip nun sa buhay. Halos si Nigel na nga lang ang kausap ko tuwing nakatambay kami. Puro nga asaran lang ang ginagawa namin tapos gusto pa niya maging close kami. Ang hirap ispelengin kahit kailan talaga ni Kai, minsan sweet minsan walang pake.

Haay...

Nagpagulong-gulong na lamang ako sa kama, pero dahil di ako makatulog nagdesisyon na lang akong lumabas ng kwarto at pumunta sa sala. Wala ng tao dun ganun na ba ako katagal tumambay sa kwarto ko.

Tanong ko sa sarili ko ng wala akong datnan na tao sa sala.Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa tabi ng pintuan at napansin kong bukas ang pintuan. Lumapit ako dun para isara, malamang nakalimutan na naman i-lock iyon ng kuya ko. May narinig akong naa-uusap kaya sinilip ko kung sino yun.

Pagsilip ko si Kai at Nigel lang pala ang nag-uusap. Na-curious ako kung ano ang pinag-uusapan nila kaya nakinig ako ng mabuti.

"Are you not afraid that I might steal her from you?" dinig kong tanong ni Nigel.

"I won't leave her in your hands if I am," dinig kong sagot ni Kai.

"I think you should be, you don't know what will happen in three days," sagot ni Nigel.

"If it's Ren, there's nothing to worry about. "

"Don't be too sure," parang nagbabantang sabi ni Nigel.

Noon ko lang napagtanto na ako pala ang pinag-uusapan nila.

Wait!

Dahil mabagal ako mag-isip minsan, ngayon ko lang din naintindihan ang pinag-uusapan nila. Aalis si Kai ng tatlong araw at pinapabantayan niya ako kaya Nigel. Inalis ko ang tingin ko sa kanila at nag-isip.

Bakit siya aalis? bakit pa ako kailangang bantayan ni Nigel?

Nang ibalik ko ang tingin ko sa kanila, nagulat ako nang nasa harap ko na si Kai. Nakatingin siya sa akin na parang tinatanong kung anong ginagawa ko dun.

Napakamot na lang ako ng ulo at pilit na ngumiti sa kanya.

"You know eavesdropping is bad," nakataas ang isang kilay na sabi niya.

Napayuko na lang ako sa kanya, Alam ko naman na mali yun. Curiousity kills the cat talaga .

"Can't do anything with that," sabi ko.

"Saan ka ba pupunta?" tanong ko.

"I'll visit my parents," dahilan niya.

Ahhh, 'yun pala 'yun. Ang tagal na rin nang huli kong makita sina tita at tito.

"Don't miss me that much," bilin niya.

Napatingala ako sa kanya at kinunot ang noo ko.

"Don't argue with that," utos niya.

"I'll miss you too," dugtong pa niya.

Pagkatapos niya sabihin yun he tapped my head like a cat.

Heto na naman siya...

Nakatingin lang ako sa kanya nang biglang may umubo, pagtingin ko ay si Nigel lang pala iyon.Inalis na ni Kai ang kamay niya sa ulo ko.

"I'll be going, be good while I'm gone my dear slave," paalam niya.

Napatango na lang ako sa kanya.

"Goodnight," paalam ko.

Tumalikod na siya at naglakad paalis sumunod naman sa kanya si Nigel.

< End of Chapter 8 >