Ren
Matapos ang insidente nung nakaraang birthday Nigel ay tila nag-iba ang ihip ng hangin. May kakaibang nangyayari kay Kai.
"Ren, let's go,"aya sa akin ni Kai para mag lunch.
Sanay na ako sa pagiging tahimik niya. Ganun talaga siya noon pa man pero ngayon kahit andito siya pakiramdam ko ang layo ng iniisip niya. Di ko maiwasang mag-alala para sa kanya.
Tahimik kaming kumakain sa canteen nang biglang dumating si Nigel.
"Pwede maki-upo?" tanong niya.
Di pa kami nakaka-oo ni Kai ay naupo na siya sa tabing upuan ko. Okay lang naman sa akin na andito siya. Medyo napalagay na rin ako sa kanya buhat nung naiwan kaming dalawang magkasama.
"Anong ulam mo?" tanong niya sa akin.
"Menudo," sagot ko.
"Pahingi ako," sabi niya bahay kuha sa ulam ko at sinubo gamit ang kutsura.
"Ay pumayag na ba ako?" pahaging ko.
"Sige iluluwa ko na lang." Napangiwi ako sa sinabi niya, ang baboy din niya minsan eh.
"Kadiri," pigil ko sa kanya.
"Arte, akala mo naman maganda," tatawa-tawang parinig niya.
"Bakit maganda lang may karapatan mang-diri? Kailan pa? Kumain ka na nga lang!" utos ko sa kanya.
Kahit nakikipag kulitan ako kay Nick ay sinisipat ko pa rin ng tingin si Kai na seryoso lang na kumakain. Pagkatapos niyang kumain ay inayos niya ang pinagkainan niya at inilagay sa tray. Nakatingin lamang ako sa kanya. Di pa ako nangangalahati sa kinakain ko ngunit siya ay tapos na. Akala ko ay hihintayin niya akong matapos, ngunit bigla na lamang siyang tumayo dala ang tray niya pabalik sa counter.
Aba! Balak pa akong iwan? Akala mo walang kasama ehh.
Sumubo lang ako ng isa pang kutsara ng kanin at ulam, tsaka ako tumayo.
"Diba gusto mo ng ulam ko? Sa'yo na," sabi ko ka Nigel tsaka ko sinundan si Kai.
Grabe! Ang bilis niya kumilos!
"Kai!" tawag ko sa kanya ngunit tuloy tuloy lang siya sa paglalakad, animo'y walang naririnig.
Dumiretso siya sa locker niya. Kinuha ang toothbrush niya, kinuha ko na rin ang akin. Naglakad siyang muli papuntang CR.
Nakakainis!
Di ko na siya pwedeng sundan sa loob kaya nag toothbrush na lang ako, isang mabilis lang. Nag abang ako sa paglabas niya ngunit limang minuto na ang nakalipas ay wala ni anino niya ang lumabas.
"Martin, nasa loob pa ba si Kai?" tanong ko nang makita ko ang isa naming classmate palabas mula rito. Nagtataka siyang napatingin sa akin, ngayon ko lang kasi siya nakausap.
"Wala, ako lang ang tao sa loob," sagot niya saka umalis.
Tinataguan ata ako ng damuho.
Bumalik ako sa aking locker baka makita ko siya roon, ngunit di ko pa rin siya nakita. Kung kelan naman may three hours vacancy kami ngayon saka pa niya ko paghahanapin. Baka nasa library siya at natutulog? Agad akong naglakad papunta sa library at hinanap siya baka sakaling andun lang siya sa lagi naming pinupwestuhan. Mali na naman ako, wala siya roon.
Paano ko hahanapin ang lalaking iyon?
Naupo na lang ako sa bench sa mini park sa loob ng campus namin.
Ano bang klaseng parusa ito? Ano ba kasalanan ko sa kanya?
Kapag nakita ko siya manghihingi ako ng premyo. Muli akong tumayo at naglakad para hanapin si Kai. Kahit alam kong di siya tatambay sa gym ay nagpunta ako baka sakaling nakahanap siya ng magandang pwesto doon para tulugan. Pagdating ko doon ay saktong may naglalaro ng basketball.
Iginala ko lamang ang paningin ko sa mga nanood di ko namalayan ang parating na bola sa mukha ko. Napa upo ako dahil sa lakas niyon. Para akong nasapak sa lakas ng pagkakatama sa akin. Tumakbo naman papunta sa akin ang ilan sa mga naglalaro. Medyo nakakahilo pala ang matamaan ng bola sa mukha, ngayon alam ko na ang pakiramdam. Inalalayan ako ng isa sa kanila para makatayo.
"Miss okay ka lang ba?" tanong ng isa sa kanila.
Malamang hindi? ikaw kaya taaman ng bola sa mukha?
"Okay lang," pagsisinungaling ko.
"Miss dumudugo ilong mo," sabi ng isa pa turo sa ilong niya.
Napahawak ako sa ilong ko, pagtingin ko sa kamay ko ay may dugo nga. Pinilit kong punusan iyon ng kamay ko ngunit di ito tumigil.
"Miss dadalhin ka namin sa clinic," alok ng isa pa. Naasiwa ako dahil dinumog nila ako.
"Hindi, okay lang ako kaya ko na sarili ko," tanggi ko sa kanila. Tumayo ako sabay karipas nang takbo palabas ng Gymnasium. Nakatingala akong nagtatakbo, napapatingin naman sa akin ang mga nakakasalubong ko.
Literal na duguan ako. Nice! kung kelan pa talaga ako nakaputi! Mabilis ang bawat hakbang na ginagawa ko patungo sa clinic. Binuksan ko ang pinto at sumilip ako sa loob bago tuluyang pumasok.
Paano ko patitigilin ang pagdugo ng ilong ko?
Wala ang nurse doon. Pumasok muna ako sa CR para tignan ang itsura ko. Sobrang dami ng dugo ang nagkalat sa mukha ako. Hinugasan ko ang kamay at mukha ko. Dumadaloy pa din ang dugo sa ilong ko papunta sa bibig ko na may tama rin pala. Muli ko iyong hinugasan at tumingala na ako bago lumabas ng banyo.
Putspa!
Napitlag ako nang makita ko si Kai sa loob ng clinic. napatayo ako ng maayos. Kung alam kong andito siya, sana kanina pa ako nagpabato ng bola sa mukha.
May mali sa kanya. Nakatitig siya sa akin, nakakalikabot ang titig niyang iyon. Nakatingin lang siya sa akin na parang sasakmalin ako anumang oras.
"Anong ginagawa mo rito? Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?" tanong ko sa kanya.
Ngunit di niya iyon pinansin, at naglakad palapit sa akin. Kinakabahan ako sa hindi ko malamag dahilan. Napalunok na lamang ako, sa sobrang katahimikan ay naririnig ko na ang tibok ng puso ko.
Di hamak na mas matangkad sa akin si Kai, bahagya siyang yumuko upang magtapat ang mga mukha namin. Nagtataka ako sa kilos niya, Di ko maiwasan ang mapatingin sa mga mata niya at napansin kong tila nag-iba ang mga kulay nito. Baka guni-guni ko lang iyon dahil sa nawalang dugo sa akin. Aatras sana ako ngunit agad niyang hinawakan ang braso ko hinatak palapit sa kanya at siniil ng halik ang aking labi.
Putspa!
Parang gusto ko na lang takasan ng hininga. Para akong tuod na nakatayo habang inaangkin niya ang labi ko. Masyado itong biglaan na tila di maproseso ng utak ko ang nagyayari. Gusto kong lumayo sa kanya ngunit agad niyang hinatak sa bewang at ang isang kamay ay nilagay niya sa aking batok. He was a bit rough na tila sabik na sabik. Unti-unti na akong nalulunod sa ginagawa niya, I decided to close my eyes, and answered his kiss. Bigla na lamang siyang humiwalay sa akin. Napa atras ako sa ginawa niya. Nagulat na lang ako nang punasan niya ang kanyang bibig. saka ko lang naalala na duguan pla ang labi ko.
Waahh!! Duguan ako tapos hinalikan niya ako, di ba nakakadiri yun!
Nagmadali akong pumasok sa banyo at nilock iyon.
Putspa! Anong gagawin ko? Kalma lang Ren!
Pinunasan ko ulit ang kamay at mukha ko. Napatingin na lamang ako sa sarili kong repleksyon. Napahawak ako sa labi ko at inalala ang ginawa ni Kai. Kanina pa ako sa banyo ngunit ngayon ko lang napansin na may tissue doon. Kumuha ako ng isang piraso hinati tinupi tupi at inikot ikot saka ko isinuksok sa ilong ko para mag tigil na ito sa pag durugo.
Binuksan ko ang pinto ng CR at sinilip kung naroon pa si Kai. Nakahinga ako ng maluwag nang di ko siya makita. Nang tuluyan akong makalabas ay saka ko siya nakitang naka upo sa isang kama roon. Di ko alam ang gagawin ko, lalapait ba ako sa kanya o hindi. Nakaka asiwa lang kasi.
"I'm sorry," sabi niya di siya makatingin sa akin ng diretso.
Bakit siya ngsosorry dahil bigla na lang niya akong hinalikan?
"Ahh, okay lang 'yun," alangan na sabi ko.
"Please forget about what I did," sabi niya.
Ano yun hahalikan mo ako, tapos sasabihan mo akong kalimutan ko yun? Naka inom ba siya?
"I'm sorry if I let my emotions get the best of me. I don't want to disrespect you. You're my bestfriend," hingi niya ng tawad.
Ewan ko, pero para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.
Oo nga pala, bestfriend niya ako.
Pinilit kong ngumiti saka ko siya tinanguan, pilit kong tinatago ang tunay kong nararamdaman.
"Ano nga pala ginagawa mo dito?" pag-iiba ko ng usapan.
"I heard you were heading here," paliwanag niya.
"Kanina pa kita hinahanap, saan ka ba nagsusuot?" tanong ko ngunit di niya ako sinagot.
"What happened?" tanong niya.
"Ahh ito ba?" turo ko sa ilong ko.
"Nagpunta ako sa Gym, may naglalaro ng basketball ayun sapul sa mukha ko," paliwanag ko habang tinatwanan ang sarili ko.
"What exactly are you doing there? I thought you were with Nigel."
"Hinahanap kita, tinataguan mo ko eh. Kasalanan mo 'to," paninisi ko sa kanya.
"I'm sorry," hingi niya ulit ng tawad.
Tila nakonsensya ako sa ginawa ko.
"Nagdrama lang ako sineryoso mo naman. Wala ehh prinsesa ng sablay 'tong best friend mo ehh," bawi ko.
"Would you like to lay in bed?" tanong niya sakin.
"Hindi h'wag na," tanggi ko.
"I think you should, our that won't stop bleeding," tukoy niya sa ilong ko.
Lumapit na lang ako sa kinauupuan niyang kama, saka naman siya tumayo. Napansin kong may bahid pa din ng dugo ang labi niya.
"Mag-cr ka muna kaya, ang dungis mo," sabi ko sa kanya habang humihiga.
Tila naintindihan niya naman ang ibig kong sabahin. Pagpasok niya sa banyo ay napabuntong hininga na lamang ako habang nakatingin sa kisame.
Paano ko basta kakalimutan na hinalikan niya ako? Iba iyon sa aksidenteng pagkakahalik ko sa kanya noon. Nakakadismaya lang, akala ko may pagasa nang madevelop siya sa akin. Napangisi na lamang ako sa naisip ko. Di ko namalayan na naka idlip na pala ako. Pag gising ko ang nadatnan ko lamang doon ay ang nurse. Umupo ako at sinipat ang relo ko.
Hala! Maguuwian na!
Agad akong tumayo sa kama, at tinanggal ang tissue nakasuksok sa ilong ko.
"Okay ka na ba?" tanong sa akin ng nurse. Nagthumbs up ako sabay karipas ng takbo sa locker. Doon ko nadatnan si Kai na buhat ang bag ko. Nilapitan ko siya at inabot niya sa akin ang bag ko.
"You missed a quiz," sabi niya sa akin.
"Hala!" sigaw ko.
"I'm just kidding," bawi niya din agad tsaka niya ako nginisian.
Madalas akong mainis sa ngisi niya, pero ngayon ay nalulungkot ako. Tingin ko ay okay na siya ulit. Sana ako rin maging okay lang.
"Don't you have a spare shirt?" tanong niya sa akin.
"Wala," alam ko namang may bakas pa rin ng dugo ang damit ko.
Muli niyang binuksan ang locker niya at kinuha ang isang PE shirt niya tsaka hinagis sa akin.
"Get change, and say goodbye to your shirt I don't think you can remove the blood stain." sabi niya sa akin. Sinamahan niya ako papunta sa CR. Pagpasok ko ng cubicle ay inamoy ko ang PE shirt niya. Baka lang amoy amag na sa loob ng locker niya. Infairness amoy fabric conditioner pa rin ito. Kahit ayaw kong kiligin ay kinikilig ako. Nakita ko ang repleksyon ko sa salamin na nakangiti. Bagay sa akin ang tshirt niya.
Parang baliw!
Sinampal ko ang dalawang pisngi ko para magising sa imahinasyon ko.
Hoy! Bestfriend ka lang! H'wag ka magpantasya!
Lumabas na ako ng CR nang nahimasmasan na ako.
Andun pa rin si Kai nakasandal sa railings nakahalukipkip habang malayo ang tingin. Napatingin siya sa akin saka siya tumuwid ng tayo at nagsimula na kaming maglakad palabas ng campus. Kung dati ay sobrang daldal ko tuwing pauwi ngayon ay tila pareho kaming walangkibuan. Nakaka asiwa ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Akin na lang 'tong tshirt mo ha," basag ko sa katahimikan.
"Okay," tipid niyang sang-ayon at muli na naman kaming binalot ng katahimikan.
Haay...
Nakarating na kami sa bahay lahat lahat ngunit wala pa rin kaming kibuan.
"I won't be having my dinner here," sabi niya.
Hindi ko na sinubukang tanungin kung bakit. Alam ko naman na umiiwas siya.
"Sabihan ko na lang si Papa," sabi ko sa kanya.
"Ingat!" sabi ko bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
Pumasok ako sa kwarto ko at pabagsak kong isinara ang pinto. Tumalon ako pagbagsak sa aking kami.
Paano ko iisipin na wala lang ang ginawa niya? Ganun ba kadali yun? Bakit parang ako lang ang affected?
Napabuntong hininga ako muli. Sabagay, ako lang pala may pagtingin sa kanya.
Kainis naman ehh!
Ang bigat sa dibdib, basted pa rin ako. Nang una ko siyang magustuhan ehh na hotseat sa klase tuksuhan.
"Girlfriend mo ba si Seiren?" tanong nang isa namin.
"No, she's my bestfriend and it will always be like that," sagot naman niya.
Ahh, okay.
So eto na naman yung pakiramdam na ako lang yung affected.
Kainis!
Why can't I control these feelings!
Bakit ganun siya?
Bakit ayaw niya akong bigyan ng chance?
Naiyak ako dahil sa sama ng loob. Hulog na hulog na ako sa kanya tapos siya walang balak saluhin ako.
< End of Chapter 11 >